.

.

Chapter 70

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"Wait, wait." Hinatak ko si Lolo papunta sa akin. Naguguluhan na talaga ako! Bakit sila magkakilala ni Lola Roma? Anong meron?!

"Kilala mo po si Lola Roma? Pano kayo nagkakilala?" Napakunot naman yung noo ni Lolo sa akin.

"Kilala mo rin siya?"

"Opo. Doon siya sa amin ni Yem nakitira these past few months kasi...uhm...basta po mahabang istorya eh. Kayo? Bakit nyo kilala si Lola?" Naguguluhan na talaga ako. Bakit ang liit ng mundo naming lahat? Bakit sila magkakilala? Anong meron sa kanilang dalawa?

 

Hinihintay kong sumagot si lolo at napabuntung-hininga na lang siya.

 

"Ganito kasi yun, apo. Naalala mo pa ba ‘yung sinabi ko sa'yo dati?" Hindi ko alam pero kinakabahan na ako. Pakiramdam ko tama ‘yung kutob ko. Kung tama ang hinala ko...

"Yung tungkol po ba sa first love niyo?"

"Oo."

 

Bigla naman akong hinatak ni Lolo papunta doon sa puntod nila Mama at iniwan namin doon sina Lola at Ryde. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Dapat na ba akong kabahan?

 

Nung nakarating na kami doon, umupo kami sa harapan nina Mama at Papa. Nilagay ko kaagad ‘yung bulaklak na binili ko kanina sa kanila tapos hinintay ko na lang si Lolo sa sasabihin niya.

 

"Hindi ko akalain...na makikita ko ulit siya." Nagsimula siyang magsalita kaya humarap ako sa kanya at gusto kong malaman kung anong meron sa kanila ni Lola. Nacucurious talaga ako.

"Di ba po, sabi niyo, wala na siya?"

"Akala ko rin. Matagal ko na siyang hindi nakita. Halos ilang dekada na rin. Pero kahit ganun, naaalala ko pa rin ‘yung mukha niya. Alam kong siya ‘yun. Hindi ba si Romaria iyon?"

 

Ngayon ko lang narinig yung totoong pangalan ni Lola. Romaria pala ang tunay na pangalan niya.

 

"Opo. Si Lola Roma nga po ‘yun. Pwede ko po bang malaman kung anong nangyari ulit? Medyo ano po kasi eh...uhm...nakalimutan ko na po yung ibang nangyari," sabay kamot ko sa batok ko. Natatandaan ko naman ‘yung kinuwento niya about sa first love niya at sa paghihintay niya ng matagal, pero nakalimutan ko na talaga yung details.

 

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na may nakilala akong babae na lagi kong nakakasabay sumakay sa jeep?" tumango naman ako. "Tapos kasabay ko rin siyang pumasok sa eskuwelahan pero hindi kami magkakilala. Nagandahan at nabaitan ako sa kanya kaya naglakas-loob ako at nagtapat, hanggang sa naging kami. Pero bigla na lang siyang nawala. Naghintay ako ng isa...hanggang sampung taon. Pero walang bumalik. Pero kahit ganun, pinilit kong bilhin ‘yung jeep kung saan kami unang nagkakilala. At iyon nga ‘yung jeep na ginagamit kong pampasada ngayon. Pero hindi ko akalain na ‘yung taong hinintay ko ng sobrang tagal, ay makikita ko ulit ngayon."

 

Ewan ko pero bigla na namang bumigat yung pakiramdam ko. Parang sobrang sakit nung nangyari kay Lolo. Sino ba namang hindi masasaktan kung naghintay ka sa wala? ‘Di ba?

