***

Halos malugmok na ako dito sa room dahil sa nangyari kanina. Lunch break na namin at inaasar pa rin ako ng best friend kong ang sarap ihampas sa pader. Tapos ang saklap pa lalo dahil parang di ako makahinga sa loob ng room habang nagkaklase dahil classmate ko si Ryde. Anak ng putakte talaga. Kasi naman Aeisha! Bakit di mo tinitignan kung sino ang hinahatak mo? Tapos narinig niya pa yung sinabi mo. Naman!

Sinamaan ko ng tingin si Yem dahil inaasar na naman niya ako tapos tawa pa siya nang tawa. Takte nakakadegrade ng pagkatao ‘to ha.

"Yem nakikita mo 'tong tinidor na hawak ko?" napatingin naman agad siya sa akin.

"Oo bakit? Hahaha!"

"Pag di ka tumigil kakatawa dyan, itutusok ko 'to sa ilong mo. You like?" tapos ngumiti ako na punung-puno ng sarcasm.

"Ha? Sino bang may sabing tumatawa ako? Ang seryoso nga ng mukha ko, oh. Mukha ba akong tumatawa?" tapos tsaka siya nagserious face na ewan ko ba kung bakit ako naman yung natatawa. Hindi ko kasi alam kung serious ba yun oh natatae lang talaga siya.

Pero nagulat ako nung bigla siyang nagulat. Tapos parang nasasaniban ng malanding espiritu, kasi pangiti-ngiti. Yung parang di mo alam kung kinikilig o nananakot? Anong problema niya ngayon?

"Huy babae para kang baliw dyan." tsaka ko siya sinubuan nung kinakain namin. Ngumanga naman siya eh, kaya nashoot.

"Pauline, right?"

"Ay shet!" tapos nasalaksak ko kay Yem yung kutsara dahil nakasubo pa sa kanya yung kutsara at sobrang nagulat talaga ako nung may humawak sa balikat ko.

"OMG YEM AYOS KA LANG? SORRY HALA SORRY! IKAW KASI EH! BAK--" nilingon ko kung sino man yung impaktong humawak sa balikat ko.. at nagulat ako kung sino yun. Parang may love song na nagplay sa utak ko tapos parang tinatangay-tangay yung buhok ko. Tapos parang ayoko ng tanggalin yung tingin ko sa kanya.

Nakaramdam ako na may tumapik sa akin tapos bigla kong naalala si Yem na nabilaukan pala dahil sa akin. Kumuha aagad ako ng tubig tsaka ko inabot sa kanya. Hinimas ko na rin yung likod niya para makagaan sa pakiramdam.

"Ano Yem, okay ka na? Sorry na." tsaka ako nagpacute sa harapan niya kahit hindi bagay sa akin. Tumango na lang siya at sinamaan ako ng tingin. Mukhang okay naman na siya. Tsaka ko naalala, may tao pa pala sa likod namin.

"Uhhh he-hello Daniel!" Grabe nakakahiya yung ginawa ko! Tapos nakita niya pa. Ano ba naman yan! Kasi naman eh kasalanan niya yun. Ginulat niya ako masyado.  May pahawak-hawak pa kasi sa balikat na nalalaman.

"Sorry ako ata may kasalanan dahil nagulat kita. Nakita lang kasi kita bigla. Pauline di ba? So ready ka na mamaya?" Alam niyo yung perfect na sana ang lahat? Kaso badtrip, bakit naman Pauline?

"Uhh ano, Aeisha nalang po kuya Daniel." syempre pa-demure muna ako kunwari.

"Ohh okay. Aeisha pala. At wag mo na akong tawaging kuya, pareho naman tayong fourth year eh. Mukha ba akong matanda?" tapos feeling ko nagpacute siya.

SHET ANG CUTE NIYA.
SHET ANG POGI NIYA.
SHET PWEDE BA SIYANG ISILID SA LOOB NG SAKO TAPOS IDIDISPLAY KO SA KWARTO KO?

