.

.

Chapter 71

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

After ng silent moment namin, binaba niya ako bigla. Akala ko kung anong mangyayari pero nakita ko na nasa harapan na kami ng sementeryo at nasa harapan ko rin ‘yung bike niya.

 

"Sakay," tapos bigla siyang sumakay sa bike niya. Dahil medyo natakot ako sa pautos niyang tono (which is hindi ko alam kung bakit ako natakot), ay napasunod agad ako. Sumakay ako doon sa may upuan sa likod.

 

"Hawak." Syempre, sumunod agad ako. Mamaya bigla niyang paandarin, eh di baldog ako sa may semento!

 

Hindi naman ako nagsising humawak sa kanya dahil pagkahawak na pagkahawak ko ay pinatakbo niya agad ‘yung bike na parang kotse. Eh kasi naman, pababa ‘yung road galing dito sa sementeryo! Impakto 'tong lalaking 'to! Paano na lang kung hindi pa ako nakahawak?! Eh di ako na ang isusunod na ibuburol dito!

 

"Thank you." Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita.

"P-para s-saan?"

"Yung kay Lola. I really owe you alot. Salamat talaga."

 

Hindi ko alam kung ano na naman bang bwisit ang problema ng mata ko dahil nagtutubig na naman sila. Bakit ba kasi siya nagthathank you? Ginawa ko lang naman ‘yung tama eh. Pero namimiss ko na si Lola.

 

"Maraming sinabi sa akin si Lola."

 

Bigla akong kinilabutan. Binabawi ko na ang pagkamiss ko kay Lola. Shet! Anong mga pinagsasabi ni Lola kay Ryde?! Takte! Sa kanya ko pa man din sinasabi ‘yung mga kadramahan ko sa buhay! Tapos alam niya na rin na si Ryde ‘yung lagi kong kinukwento ko sa kanya! Impakta ka Lola, anong mga kinuwento mo kay Ryde!

 

"Alam kong galit ka sa akin. Alam kong nasaktan ka dahil sa’kin. Gusto kitang makausap, but you keep on avoiding me. I know na ang rude ko kanina, pero eto na lang ang alam kong paraan para makapag-usap tayo."

 

Napatulala naman ako. Weird. Ang dami niyang sinabi ngayon! Hindi ako sanay! Ang daldal niya na! Hindi talaga ako sanay!

 

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung isa kong kamay at inayos niya para mas mahigpit ‘yung hawak ko sa bewang niya. Utang na loob, Ryde! 

 

"H-hoy! Magbike ka na nga lang! Pag tayo nabangga ha!" Kasi naman! Kung anu-anong pinaggagawa eh!

"Don't worry. My life is yours. I'll do everything to protect you."

 

Buti na lang talaga at may dumaang sasakyan at malakas ‘yung sounds, kasi feeling ko napasigaw ako ng konti. Anak ng teteng naman eh! Anong pinagsasabi niya? Konti na lang talaga, sasabog na ako dito! Bakit ba siya ganito? Pinapaasa na naman ba niya ako?

 

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Ayoko nang mag-expect. Baka kasi masaktan na naman ako. Ayoko munang magtiwala sa mga pinagsasabi niya. Maniniwala na naman ako, tapos ano? Sasaktan niya rin naman ako.

 

Tahimik na ako buong byahe. Nung huminto siya, nandito kami sa dati kong pinuntahan. ‘Yung mataas na lugar kung saan kita mo ‘yung city lights pag gabi. Pero since 7 AM pa lang ata ay hamog ang makikita mo sa paligid.

 

Bumaba ako sa bike niya at pumunta doon sa may fence sa gilid. In fairness, ang sarap ng simoy ng hangin dito tapos ang lamig. Ang sarap sa feeling. Nagulat naman ako nung nasa gilid ko na rin siya.

 

"Pwede bang magtanong?" sabi niya sa akin pero nakatingin siya sa harapan.

"Nagtatanong ka na kaya."

"That means yes, right?" tapos bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya napatingin naman ako sa harapan. Buti na lang malamig at may palusot ako kung bakit namumula ang mukha ko!

"Bakit iniiwasan mo na ako simula nung matapos ‘yung field trip?"

 

Pagkatanong niya nun, nagflashback sa utak ko kung anong nangyari nung gabing ‘yun. ‘Yun ‘yung sinabi niyang may mahal siyang iba. Ouch naman oh. Bumabalik na naman ‘yang lecheng pakiramdam na yan ha.