 

"Pero alam mo apo, masaya rin ako na hindi siya nagpakita noon. Kasi makalipas ang sampung taon na paghihintay ko sa kanya, nakilala ko ang Lola mo. Maganda, mabait at matulungin din siya. Nung dumating sa amin si Paula, nakalimutan ko lahat ng paghihirap at sakit na naramdaman ko dati. Masaya palang magkaroon ng pamilya. At salamat sa hindi niya pagpapakita sa akin, naging apo kita. Nagkaroon ako ng isang maganda at mabait na apo," sabay ngiti niya sa akin. Hindi ko napigilang hindi umiyak. Nakakatouch kasi ‘yung sinabi ni Lolo. Kahit hindi ko na masyadong maalala ang mukha ni Lola, alam kong mahal na mahal niya si Lolo. Pero naisip ko rin, alam kaya ni Lola noon na may mahal si Lolo na iba, bago naging sila? Tapos naghintay pa siya ng sampung taon para sa taong ‘yun?

 

Para namang nabasa ni Lolo ang nasa utak ko at ngumiti siya sa akin bigla.

 

"Alam mo, kahit wala na ang Lola mo, alam kong nakangiti siya ngayon. Napakabait niya. Kahit na alam niyang may mahal akong iba, naghintay pa rin siya. Nandyan pa rin siya para sa akin. Hindi niya ako iniwan. Kaya hindi naging mahirap sa akin para mahulog rin sa kanya. Sana nga lang ay nakita niya kayong dalawa ni Aera na ganito na kalaki. Siguradong matutuwa ‘yun. Hindi ba, Paula?" sabay tingin ni Lolo sa puntod ni Mama.

 

Nakahinga naman ako nang maluwag. Pero naiiyak pa rin ako. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. Masaya ako at meron akong mabait na lolo't lola. Hindi ko man sila nakasama nang matagal dati, alam kong mahal na mahal nila kami.

 

"Pero lolo...h-hindi mo ba kakausapin si Lola Roma?" 

 

Ewan ko ba. Feeling ko kasi hindi naman ganung tao si Lola. ‘Yung bigla nalang nang-iiwan. Pakiramdam ko may reason din siya kung bakit niya ‘yun ginawa. Gusto ko ring malaman ‘yung side ni Lola. Pero nakakatuwa ring isipin na muntik ko na pala siyang maging Lola talaga.

 

"Hindi na siguro kailangan, apo. Masaya na akong nakita ko ulit siya. Masaya na akong maayos ang lagay niya. At masaya akong may kanya-kanya na kaming pamilya," saka siya ngumiti sa akin kaya napangiti na lang din ako sa sinabi niya. Pero bigla naman akong may naalala sa jeep niya.

 

"Wait lang Lolo. So ‘yung nakita ko dati na plate number..."

"Ah iyon ba? Aba'y syempre uso rin ang pumorma noong araw. Talagang ipinasadya kong gawing ganoon para naman may kahulugan." Natawa naman ako sa kanya. Ang corny rin pala ni lolo nung kabinataan niya!

"So ang ibig sabihin po talaga ng PLR143 ay Paulo love Romaria, I love you? Hahaha! Wow lolo ha! Mga moves mo!" sabay kamot niya sa batok niya.

"Ay sus, apo. Tama na nga. Marunong rin akong mang-asar, akala mo."

"Wow Lolo ha! Mana siguro ako sa inyo!"

"Oh hindi ba ang PLR ay pwede ring Pauline love Ryde?" tapos bigla akong tinignan ni Lolo ng isang nakakalokong tingin. Ako naman ay napa-poker face na lang. Pero ewan ko ha, medyo umiinit ang paligid.

 

Nagkulitan lang kami doon ni Lolo. Nagkuwento rin kami ng kung anu-ano kina Mama at Papa. Pati nga ‘yung kulitan nila ni Aera eh kinuwento niya. Para lang siyang bata kung magkwento!

 

"Pauline."

 

 

Bigla kaming natigil sa kulitan nung may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Pero alam ko kung kaninong boses ‘yun. At alam kong nasa likuran lang namin siya. Hindi na naman ako makagalaw. Nafreeze na naman ‘yung buong katawan ko. Takte naman oh!

 

"Oy Pauline."

 

Hindi talaga ako makalingon! Feeling ko kasi pag lumingon ako, may mangyayaring hindi maganda!

 

"Babaeng maliit ang boobs."

 

 

Ayokong luming—ANO RAW?!

