.

.

Chapter 72

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015


***

"Ha? Anong procession? Pinagsasabi niyo? Ano bang nangyayari? Walang hiya naman oh! Sasabog na ang utak ko kakaisip ha!"

"Wow Poleng, akalain mong nag-iisip ka na pala? Joke lang!" sabay peace sign niya sa akin. Hambalusin ko kaya ng laptop 'tong si Yem? Porque matalino lang siya ginaganyan niya na ako ha.

 

After that, hindi na nila ako pinansing lahat kahit ano pang tanong ang itanong at sabihin ko. Ewan ko ba pero busy sila sa kung anu-ano. Si Yem, nakikinig ng music sa cellphone niya with her serious expression. Si Chris naman busy sa laptop na nandun sa jeep at tuwing lalapit ako ay lalayo siya tapos pilit niyang nilalayo sa akin ‘yung laptop. Si Lolo syempre nagdadrive. Si Lola naman ay parang bagets at naka-earphones rin. Ano ba kasing meron?!

 

Bigla namang huminto yung jeep sa kanto namin at nagulat ako nung nakita ko si Aera sa may kanto. Kasama niya rin si Daniel at Serene. Now this situation is unimaginable. Bakit sila magkakasama?! Mas ikinabigla ko pa nung sumakay sila sa jeep.

 

"Ate! Wah Lolo! Lola Roma!" Pagpasok na pagpasok pa lang ni Aera ay kung anu-ano na agad ang pinagsisigaw niya. Natawa nga ako nung tumawid siya galing dito sa loob ng jeep papuntang unahan para lang maupo sa pagitan ni Lolo at Lola.

 

"Kamusta Aeisha? You look great," sabay ngiti sa akin ni Daniel. Tsaka ko naman narealize yung sinabi niya. 'You look great when you're smiling.' Ewan ko ba pero napangiti na lang ako. Tapos nabaling ‘yung atensyon ko sa huling taong pumasok ng jeep—kay Serene.

 

"What? Wag mo nga akong titigan! It’s creepy! And! Uunahan na kita, hindi ko 'to ginagawa for you. I'm doing this for Ryde and Daniel!"

 

Napatulala ako sa kanya kahit sinabi niya pang ‘wag ko daw siyang tignan. Gusto ko sanang ngumiti kaso baka bugbugin niya na talaga ako nang tuluyan at matuloy bigla ang naudlot naming World War III dati. Ewan ko ba pero feeling ko...feeling ko lang ha! Medyo bumait siya. Siguro mga 1%. Pero lalo lang gumulo ‘yung utak ko. Ano na naman bang ibig niyang sabihin? Bakit sila nandito? Anong meron?

 

Tatanungin ko na sana sila kaso bigla naman silang umiwas ng tingin sa akin sabay gawa ng kung ano. Si Daniel, biglang naging busy sa cellphone niya at type siya nang type doon. Si Serene naman ay nilabas yung sewing kit niya at nagtahi ng kung ano. Wala naman akong maasahan sa kapatid ko at isa pa, ang layo niya. 

 

So ganun? Ayaw talaga nilang sabihin sa akin?! Mga walang hiya naman 'tong mga taong 'to oh!

 

Hanggang sa bigla nalang may tumunod galing sa laptop ni Chris.

 

"Talaga? OMG! Kakilig naman! Sure! Game kami!"

"Grabe to the highest level! Shocks nainggit naman ako bigla!"

"Ang swerte naman ni Aeisha! Sana ako na lang!"

"Ang haba ng hair niya! Anong shampoo ‘yan ha?! Takte kilig!"

"Makalaglag panty 'to ha! Shet awesome! Sige game!"

"Leche! Sweet nga pero nakakainggit! Sige i-push natin 'to!"

 

 

Nabosesan ko naman sila. Si Allyn, Agnes, Emcee, Kristine, Marie at Berry –mga classmates namin ‘yun ah? Anong pinagsisigaw nila? Nasa school ba sila ngayon? So may pasok talaga? Napatingin ako bigla sa mga sakay ng jeep na 'to at napansin kong nakauniform silang apat.

 

"Naka-uniform kayo! Teka kukunin ko uniform ko! May pasok pala talaga?!" Bababa na sana ako ng jeep kaso biglang pinaandar ni Lolo! Muntik na akong tumilansik palabas pero biglang tinaas ni Serene ‘yung kanan niyang paa kaya naharangan ako at tumilapon ako sa loob ng jeep.

"Pwede ba? Wag ka ngang magulo!" sabay irap niya sa akin. Aba naman! Tss. Pasalamat siya at medyo niligtas niya ako mula sa pagtilapon ko sa labas kundi! Tinulungan naman agad ako ni Daniel dahil sa pwesto niya ako tumalsik. 

