.

.

Chapter 68

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Childhood friends kaming tatlo. Nakatira lang kasi kami sa iisang village dati. Pare-pareho rin kami ng pinasukan na school nung grade school kami. Sabay-sabay rin kaming grumaduate at pumasok sa school na 'to. But everything went wrong nung sinabi ni Serene na may gusto siya sa akin."

 

Tahimik lang akong nakikinig kay Daniel. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatingin lang siya sa kawalan. Parang si Serene kanina. I don't know why pero naaawa ako sa kanilang dalawa. Parang ang bigat sa pakiramdam. Hindi na lang ako nagreact nung sinabi niyang best friends silang tatlo. Pero sa totoo lang, nagulat talaga ako. Alam kong may connection silang tatlo pero hindi ko akalain na magkakaibigan pala sila dati. Lalo na si Daniel at Ryde.

 

"Dati pa kasing may gusto si Serene kay Ryde at ganun rin naman si Ryde. Pero nung fist quarter ng first year high school namin dito, bigla na lang sinabi ni Serene na hindi na niya raw gusto si Ryde. And on the top of that, sinabi niya rin na ako na raw ang gusto niya. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa ulo niya at ginawa niya ‘yun. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang motibo niya sa aming dalawa."

 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi sinabi sa kanila ni Serene ‘yung totoong dahilan? Na kaya siya nag-act ng ganun ay dahil aalis sila sa Pilipinas? For a second, I felt really sad. Bakit hindi niya sinabi? Hindi ba mas maiintindihan nila kapag sinabi niyang dahil ‘yun sa magmimigrate dapat sila, pero unfortunately, ay hindi natuloy? Gosh. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ni Serene.

 

"Doon nagsimulang maging weird si Ryde. Maging si Serene ay dumistansya na rin. It's like our friendship turned into ruins. Nagkawatak-watak na kami. Minsan na lang kami kausapin ni Ryde at nagkaroon rin siya ng bagong circle of friends. Sila Chris. He's not the guy he's supposed to be. Dahil kay Serene. For almost three years, ganun lagi. Hindi na kami nakakapag-usap. Pero si Serene, kinulit niya ulit si Ryde last year. Nagsorry rin siya sa akin regarding that matter. Nung sinabi niyang may gusto raw siya sa akin. Pero nagulat na lang ako nung nabalitaan ko na nagkagalit-galit daw ‘yung barkada ni Ryde. Hindi raw sila nagpapansinan at lagi na lang nagsusuntukan. Sabi pa nila, he totally isolated himself. Wala na siyang pinapansing iba. Hindi ko alam kung anong nangyari pero alam kong may nangyaring masama kaya siya naging ganun."

 

Naka-awang lang ‘yung bibig ko habang nagkukwento siya. Parang andaming realizations na pumapasok sa utak ko. Kaya pala nung una ko siyang nakaencounter ay lagi siyang nakikipag-away. Ibig sabihin, ‘yung mga binugbog niya dati ay barkada niya?

 

"Kinausap ko si Serene kahit na mabigat pa rin ang loob ko sa kanya. Tinanong ko kung alam niya ba ang nangyayari kay Ryde. Pero maski siya, hindi niya alam. Kahit papano naman ay nag-aalala pa rin kami dahil kaibigan namin siya kahit na nasira na ‘yun. Kaya napagdesisyunan naming pumunta ng bahay nila habang nagkaklase at nasa school pa siya."

 

Does that mean na nag-cut sila? Mga pasaway na bata!

 

"Pagdating namin doon, naabutan namin ‘yung daddy niya and he told us everything. Hindi namin alam na ganun na pala ang nangyayari. Simula kasi nung bata pa kami, lola at mama's boy na si Ryde. Sila lagi ang nag-aalaga sa kanya. Tapos nalaman namin na halos magkasunod palang namatay yung Mom niya at nung nawala yung Lola niya. Ni wala man lang kaming alam. Hindi namin alam na yun na pala ‘yung pinagdadaanan niya."

 

This time, may pumatak na na luha sa mga mata ko. Si Daniel kasi, nanunubig na rin ‘yung mga mata niya. Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayari.

