.

.

Chapter 64

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

Nagpunta ako sa lagi kong pinupuntahan kapag may mabigat akong problema. I really feel peaceful here.

 

"Ma. Pa. I'm back," saka ako umupo sa harapan nila. "Sorry po kung lagi na ako dito. Kayo lang po kasi ‘yung masasabihan ko ng mga problema ko ngayon."

 

Nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Matutuwa ba ako kasi nagkita na si Ryde at Lola Roma? O malulungkot kasi wala na si lola Roma sa amin? Alam ko naman na tama ‘yung ginawa ko eh. Pero kasi mamimiss ko si Lola Roma. Nasanay na ako sa presence niya sa bahay. Siya na ‘yung tumayong nanay namin these past few months. Hindi naman ‘yun agad-agad nakakalimutan. Sa kanya ko na lang ulit naramdaman ‘yung pagkakaroon ng magulang. Ayokong mawala ‘yun.

 

Pero ayoko rin namang magpaka-selfish. Alam kong kailangan din siya ng tunay niyang pamilya. Mahal din siya ng tunay niyang pamilya. At hindi naman kami pwedeng makipagkompitensya sa kanila. Mahirap pero we should let her go.

  

Kanina pa nagvivibrate ‘yung phone ko. Puro si Ryde at Yem lang ang laman. Kung hindi texts ay missed calls naman. Ayoko muna silang makausap. Paniguradong babaha na naman ng luha kapag nakausap ko sila regarding this matter.

 

"Mama, n-nawalan na naman ako ng nanay. M-mamimiss ko po talaga...s-si Lola Roma. Bakit ba kasi napakakumplikado ng...ng...sitwasyon ngayon eh." Punyemas. Eto na naman. Iyak na naman. Wala na akong ginawa sa buhay ko kundi umiyak. Hanggang kelan ba ako magiging ganito?

 

Hinanap ko ‘yung panyo ko sa bulsa ko pero wala na dun nung kinapa ko. Ang malas nga naman oh. Baka nalaglag ko sa kung saan nung papunta ako rito. Napansin ko naman bigla ‘yung bimpo sa may likod ng puntod ni Mama.

 

Teka ito ‘yung binigay ni Manong sa akin nung umiiyak ako ah? Kaya pala hindi ko mahanap sa bahay. Naiwan ko pala dito nung huli kong punta.

 

Hinawakan ko na lang ‘yung bimpo at tumulala na naman. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin. Ayoko nang umiyak. Pero hindi ko alam kung paano ko ‘yun sosolusyonan.

 

"Ang hangin dito, ano?"

 

Halos mapalundag naman ako sa gulat nung biglang may nagsalita sa likuran ko. Para pa akong adik kasi sobrang maga ng mata ko. Pagtingin ko kung sino...

 

"M-manong?"

 

Ngumiti lang siya sa akin at tinabihan ako bigla. Hindi naman ako nakagalaw noon. Para kasing may something...ewan. Napatingin nalang ako sa kanya kasi nandito siya. Bakit siya nandito?

 

"A-ano pong ginawaga niyo rito?" 

"Ahh. May dinalaw lang ako," saka siya ngumiti nang malungkot.

 

Naalala ko tuloy bigla yung kinuwento niya sa akin dati tungkol sa mga mahal niya sa buhay. Wala na nga pala ‘yung babaeng mahal niya at ‘yung anak niya. Siguro sila ‘yung dinalaw niya.

 

"Ikaw ba hija? Anong ginagawa mo rito?" sabay tingin niya sa akin.

"Uhm..." tapos tinuro ko ‘yung dalawang puntod sa harapan ko. "Dinadalaw ko po ‘yung mga magulang ko. A-actually, mas tamang sabihin na...sinasabihan ko sila ng problema ngayon." This time, ako naman ang ngumiti nang matamlay.

"Ganun ba? Mukha ngang may mabigat kang problema, hija. Magang-maga ang mga mata mo at mukhang nangayayat ka."

"Hayaan niyo na po. Hindi ko naman ikamamatay 'to."

 

Nagulat naman ako nung biglang humarap sa akin si Manong na parang balisang-balisa, kaya napaharap rin ako sa kanya.

 

"Hija, ang pagpapakamatay ay hindi solusyon sa problema." Pagkasabi nun ni Manong, natawa ako bigla. Mukhang mali yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"Naku po. Hinding-hindi ako magpapakamatay. Bukod sa nakakatakot, ayoko namang takbuhan ‘yung mga problema ko. Tsaka may kapatid pa po akong mas bata sa akin. Paano na lang siya kapag wala na ako? Wala na nga kaming mga magulang, iiwan ko pa siya? Baka bugbugin ako ni Mama at Papa sa langit kapag ginawa ko ‘yun."

 

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa kahit tungkol sa death ang pinag-uusapan namin. Para kasing biglang gumaan ‘yung pakiramdam ko nung kinausap ako ni Manong. At least kasi hindi siya involved sa pinoproblema ko kaya pwede akong magsabi sa kanya ng kung anu-ano.

 

"Napakabait mo talagang bata," sabay hawak niya sa ulo ko. Then after that, parang may nagflash sa utak ko pero medyo blurry. Ano yun?

"Ayos ka lang ba, hija?" Napansin ko na nakatulala na naman ako.

"Ahh. A.yos lang po. Parang may naalala lang akong something."