"Don't worry, hindi mo na kailangang mag-uniform," sabay kindat niya sa akin.

 

Okay. Alam kong in love ako kay Ryde pero shems lang talaga. Ang gwapo lang ni Daniel! Plus ‘yung pagkindat pa niya! Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin at bigla na lang nawala ‘yung pagkakacrush ko sa kanya eh. Ideal guy pa man din siya. Kaya pag may babaeng nagkainteres sa kanya, dadaan muna sa akin! He's like an older brother to me kaya responsibilidad kong kilatisin sila.

 

"Hay naku Daniel. Kahit anong clue pa ang ibigay mo sa babaeng ‘yan, di niya yan magegets. Alam mo naman kung gaano yan ka-slow pagdating sa mga ganitong bagay."

 

Hindi ko talaga alam kung best friend ko ba talaga 'tong si Yem o sadyang trip niya lang akong laitin eh. Eh di ako na ang slow! At anong clue ang pinagsasabi niya? Hindi ko talaga maintindihan ang mga matatalinong tao! Ang complicated nila mag-isip! Hello? Ordinaryong estudyante lang po ako! Utang na loob naman!

 

"Pero Aeisha, alam mo, ang slow mo nga," biglang sabat naman ni Chris. Isa pa 'to eh!

"I agree on that point. Plus, she's so clumsy...and not pretty." Napatingin naman ako kay Serene at nakataas pa talaga ang right hand niya. Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na bumait siya ng 1%! Sumama siya! Naging mas masama siya ng 23.5% Tss!

"But I think she's dependable and strong on her own ways." Napangiti naman ako sa sinabi ni Daniel. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin!

 

Pero napataas naman ang kilay ko. Wow ha? Kung pag-usapan nila ako parang wala ako sa harapan nila. Medyo masakit ha! 

 

"Hoy! Ano bang problema niyo—"

"Okay guys! Malapit na tayo! Start na ang preparation! Go!"

 

Nagulat naman ako nung sumigaw si Yem tapos bigla siyang tumabi sa akin. Magrereklamo pa sana ako sa pag-uusap nila sa akin kanina pero bigla na lang niyang tinakpan ‘yung mata ko tapos naramdaman kong may nakahawak sa dalawang kamay ko at pinipigilan akong gumalaw. Okay, ano na naman bang pantitrip 'to?! 

 

"Hoy! Ano bang pinaggagawa niyo?! Hindi na to—hmmm!"

"Just shut up, you little bitch. Or else, I'll turn you into an ugly witch!" Hindi ako makapalag dahil may nakahawak na rin ngayon sa bibig ko. At sino pa ba ang bruhildang magsasalita ng ganun sa akin? Bwisit na Serene 'to!

 

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naramdaman kong may ginagawa sila sa katawan ko. At nakikiliti na talaga ako! Pero shet na Serene 'to laging pinipigilan ‘yung pagtawa ko! Oras na makawala lang talaga ako sa kanilang apat, uupakan ko sila isa-isa! Ang hirap kayang magpigil ng tawa!

 

"There! Tapos na!"

"Psh. She's still ugly."

 

Bigla naman nilang binitiwan lahat ng hawak nila sa katawan ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Pagdilat ko, ang lapit ng mukha nila sa akin at lahat sila ay naka-grin...well except for Serene, at parang may balak na masama.

 

"Oy ano yang mga tingin na ‘yan—"

"Labas na! Andito na tayo!" sabay tulak sa akin ni Yem. Tapos saka ko lang napansin na nasa kanto na pala kami ng school. 

"Teka! Anong pinaggagawa niyo sa akin? Anong nangyari?"

"Gaga, inayusan ka lang namin ng konti! Oh ayan oh," tapos inabutan ako ni Yem ng salamin. Pagtingin ko, parang gusto kong masuka. Medyo curly ‘yung hair ko sa dulo tapos naka-lipstick ako. What the hell?

"Anong ginawa niyo sa mukha—"

"Tsk. Dami pang satsat. Pwede ba lumakad ka na lang?"

 

Konti nalang talaga at mababasag ko na 'tong salamin sa pagmumukha ng Serene na 'to. Bakit ba iritang-irita siya? Kairita ha. Ano ba kasing meron? Hindi talaga ako mapakali. Takte.

 

Naglakad lang kami papuntang school. Pero wala pa kami dun ay nakakarinig na ako ng ingay. Okay, seriously? Anong nangyayari sa loob ng school?

 

"Hay. Ang swerte mo talaga Poleng. Haba ng hair mo. Dinaig mo si Rapunzel! Sana kasing-sweet rin ni Ryde ‘yung magiging boyfriend ko!" nakita ko naman si Chris na kumunot yung noo. Pfft. Selos ! Pero nabother ako sa sinabi ni Yem.

