"Huy babaita! Anyare sayo?"

"Ahh. Huh?"

 

Kanina pa ako nakatulala dito sa may room. Feeling ko magkakasakit na ako sa utak sa sobrang kakaisip ng mga bagay-bagay! Ugh! Kasi naman eh. Nabother talaga ako sa pinagsasabi ni Serene at sa mga naaalala ko. Ewan ko lang ha, pero feeling ko nabawasan yung pagkainis ko sa kanya. I mean, sila naman talaga pala dapat ni Ryde. Haaay.

  

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko kasi binatukan ako ni Yem. Ang sakit nun ha!

"Kasi naman kanina pa kita kinakausap, huh ka ng huh dyan! Tsk. "

"Huh?"

"Kitams! Naku talaga! Sige magmuni-muni ka muna dyan! May pupuntahan lang akong gwapo. Bye!" saka siya nagwalkout sa harapan ko. Baliw talaga ‘yung babaeng yun. If I know eh si Chris lang ang pupuntahan niya. Lunch break kasi namin ngayon at wala ako sa mood kumain dahil masyadong sumakit ang ulo ko sa tindi ng pag-iisip na ginagawa ko.

 

At uunahan ko na kayo, wala si Ryde dito ngayon. Hindi siya pumasok nung nagsimula na ‘yung klase kanina. Psh. Saan kaya nagpunta yun? I mean...kasi ‘di ba tinakbuhan ko siya kanina? Kasi naman nagulat ako nung bigla syang sumulpot eh! Tsaka ang awkward pa kung mag-uusap agad kami.

 

 Dahil wala ako sa mood kumain, lumabas muna ako ng room at naglakad-lakad. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Pero may nahagip yung mata ko—‘yung gym.

 

Naglakad ako papasok sa gym. Namiss ko magpunta rito. Lately kasi, ‘di na ako nakakaattend sa practice ng badminton dahil masyadong occupied ang utak ko ng mga bagay-bagay. Pagpasok ko, nakita ko kaagad ang kaisa-isang tao rito—si Daniel. 

 

Bigla naman siyang napatingin sa direksyon ko.

 

"Aeisha," tapos tumakbo siya papalapit sa akin. "Bakit ka nandito?"

"Ah ano, napadaan lang." Bigla namang naging awkward kasi nga ngayon na lang ulit kami nakapag-usap. For the past few days kasi, lagi akong umiiwas sa kanya. 

"Well, at least you're not crying anymore."

"Ha?"

"Wala sabi ko ang cute mo kapag ‘di ka umiiyak," saka niya ginulo ‘yung buhok ko then pumunta ulit siya doon sa bench.

 

Siguro kung crush ko pa rin siya hanggang ngayon, namatay na ako sa sobrang kilig sa ginawa niya. He's really a nice guy. 

 

"Bernardino, ano pang ginagawa mo dyan?" sigaw niya sa akin at napatingin ako sa kanya agad. Hawak-hawak niya ‘yung raketa niya at nakaposisyon na siya doon sa isang side ng court.

"Ha? Wait Daniel—"

"Captain Daniel, Bernardino." Ha? Hala anong problema niya?

"Pero—"

"I'm here as a team captain. And you're just my subordinate," tapos saka niya nilaru-laro ‘yung shuttlecock.

"Pero kasi, gusto ko lang malaman—"

"No. I won't say anything."

 

Napatigil naman ako. Hindi ko lang akalain na sinabi ‘yun ni Daniel. He won't say anything? But I need to know everything. 

 

Napayuko nalang ako. Mukhang hindi ko siya makakausap regarding that matter. Ayoko namang pilitin siya. Masyado na siyang maraming nagawa para sa akin. 

 

"Tsk. You're really a troublesome girl, eh?" Napatingin ulit ako sa kanya at this time, halos mawala lahat ng worries ko sa buhay at nafocus sa lumilipad na raketa sa direksyon ko.

"Whoa!" Safe! Nasalo ko! Shet! Akala ko katapusan na ng mukha ko! "Daniel! Adik ka! Paano ‘pag di ko ‘yun nasalo?! Shet! Akala ko magkakaroon ako ng big time bukol sa mukha ko!"

"Right. Ganyan ang attitude ng Aeisha na nakilala ko. Hindi ‘yung bigla na lang yuyuko at mawawalan ng pag-asa. So are you ready?"

"Ready for what?"

"For this game," then pumosisyon ulit siya doon sa other side of the court. Wala naman akong nagawa kundi sundin siya at pumunta ako sa isang side. At saka namiss ko na ring maglaro ng badminton.

"Fight seriously, okay? I'm betting everything here." Napakunot naman bigla ‘yung noo ko sa sinabi niya. What does he mean by that?

"Bet? Anong bet?"

"Defeat me. And I'll tell you everything I know."

 

Bigla akong kinabahan to the point na pati tenga ko ay parang tumitibok na rin. Ano raw? Kapag natalo ko siya, sasabihin niya sa akin lahat ng alam niya? That's good to hear pero how am I supposed to defeat him?! Team captain talaga namin siya eh! Oo natalo ko siya by chance dati nung try-out pero totoong game 'to! Pano pag di ko siya natalo—

 

"At pag natalo kita, you'll go out with me tomorrow," sabay grin niya sa akin.

"Hah?! D-date?!" Halos umalingawngaw ‘yung boses ko sa buong gym. Magdedate kami pag natalo niya ako?!