 

“Anong sabi mo?! A-ang kapal mo ha! Napakabastos mo talaga!” Napatayo na talaga ako nun at napalakad sa harapan niya sa sobrang hiya. Walang hiyang lalaki 'to! Kung anu-anong pinagsasabi! At sana nakikita niyang kasama ko ‘yung Lolo ko eh! Kung makasabi siya ng boobs, walang patawad! At ano naman kung maliit ang boobs ko?! 

 

"Eh ‘di lumingon ka rin."

 

Oo nga no? Tumalikod ako bigla pero nahawakan niya ‘yung braso ko at hinatak niya papunta sa kanya kaya napaharap ulit ako pero this time, mas malapit sa pagmumukha niya.

 

Oh shet. ‘Wag ganito.

 

"Sa ayaw at gusto mo, mag-uusap tayo," sabi niya sa akin habang naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Amputek naman oh! Gayuma 'to! 

"Ano ba—"

"At hindi tayo dito mag-uusap," tapos ang alam ko na lang ay biglang nawala ‘yung mga paa ko sa lupa at baligtad na ‘yung paningin ko.

"H-hoy! Ibaba mo nga ako! Kasi naman eh! Manyakis! Ibaba mo ko!" Lalo niya lang hinigpitan ‘yung hawak sa binti ko! Bakit ba kasi niya ako binuhat na parang baboy?!

"Uhm, excuse me po. Kikidnapin ko lang saglit 'tong kasama niyo. Isosoli ko rin po siya agad." Hindi ko naman nagets agad ‘yung pinagsasabi niya. Tapos saka ko narealize na kinakausap niya pala si Lolo! Anong kikidnapin?! 

"Oh sige. Mas mabuti nga iyan. Gusto rin naman ata niyang magpakidnap eh. Hindi ba, apo?" Kahit hindi ko nakikita ‘yung mukha ni Lolo, alam kong naka-evil mode siya sa pang-aasar!

 

Nagulat naman ako nung nagsimula na siyang maglakad. Pumipiglas pa rin ako pero lalo lang humihigpit ‘yung hawak niya! Tinawag ko na rin siyang manyakis, rapist, panget, bakla, bading, baklush, shunga, alien, hayup, unggoy, at kung anu-ano pa pero hindi niya ako pinapansin! Bakit hindi na siya napipikon ngayon? Dati naman kapag sinasabihan ko siya ng bakla, nag-aapoy na agad siya eh!

 

Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at umikot. Shet ha! Nahihilo na ako! ‘Yung dugo ko napupunta na sa ulo ko!

 

"Oo nga po pala, gusto raw po kayong makausap ng Lola ko. Papunta na siya dito. Yun lang," sabay ikot niya ulit at lakad.

"Hoy san mo ba kasi ako dadalhin?! Kasi naman eh! Ano ba! Ibaba mo na ako!" Hindi pa rin siya sumasagot.

"Ano bang problema mo?! Ang alam ko talaga hindi tayo bati! Bakit ba ang feeling close mo?!" Wala pa ring imik!

"Bakit mo ba ako ginaganito?! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!"

 

Pagkasabi ko nun, saka ko lang narealize na naging double meaning pala ‘yun. Bigla na lang bumigat ‘yung pakiramdam ko.

 

"Ibaba mo na nga ako! Hoy Ryde! Wag ka ngang bingi! Sabi ko ibaba mo a—"

"I love you."

 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ayaw mag-sink in ng sinabi niya sa utak ko. O sadyang mabagal lang magload?

 

"H-ha?"

"I love you."

 

This time, tumibok na nang mabilis ‘yung puso ko. Okay. Narinig ko siya nang maayos. Unless, may problema na ang tenga ko. T-tama ba yung pagkakarinig ko?

 

"Eh ‘di tumahimik ka rin." At naramdaman kong nag-smirk siya.

 

Gusto ko siyang sigawan, hambalusin, bugbugin at sampalin pero hindi ko magawa kasi feeling ko sasabog na ‘yung mukha ko sa sobrang pula. Walang hiyang Ryde 'to!

 

Just three words.

He shut me up.