 

"Ha? Si Ryde? Ano ba kasing meron, Yem? Please naman, sabihin mo na kasi sa akin." Halos paiyak na rin ako nun. Naffrustrate na talaga kasi ako. Alam niyo yung feeling na ‘yun? ‘Yung wala kayong alam sa mga nangyayari pero sunod pa rin kayo sa flow? Nakakagaga kaya.

 

"Hay. Okay fine. Tutal nandito na rin naman tayo." Nakatingin lang ako sa kanya habang pa-suspense niya pang dinelay ang pagsasabi niya sa akin. "Hindi mo ba napansin?"

"Ang alin?"

"Sinundo ka ng Lolo mo from that hill tapos hinatid ka niya dito kung nasaan si Ryde."

 

Nandito sa Ryde sa school? For real?

 

"Then your closest friends are here beside you. At hinahatid ka rin papunta sa kanya." Napakunot naman ‘yung noo ko sa pinagsasabi ni Yem. Wala na talaga akong naiintindihan. Hindi na lang kasi diretsuhin eh!

 

"Psh. Slow slow mo talaga forever!" sabay pitik niya sa noo ko.

 

"It's like a wedding! Ano ka ba naman! And according to Ryde, this is a pre-wedding, for ten years later. Ito ang way niya ng panliligaw at pagtatanong kung pwede ka niyang maging girlfriend."

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, natulala na lang ako. Tapos nakarinig ako ng ingay. At nagulat ako nung lumabas ‘yung classmates ko at kung anu-anong pinagsasabi sa akin. Kesyo kinikilig daw sila, congrats daw, inggit daw sila, at hindi ko na maintindihan pa yung iba. Tapos ang alam ko na lang ay tinulak-tulak nila akong lahat papasok ng gate. At pagkakita ko sa quadrangle, parang gusto ko na lang maiyak.

 

May red carpet papunta doon sa mini-stage tapos nasa gilid ‘yung iba kong classmates, badminton teammates ko, pati ‘yung glee club. Tapos sa corridors, halos lahat ng estudyante ay nakasilip sa kung anong nangyayari. Pati yung mga teachers nandoon din.

 

And Ryde is there.

 

"I'll wait for you."

 

So ito ang ibig niyang sabihin? Na pumunta ako dito...for this? Hindi ko alam kung paano magreact. Ang alam ko lang ay tumulo na ‘yung mga luha ko bago pa man may lumabas na words sa bibig ko.

 

I'm speechless.

 

"He really loves you. Siguro more than I do. At hindi ako magsisisi kung sa kanya ka man mapunta," biglang bulong sa akin ni Daniel sa gilid.

"Tss. Oras na malaman kong sinaktan mo ulit siya, asahan mong kakalbuhin kita and your life will be a total nightmare," dagdag ni Serene, sabay sandal niya sa may gilid. Ewan ko pero I feel sorry for her.

 

Hindi ako makagalaw. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

 

"Sana maging masaya ka kasama ng apo ko. Sana ganito rin ang maabutan ko makalipas ang sampung taon." Nagulat naman ako nung sumulpot si Lola sa gilid ko. Then, she kissed me on the cheeks.

"Hindi ba sabi mo apo, gusto mong maging masaya? Hindi ba ito na ‘yun? Wag kang mag-aalala. Gagawin ko ang lahat para ihatid ka sa kasayahang ‘yun. Naudlot man ang pinapangarap kong pag-ibig dati, alam kong matutuloy ‘yun sa katauhan mo. Masaya akong ikaw ang naging apo ko, Pauline," tapos hinalikan din ako ni Lolo sa noo.

 

Halos wala na akong makita dahil sobrang luha na ang lumalabas sa mga mata ko. Mas malala pa ata 'to kaysa sa pag-iyak ko dahil kay Ryde dati. Pero kahit na umiiyak ako...

 

I felt happy.

I feel warm.

 

"Eto ate. Ginawa ko ‘yan!" tapos inabot sa akin ni Aera ‘yung isang buoquet ng flowers na gawa sa papel tsaka siya ngumiti sa akin. Umupo naman ako kalevel niya at hinalikan ko siya sa pisngi. She's so sweet.

 

"Sige na apo, lumakad ka na at naghihintay na siya."

 

Nag-nod nalang ako kay Lolo. At nagsimula akong maglakad. Unang hakbang ko pa lang, naghiyawan na ‘yung mga estudyante sa buong school. Tsaka ko napansin na may nagproject doon sa likod ni Ryde. Pagtingin ko, parang music video at compilations ng pictures ko at ni Ryde. Narinig ko rin na may tumugtog. Pagtingin ko, nandun na si Yem sa tabi ng glee club at nagsimula siyang kumanta.

