.

.

Epilogue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

“Wait, ready ka na ba? Jusme ako ang kinakabahan para sa’yo eh! Nasaan na ‘yung bouquet?!”

“Ano ba Yem, kumalma ka!”

 

Natawa na lang ako kay Yem dahil aligagang-aligaga siya sa pagkilos. Dapat nga ako ‘tong sobrang kinakabahan pero parang napasa lahat sa kanya ng kaba.

 

“Oh ito, ate Yem,” sabay abot naman ni Aera sa bouquet na hinahanap ni Yem.

“Aera, tara rito,” tawag ko sa kanya.

“Bakit?”

“Hindi maayos ‘yung damit mo sa likod.”

 

Lumapit naman agad siya sa akin at tumalikod siya para maayos ko ‘yung damit niya. Grabe. Parang dati lang, hanggang bewang ko lang siya. Ngayon halos magkaheight na kami. Dalaga na ang kapatid ko.

 

“Papunta na raw dito ‘yung bridal car! Tayo na dyan!”

“OA naman ‘tong si Ate Yem eh, para tuloy siyang organizer,” bulong ni Aera sa akin kaya natawa na lang ako.

“Oh apo, ready ka na ba?” bigla namang lumabas sa kwarto si Lolo at ngumiti ako sa kanya.

“Opo. Pero kinakabahan na ako!”

“Hala sige, labas na!” sabay tulak sa akin ni Yem.

 

Hindi pa rin ako makapaniwala na sampung taon na ang nakalipas. Parang kahapon lang nung naging kami ni Ryde. Malinaw pa sa alaala ko ‘yung ginawa niyang pre-wedding ceremony ten years ago. At ngayon, ‘yung totoong kasal na ang mangyayari.

 

Pagkatapos naming maghighschool, pareho kami ng college na pinasukan pero magkaiba kami ng course. Syempre, pinagbuti namin ang pag-aaral namin para maayos ang future namin. Hindi naman dapat puro love life ang inaatupag dahil kung wala kang mararating sa buhay ay hindi rin magiging maayos ang buhay pag-ibig mo in the future.

 

Hindi naman perpekto ang naging relasyon namin. Hindi kami masyadong nagkikita nung college since busy kami pareho sa studies at malayo rin kasi ang department namin sa isa’t isa. Hindi rin kami swak ng schedule kaya madalang lang kaming magkita. Syempre, may tampuhan at away ring nangyari at hindi maaasahan ‘yung selos. Gwapo kasi si Ryde at marami sa blockmates niya ang nagkakagusto sa kanya. Kahit alam kong mahal niya ako ay hindi ko pa rin mapigilang hindi magselos. Pero kahit ganun ay naging matatag kami.

 

Hanggang sa nakagraduate kami at nagkatrabaho ay kami pa rin. Sa totoo lang, nakakagulat pa rin na tumagal kami ng ganito. Kapag naiisip ko na ten years na ang lumipas, napapangiti na lang ako dahil natupad ‘yung pangako niya dati.

 

Nung 24th birthday ko ay doon siya nagpropose sa akin at sa harap ng mga kaibigan namin. At mag-iisang taon na ang lumipas simula nun at ngayon ay ikakasal na talaga kami.

 

“Ha? Ayokong katabi ‘yan! Kuya Daniel, tabi tayo please?” Napatingin naman ako kay Aera habang sumasakay siya sa kotse ni Daniel.

“Sino bang may sabi na gusto rin kitang katabi?” sabi naman ni Damon.

 

Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga sila magkasundo at para pa rin silang aso’t pusa. Pero halata namang nagcacare sila para sa isa’t isa.

 

“Ate Serene, tabi tayo,” sabay hatak ni Damon kay Serene. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit close ‘tong si Damon kay Serene. Well sabagay, magkababata si Daniel at Serene kaya hindi malayong close rin si Damon sa kanya.

“Why do I have to be with all of you? I have my own car,” pataray na sabi naman ni Serene. Naku, sasabihin ko na sa inyo. Mas lalo lang siyang naging mataray.

“Sige na pagbigyan mo na ‘yan at hindi tayo makakaalis dito,” sabay ngiti sa kanya ni Daniel habang nagpapalitan ng death glare sina Aera at Damon.

“Fine.”

 

Sumakay sila sa kotse ni Daniel habang ako ay sumakay sa bridal car. Si Yem naman ay sa kotse ni Chris sumakay at nauna na sila doon sa simbahan.

 

Umandar naman agad ‘yung sasakyan at doon ko lang naramdaman ang kaba. Parang lalabas na ‘yung puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok. Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami sa simbahan dahil lumilipad ‘yung isip ko sa sobrang kaba.

 

Inalalayan naman ako nung driver sa pagbaba at sumalubong sa akin si Lolo sa may pintuan ng simbahan. Pagtingin ko sa kanya, nanunubig na ‘yung mga mata niya. Parang automatic naman na nanubig rin ‘yung mga mata ko.

 

“Lolo naman eh. ‘Wag kang umiyak. Naiiyak rin ako!” sabay dampi ko sa mata ko.

