"Hay ka-stress kang bruha ka! Pati ako namomroblema dahil sa'yo!" 

 

Uwian na nga pala at naglalakad na kami ni Yem pauwing bahay. Buong byahe namin kanina ay inaasar niya lang ako at pinagduduldulan sa aking ang shunga-shunga ko. Lecheng babae 'to! Imbes na tulungan ako eh lalo lang akong pinapahirapan.

 

"Pero ang shunga mo talaga!"

"Sige, pang-doseng shunga na ‘yan ha. Awat na. Baon na baon na ang pagkatao ko ha!"

"Eh kasi naman eh! Imagine? Dalawang lalaki, fighting over you? Wow girl! Dinaig mo si Rapunzel! Kahit boto ako kay Ryde, kinilig ako sa ginawa ni Daniel kanina. Sakit nun! Walanghiya ka!" saka niya ako pinalo sa braso. Aba! Nagiging hobby niya na ‘yan ha!

"Ewan ko sa'yo," tapos naglakad ako nang mas mabilis sa kanya.

"Asus! Tapos sayang pa ‘yung moment kanina! Ayun na eh! Magkakausap na kayo ni Ryde! At oo nga pala..." Nagulat naman ako nung nasa tabi ko na siya. "Anong nangyari? May mga nalaman ka ba?"

 

Napahinto naman ako sa paglalakad. Narealize ko kasi na konektado pala talaga lahat ng bagay na nangyari. Ang dami kong nalaman. Nalaman ko ‘yung side ni Serene at Daniel. ‘Yung side na lang ni Ryde ang hindi ko alam. Pero hindi ko talaga alam kung paano ko siya kakausapin. Simula kasi nung scene sa Ferris Wheel nung field Trip namin ay hindi na kami nakapag-usap nang matino. Idagdag pa ‘yung nangyari kay Lola.

 

"Kung ako sa'yo, wag ka nang umarte at i-push mo na lang ‘yan. Kausapin mo na kasi siya! Kayong dalawa rin naman ang nahihirapan eh. Wag ka nang paarte. Hindi kayo magkakaintindihan kung walang mag-iinitiate ng usapan."

 

Napatingin na lang ako kay Yem. Akalain mong may sense rin pala ‘yung iba niyang sinasabi? Nagkalovelife lang 'tong babae na 'to, expert na pagdating sa mga ganitong usapan! Ang tindi!

 

Nung nasa tapat na kami ng bahay, nagulat ako nung may nakatayo doon sa may labas.

 

"L-lolo!" Napatingin siya sa amin ni Yem. Nakatayo lang kasi talaga siya doon. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya. "Bakit po nandito lang kayo sa labas? Tara Lo, pasok ka dali," saka ko siya hinila sa loob. Ewan ko pero bigla akong naexcite. Eto ‘yung first time na magiging lolo ko siya na normal ang pagkatao ko. Pagkapasok namin sa loob, pinaupo ko agad siya sa may upuan tapos pumasok ako sa kwarto at nakita kong tulog si Aera. Hay, kawawang bata naman 'to. Affected pa rin talaga siya sa pagkawala ni Lola. Sila talaga kasi yung super close eh.

"Lolo, ano pong pangalan nyo?" tanong naman ni Yem. Oo nga pala, di niya pa pala kilala masyado si Lolo. Pero in fairness ha, ayos mag-entertain si Yem. 

"Lolo Paulo na lang, apo," tsaka siya ngumiti kay Yem. Hinayaan ko muna sila doon at ginising ko muna si Aera.

"Aera, gising na. Huy. May bisita tayo." Pagkasabi ko nun, dumilat naman agad siya pero halatang inaantok pa rin kaya tinayo ko na agad siya bago pa siya makatulog ulit.

"Antok pa ako ate." Hihiga sana ulit siya pero binuhat ko na siya para ‘di na ulit makahiga sa kama.

"Ay ayaw mong makita ‘yung bisita natin?"

"Sino…" Ay jusme, hindi nga natulog sa kama, matutulog naman ata sa balikat ko.

"Si Lolo." Pagkasabing-pagkasabi ko nun, biglang nagising ‘yung diwa niya, to the point na nauntog ‘yung ulo niya sa baba ko nung narinig niya yun. Ang sakit! Shet!

"Si Lolo? Andyan si Lolo?"

"Oo," sabi ko na lang habang hawak-hawak ko ‘yung baba ko kasi ang tigas ng ulo ni Aera! Hineadbutt ‘yung baba ko! Kumawala naman agad siya sa pagkarga ko sa kanya at tumakbo siya palabas ng kwarto kaya sinundan ko naman siya. Nung nasa sala na siya, napahinto pa siya nung may nakita siyang ibang tao bukod kay Yem.

 

"Lolo?" 

 

Napatingin agad si Lolo sa direksyon namin. Then nakita niya si Aera. This is the first time na magmemeet sila.

