.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014


***

"Anong ginagawa mo dito? Nagkaklase na ako diba?" Jusko! Kulang nalang ay maihi ako ngayon dito. Nakakatakot talaga siya!

"Pinulot ko lang po yung ballpen ko. Na-nalaglag po kasi." 

"Oh. Kaya pala halos isang minuto ka na dyan. How nice." 

Bakit ba kasi natapat pa yung paglaglag ng ballpen ko sa masungit na teacher? Naman eh! Nakakahiya na 'to. Nakatingin pa lahat ng classmates ko sa akin.

Nagulat naman ako nung bigla akong nilagpasan ni Sir at pumunta dun sa tao sa likod ko. Si Ryde. At tulog pa rin siya hanggang ngayon. Grabe. Dinaig niya ako sa pagiging tulog-mantika!

"Mr. Montalbo." Nakakatakot yung tono ni sir pero hindi pa rin gumigising si Ryde. Nagulat na lang ako nung biglang hinatak ni sir yung kwelyo niya tapos tinulak siya pataas para mapaupo siya. Narinig ko pa yung pagtama ng likod niya sa upuan. Ang sakit nun.

"Mr. Montalbo, hindi mo 'to bahay para matulog ka nalang basta-basta habang nagkaklase ako." Pagkasabing-pagkasabi nun ni sir, biglang dumilat yung mata ni Ryde. Kung kanina natakot ako kay sir, ngayon mas natakot ako kay Ryde. Para siyang makakapatay ng tao. 

"Istorbo."

Napatakip na lang ako ng bibig. Takteng lalaking ‘to! Teacher talaga yung ginanun niya eh! Pagtingin ko kay sir, para na siyang magtatransform intoa beast.

"MS. BERNARDINO AND MR. MONTALBO, TO THE GUIDANCE OFFICE. NOW!"

Biglang tumayo si Ryde dala-dala yung bag niya. At syempre dahil hindi ko na alam yung gagawin ko at sobrang natakot ako kay sir ay sumunod nalang ako sa kanya. Napatingin na lang ako kay Yem at nakita kong napailing siya. Grabe lang, ang malas ko naman ngayon.

Nung nakalabas na kami sa room ay hindi ko pa rin siya maabutan. Ang bilis niyang maglakad. Tipaklong ba siya at ang haba-haba ng binti niya? Bigla naman siyang huminto at humarap sa akin.

"Bakit ka ba sumusunod sa akin?" napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ay wow lang ha?

"Malamang parehas lang tao ng pupuntahan. Duh?" hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang tapang ko ngayon samantalang anytime ay pwede niya akong suntukin. Natatakot pa rin ako sa kanya pero syempre hindi naman ako magpapatalo no.

"Hindi ako pupunta sa Guidance Office kaya pwede ba wag mo akong sundan? Get lost." Tapos naglakad ulit siya nang mabilis.

Dahil hindi ko alam ang gagawin, sinundan ko pa rin siya. Eh napakapasaway pala ng lalaking ‘to! Pinapapunta kami sa Guidance Office tapos di raw siya pupunta doon? Nakakainis yung mga ganyang estudyante.

“Sinabing wag mo akong sundan eh!” this time, mas lalong nakakatakot yung itsura niya.

“Pumunta ka sa Guidance Office! Kapag ako lang ang pumunta doon, siguradong tatanungin ako kung nasaan ka!” sabi ko na lang sa kanya. Buti nga nakakalakad pa ako ng maayos. Parang bibigay na yung tuhod ko dahil sa takot sa kanya.

“Eh di wag mong sagutin.”

Konti na lang talaga, mauubos na ang pasensya ko sa kanya. Hindi ko naman talaga ugaling makialam pero mali yung ginagawa niya. Mas lalo lang siyang mapapasama kapag di siya sumama sa Guidance Office.

At isa pa, kasalanan niya naman kung bakit ako mapupunta doon! Kung hindi niya tinapakan yung ballpen ko, eh di sana mas mabilis ko yung nakuha at hindi na ako nahuli ni sir! Kasalanan niya ‘tong lahat eh! At saka bakit ba ako natatakot sa kanya? Hindi porque mala-action star siya, matatakot na ako. Aba! Hindi ako papatalo sa kanya. Tama, Aeisha, fight!

“Ikaw naman may kasalanan kung bakit ako mapupunta sa Guidance Office eh! Tss.” Nawala talaga lahat ng takot ko sa kanya at napalitan ng inis.  

"Bahala ka sa buhay mo." tapos tumuloy na ulit siya sa paglalakad.

"Talaga! Bahala ako sa buhay ko."

Sinundan ko na lang siya at tumahimik ako. Feeling ko kasi sasabog ang eardrums ko pag nagsisigawan kami. Hindi ko rin alam kung bakit ko ‘to ginagawa. Pwede naman akong pumunta sa Guidance Office mag-isa pero mas pinili kong sundan siya. May tama na ata ako sa utak. Kinabahan naman ako nung nagiging pamilyar yung way na dinadaanan niya.

"Hala! Don't tell me pupunta ka sa-"

"Tumahimik ka nalang pwede? Ikaw ang may gustong sumunod sa akin kaya wag kang magreklamo."

Excuse me? Hindi kaya ako nagrereklamo! Magkaiba ang nagrereklamo sa nagtatanog no! Ugh! Sungit sungit nakakainis! Pero nung sinalo naman niya ako sa hagdan ay ang bait ng approach niya. Bipolar ba siya? O sadyang may mood swings lang?