“Pasensya na, apo. Masaya lang ako dahil naabutan ko pang ikakasal ka. Kahit wala ang Papa mo rito, alam kong gusto niya ring ihatid ka sa altar kaya ako na lang ang gagawa nun. At alam kong masaya ngayon ang Mama at Papa mo.”

 

Pinigilan ko ‘yung pag-iyak ko dahil baka masira ‘yung make-up ko. Umangkla naman agad ako sa braso ni Lolo at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ako ay nakita ko sina Lola, Aera, Damon, Daniel, Serene, Yem at Chris sa may unahan. Pati ‘yung ibang high school at college classmates ko ay nakita ko. Pero halos mapatigil ako nung nakita ko si Ryde sa may unahan.

 

He smiled at me and I smiled back. Hanggang sa makarating ako papunta sa kanya at siya na ang pumalit kay Lolo.

 

“You look gorgeous,” sabi niya sa akin.

“And you look handsome.”

 

Naglakad kami papunta sa altar habang mahigpit akong nakahawak sa braso niya. Habang naglalakad kami ay nagflash lahat ng nangyari sa amin noong mga bata pa kami. ‘Yung una naming encounter at kung paano niya nilapastangan ang boobs ko. ‘Yung nadamay ako sa away niya at first time kong sumuntok ng mukha. ‘Yung moments namin doon sa secret naming tambayan.

 

Naiyak na lang ako habang naaalala ko ang mga ‘yun. Parang kailan lang nung nangyari ang mga ‘yun.

 

Pati ‘yung lagi naming pagkakasabay sa jeep ni Lolo at ‘yung pag-angkas ko sa bike niya. Siguro nga, tadhana na ang nagtakda para sa aming dalawa. At maihahambing ko ang nangyari sa amin sa isang jeep.

 

Life is like riding a jeepney.

 

Meron kang mga kasama sa loob.

May mga sasakay, pero meron ring aalis.

May bagong darating, pero merong kailangang magpaalam.

Hindi permanente ang mga tao sa buhay mo.

 

Love is like riding a jeepney.

 

Hindi mo alam kung kailan siya sumakay. Hindi mo rin alam kung kailan siya aalis.

May madadaanan kayong lubak na daan, maputik, at baku-bako. But after that, you'll find a straight road ahead.

And then you'll realize, na ayaw mo nang matapos ang byaheng 'to.

Nakakatakot malaman na malapit na siyang bumaba. Nakakatakot malaman na may hangganan ang byahe ninyo.

 

But that's love.

 

Everything has an ending.

Even roads, end.

And even life, ends.

 

There's no eternity. There's no forever.

Just reality.

 

“You may now kiss the bride.” Pagkasabi nun ng pari ay hinawakan ni Ryde ‘yung mukha ko at nginitian niya ako nang nakakaloko.

“We’re married.”

“Yeah,” sabi ko habang tuluy-tuloy lang sa pagtulo ‘yung luha ko and then he kissed me.

“I love you so much.”

“I love you too. And thank you for fulfilling your promise,” this time ako naman ang humalik sa kanya.

“Ilan ang gusto mong anak? Gawin na natin ‘yung panganay mamayang gabi.” Nagulat naman ako sa tanong niya kaya hinampas ko siya.

“Napaka-pervert mo talaga!” sabi ko pero tinawanan niya lang ako at natawa na lang rin ako sa kanya.

 

I know that forever does not exist. Pero wala na akong pakialam doon. Basta kasama ko si Ryde at ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko na kailangang alalahanin ang forever.

 

That's why the words "enjoy" and "memories" exist.

 

Just enjoy the ride.

Marami kang makikilalang tao. Marami kang matututunan sa kanila.

 

Cherish those memories you've made with the people you love.

Kasi nga may katapusan ang lahat. But their memories, stay with you. Kahit mawala sila, hinding-hindi mawawala ang pinagsamahan ninyo.

 

Pero, alam niyo, mas nakakatuwa, kung hanggang sa dulo ng byaheng ito, kasama mo pa rin ang taong mahal mo.  Wala mang "forever", at least you're together until the end. And you created your own "forever."

 

This ride to love is amazing.

 

I'm glad that my heart drove this jeepney.

 

Marami akong nakilala.

Natuto akong magmahal.

Naranasan kong masaktan.

At natuto akong magpahalaga.

 

At isa ka na doon.

 

Salamat sa pagsakay sa byahe ng buhay ko. Hindi ko man kayo kilalang lahat, alam ko, at alam ng puso ko, na sinubaybayan niyo ako, at sinuportahan sa lahat ng ginawa ko. Kakornihan, kadramahan, kabangagan at sa kabaliwan ko. 

 

This ride may be over for you, but it will continue for us.

Hangga't kasama ko si Ryde at ang mga taong mahal ko, aandar ang sasakyang ito.

Alam ko, na mararating namin ang dulo ng magkakasama.

 

Hanggang sa susunod nating pagkikita!

Sana, makasakay ka ulit sa buhay ko.

Hihintayin kita.

 

I'm Pauline Aeisha Bernardino-Montalbo,

 

and this is my story.