 

"Tinanong kita nun kung nagmahal ka na ba, ‘di ba? Sabi mo, 'I guess' tapos sinabi ko sa'yo na ako rin. That one woman I love. Sobrang bait, thoughtful, maganda and everything you seek for a perfect girl."

 

Halos lumubog na naman ‘yung puso ko sa pinagsasabi niya. Sabi na nga ba eh, masasaktan lang ako rito. Ipinagduduldulan niya pa talaga sa akin ‘yung babaeng mahal niya. At ngayon, may pakiramdam ako na si Serene ‘yun.

 

"Actually, you already met her." napatingin ako bigla sa kanya. Sabi na nga ba eh.

"H-huh?" sabi ko na lang.

"Alam kong ganun rin ang masasabi mo sa kanya dahil kilala mo siya. She's the best," sabay ngiti niya sa akin. Alam kong weird sa kanya ang ngumiti, pero mas na-bother talaga ako sa sinabi niya. Si Serene, the best? Mabait? Thoughtful?

"S-sino ba siya?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko na. Pero bakit sa lahat naman ng babae, si Serene pa? Nakakainis. Ayokong marinig ang pangalan niya. Please, ‘wag mong sabihin.

 

"Of course...si Lola. I really love her. As much as I lo—Hey wait, why are you crying?"

 

Napaiyak na talaga ako ng totoo. Pakiramdam ko lumubog lang lalo ‘yung puso ko. Pero ang pinakamalala, pakiramdam ko ang tanga-tanga-tanga-tanga ko.

 

"S-si…si lola Roma y-yung tinutukoy mo? Hindi si Serene ?" alam kong naweweirduhan na siya sa akin dahil bigla na lang akong umiyak. Pero kasi naman eh.

"Y..yeah. Bak--"

"Bwisit ka naman Ryde eh! S-sana sinabi mo agad! S-sana nalaman ko kaagad! Para lang akong tangang nagseselos sa akala kong babaeng mahal mo! Nakakainis ka!" sabay punas ko sa pisngi ko at humarap nalang ako sa city. 

 

Alam ko namang kasalanan ko kasi nag-assume agad ako. Pero hindi ko rin maiwasang mainis sa kanya. Bakit kasi sinabi niya pa ‘yun? Syempre ang iisipin ko ay babaeng kaedad namin. Babaeng mahal niya as his other half, na akala ko ay si Serene.

 

"Listen." Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung dalawang balikat ko at hinarap niya ako sa kanya. "Hindi ko naman alam na...pero...is that true? Nagselos ka?"

 

Napatingin na lang ako right side ko habang pinupunasan ko pa rin ‘yung mga tumutulong luha. Hindi ko kasi magalaw ‘yung katawan ko since hawak niya ‘yung balikat ko.

 

"Nagselos ka nga." Pagkasabi niya nun, napatingin ako agad sa kanya with my death glare.

"Shut up," sabi ko sa kanya para lang may masabi ako. Bigla naman niyang ginulo ‘yung buhok ko. Tss.

"Akala ko kung anong nagawa ko sa'yo that day."

"Shut up."

"Pero nagselos ka lang pala."

"Shut up."

"Tsk. Ang hirap mo talagang i-handle."

"Shut u—" bigla naman niya akong hinatak papunta sa kanya at hindi ko natapos yung sinasabi ko sa kanya!

"I missed you. Really. Akala ko pati ikaw, mawawala rin sa akin. Though, lahat naman ng nawala sa akin, bumalik rin. And it's all because of you. So...thank you."

 

Nakayakap lang siya sa akin. Habang ako naman ay pinipigilang maiyak. Oo, iyakin na ako kung iyakin, pero I'm sure, na hindi 'to dahil malungkot ako. Hindi dahil mabigat ang loob ko.

 

"Sinabi na sa akin ni Daniel. Kinausap mo sila and you already know my story. Sorry kung nadamay ka pa sa gulo ng pamilya at mga kaibigan ko. I didn't mean to involve you."

 

Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko rin ay basang-basa na ng damit niya. Tuluy-tuloy na kasi ‘yung pag-iyak ko dahil sa mga pinagsasabi niya eh.

 

"I became stone cold when my Mom died and my grandmother vanished. Pero ikaw naman ang pumalit sa kanila. Unang pagkikita palang natin...uhm...but, really...I didn't mean to do that," saka ko naman narealize na ang tinutukoy niya ay yung pagkakahawak niya sa boobs ko nung nadapa siya sa hallway. Bwiset.