At tama nga ang hinala ko. Meron kasing gate na sira sa likod ng school namin. Kaso napapaligiran yun ng barbwires. Tapos ang labas nun ay parang talahiban. Basta matataas na damo tapos parang grassland yung gilid. Di nga? Lalabas siya dyan? Magcucut siya? Gosh. Baliw nga talaga siya.

"Magcucut ka?"
"Obvious ba?"

Patience Aeisha. Patience. Wag mong hayaan na mainis ka dahil dyan sa masungit na Ryde na yan. Patience.

Lumusot siya dun sa wire at lumabas siya without any scratch. Mukhang hobby niya na ang paglusot dito ah? Syempre di naman ako nagpahuli. Kelangan ko siyang sundan dahil… dahil… dahil BASTA!

"Wait lang!" sinigawan ko siya habang lumlusot sa barbwires. Pwede na ata ako sa gymnastics neto! Kung anu-ano ng pagbaluktot yung ginagawa ko. Buti hindi ako sumabit kundi panay sugat ang abot ko neto.

"Ahh shit. Ang kulit." Rinig kong sabi niya.  

"Anong gagawin mo dito?" tanong ko habang nakatingin sa paligid.

"Wala kang pakialam"

"Ang sungit mo-"

"Dapa!"

Tama ba ang narinig ko? Pinapadapa niya ako?! What the heck?

"Bakit naman ako dadapa?! Ano-"

"Dapa sabi eh!" tsaka niya dinakma yung ulo ko at iniupo ako dun sa may matataas na damo. ANO BANG PROBLEMA NIYA?!

"Buti naman dumating ka Jin. Akala ko natatakot kang harapin kami eh." Tapos may narinig akong nagtawanan.

Sumilip ako dun sa may damo at nakita ko na may tatlong lalaki sa harapan ni Ryde. Teka. Sila yun! Sila yung nakalaban niya dun sa may corridor! OMG. Wag nyong sabihin na sinadya niyang mapalabas sa classroom para makipag-away dito?!

"Tumahimik ka. Ang dami mong satsat."

"Anong sabi mo?!"

Shet! Magbubugbugan sila dito?! Ang tanga mo talaga Aeisha bakit di mo yun naisip kanina?! Pero sabagay di ko naman talaga yun maiisip.

"Tapusin na natin 'to baboy. Lagi mo nalang sinasayang ang oras ko."

"ANONG TINAWAG MO SA KIN?! GAGO KA TALAGA JIN! SUGURIN NIYO!"

Napatakip ako ng bibig nung biglang sinuntok nung matangkad na payat si Ryde sa mukha. Shet lang! First time kong makakita ng nagbubugbugan ng live.

Biglang bumawi si Ryde at sinipa niya yng payat tapos hinagis dun sa isa pa kaya parehas silang bumagsak. Huh! Buti nga sa inyo! Yung baboy pa! Yung matabang leader! Lechunin mo na yan Ryde!

Sumuntok yung baboy kaso nailagan ni Ryde. Tapos si Ryde, biglang sinikmuraan yung baboy na yun. Ang galing niya! Nagulat nalang ako nung binubugbog niya na sa suntok yung mataba. Grabe ang lakas niya. Kinaya niya yung tatlo.

Halos mawalan na ng malay yung baboy na leader nila sa mga suntok na tinatanggap niya kay Ryde. Kaso biglang nasagi ng mata ko yung dalawang kasama niya. May hawak sila na malaking bato at palapit sila sa likod ni Ryde. OH MY GOD!

Napatayo ako bigla at napasigaw. "RYDE SA LIKOD MO!"

Bigla naman siyang napatingin sa likod niya at naiwasan niya yung batong inihagis sa kanya. Phew. Kinabahan ako dun. Grabe ang duga nila! Foul yan! Nakakainis! Pano kung natamaan si Ryde sa ulo tapos nagdugo? Ang duga talaga! Sinubukan niyang bugbugin rin yung dalawa kaya lang tumakbo yung isa...

Papunta sa akin.

Napatakbo ako bigla. Bakit ako biglang nasali?! Wala naman akong ginagawang masama sa kanila! Shet!

"Shet ka! Layuan mo ko! Manyakis ka! Layo!" wala na ako sa sarili kong wisyo. Basta sigaw lang ako nang sigaw habang tumatakbo. Hinahabol pa rin ako nung payatot at nagulat na lang ako nung nahawakan niya yung braso ko.

"Huli ka!"

"Kadiri ka! Wag mo kong hawakan! Layuan mo ko! Manyak! Manyak! Lumayo ka panget! Payatot! Mabaho!"

Todo-todo na yung panlalait ko sa kanya pero ayaw niya pa rin akong pakawalan. Akala niya hindi ako marunong lumaban ha? Minamaliit niya ako?Pwes, susuntukin ko siya!

"Ah ayaw mo akong pakawalan ha? Etong sayo!" sinara ko yung kamao ko tapos sinuntok ko siya sa ilong nang ubod ng lakas to the point na feeling ko ay nagcrack yung buto ko sa kamay. Bigla siyang bumagsak sa may paanan ko.

"Magaling ka pala sumuntok." nagulat naman ako nung nasa likod ko na pala siya. Susuntukin ko rin sana kaso napigilan niya yung kamay ko. Akala ko kasi kaaway din. Si Ryde lang pala. Pero ang mas ikinagulat ko,

Ngumiti siya.


***