 

"Lolo!" Nagulat ako nung tumakbo si Aera papunta kay Lolo at yumakap sa kanya. Narinig ko na lang na umiiyak na siya. Ewan ko ba pero I find myself tearing up, too. Siguro dahil alam kong may pamilya pa akong maituturing.

 

Kumain lang kami at nagkwentuhan buong gabi. Si Aera, hindi na humiwalay kay Lolo. One-year old pa lang kasi siya nung huli niyang nakita si Lolo, so malamang hindi niya na natatandaan. Kina Tita na rin kasi kami lumaki at hindi na namin nadadalaw noon sina Lolo. Nakakatuwa lang talagang malaman  na hindi 'to imagination lang. Na kasama na namin ngayon si Lolo.

 

Buti na lang at wala kaming pasok bukas dahil may conference something daw na aattendan ‘yung teachers namin. Pero natulog na rin ako ng maaga. May balak kasi akong gawin bukas. 

 

Si Lolo, dito na rin natulog. ‘Di kasi siya pinayagan ni Aera na umalis eh. Pasaway na bata. Ang cute nga nila kasi si Aera, natulog sa tabi ni Lolo at talagang nakayakap pa siya nang mahigpit sa braso niya. Since wala ng space sa kama, dun na lang ako sa lapag natulog.

 

***

 

Maaga akong nagising. Actually, alas-singko pa lang. Nagluto na rin ako ng breakfast para kina Yem. Alam ko namang tanghali pa ‘yan magigising dahil siya ang huling natulog kagabi. Then nagprepare na ako para umalis. Nung bandang alas-sais na, balak ko na sanang umalis pero nagulat ako nung nagising si Lolo at nakita akong paalis.

 

"Oh apo, saan ka pupunta?"

"Uhm, kina Mama po." Gusto ko talaga kasi silang dalawin ngayon. Andami kong gustong ikwento sa kanila. Tsaka namimiss ko na sila.

"Pwede bang sumama ako, apo?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Lolo. Sasama siya? Siguro may gusto rin siyang sabihin kay Mama.

"Sige po. Hintayin ko na lang po kayo."

 

Agad-agad namang nagpreprare si Lolo. Pinaghain ko na rin siya ng pagkain para naman may laman ‘yung tiyan niya. Then nung mga 6:45 na ay umalis na kami. Nung nasa kanto na kami, pinaghintay muna ako ni Lolo sa may shed at kukunin niya lang daw ‘yung jeep niya. So ako naman, tumambay na lang muna doon. Mga fifteen minutes later, nakita ko na ‘yung jeep ni Lolo at sumakay naman ako agad. Ewan ko ba pero siguro kapag sumakay ako sa ibang jeep eh maninibago ako. Paano kasi laging jeep ni Lolo ‘yung nasasakyan ko.

 

Tahimik lang kami buong byahe. Nung makarating kami sa sementeryo, naglakad kami papunta kina Mama at Papa. Bumili na rin ako ng bulaklak para sa kanila. Pero nung malapit na kami doon sa puntod nila, napatigil ako sa paglalakad.

 

"Oh bakit apo? May problema ba?"

 

Nakatingin lang ako sa harapan. Hindi ko alam kung paano magrereact. Ito na ata ang least expected kong mangyayari. Parang huminto ‘yung oras at pakiramdam ko ay may hindi na naman magandang mangyayari.

 

"Pauline, apo?"

 

Biglang bumigat ‘yung pakiramdam ko nung tinawag niya yung pangalan ko. Si lola Roma.

 

"Hey." At si Ryde.

 

Magkasama sila. At sa kamalas-malasang pagkakataon, nakasalubong namin sila. Bigla naman akong napatingin sa side ni Lolo para humingi ng tulong. Pero napansin ko naman na nakatingin rin si Lolo sa kanila.

 

"R-romaria?" sabi ni Lolo tapos napatingin sa kanya si Lola Roma. Nung makita niya si Lolo, gulat na gulat ‘yung expression ng mukha niya.

"Paulo? I-ikaw si Paulo?"

 

Hindi ko 'to inaasahan, pero bigla rin kaming nagkatinginan ni Ryde at parehong nakakunot ang mga noo namin. What the heck is happening?! Magkakilala silang dalawa?

 

"Magkakilala po kayo?" halos sabay pa naming tanong sa kanila. Napatingin naman sa akin si Lolo at si Lola naman ay lumingon sa direksyon ni Ryde.

 

"Siya ‘yung kinukwento ko sa'yo dati."

"Apo, siya yung sinasabi ko sa'yo." Halos sabay pa nilang sabi sa amin ni Ryde.

 

Nag-buffer ako saglit. Pinilit kong alalalahanin lahat ng pinagkwentuhan namin ni Lolo. Lahat ng pinagsasabi niya sa akin dati. Then suddenly, may nag-flash sa utak ko. Naalala ko ‘yung dalawang pictures sa jeep ni Lolo. Yung bata doon ay si Mama. Then may isang dalaga doon...

 

Wait...ibig sabihin...

 

Napatingin ulit ako kina Lolo at Lola. No way. This is really...

 

Oh God. This is turning into a really...really...really weird idea.