No way. Masyadong coincidental ang lahat. Hindi pwede. How come? Ano bang nangyayari?

 

"Apo?"

 

Napalayo ako bigla. Nagulat na naman ako sa presensya ni Lola. I don't know how to react dahil sa nalaman ko ngayon lang.

 

"Anong nangyari, apo? Bakit?"

"Lola..." pinilit kong ngumiti.  I can't cry. I shouldnt cry. 

 "Wag ka na malungkot ha?" tapos saka niya hinawakan ‘yung ulo ko. Don't cry Aeisha. Wag sa harap ni Lola.

"L-lola, masaya ka ba ngayon?" Napatingin lang sa akin si Lola at alam kong naguguluhan siya sa kinikilos ko. But I need to do this.

"Oo naman, apo. Masaya ako at nakilala ko kayong tatlo. Napakabait ninyo. Para ko na ring kasama yung apo ko—" bigla siyang napatigil sa pagsasalita.

"Apo? M-may apo po kayo?" Nag-pretend na lang ako na hindi ko alam. And besides, it's also a confirmation. So, it's true. Totoo lahat ng sinabi ni Yem.

"Ah. Meron," sabay ngiti niya pero halata naman sa mata niya na nalulungkot siya.

"B-bakit hindi niyo po sinabi sa amin?"

"Pasensya na apo. Ayoko namang idamay pa kayo sa gulo ng pamilya ko. Pero alam mo, sa katunayan, sa eskwelahan ninyo nag-aaral yung apo ko," saka ngumiti si Lola. "Hindi ko sinabi sa inyo dahil nahihiya ako. Pinatuloy niyo na nga ako dito, hihingi pa ako ng tulong. Ako na lang ang gagawa ng paraan para maayos ko yung problema ko," tapos biglang tumingin sa akin si Lola at hinawakan ‘yung kamay ko. "Alam mo apo, kung may gusto man akong hilingin sa'yo, ‘yun ay sana magkita kayo ng apo ko. Sigurado akong magugustuhan ka niya," saka siya tumawa. Pinilit ko na lang ring tumawa. "Pero mukhang malabo na iyon, ano? May prince charming ka na nga pala."

 

Kung alam mo lang, Lola. Yung prince charming na tinutukoy mo, at yung apo mo ay iisa.

 

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya ‘yung totoo ngayon din pero it doesn't feel right. I don't know. Parang...parang ayaw ko rin kasing sabihin. Sa oras na sabihin ko sa kanya lahat, mawawala na siya rito. Ayokong mawala si Lola rito.

 

"Apo, ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala ah?"

"Ah. Sorry po. T-teka lang po ha, may kukunin lang ako," then lumabas ako ng kwarto.

 

Lumabas muna ako ng bahay para makapag-isip. Ano bang gagawin ko? Hindi ko na talaga alam. Kapag sinabi ko kay Lola ‘yung totoo, malaki ‘yung possibility na umalis siya rito at ayaw ko ‘yung mangyari. Alam kong selfish, pero nasanay na ako sa presence niya. Siya ‘yung tumayong nanay namin sa bahay na 'to. For sure ‘yun din ang nararamdaman nina Yem at Aera. Sabi rin naman ni Lola, masaya siya kapag kasama niya kaming tatlo eh. Pero...

 

"Mas sasaya siya kapag nakasama niya ‘yung tunay niyang pamilya." Napatingin naman ako sa nagsalita. "Yun ang iniisip mo ngayon, hindi ba?"

"Yem." Bigla na lang akong yumakap sa kanya. Tapos lahat ng pinigilan kong luha sa harap ni Lola kanina ay sa kanya ko nailabas.

"Don't worry. Ganun din naman ang nararamdaman ko ngayon. I'm just confused as you are."

"Hindi ko na alam yung gagawin ko eh." Binaon ko nalang yung mukha ko sa balikat niya. I'm ashamed of myself. Wala talaga akong kwenta.

"Ano ka ba. Kaya nga nandito ako ngayon, ‘di ba? Para tulungan ka."

"Yem..." lalo kong hinigpitan ‘yung yakap ko sa kanya. Bwisit na babae 'to. Wala na siyang alam gawin kundi paiyakin ako.

"Ano bang balak mo?"

"Hindi ko alam."

"Sige, ganito na lang. Ano bang gusto mong mangyari?"