 

"Kapag kasama kita, gusto kong bumalik sa dating ako. ‘Yung makulit, palatawa, mapangtrip. Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako babalik sa dati hangga't ‘di ko nakikita si Lola. I even bet my own life to it. That's why I said my life is yours. Ikaw ang dahilan ng pagkikita ulit namin ni Lola. That day, nung nagtext ka sa akin, akala ko kung anong sasabihin mo. Pero you gave back my happiness. You gave back my previous life."

 

"Halos nakakonekta sa'yo lahat ng nangyari sa akin ngayong taon na 'to. It's like destiny is trying to bind us. Idagdag mo pa na may nakaraan pala ang lolo at lola natin." Ibig sabihin, kinuwento ni Lola yung side niya kay Ryde. I want to know it too.

 

Bigla naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin tapos pinunasan niya ‘yung pisngi ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Kahit gusto kong umiwas ng tingin, hindi ko magawa dahil feeling ko ay naka-glue na ‘yung mga mata ko sa mata niya.

 

"Simula pa lang, iba na ang pagtingin ko sa'yo. You made me happy, you made me lonely. You made me feel everything."

"Ikaw rin naman eh. Ang kapal ng mukha mong paiyakin ako. Walang hiya ka. Sinaktan mo pa ako. Pero kahit na ganun..." Halos maubusan ako ng hininga. Hindi ko yata kayang ituloy ‘yung sasabihin ko. Nahihiya na ako! Gusto kong sabihin na mahal ko siya pero hindi ko masabi!

 

"Pero kahit ganun…a-ano kasi—"

"I love you." Nagulat ako sa sinabi niya. At mas nagulat ako nung hinawakan niya bigla yung chin ko at...

 

He kissed...he kissed me.

 

Napatulala na lang ako sa kanya. What the heck. Did he just...kiss me? On the lips? After that, pakiramdam ko nawalan ako ng kaluluwa at nagpaparty siya somewhere. Pero wala pa nga ako sa wisyo ay bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko.

 

"H-hoy, anong ginagawa mo?"

"Alam kong masyado pang maaga para gawin 'to, pero turo sa akin ni Lola dati, kapag ang isang tao o bagay ay gusto mo talagang makuha, gumawa ka ng paraan para mapasayo siya by taking a step ahead."

"H-ha? Anong pinagsasabi mo? Tumayo ka nga dyan. Semento ‘yan oh. Masakit yan sa tuhod! Tsaka—"

"Will you be my future wife?"

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napaluhod rin ako dahil nanghina ang tuhod ko.

W-what did he just say?!

 

"A-anong...anong pinagsasabi mo?"

 

Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Oo, inaamin ko, kinilig ako ng bongga pero future wife?! Parang ang bilis masyado ha! Ano bang takbo ng utak ng Ryde na 'to?

 

"Huh? Eh di tinatanong kung pwede ba kitang—"

"Wait wait wait wait!" sabay harap ko ng palad ko sa pagmumukha niya. "M-may sira na ba ‘yang ulo mo? F-future wife?! Masyado pa tayong bata para dyan!”

 

Bigla naman siyang tumayo at pinagpag niya yung pantalon niya. Ako naman ay nakaupo pa rin sa kalsada dahil nanghina talaga ‘yung katawan ko sa sinabi niya. Naloka akong tunay!

 

"Sabi na nga ba ganyan ang magiging reaksyon mo," sabay grin niya sa akin. Aba't. Pinagtitripan niya lang ata ako eh!

"Nakakainis ka! Pinagtitri—"

"But I wasn't joking," tapos tumingin ulit siya sa akin with his famous expressionless face. Bigla naman niyang inilahad ‘yung palad niya at hindi ko alam kung anong meron pero kinuha ko naman ‘yun at tinulungan niya akong tumayo. Nakakahiya pa man din kasi naka-skirt ako ngayon. Takte, ano bang tumakbo sa isip ko nung nagpapalit ako at nagpalda ako ngayon?

 

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang hawak niya pa rin ‘yung isa kong kamay. Parang umurong na naman ‘yung dila ko. ‘Yung tingin niya kasi...it's like petrifying me. Parang hindi gumagana ‘yung utak ko.

 

"White cycling ha?"

"Ha—"

 

Tsaka ko narealize kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ko napigilan ‘yung sarili kong suntukin siya at talagang sobrang namula na ‘yung mukha ko.

 

Anak ng cycling naman oh! ‘Yun na ‘yung moment eh! Tapos biglang white cycling?! Napakamanyak talaga ng lalaking 'to!

 

"Napaka mo talaga...ugh!" saka ako tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad palayo. Panira talaga! Bakit ba ganito 'tong lalaking 'to?! Akala ko nagbago na siya dahil ang daldal niya na eh, pero ‘yung pagiging pervert niya, hindi naalis! Sabi na nga ba part ‘yun ng dating personality niya eh!