 

"I felt useless. I can't even help my friend. Nakakafrustrate. Kaya minabuti kong tumulong, from the shadows. Kahit mabigat pa rin ang loob ko kay Serene, nakipag-usap ako sa kanya. Gusto niya rin daw tumulong. We want to help him in any possible ways, as his friends. But then, you came."

 

Kung kanina ay nakatingin lang siya sa kawalan, ngayon naman ay sa akin na siya nakatingin. He's like looking through my soul.

 

"Nakilala kita. Nakasama kita. I don't know. Pero pag kausap o kasama kita, hindi ko naiisip ‘yung mga problema ko. You're special. Hindi ka katulad ng ibang babae na maarte. You're just being yourself. And your smile is captivating. Napapangiti mo rin ‘yung mga tao sa paligid mo. I...I really felt that way. Hanggang sa tuluyan na akong napalapit sa'yo. And I fell in love with you." Bumigat na naman yung pakiramdam ko. Ayan na naman yung guilt.

 

"Pero dahil rin sa'yo, nakita kong unti-unting bumabalik si Ryde sa dati. He seems attached to you. Sa tingin ko, masaya rin siya kapag kasama ka. And I think, you feel the same way," tapos ngumiti siya sa akin ng malungkot. My heart felt heavy.

 

"I felt horrible. I love you, but you love him. And I don't want to be his rival. He's my friend. Nasira na ‘yung pagkakaibigan namin dati. Ayokong lalo pa ‘yung masira. Kaya willing akong magparaya. At isa pa, alam ko naman ang isasagot mo eh. Ayokong ipilit ‘yung sarili ko sa'yo. Pareho lang tayog mahihirapan, hindi ba?" then lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.

 

"But I'll do anything to make you happy. Even if...even if...I'm not." Narinig ko na lang bigla na nagccrack na ‘yung boses niya. Tumulo na rin ‘yung luha ko dahil sa mga sinasabi niya. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko.

 

"Don't worry, imumulat ko ‘yang mga mata ni Ryde. Ayoko nang makita kang umiiyak. These past few days, lagi ka na lang malungkot. Lagi ka na lang umiiyak. Hindi bagay sa'yo ‘yung ganun. You should aways smile. And I promise, I'll be able to see your smile again...soon."

 

Napayakap na lang rin ako sa kanya nang mahigpit. Kung sa kanya lang siguro ako nainlove, sobrang swerte ko ngayon. He's so kind and gentle. I can feel his love for me, to the point na nasasaktan ako para sa kanya. Gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko magawa dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. And I hated myself for that.

 

"D-daniel, thank you. Salamat talaga. Salamat sa lahat. H-hindi ko alam kung paano ko m-masusuklian lahat ng...ng…ginawa mo sa akin. I'm s-sorry."

"Hey hey it's not your fault okay? At ako dapat ang mag-thank you. Kasi kahit ganito, hindi pa rin nagbabago ‘yung pakikitungo mo sa akin. Kaya salamat."

 

Hindi na ako umimik after nun. Gusto ko lang gumaan ‘yung pakiramdam ko, and his arms are really comforting. Para akong may kuya na handa akong protektahan. And it's really heartwarming.

 

Lumipas ang buong lunch break. Medyo kumalma na rin ako kaya nagdesisyon akong umalis na ng gym at ganun din si Daniel. Sabay kaming lumabas at para akong gusgusing bata dahil ang dungis-dungis na naman ng pagmumukha ko. Ano ba ‘yan, umiyak na naman ako. Kasi naman si Daniel eh.

 

Ngayon naman ako nakaramdam ng gutom pero hinayaan ko na lang. Umakyat na kami ni Daniel sa third floor pero nung nasa tapat na kami ng room ko, napahinto kami pareho. 

 

Nasa labas kasi si Ryde.

And he's staring at me right now. Bigla namang lumakas ‘yung tibok ng puso ko at parang nawala lahat ng sounds sa paligid. Nakatingin lang rin ako sa kanya at alam kong marami kaming gustong itanong at sabihin sa isa't isa. Magsasalita na sana ako pero bigla akong hinigit ni Daniel at nagulat nalang ako nung nakayakap na siya sa akin.