"Ay sorry. Da-daniel na lang pala. Sige may klase pa kami eh. Tara na Yem!" kahit kakarecover palang ni Yem ay hinatak ko na agad siya palabas ng canteen. Kailangan ko ng oxygen! Nakakasuffocate dito sa loob ng canteen!

"Huy teka lang naman! Ang aga pa ah?" kinakausap ako ni Yem at hatak-hatak ko pa rin siya  habang umaakyat kami sa hagdan.

"Ayoko dun! Di ako makahinga! Nangunguha ng oxygen yung nilalang na yun!"

"Ayiee kinilig ang bruha kay Daniel! Shet ang ganda mo naman, dala-dalawa pa papables mo! Pero mas bet ko si papa Ryde." Napahinto ako sa pag-akyat at humarap ako sa kanya with anong-pinagsasabi-mo-wala-ka-na-ba-sa-tamang-pagiisip-face.

"Shut up nalang Yem, okay?"

Hindi ko nalang pinakinggan yung mga pinagsasabi niya hanggang sa makarating kami sa room. Feeling ko ang pula-pula pa rin ng mukha ko sa sobrang kahihiyan kanina. Nakakahiya talaga! Si Daniel talaga kasi yun eh, tapos nakita niya yung bara-bara kong kilos.

Nung paupo na ako, napansin ko yung kaisa-isang tao sa likuran namin. Hindi kaya 'to na-oout of place? Nasa likod na nga siya tapos wala pa siyang katabi. Actually natutulog siya ngayon. Hindi siya nakaub-ob sa upuan, nakapatong yung batok niya dun sa silya. I mean, para siyang nakatihaya lang kung matulog. May suot siyang earphones tapos nakapikit. Tulog nga kaya 'to? Mamaya kunwa-kunwarian lang. Pero ang peaceful niya tignan. Para siyang bata. Para ngang unti-unti na ring nawawala yung takot ko sa action star image niya at napapalitan na ng sobrang pagkahiya dahil sa mga pinagsasabi ko kanina.

"HUY!"

"AY KABAYO!" 

"Ehem teh, matunaw yan. Wag mo masyadong titigan." tapos at saka siya ngumiti sa akin ng nakakaloko. Sasapakin ko na talaga 'to si Yem. Kanina pa 'to sa canteen ah!

"Ewan ko sayo." napaupo nalang ako sa upuan ko at hinintay na matapos na yung break. Kaso parang habang naghihintay ako ay mas humahaba yung oras. Tokneneng naman. Wala na akong magawa. Nilaro-laro ko nalang yung ballpen ko. Mga ten minutes after, dumating na yung teacher namin sa Physics.

"Afternoon class."
"Good afternoon sir." 

Itatabi ko na sana yung ballpen ko kaso biglang nadulas sa kamay ko kaya nalaglag. Gumulong siya dun sa ilalim ng upuan ko hanggang sa likuran ko kaya lumingon ako sa likod.  Pero imbes na yung ballpen ko yung tignan ko ay nabaling yung tingin ko kay Ryde. Grabe. Tulog pa rin siya kahit may teacher na sa harapan. 

Sumimple akong bumaba at kukunin ko n asana yung ballpen ko pero biglang gumalaw yung paa niya at inapakan niya yung ballpen ko. Putek! Buti hindi yung kamay ko yung naapakan! Pagtingin ko sa kanya, aba at tulog pa rin ang manyak.

Sinubukan kong hugutin yung ballpen sa may paanan niya at dahan-dahan kong yung ginawa. Mahirap na, baka akalain niya, may ginagawa ako sa kanya.  Hindi ko naman siya ginising dahil unang-una sa lahat, hindi kami close, at pangalawa, ayoko.

Dahil nakuha ko naman na ang ballpen ko, tumayo na ako. Pero pagkatayo ko, nakita kong nakatingin sa akin yung mga kaklase ko. Nagpulot lang ako ng ballpen, nasa akin na lahat ng atensyon?

"Ms. Bernardino, what are you doing?!" napatalikod agad ako at nakita ko si sir na nasa harapan ko na pala.

"S-sir."

PATAY.


***