"Oy oy, saan ka pupunta?"

"Kay Daniel! Sa kanya ako papakasal!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ‘yun pero wala na eh, lumabas na sa bibig ko. Pero after nun, parang biglang humangin ng malakas at tumayo lahat ng balahibo ko. Napalingon ako bigla sa likuran...

 

"Kay...Daniel?"

 

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero imaginine niyo nalang: si Ryde, expressionless face + cold stare + cold tone + malamig na hangin.

 

Para siyang wild animal. Nakakatakot!

 

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ako naman, napaatras na lang.

 

"Kay…Daniel?"

"H-huh? W-wala naman...ata akong sinabing ganun? Ha…ha…" atras ulit.

"Sa...kanya..."

"Huy ano ka ba...baka...ano...mali ka lang ng rinig!"

"ka...magpapakasal?"

"Ka.;.kasal? A-ano yun? P-agkain ba ‘yun?"

"Daniel..."

"Eto naman oh—"

 

Saka ko naramdaman na nakasandal na pala ako doon sa may wall sa gilid. Patay. Aeisha, patay ka na talaga. Nakakatakot si Ryde!

 

Bigla naman niyang nilagay ‘yung dalawa niyang kamay sa may pader kaya na-stuck ako sa pagitan nun. Oh shocks, oxygen, where are you?!

 

Pero wait. Déjà vu? Parang nangyari na rin 'to dati? Nangyari na nga ba? Hindi ko na maalala.

 

"Sabihin mo nga," tapos biglang bumalik sa normal ‘yung itsura niya. Pero this time, parang ang lungkot ng mga mata niya. And I find it cool. "Mahal mo ba si Daniel?" 

"Huh?"

 

Hindi ko alam kung matatawa, maiinis, magagalit, maglulumpasay o manununtok ako sa tanong niya. As in seriously? Tinatanong niya yan?! Utang na loob lang, Ryde! Pasintabi lang pero tanga ba siya?!

 

"Ryde," tapos hinawakan ko ‘yung dalawa niyang balikat. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko.

"Hmm?"

"SUPER PUNCH!” tsaka ko siya sinuntok sa may sikmura with all my power. After that, pakiramdam ko nabali lahat ng buto ko sa kamay, pero wala akong pakialam! Hah! Dapat lang sa kanya ‘yan! Napahawak siya sa tiyan niya pero hindi siya tumumba. Sabi na nga ba ako ang masasaktan sa gagawin ko at hindi siya! Pero at least medyo nasaktan naman ata siya!

 

"What the..."

"Tinatanong mo kung mahal ko si Daniel? Oh ayan ang sagot ko! Kung di ka rin naman talaga...ugh! Sino ba sa tingin mo ang iniiyakan ko these past few weeks?! Sino ba sa tingin mo ang lagi kong nakakasama?! Sino ba sa tingin mo ang lagi kong hinahanap?! Sino ba sa tingin mo ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon?! Sino ba sa tingin mo ang mahal ko?! Ha Ryde?!"

 

Napatulala lang siya sa akin kahit na medyo nakahukot siya dahil hawak niya yung tiyan niya.

 

"Ibig sabihin..."

 

Anak ng tupa naman oh! Akala ko ako lang ang slow sa aming dalawa, pero siya rin pala! Hindi niya ba ako napapansin?! 

 

"Oo! Ikaw yun! Ikaw ‘yun, Ryde! Nakakainis ka talaga!" sabay talikod ko.

 

Gosh! Did I just confess my feelings?! Nakakahiya! Anong gagawin ko?! Ayoko nang humarap sa kanya! Mamatay ako pag humarap ako sa kanya!

 

"You mean, you love me, too?"

 

Ang kulit naman ng lahi ng isang 'to oh! Hindi niya ba narinig ‘yung sinabi ko sa kanya kanina? Bingi ba siya? Tama na please! Hindi na kakayanin ng kahihiyan ko!

 

"Ulit-ulit?!" sabi ko na lang habang nakatalikod pa rin ako. Pero nagulat ako nung biglang may yumakap sa likuran ko.

"Thank you," tapos bigla niyang hinalikan ‘yung balikat ko. Kasabay nun ay kinilabutan ako ng todo at feeling ko ay lalagnatin na ako sa sobrang init ng pagmumukha ko.

 

Agad naman siyang umalis sa pagkakayakap. Paglingon ko, naglalakad na siya palayo sa akin. Teka, anong ginagawa niya?

