I stayed inside the the cafe after I arrived. Inagahan ko na dahil ayokong hintayin ako ng dalawang ‘yon. Nag-order ako ng Iced Americano at nagbrowse na lang sa phone ko. I was expecting them to arrive together but I guess I’m wrong. Nakita ko si Iñigo sa entrance at napatingin siya sa direksyon ko pero bago pa siya makalapit sa akin ay tumayo na ako. “One table apart,” sabi ko at napahinto naman siya. He agreed and I think we both know that this is for the best. Baka lalo pang magwala ang Queenie na ‘yon ‘pag nakita niya kaming magkasama sa isang table bago siya dumating. Nilabas ko na lang ulit ang phone ko at nagbrowse ng social media sites habang naghihintay sa reyna. After about fifteen minutes ay dumating na rin siya at pumasok siya sa shop. Napataas naman ang kilay ko dahil may nakita akong kakaiba. God, this girl is really annoying. Akala niya ba hindi ko mapapansin ang mga alipores niyang nakaaligid sa labas at loob ng cafe? Pareho silang lumapit sa akin ni Iñigo at mukhang iniiwasan pa rin nila ang isa’t isa. Umupo sila sa harapan ko at binagsak ko naman ang coffee sa table ko, dahilan para magulat sila. “Ano na? Tutunganga na lang ba tayo rito?” tanong ko at nagtinginan naman sila. “Queenie,” panimula ni Iñigo. “I don’t know why you keep on acting like this but seriously, Chloe and I are just . . .” Napatingin naman siya sa akin at tinaaasan ko siya ng kilay. “ . . . friends.” “Correction. Acquaintance.” “But why do you have to hide this from me?” tanong ni Queenie kay Iñigo at nakita kong namumula na ang mata niya. “You should’ve said it sooner.” “Is that really needed?” Iñigo retorted. “We don’t even talk anymore since that incident happened.” “But still—” “Do you remember what I told you last time?” tanong ko habang nakatingin kay Queenie at pareho silang napatigil. “I think my words didn’t get through your head. Now you have really become an annoying girlfriend, the type that guys hate the most.” “Chloe . . .” Tinignan ko nang masama si Iñigo dahil isa rin siya sa may kasalanan kung bakit lumaki ang gulong ‘to. “Shut up, Iñigo. I’m still talking,” sabi ko at muling hinarap si Queenie. “And you, don’t act like a damsel in distress because you aren’t. Sulking won’t solve anything. Why don’t the both of you talk to each other instead of using me as your mediator?” “Fine,” Queenie said as she glared at me and I smirked at that sight. Finally showing her true colors, huh? “I don’t really care if you were his ex-girlfriend. What pisses me off is that this guy nonchalantly talked with you after I asked him about the both of you.” This time, ako naman ang nagulat dahil biglang may tumulong luha sa mga mata niya. I don’t know if she’s still acting but her eyes seem to be sincere. “Then why are you targeting me?” tanong ko naman at ngumiti siya bigla. “You know the nature of most girls. Jealousy isn’t something to be taken lightly.” “Is that so?” sabay lapit ko sa mukha niya. “I’m also someone who shouldn’t be taken lightly.” Iñigo managed to catch our attention by coughing purposely. Maybe he sensed the rising tension between us and it’ll be hard to stop us in case a fight starts. “I’m out of here,” sabi ko at saka ako tumayo pero tumigil ako at lumingon sa kanila. “Solve your own problems. Drag me again with you and you’ll see what I’m capable of.” Naglakad ako papunta sa pinto at napatigil ulit ako dahil may nakalimutan akong idagdag. “Oh, yeah,” sabay lingon ko at napatingin naman sila. “Kung magbebreak kayo, if