"Sorry apo. Sorry kung ‘di ako agad nagpakilala sa'yo. Gusto lang kasi kitang bantayan at ayoko namang maging pabigat sa'yo. Pero ngayon, alam kong kailangan mo ng masasandalan. Hindi ba?"

 

Nakayakap lang ako kay Manong ngayon. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Pero...pero masaya ako...na siya ang lolo ko. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Kaya pala ganun ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.

 

Parang matagal ko na siyang kilala.

 

Hindi ko na matandaan ‘yung itsura niya dati dahil dito na rin ako lumaki sa Maynila. Pero nung narinig ko ‘yung mga sinabi niya kanina, bumalik lahat ng nakalimutan ko tungkol sa kanya. Kung paano niya ako kinakantahan at pinapatulog dati. Kung paano niya ako laging pinapatawa. Kung gaano niya ako kamahal.

 

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang nanay mo. Pati pag-iyak niyo, parehong-pareho. Nakakatuwa. Para bang nabuhay ulit siya sa'yo."

"S-siya po ‘yung bata sa picture?" bigla ko na lang natanong habang nakayakap pa rin ako sa kanya at umiiyak.

"Ah, oo."

 

Kaya pala. Kaya pala parang pamilyar yung picture na ‘yun kasi ‘yun ‘yung picture ni Mama nung bata pa siya.

 

"Hindi mo ba pupuntahan si Ryde?"

 

Napabitaw naman ako bigla kay Manong at napatingin sa kanya. Bakit parang alam niya ‘yung mga nangyayari? Nagulat naman ako nung ngumiti siya at ginulo niya yung buhok ko.

 

"Matanda na ako, apo. Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Isang tingin pa lang sa'yo, alam ko na ‘yang pinoproblema mo. At isa pa, naging saksi ang sasakyan ko sa inyong dalawa," tapos biglang ngumiti ng nakakaloko si mano—Lolo. Hindi ko alam pero parang nag-init ‘yung mukha ko sa ginawa niyang ‘yun.

 

"Lolo! Naman eh!"

"Oh ayan! Mas maganda ka kapag hindi ka umiiyak. Oo, ayos lang umiyak pero hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga rason ka pa rin naman para ngumiti at tumawa," tapos inabutan na naman niya ako ng bimpo. "Alam mo, apo, madalas magkaroon ng ‘di pagkakaintindihan ang mag-nobyo kapag hindi nila pinakinggan ang isang side. Palagay ko, hindi lang kayo nagkaintindihan."

"A-ano ba Lolo! Hindi ko naman boyfriend si Ryde!" Lalo lang akong nahiya sa mga pinagsasabi ni Lolo sa akin!

"Ha? May sinabi ba akong kayo ni Ryde ang tinutukoy ko?"

"Lolo!" Pakiramdam ko ay para akong nag-erupt na bulkan. Putek! Lolo ko ba talaga siya?! Para siyang si Yem kung makapagsalita eh!

"Biro lang, apo. Oh sige na, puntahan mo na ang dapat mong puntahan. May sasabihin lang ako kay Paula." tapos bigla akong tinaboy ni lolo doon.

 

Hindi ko tuloy alam kung Lolo ko ba talaga siya dahil ganun niya lang ako itaboy pagkatapos naming magkakilala. Pero matagal naman na naming kilala ang isa't isa. Yun nga lang, hindi ko lang alam na kamag-anak ko pala siya. Napangiti na lang ako bigla nung naalala ko na pinagkakamalan ko pa siya dating creepy old stalker ko kasi laging ‘yung jeep niya ‘yung nasasakyan ko. 

 

Umuwi na lang ako sa bahay. Wala naman akong masyadong ginawa kundi umiyak, pero parang na-drain lahat ng lakas ng katawan ko. Tsk. Sabi ko hindi na ako iiyak ulit pero pakingshet na buhay 'to. Lagi na lang may surprise attack sa akin! Kung anu-anong nangyayari na hindi ko ineexpect. Tulad nalang ngayon.

 

"Ate, nasaan na si Lola?" pambungad na bati sa akin ni Aera sa may pintuan. Umiiyak siya doon tapos si Yem ay nakatayo lang sa may gilid niya at umiling na lang sa akin. Mukhang inexplain niya kay Aera. Umupo ako para ka-level ako ng kapatid ko.