 

"S-saan ka pupunta?" bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi may masamang mangyayari.

"May kailangan lang akong ayusin," sabay sakay niya sa bike niya.

"Hey wait! Teka! Iiwan mo ako dito? Teka pasabay!" tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Dyan ka lang. May susundo sa'yo dito."

 

Hindi ko alam pero biglang bumigat ‘yung pakiramdam ko. Ano na naman ba 'to? Ano na naman bang nangyayari? Meron na naman bang problema?

 

"Ryde—"

"Kahit na hindi mo sinagot ‘yung tanong ko kanina...I'll wait."

 

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Anong sagot ang hindi ko natanong? Ang naaalala ko lang na hindi ko nasagot ay ‘yung tungkol sa...sa...future wife.

 

"Pero asahan mo, after 10 years, I'll ask the same question. I'll wait and wait. Kahit magpakatanga ako sa paghihintay, hindi ako susuko."

 

Biglang may nag-flash na pangyayari sa utak ko. Bigla kong naimagine si Lolo at si Lola Roma. Ewan ko pero naisip ko sila bigla nung sinabi ni Ryde yung "after ten years" at "paghihintay". Is this a coincidence?

 

"Pero san ka pupunta? Iiwan mo ako dito?"

"Yes. But we'll see each other again, soon. That is, if you really love me," tapos nagprepare na siya sa pag-alis. Ako naman ay napatakbo papunta sa kanya.

 

I don't get it. I really don't get it. Ano bang ibig niyang sabihin? I will see him if I really love him? What does that mean? 

 

"Teka!"

"Hihintayin kita dun. Sana magpakita ka. See you."

 

Saka niya pinaandar yung bike niya ng ubod ng bilis. Sinigaw ko ‘yung pangalan niya pero hindi na siya lumingon. He left me. Ano ba kasing pinagsasabi niya?

  

Nagulat naman ako nung may narinig akong gumagalaw doon sa may gilid ng mga puno at bushes. Pagtingin ko...

 

"Wow! Ang dramatic nung scene na ‘yun! Shocks! Pwede na talaga kayong dalawa sa theater club! ‘Di ba?"

"Hmm pero mas magaling pa rin ako, babes."

"Babes?! Sino si babes?! May iba kang babae?!"

 

Napatulala na lang ako sa kanila. What the hell? Anong ginagawa nila dito?!

 

"Yem? Chris? Anong ginagawa niyo dyan? At isa pa, kanina pa kayo dyan?!"

"Ha? Oo naman!" sabi ni Yem sabay tutok sa akin nung camcorder na hawak niya.

"Nakita namin lahat! ‘Di ba loves?" sabat ni Chris sabay harang doon sa camcorder at nagpose sa harapan ni Yem. Ano bang problema ng dalawang 'to?

"Don't worry Poleng! Isa akong magaling na bata kaya nakuhanan ko lahat pati ‘yung kissing scene! Shocks! Kilig! Walang hiya muntik na nga akong sumigaw kanina eh!"

 

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Shet! Ibig sabihin...sa simula pa lang ay nandyan na sila?! What the hell?! At teka, bakit sila naka-school uniform?! Akala ko ba walang pasok? O trip lang nilang mag-uniform?

 

Napatingin naman ako sa bumusina tapos nakita ko ‘yung jeep ni Lolo at nakita ko rin na nakaupo sa unahan si...

 

"Lola Roma?!"

"Hi apo!" sabay kaway niya sa akin with todo-todong energy. Wait lang! Nagkausap na sila ni Lolo? Whoa! Ano kayang napag-usapan nila? Nagkaintindihan na kaya sila? Nalaman na kaya nila ang buong kwento? Gusto ko ring malaman!

"Tama na ang batian, apo. Sakay na at may pupuntahan pa tayo," sabi naman ni Lolo sabay busina ulit sa amin.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Pasok na Poleng! Late na tayo! 7:30 na oh!" tapos tinulak-tulak ako ni Yem papasok sa jeep.

"Teka lang! May pasok tayo? Akala ko ba wala? ‘Di ba inannounce sa klase kahapon na walang pasok?"

"Joke lang ‘yun. Pinagkaisahan ka naming lahat!"

 

Nung nakapasok na kami sa jeep, pinaandar na agad ni Lolo ‘yung sasakyan. Saka ko napansin na may nakabukas na laptop sa loob at parang may nagpeplay na video.

 

"Okay Lolo Paulo! Full speed po! Let's start this procession!"

 

Procession?! Wait nga lang. Ano ba kasi talagang nangyayari?!