ever, hinding-hindi ko naman papatulan si Iñigo. I’ll find myself a better man, so don’t worry,” I said with a smirk as I exit the cafe. Hindi ko na tinignan kung ano ang naging reaksyon nila at naglakad na lang palayo pero napansin ko ang mga alipores niyang nakaaligid kaya tumigil ako saglit. “What?” tanong ko sa babaeng nasa labas lang ng cafe. “Are you filming us? At ano? Gagawa kayo ng istorya tungkol sa nangyari sa cafe? Try it and your queen will be in trouble.” Pagkasabi ko no’n ay tuluyan na akong lumayo sa lugar na ‘yon. Balak ko na sanang mag-uber pero dahil ayaw ko namang dalhin sa bahay ang inis ko ay kinailangan ko munang mag-cooldown. Since pagtawid dito ay People’s Park na ay doon na lang muna ako pumunta. Because it’s weekend, a lot of people, especially teenagers, gather here. Nilagpasan ko ang fountain sa gitna at dumiretso ako sa pavilion since doon wala masyadong tao. Uupo na sana ako sa bench na nasa loob pero napahinto ako dahil ang daming bata sa playground na katabi ng pavilion at ang iba ay umiiyak pa. Hindi ko na lang sana papansinin pero nagulat ako dahil may nakita akong pamilyar na mga mukha. “No! No!” “Czanelle.” Oh, God. Bakit sa lahat ng pwedeng makita ay ang tatlo pang ‘to? I want some peace of mind and this is what I get? Wow. Talk about luckiness. “Mam mam mam.” Nagulat naman ako no’ng biglang napatingin sa akin si Clark at tinuro niya ako. Mukhang nakilala niya agad ako dahil nagsimula siyang maglakad papunta sa akin kaya naman agad siyang hinabol ni Jazer pero hindi niya rin magawang iwan si Czanelle na ngayon ay sobrang lakas ng pag-iyak. “Clark!” sigaw niya at mukhang ‘di pa niya ako nakikita. Clark mumbles as he runs towards me and when we’re just a meter apart, Jazer noticed me and he stood in front of me, surprised. “Chloe?” Tinaasan ko naman siya ng kilay pero ako naman ang biglang nagulat dahil yumakap si Clark sa binti ko. “Ate,” iyak naman ni Czanelle at tumakbo rin siya papunta sa akin. She occupied my right leg while Clark is on the other. Napakunot ang noo ko dahil sa posisyon namin. What the hell is wrong with these kids?! I immediately looked at Jazer when I heard him snort. Sinamaan ko siya ng tingin dahil halata namang pinipigilan niya lang ang pagtawa niya. “Tsk. What?” iritado kong tanong habang nakatingin kay Czanelle, at aba, nagpout pa. Pinunasan naman niya ang luha niya at tumingin sa restaurants na katabi ng park. “Gusto niyang kumain pero sabi ko sa bahay na lang dahil nakapagluto na si Manang Meling kaya ayan, umiyak,” paliwanag ni Jazer. Kinarga ni Jazer si Clark at tinignan ko naman si Czanelle, na ngayon ay hinihingal na dahil sa kakaiyak. Tsk. Bakit ba kasi ako pumunta rito? Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad papunta sa restaurant pero tumigil ako saglit at lumingon. “Ano? Kakain ba o hindi?” pagalit kong tanong at tumigil sa pag-iyak si Czanelle. Nakatingin naman sa akin sina Jazer at Clark pero inirapan ko lang sila. “Sigurado ka?” tanong naman niya. “Pupunta ba ako do’n kung hindi? Don’t worry, I’ll pay the bill,” sabi ko naman at muling naglakad. Nagulat naman ako no’ng bigla na lang may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay naglalakad na sa tabi ko si Czanelle. She’s wiping her tears off her face and trying hard not to cry. “Stop crying,” mahina kong sabi at tumango naman siya. Nakarating kami sa loob at pagkaupo namin ay kumuha agad si Jazer ng tubig. Pinainom niya sa Czanelle at kumuha naman siya ng high chair