Maaga akong umalis ng bahay. Himala nga at nagising ako ng maaga samantalang parang kinagat ng buong angkan ng ipis sa bahay namin ‘yung mata ko. Mukha tuloy akong Chinese ngayon. 

 

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng mangyari ngayong papasok ako. Duh? Paano ko naman haharapin si Ryde? Si Daniel? Si Serene? Si Chris? Ugh! Bakit ba kasi nagkanda-buhul buhol ang mga landas namin! Tapos sisimulan ko pa sa bruhildang Serene na yun. Tsk.

 

"Hey."

"Hmm?"

 

Nagulat naman ako nung narealize ko na si Ryde pala ‘yung nasagot ko. Hindi ko man lang napansin na nasa likod ko pala siya. Ang tahimik niya talaga gumalaw! Kainis na Ryde—Shet si Ryde!

  

My body acted on its own. Bigla na lang akong napatakbo ng sobrang bilis papunta doon sa terminal ng jeep. Phew! 

 

"Oh, apo? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Pagtingin ko, nasa harapan ko na pala yung jeep ni Manong...I mean...Lolo ko nga pala siya. Good timing!

"Pakiandar na po ng jeep! Please! Full speed!" saka ako tumakbo papasok ng jeep at todo pilit ko kay Lolo na paandarin ‘yung jeep. Nung nakulitan na siya sa akin ay sinunod niya na rin ako. Buti naman. Akala ko makakasabay ko si Ryde! Shocks! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Mamamatay ako sa sobrang kahihiyan at awkwardness kapag nagkasabay kami.

 

Hindi kami nag-usap ni Lolo buong byahe. Siguro napansin niya rin na wala ako sa sarili kong pag-iisip. Kung anu-ano kasing inaalala ko. Pero natutuwa ako kasi ganun pa rin ‘yung turing sa akin ni Lolo. Parang walang nagbago. Mas lalo lang akong napalapit sa kanya ngayon.

 

Nung nasa harap na ako ng kanto ng school ay bumaba na agad ako at tumakbo dahil baka maabutan ako ni Ryde. Actually, ‘di ko nga rin alam kung bakit ko siya tinatakbuhan samantalang makakausap at makakausap ko rin siya soon. Ugh. What's wrong with me?

 

"Aeisha. Ikaw ba yan? K-kamusta ka na?" unti-unti naman akong lumingon doon sa tumawag sa akin at nakita ko si Daniel. Bakit ba nagpapakita sila ngayong panahong 'to?! Kung kelan naman hindi ko sila kelangang kausapin pa eh!

"Ah sige Daniel! B-bye muna!" saka ako tumakbo ulit pero this time, hindi ako dumiretso sa room. Tumakbo ako papuntang CR ng girls para siguradong wala akong makakasalubong na lalaki.

 

Napatingin naman ako doon sa salamin. Grabe. Kakaiba talaga ‘yung itsura ko ngayon. Ang liit ng mga mata ko. Para akong hindi tao.

 

"Tsk. Nakakainis!"

 

Bigla akong napatingin doon sa reflection sa salamin nung lumabas sa isang cubicle. Parang tumigil ‘yung paghinga ko at feeling ko ay lumaki ng konti ang mga mata ko. Bigla siyang napatingin sa akin kaya nagtama ‘yung mga mata namin sa may salamin.

 

"Now look who's here. The Drama Queen. Am I right?" saka siya nagcross-arms sa harapan ko.

 

Oh my gosh. Sadya bang nakikipaglaro sa akin ang tadhana at si Serene ang naabutan ko dito sa CR? Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakita ko kaagad siya o mabubwisit dahil sa pinagsasabi niya.

 

"Serene. Mag-usap tayo."

"Are you an idiot? Ano bang ginagawa natin ngayon? Kumakanta?"

 

Naku pigilan niyo ako. Malulublob ko ‘yang pagmumukha niya sa bowl! Bwiset! Ako na nga ang nag-aapproach kahit diring-diri ako sa pinaggagawa ko eh!

 

"Gusto kong malaman ‘yung mga nalalaman mo sa nangyayari," sabi ko naman kahit gigil na gigil na akong lambitinan ‘yung buhok niya.

"Wala akong alam. At kung may alam man ako, bakit ko sasabihin sa'yo?" tapos saka pa siya umirap sa akin. Aba talaga naman!

"Please? I really...really want to know the whole story."

"You're pathetic. Ganyan ka na ba kadesperada at sa akin ka pa nagtatanong?"

 

Hindi na talaga ako makapagpigil.