 

Anong gusto kong mangyari? Maski sa sarili ko, hindi ko na rin alam kung ano bang gusto kong mangyari. Gusto ko lang namang bumalik sa dati ‘yung lahat eh. Gusto kong mawala na lahat ng problema. Gusto kong...gusto kong...

 

"Gusto kong sumaya na ulit."

"Sabi na nga ba ‘yan ang isasagot mo," sabay tanggal niya sa pagkakayakap ko at hinawakan niya yung mga braso ko. "Alam ko namang may lahi kang baliw kaya hindi ka dapat umiiyak! Dapat sumaya ka na ulit!" hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako.

"Siguro nga."

"Pero alam mo, mas sasaya ako kung makikita ko ring masaya ‘yung mga tao sa paligid ko," saka siya ngumiti. Napayuko nalang ako. Alam ko. Alam kong tinutukoy niya si Lola. Yung happiness ni lola.

 

Siguro nga, mas magiging masaya si Lola kapag nakita na niya si Ryde. Mas magiging masaya siya kasama ‘yung totoong pamilya niya. At hindi kami pwedeng makipagkumpitensya dahil hindi naman kami ‘yung totoo niyang pamilya. Wala kaming karapatan para pigilan siya.

 

Ito na rin siguro ‘yung right time para itama lahat ng mali.

 

"Yem, pakisabi naman kay Chris na ‘wag munang sabihin kay Ryde lahat ng nalaman niya."

"Huh? Bakit? ‘Di ba mas maganda na malaman ni Ryde yung to—"

"Please?"

"Okay. Sige, itetext ko siya."

"Thank you Yem!"

 

After niyang i-text si Chris, tumakbo ako sa loob ng bahay then pumunta ako sa kwarto. Nakita ko si Lola na nakaupo sa gilid ng kama at nakayuko. Nung nakita niya ako, nakita kong pinunasan niya ‘yung pisngi at mata niya. Umiiyak si Lola.

  

"Ohh apo. May kailangan ka ba?" nilapitan ko si Lola at niyakap ko siya nang mahigpit. "Apo? May probl—"

"I'll make you happy." Pagkasabing-pagkasabi ko nun, pumunta agad ako kung nasaan ‘yung bag ko at kinuha ko ‘yung phone ko. Tinext ko siya. After nun, kinuha ko ‘yung cap at sunglasses sa damitan ko then nilapitan ko ulit si Lola na masyado na sigurong naguguluhan sa pinaggagawa ko.

 

"Lola, magbihis ka ng maganda. May pupuntahan tayo."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Papasyal lang po. Para naman gumaan ‘yung pakiramdam ko," saka ako ngumiti.

"Ah ganun ba? Oh sige, sasamahan kita. Teka lamang at magpapalit ako." Sumunod naman ako kay Lola tapos tinulungan ko siyang pumili ng damit na isusuot niya. Napangiti na lang ako habang pumipili sa mga damit niya. Puro kasi mga damit na binili namin ‘yung nasa damitan niya, since wala naman siyang dala noon kundi isang bag. After nun, sinuot na niya ‘yung damit na napili niya.

"Lola! Tara po dito! Iipitan kita!" tapos umupo ako sa may kama.

"Talaga apo? Ay sige." Si Lola naman, umupo sa lapag then lumingon pa siya sa akin at ngumiti. "Ang saya siguro kung may apo rin akong babae, ano?" ngumiti na lang ako at pinigilang umiyak. Buti na lang at walang luhang lumabas nung mga panahong ‘yun.

 

After mag-ayos ni Lola, tumayo na siya at lumabas na kami ng bahay. Naabutan ko pang nakatayo doon si Yem at mukhang wala siyang idea sa gagawin ko. Pero mas maganda na 'to, para rin naman 'to sa ikasasaya ng lahat eh. I hope.

 

Naglakad kami papuntang sakayan ng jeep at sumakay sa unang jeep na nakita namin. Nagbayad naman ako agad at tahimik lang na naghintay. Ayoko rin munang makipag-usap kay Lola. Feeling ko kasi, maiiyak lang ako kapag ginawa ko ‘yun.

 

After five minutes, nakarating din kami sa place. Nagpara naman ako agad at bumaba na kami ng jeep. Naglakad kami hanggang sa makarating kami dito sa lugar na 'to.

 

"Nasaan pala tayo, apo?"

"Sa lugar kung saan ka po sasaya," sabay ngiti ko sa kanya. Pero sa totoo lang, gusto ko na talagang umiyak.