 

"Hey Dan—"

"Stay still," bulong niya sa tenga ko.

 

Gustuhin ko man, pero nakakahiya talaga. Eh pano ba naman nasa harap talaga kami ng classroom eh! ‘Yung classmates ko nagtitinginan na rito. Idagdag pa si Ryde na nasa harapan namin ngayon. Baka kung anong isipin niya!

 

"Thank you sa time Aeisha. I really enjoyed it. And...I love you."

 

Bigla nalang akong napatigil. Hindi ko alam kung anong trip ni Daniel pero we're making a scene right here! Tsaka ano bang pinagsasabi niya?! Naririnig na ng mga kaklase ko! Tsaka si Ryde...

 

Nagulat naman ako nung bigla siyang kumalas pero hawak niya pa rin ‘yung mga balikat ko. This time, nakatingin siya sa mga mata ko. Tapos nagulat ako nung bigla siyang pumikit at unti-unting lumalapit yung mukha niya sa mukha ko.

 

He's going to kiss me...

 

Nanigas na lang ako bigla. Parang may nagbuhos sa akin ng isang baldeng yelo. I can't move. Hindi ko alam kung tama, pero napapikit na lang rin ako.

 

 

Nararamdaman ko na yung paghinga niya...’yung labi niya...

 

Bigla naman akong napadilat nung may narinig akong natumba. At nagulat ako nung nakita kong nasa sahig na si Daniel at dumudugo na ‘yung labi niya. Saka ko napansin na hinigit pala ako ni Ryde at nakapalibot ‘yung kaliwang kamay niya sa likod ko hanggang sa bewang ko. Pagtingin ko sa kanya, nakaramdam ako ng takot. It's like I’m looking at a beast. Hindi ako nakapagsalita.

 

"What kind of punch was that?" biglang sabi ni Daniel habang tumatayo siya at pinupunasan ‘yung labi niya.

"Shut up." Hindi ko alam pero kinilabutan ako kahit dalawang salita lang ‘yung nabanggit ni Ryde. Nakakatakot talaga.

"Tsk. I think I've done a great job here," tapos nagpose pa siya na parang nag-iisip siya. Ano bang pinagsasabi ni Daniel? Napatingin naman ako sa kanya nung bigla siyang naglakad palayo sa amin.

 

"Sige Aeisha! Balik na ako sa room namin! Don't worry, malapit nang matupad ‘yung promise ko! I'm sure of it!" Hindi siya lumingon sa akin habang sinasabi niya yung mga salitang ‘yun. Basta tinaas niya lang ‘yung kanang kamay niya at nagwave. Hanggang sa pumasok na siya sa room nila.

 

Bigla naman akong naconscious sa posisyon namin ngayon. Napatingin ako bigla sa kamay niya sa may bewang ko.

 

"Uhh...s-sorry," tapos bigla niya akong binitawan at tumakbo rin palayo sa akin.

 

"Hoy babaita!" At nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula sa likuran. At sino pa ba ang makapal ang pagmumukha na gumagawa sa akin ng ganyan?

"Aray ha!"

"Siraulo ka! Shocks! Pati ako nadala sa inyo! Anong trip niyo ha?"

"Ewan ko nga rin," saka na lang ako napayuko at pakiramdam ko nag-iinit na naman ‘yung pagmumukha ko. Ugh! Bakit ba kasi nangyari yun?!

"Tanga ka ba?!" sabay batok ulit sa akin. Aba't. "Shunga mo talaga! Di mo ba nagets ‘yung ginawa ni Daniel?! Pinagselos niya si Ryde! At bingo! Nagselos si Ryde! Grabe haba ng hair mo bwisit ka! Tara na nga sa loob! Dadating na si Sir!" saka niya ako hinatak papasok sa loob ng room habang nakatingin sa akin lahat ng classmates namin.

 

Pero ‘di nga? Nagselos siya? Talaga?