 

"Aera, bumalik na si Lola sa family niya. Kaya dapat maging masaya ka for her. Okay? Malay mo dumalaw ulit siya dito. Sige ka, pag nakita ka niyang umiiyak, ‘di na ulit siya pupunta rito." Bigla naman siyang tumahan at tinakpan niya ‘yung bibig niya para di namin marinig ‘yung iyak niya. Then, tumango nalang siya. Tsaka ko naman naalala bigla si Lolo.

"Aera, bukas aalis tayo, ha? Pupuntahan natin si Lolo." 

"Hoy hoy hoy! Teka, uuwi kayo ng probinsya?! Oy! May pasok pa tayo Poleng! Ano bang pinagsasabi mo?" tinignan ko naman si Yem na parang ngarag na ngarag na. Tinignan ko na lang siya ng mamaya-ko-na-lang-ikukuwento-look at tumahimik na siya doon sa gilid.

"Kaya matulog ka na. Maaga tayong aalis bukas, okay?"

 

Nag-nod naman agad si Aera at bumalik siya sa loob ng bahay na nakatakip pa rin ‘yung bibig niya. Tapos pumasok na siya ng kwarto at feeling ko ay matutulog na rin naman siya. Kaming dalawa na lang ni Yem dito sa labas kaya kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.

 

***

 

“What?! You...you mean si Manong? As in si Manong? ‘Yung matandang driver ang Lolo niyo?!”

"Shh! Wag ka ngang maingay Yem! Mamaya marinig ni Aera eh!"

"P-pero! Totoo ba ‘yan?! Walang halong joke?!"

"Oo nga. Hindi rin ako makapaniwala at first pero siya talaga ‘yun."

 

Nagkwentuhan lang kami doon sa may labas hanggang sa papakin na kami ng lamok. Ewan ko pero namiss ko 'tong feeling na 'to. Ngayon na lang ulit ako nakipag-usap ng normal. Siguro dahil nakatulong rin si Lolo kanina. Syempre, malungkot pa rin ako at wala na si Lola Roma, pero wala naman akong magagawa eh. She's not here anymore. Wala namang mababago kapag umiyak ako nang umiyak. Hindi ko alam kung gaano ako katanga pero ngayon ko lang narealize ‘yun.

 

I should stop crying and I should move forward.

 

Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag nawala ang isang tao sa'yo, wala nang saysay ang buhay mo. Sabi nga ni Lolo kanina, may mga rason pa naman ako para ngumiti at tumawa. And two of those reasons are in this house.

 

 

"So anong plano mo? Papasok ka bukas?" Napatingin naman ako kay Yem at parang siya naman ang biglang sumeryoso. 

"Oo. May dapat pa akong gawin."

"Huh? Ano yun?"

"I need to know the whole story. Ewan ko pero feeling ko, may mga hindi nagtutugma-tugma. Hindi ko mabuo ‘yung mga pangyayari. Gusto kong kausapin lahat ng taong involved."

"Even Ryde?"

"O-of course." Napayuko na lang ako. Pano ko ba siya kakausapin? Eh ni hindi ko nga magawang tignan o pakinggan siya eh.

"Hoo! At nagbabalik ang iyong Ryde-face! Namiss ko ‘yan! Ang iyong namumulang mukha kapag nabanggit ang pangalan niya!"

"Ay naku Yem tigil-tigilan mo nga ako!" Sabi na eh! Feeling ko talaga si Yem ang apo ni Lolo at hindi ako! Magkaugali sila, in and out!

"Joke lang! Eto naman! Ngayon ka na nga lang naging normal tapos susungitan mo pa ako! Hmp!" tapos tumayo siya at nag-walkout.

 

Ay? May ganun? Anong arte ngayon ni Yem? Nagulat naman ako nung tumigil siya sa pagpasok sa kwarto at humarap ulit sa akin.

 

"Advice lang Poleng na mahal si Ryde." At ano namang klaseng pagtawag yan?! "Kung gusto mong malaman ang story, I think you should start with that impaktitang bruhildang panget na Serene. Feeling ko kasi may alam din siya sa mga nangyayari kahit nakakabwisit ‘yung pagmumukha niya. Good night!" saka siya pumasok sa loob. Pero nagulat ako nung bigla ulit bumukas ‘yung pinto. “Oh, and welcome back sa pagiging normal.” 

 

Gaga talaga yun! Muntik na akong atakihin sa puso!

 

Pero for the first time, napangiti ako. It felt like a long time ago nung huli akong ngumiti nang ganito. I hope, magtuluy-tuloy na 'to. Pero mukhang walang ngiting makikita sa mukha ko bukas. Dahil bukas, kakausapin ko si Serene.