"Ha? Ano bang pinag—"

"Lola, dito po muna kayo ha? Bibili lang ako ng pagkain natin. Maupo po muna kayo dyan sa may lilim ng puno."

"Babalik ka ha?" pagkasabing-pagkasabi niya nun, tumulo ‘yung luha sa mga mata ko kaya napatalikod agad ako.

"O-opo. B-babalik ako," saka ako tumakbo palayo sa kanya.

 

Sorry Lola, pero I can't go back.

 

Lumusot ako sa barbed wires at nagtago sa katabing building. Nilabas ko ‘yung phone ko at binasa ko ulit ‘yung text ko sa kanya at ‘yung reply niya.

 

To: Ryde

Let's meet. 4 pm sa tambayan mo.

 

 

From: Ryde

Okay.

 

 

 Nandito lang ako sa second floor ng building. Maya-maya lang din, may narinig akong ingay sa baba. And then, I saw him. Gusto ko siyang tawagin, pero pinipigilan ako ng utak ko. Gusto kong umiyak ulit pero parang wala nang ilalabas ‘yung mga mata ko. Pinilit kong mag-isip nang matino. Binuksan ko ulit yung phone ko at tinext siya.

 

To: Ryde

Pumunta ka dito sa may puno.

 

Then saka ko sinend. Tinignan ko naman siya mula rito sa pwesto ko. Binasa niya ‘yung text at dahan-dahan nga siyang pumunta doon sa may puno. Si Lola naman, nakaupo pa rin doon sa may lilim. Maski ako kinakabahan sa mangyayari. Parang bawat paghakbang ng mga paa ni Ryde papalapit kay Lola, lalong lumalakas ‘yung tibok ng puso ko. Hanggang sa nakarating na siya doon sa may puno. 

 

Hindi siya gumagalaw. Si Lola naman, napatingin doon sa lalaking nasa gilid niya at gulat na gulat ‘yung reaksyon niya.

 

"A-apo? R-ryde apo? I-ikaw ba ‘yan?" biglang tumayo si Lola mula sa pagkakaupo at lumapit kay Ryde. "Apo…" tapos hinawakan niya ‘yung mukha ni Ryde. Umiiyak na siya ngayon, pero nakangiti siya. "Ikaw iyan, hindi ba? R-ryde." Biglang niyakap ni Lola si Ryde habang si Ryde ay hindi pa rin gumagalaw. Ni hindi ko nga alam kung anong reaksyon ng mukha niya ngayon pero nagulat ako nung nag-respond siya sa yakap ni Lola.

 

Pagkakita ko nun, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa masaya ako sa kanilang dalawa, o dahi malungkot ako para sa sarili ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging selfish o dapat gawin ko ‘yung tama. Pero wala na. Pinili ko 'to eh. Wala na akong magagawa.

 

Tinignan ko lang sila doon. Humahagulgol si Lola habang nakayakap lang siya kay Ryde. Hindi ko alam pero naiiyak ako lalo sa nakikita ko kaya napatalikod na lang ako. Tinakpan ko rin ‘yung bibig ko dahil malapit lang ako sa kanila. Napasandal nalang ako sa may pader. 

 

Ryde's gone. Lola Roma's gone.

  

Nagulat naman ako nung nagvibrate yung phone ko. Kahit blurry na ‘yung paningin, pinilit ko pa ring basahin yung text.

 

From: Ryde

Thank you.

 

 

Icoclose ko na sana ‘yung message pero biglang tumunog ulit ‘yung phone kaya napindot ko ‘yung "accept". Pagtingin ko, ‘yung pangalan ni Ryde ‘yung nakalagay. Nasa kabilang linya siya. Gusto kong i-end na ‘yung call pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko rin. Gusto kong marinig ulit ‘yung boses niya. For the last time, I want to hear him.

 

"Nasaan ka?" Pagkarinig na pagkarinig ko nun, nagkandaleche-leche na naman ‘yung mata ko at naglabas na naman ng mga luha. Peste lang. Pero hindi ako nagsalita at tinakpan ko lang ‘yung bibig ko dahil baka marinig niya akong humihikbi. "Hello? Nasaan ka ba ngayon? Gusto kitang makausap. Please—"

 

Bago pa ako tuluyang magbreakdown, tumakbo na ako paalis sa school. I think this is enough. Nagawa ko na ‘yung dapat kong gawin. I want to have a rest, a peaceful rest.