 

Ewan ko. Para talagang may something eh. Ano ba ‘yun? Pero hindi ko malaman kung ano. It's more like...a familiar feeling. Shet. Ano na bang nangyayari sa akin? Ito ba ang epekto ng walang-sawa kong pagdadrama? Kung anu-ano na ang nararamdaman ko?

Hinayaan ko na lang ‘yun at nag-focus nalang ulit ako kay Manong. 

 

"Manong, sino po pala ang dinalaw niyo rito?" sabi ko na lang kahit alam kong ‘yung anak at ‘yung mahal niya ‘yung dinalaw niya rito.

"Hmm. Yung anak ko." Sabi na nga ba eh. Pero bakit hindi niya sinabi ‘yung first love niya? ‘Di kaya, hindi siya rito nakalibing?

"Ay ganun po ba?"

 

Wala naman na akong maisip na matanong kaya sobrang tahimik namin ngayon at nakatingin lang sa kawalan. ‘Yung tunog lang ng hangin ang maririnig mo. Pero tignan mo nga naman ang pagkakataon oh, bigla na lang nagvibrate ‘yung phone ko na nasa damuhan at nasa gilid ni Manong.

 

"Ano yun?" 

 

Bigla na lang nadaganan ng kamay ni Manong ‘yung phone ko, at sa kamalas-malasang pagkakataon ay nasagot niya ‘yung incoming call.

 

"Nasaan ka ngayon? Please. Sabihin mo."

 

Shet naman Manong. Bakit pati ‘yung loudspeaker, napindot mo? Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng boses niya, nanghina na ‘yung buong katawan ko. 

 

"A-apo? Nasaan ka na ba?"

 

Bigla naman akong natigilan. S-si Lola ‘yun ah? Si Lola Roma ‘yung nagsasalita. Pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya, tumulo na lang bigla yung luha ko. Pano kasi nagccrack na rin ‘yung boses niya. She's about to cry.

 

"Pauline, apo. Mag-usap tayo. Gusto kitang makausap apo...at...at nang mapasalamatan kita sa ginawa mo. Apo—"

 

Pinatay ko ‘yung phone ko saka ako umiyak doon sa harap ni Manong. Ayoko nang marinig ‘yung mga sasabihin ni Lola kasi baka pagsisihan ko ‘yung ginawa ko. Baka gustuhin kong bumalik pa siya sa amin. Ayoko namang mangyari ‘yun. 

 

"Wala akong alam sa mga nangyayari, pero hindi ba mas maganda kung makikipag-usap ka nang maayos?" nagulat naman ako sa sinabi niya. "Hindi ba sabi ko sa'yo dati, ‘wag mo akong gayahin? Na pinatagal ko pa ang lahat bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin ‘yung mahal ko? Mas magandang nagkakaunawaan kayo. Hindi ‘yung ganito na mukhang nagkakasakitan kayo. Tignan mo nga ang sarili mo oh. Umiiyak ka na naman—" hindi ko alam pero bigla na lang akong napayakap kay Manong.

 

Doon na ako umiyak nang malakas. Hindi ko na kasi alam kung ano bang dapat kong gawin. Kakausapin ko ba sila Lola? Pero kasi...

 

"Shh..." naramdaman ko namang hinahagod niya ‘yung buhok ko. Ewan ko pero biglang nabawasan ‘yung bigat ng nararamdaman ko. Eto na naman. Yung familiar feeling na 'to. Then bigla na lang akong nakaramdam na parang basa ‘yung bandang balikat ko. W-wait. Hindi naman umuulan ‘di ba? Wag niyong sabihing...umiiyak rin si Manong? Pero bakit? May dahilan ba siya para umiyak?

 

"M-manong? Okay ka lang ba?" Pero hindi siya nagsasalita at naramdaman ko na lang na humihikbi siya. Bumigat ulit ‘yung pakiramdam ko. Ayoko kasi ng ganito. ‘Yung nakakakita ng mga matatandang umiiyak.

"Salamat. P-parang nayakap ko ulit y-yung anak ko," sabi niya sa akin habang magkayakap pa rin kami. 

"P-po?" Naguluhan kasi ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

 

Bigla naman akong kinabahan. Ano bang pinagsasabi ni Manong? Humiwalay naman siya sa akin bigla at tinignan lang ako sa mga mata.

 

"Tuwing nakikita kita, naaalala ko ang anak ko sa'yo. Magkamukhang-magkamukha kasi kayo. Hindi ba, Paula?" tapos tumingin siya sa puntod ni Mama. Pagkarinig ko nun, halos tumigil ako sa paghinga.

 

Tsaka naman biglang nagflashback sa akin ‘yung picture ng anak niya. ‘Yung kwento niya. ‘Yung dahilan kung bakit siya nandito. ‘Yung familiar feeling.

 

Bigla na lang nanlabo ‘yung mga mata ko. Tinakpan ko rin ‘yung bibig ko dahil humihikbi na ako. Feeling ko ay anytime, magbebreakdown na naman ako. Totoo ba 'to? 

 

Nakita kong umiiyak na rin si Manong at bigla niya na namang hinawakan ‘yung ulo ko. Pagkatapos nun, may nagflash na naman sa utak ko, pero this time hindi na malabo. Naaalala ko na. Kaya pala...kaya pala ganun ‘yung pakiramdam ko.

 

"Naaalala mo na ba ako..." Kahit na hindi ko masyadong maalala ‘yung itsura niya ay alam kong siya ‘yun. "Apo?" Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napayakap ako bigla sa kanya. 

"LOLO!" At tuluyan na akong nagbreakdown.