 

Bigla naman niyang tinira ‘yung shuttlecock sa direksyon ko kaya pinilit kong ‘wag madistract at maglaro na lang nang maayos. Nagulat lang talaga ako sa sinabi niya na magdedate kami at naramdaman kong uminit ang pagmumukha ko. I mean, I've never been in a date! Wala naman kasing nag-aaya sa akin eh. Isa lang akong ordinaryong mamamayan at alam kong hindi naman OA ang kagandahan ko para ayain ng isang gwapong lalaki.

 

"Focus Aeisha!"

 

Tinry ko ulit alisin muna lahat ng pinag-iisip ko. Kailangan kong manalo dito. Kailangan kong malaman mula sa kanya ‘yung alam niya sa nangyayari. Okay. I'll win!

 

***

 

"I...I...I lose.”

 

Sabi ko na nga ba. Wala akong pag-asa para matalo siya. Hingal na hingal ako kakahabol ng shuttlecock samantalang siya ay parang hindi ganun napagod. Mukhang wala na akong pag-asa para malaman sa kanya yung mga gusto kong malaman.

 

"Nice game. 20-19," sabi niya sa akin habang papalapit dahil napaupo na lang ako sa sobrang pagod. Pero nagulat ako nung bigla rin siyang napaupo halfway.

"D-daniel! Ayos ka lang?" Napatayo ako at ako na lang ang lumapit sa kanya. Pagtingin ko, nakahawak siya sa may ankle niya.

"Tsk. So ako ang natalo, huh?" bigla niyang sinabi.

"Huh? Pinagsasabi mo? Eh nanalo ka nga. Lamang ka kaya ng one point."

"Ugh. Pero nagkaroon naman ako ng injury for pushing too far. Ugh!"

 

Pagtingin ko dun sa ankle niya, medyo namamaga nga. Hala. Di kaya ‘yan dahil dun sa hinabol niya ‘yung tinira kong shuttlecock at na-sprain siya? Hala eh di kasalanan ko na naman?

 

"Gusto mong dalhin kita sa clinic? Tara—" tapos kinuha ko ‘yung braso niya at nilagay sa balikat ko para itayo na siya pero bigla niya namang hinatak.

"Wag muna. I lost the game kaya tutuparin ko ‘yung sinabi ko."

"Pero hindi ka naman natalo eh." Ewan ko pero naguguilty talaga ako. Feeling ko kasalanan ko kung bakit siya nagka-injury. Kasi naman eh!

"Hmm, then sabihin na nating, it's a draw. Pero sasabihin ko pa rin sa'yo lahat ng gusto mong malaman. Sabi ko nga sa'yo dati, gagawin ko lahat para maging masaya ka ‘di ba?" tapos ginulo na naman niya ulit yung buhok ko.

 

Bumigat bigla ‘yung pakiramdam ko. Bakit siya ganyan? Bakit ginagawa niya 'to? Bakit pa kasi ako? Eh hindi ko naman kayang suklian yung feelings niya for me.

 

"Oh ayan na naman ‘yang mukha mo. Para ka na namang iiyak," tapos hinawakan niya ‘yung cheeks at binanat-banat niya pa. "Wag kang umiyak, okay? Hindi talaga bagay sa'yo ang umiiyak." Nag-nod naman ako kahit na paiyak na talaga ako dahil sa sobrang guilt. He's doing everything for me pero ako, wala man lang akong nagawa para sa kanya.

 

"So gusto mong malaman ‘yung mga nalalaman ko ‘di ba? Hmm. San ba tayo magsstart?" bigla naman akong may naalala. That's right. Yung sinabi niya sa jeep dati.

"Ahm, g-gusto ko lang malaman kung ano nang nangyari sa kaibigan mo."

"Kaibigan?" tapos biglang kumunot yung noo niya.

"Y-yung sinabi mo sakin dati sa jeep. Yung sabi mong naging boyfriend ni Serene."

"Ah that. Actually, si Ryde ‘yun."

 

Sabi na nga ba. Si Ryde ‘yung tinutukoy niya nun at napatunayan ko ‘yun dahil sa sinabi ni Serene kanina sa may banyo.

 

 

"Sabi na nga ba."

"So alam mo na pala na si Ryde ‘yung tinutukoy ko nun? Akala ko magugulat ka."

"Ah eh kasi...nakausap ko si Serene kanina eh." Bigla naman siyang napalapit sa akin with a serious face.

"Nag-usap kayo ni Serene? May ginawa ba siya sa'yo? Hindi ka niya inaway?" Natawa naman ako sa reaksyon niya. Tapos tinignan-tignan niya pa ako kung may bakas pa ng sampal, kurot o kung ano pa mang kapisikalan ang pwedeng mangyari.

"Naku hindi ‘no. Tsaka ‘pag inaway niya ako aawayin ko rin siya."

"Ohh. Ganun ba? Amasona ka nga pala."

 

Nag-asaran lang kami doon na parang mga bata. Pero natutuwa ako ngayon at nawala na lahat ng awkwardness ko sa kanya. Pero nandun pa rin syempre ‘yung guilt na hindi ko masuklian yung feelings niya. Then after a few minutes, tumigil siya at biglang sumeryoso.

 

"Okay Aeisha. You should listen very well. Sasabihin ko sa'yo lahat ng nalalaman ko at sana, may masagot sa mga tanong mo."

"S-sige." Bigla akong kinabahan ng todo. This is it. Malalaman ko na rin ‘yung side ni Daniel. 

"Magsisimula ako five years ago. That time na magbebest friends pa kami nina Ryde at Serene."