 

"Oo! Ganito ako kadesperada! So what?! Gagawin ko lahat para malaman ko ‘yung totoong nangyari! Wala akong pakialam kung anong maging tingin mo sa akin! Pero gusto kong malaman lahat! Gusto kong malaman lahat ng nangyari kay Ryde!"

 

Hindi ko alam kung tama bang sinigawan ko siya, pero nakatingin lang siya sa akin at parang nagulat sa pinagsasabi ko. Then tumingin siya sa harap ng salamin.

 

"Tss. I really don't know why Ryde care for you. You're just a pathetic, low-class girl. Kung hindi dahil sa mga magulang ko, baka ako pa rin ang kasama ni Ryde ngayon. I really despise you. You stole him from me!" Nakita ko namang nanunubig na ‘yung mga mata niya. Parang wala siya sa sarili niya.

"We loved each other before but I need to end it dahil magmimigrate kami ng family ko pero he's so persistent. That's why I said na may iba na akong mahal at si Daniel ‘yun. And then what? Nalaman ko na hindi pala matutuloy ang migration namin because of some stupid business arrangements! I hated my parents because of that! I even hated myself! I hated everyone! I approached him again last year pero nagbago na siya. He's as cold as ice. He's not the Ryde I know anymore. And then you came." Nakatulala lang siya sa salamin. Pakiramdam ko nga ay hindi ako ang kausap niya, kundi ‘yung sarili niya. And I don’t know why, pero for the first time, nakaramdam ako ng awa kay Serene Endo, ang babaeng kinamumuhian ko.

 

Nagulat naman ako nung bigla niyang pinunasan ‘yung luha niya at naglakad siya palabas ng CR.

 

"H..hey wait Serene—"

"Wag mo akong sundan! And don't call me by my name! Tss. Why am I even talking to a trash like you?!"

"Sere—"

"I don't care kung ikaw man ang piliin ni Ryde. I still love him. And I will make sure that he'll end up with me. I don't care if they call me selfish. Sa akin si Ryde!"

 

She just left me here dumbfounded. Hindi ko alam kung totoo ba ‘yung mga pinagsasabi niya. Then bigla kong naalala ‘yung unang pagkikita namin. ‘Yun ‘yung time na nag-cut kami ni Ryde ng klase at sinundan ko siya sa mall.

 

"Ryde? Is that you? Grabe namiss kita!"

"Uh Ryde, who is she?"

"Aeisha nga pala. Uhm, classmate ako ni Ryde."

"Ryde?"

"Ha?"

"Uhm wala. Nagtaka lang ako kung bakit Ryde ang tawag mo sa kanya."

"Bakit? Hindi ba niya totoong pangalan ang Ryde? Joke-joke lang?"

"Ako lang kasi ang tumatawag ng Ryde sa kanya sa school bukod sa family and relatives niya."

 

Then nagflashback rin yung sinabi sa akin ni Daniel nung nagkataong andun rin siya sa mall at sumabay ako sa kanya pauwi dahil wala akong dalang pamasahe.

 

"Uhm, Daniel? K-kung okay lang magtanong ha? Uhm, ano mo si…yung ano…"

"Si Serene?"

"Ah oo yun nga! Siya nga!"

"May kaibigan kasi ako dati. ‘Yung kaibigan kong ‘yun, naging girlfriend niya si Serene."

"WHAT?"

"Yeah. Di ko nga rin alam kung anong nakita niya sa babaeng ‘yun. Alam ko naman dati pa na niloloko lang siya ni Serene. Ganun talaga siguro. He's blinded by love. At ang masaklap pa, nung nakipag-break si Serene sa kanya, ang sinabing dahilan ni Serene ay dahil daw may gusto siya sa akin. Lame, right? Pinaglalaruan niya lang yung kaibigan ko, dinamay pa ako."

 

Lalo lang akong naguluhan sa mga naalala ko. What the heck? So ibig sabihin, si Ryde ‘yung tinutukoy dati ni Daniel na na niloko ni Serene at dinamay pa siya?

 

"Okay Aeisha! Stop! Move on!" sabi ko sa reflection ko sa salamin. Kailangan kong kumalma. 

 

I think I need to talk to Daniel. 

 

Pero bakit ganun? The more na may nalalaman ako, the more na gumugulo at nagiging twisted ‘yung mga pangyayari? Ugh. I hope, magconnect-connect sila!

 

Naghilamos muna ako at napansin kong bumubuka na ng kaunti ‘yung mata ko. Bumabalik na sila sa dati!

 

Okay. Operation: Huntingin si Daniel, start!