  

"There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like i do

You have no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile

With just one glimpse of you"

 

Tapos nagulat ako nung may nagtaas ng banner sa may 3rd floor sa may tapat ng room namin.

 

               

I LOVE YOU RAW AEISHA!

PINAPASABI NI RYDE!

 


 



 

‘Yan ‘yung nakasulat sa banner. And I felt stupid dahil natawa ako bigla habang umiiyak ako. Mga walanghiyang classmates 'to. Kakontsaba pala silang lahat.

 

"You don't have to search no more

Cause i am someone who will love you for sure so.."

 

Tapos nakidagdag rin ‘yung mga nakikiusyosong estudyante. Sinigaw rin nila ‘yung nakasulat sa banner. Ewan ko pero natawa na lang ako habang patuloy lang sa paglalakad.

 

"If we fall in love

Maybe we'll sing this song as one

If we fall in love

We can write a better song than this

If we fall in love

We will have this melody in our heads

If we fall in love

Anywhere with you would be a better place"

 

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa kanya. Hanggang sa nasa tabi ko na siya. Sumalubong sa akin ang isang ngiti niya. Ewan ko ba pero it feels so different sa mga ngiti niyang nakita ko na. He looks awesome. Para siyang batang nabigyan ng laruan.

 

"You look beauiful."

"Kumulot lang ‘yung buhok at nag-lipstick, beautiful agad?" sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin. Nakakainis kasi siya eh. Kung anu-anong trip niya sa buhay.

"Yeah. Maganda ka kahit anong mangyari," tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

 

Biglang tumahimik lahat at tanging ‘yung malakas na tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

 

"Thank you, dahil pumunta ka."

"The heck? A-akala ko...aalis ka na naman kanina. Akala ko mawawala ka na naman. N-nakakainis ka talaga. Ang hirap mong intindihin."

"Sorry. Gusto ko lang masurprise ka."

"Surprise...to the point na...buong school, kinontsaba mo?" tapos ngumiti ulit siya sa akin.

"Pumayag naman sila eh. Besides, I really want to do this for you. I love you."

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, biglang tumugtog ‘yung glee club at kumanta si Yem. Pero hindi ko na naintindihan dahil nagsisigawan na rin ‘yung mga estudyante.

 

"I love you so much."

 

Hindi na ako makapagsalita. Naiyak na lang ako. Ulit. Wala na talaga akong alam gawin kundi umiyak.

 

Nagulat naman ako nung lumuhod na naman siya sa harapan ko.

 

"I really want to be with you. I want you to be the woman I'll love until the end. Pero alam kong marami pang mangyayari at hindi tayo sigurado sa mangyayari sa mga susunod na araw," tapos tinitigan niya ako. "But I promise you, gagawin ko ang lahat to keep you with me. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Alam kong parang istorya ng grandparents natin ang nangyayari sa atin. Pero hindi ko hahayaang maging ganun rin ang mangyari. We'll continue their story."

 

Hindi ko na talaga mapigilan ‘yung luha ko. But I really feel happy right now. Para akong nananaginip. This is too good to be true.

 

"So please give me a chance to prove my feelings for you." Naging tahimik na naman ang paligid. Maging sila Yem ay huminto rin sa pagkanta.

 

"Pauline Aeisha Bernardino, will you be my—" Hindi ko na siya pinatapos at napayakap nalang ako sa kanya, to the point na natumba na siya dahil sa impact ng pagkakayakap ko.

 

“Nakakainis ka talaga! Bakit ka ganyan? Lagi mo na lang akong pinapaiyak...I really hate that part of you...Pero kahit na ganun...mahal pa rin kita.”

  

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ko siya. Nakita kong gulat ‘yung expression ng mukha niya. Gusto ko sana siyang tawanan pero ayokong masira ang moment na 'to.

 

Lumapit ako sa kanya and I can see his face clearly. I cupped his face and I kissed him.

 

"Of course. Hindi ako magpapaka-Maria Clara at magpapakipot pa. Baka mawala ka na naman sa akin," tapos niyakap ko ulit siya.

 

"Ryde, I want you to be my boyfriend...and of course, siguro after ten years," nginitian ko siya kahit na nahihiya na ako. “My future husband.” 

 

After that confession, parang nagwala lahat ng tao. Puro ingay lang ang naririnig ko. Tapos nagulat ako nung napakarami ng tao sa paligid namin. Hindi ko na rin maintindihan ‘yung pinagsasabi nila. Wala na akong maintindihan.

 

But I feel secure ‘cause he's holding my hand. And that's enough for me.

 

He's right beside me. And I know that he loves me.

 

I found this guy. I found Rydell Jin Montalbo.

 

Mama, Papa, finally...

 

I found my own happiness.