para sa dalawang bata. Nang nakabalik siya ay ako naman ang umalis para umorder. Spaghetti, chicken lollipop and soup lang ang inorder ko para sa kanila dahil baka magtampo si Nanay Meling kapag hindi namin kinain ang niluto niya. Katabi ko si Czanelle at sa tapat ko naman ay si Jazer na ngayon ay pinapakain si Clark. Uminom lang ako ng iced tea since hindi pa naman ako gutom kaya pinanood ko lang sila. “Masarap ba?” tanong ni Jazer habang nakangiti kay Czanelle. “Mmm!” sagot naman niya at nakuha pang sumayaw habang may chicken lollipop siyang hawak sa magkabila niyang kamay. Si Clark naman, pinapakain niya ng soup at kaunting spaghetti. Hindi ko alam kung bakit excited silang kumain at ang saya-saya nila. Siguro gano’n talaga kapag bata. “You want, Ate?” biglang tanong ni Czanelle at inalok niya sa akin ang hawak niyang chicken lollipop. “No,” sabi ko naman at saka tumingin sa gilid. Clark suddenly snickered and he reached out his tiny arm, as if he wants to get the chicken from Czanelle. “Here, Clark.” Akmang iaabot na ni Czanelle kay Clark ang pagkain nang hinarang siya ni Jazer. “No, Czanelle. Hindi pa pwede si Clark nito.” “Why?” sabay pout niya. “It’s yummy!” “Oo pero hindi pa niya kayang kainin.” Hinawakan niya bigla ang tiyan ni Clark. “Sasakit tiyan niya. Gusto mo ba ‘yon?” “No,” saka siya umiling. “He will cry.” “Kaya huwag mo muna siyang bibigyan, okay?” “Okay!” saka niya tuluyang kinain ang hawak niya. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-check na lang ako ng SNS. May nakita naman akong nagshare ng post galing sa fanpage ng Queeñigo. OMG! Magkasama sila sa cafe ngayon! Our OTP is back! May nakaattach pang picture ng dalawa at buti na lang ay wala na ako do’n. Sus. I’m sure ‘yong mga kaibigan niya na nasa labas ng cafe ang may gawa niyan. Paparazzi shot pa kunwari, alam naman ng kinukuhaan ng picture. Napalingon naman ako no’ng biglang tumawa si Jazer pero tumigil din siya. Nakatingin siya kay Czanelle kaya tinignan ko rin ang bubwit at napanganga na lang ako. How can this kid eat and sleep at the same time?! I mean, her eyes were closed yet her hand and mouth were still in full coordination. After that ay binayaran ko na ang bill namin pero biglang naging seryoso ang mukha ni Jazer. Tumingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “What?” “Uhm . . .” Dahan-dahan niyang binuhat si Czanelle para hindi magising tapos ay tumingin siya kay Clark na nakangiti lang sa kanya. Mukhang narealize ko naman ang gusto niyang sabihin kaya umatras ako. “Delikado kapag binuhat ko sila pareho,” sabi niya habang tinatanggal ang bib ni Clark. “Please?” “Tss. Bakit kasi dinala-dala mo pa sila sa park? Kainis!” Dahil wala naman akong magagawa ay lumapit ako kay Clark pero tumayo lang ako sa harapan niya. Hindi ko alam kung paano siya kukunin o kung paano siya bubuhatin. God, bakit ko pa kasi sila nakita?! Binaba naman muna ni Jazer si Czanelle at saka niya binuhat si Clark. “Wait, wait, wait!” sigaw ko habang pinapasa niya sa akin si Clark at ang bubwit ay nakahawak na kaagad sa buhok ko. “Suportahan mo lang ang likod niya habang hawak mo siya,” sabi niya at no’ng binitiwan na niya si Clark ay nagpanic ako. “Shit! Wait lang!” “Ayan. Tapos . . .” Hinawakan niya ang braso ko at inadjust ang paghawak ko kay Clark. Sinamaan ko ulit siya ng tingin dahil nakita ko siyang nakangiti. Umalis kami sa restaurant at kumuha siya ng taxi. Pagpasok namin ay inalalayan ko ang ulo ni Clark dahil baka bigla na lang mauntog sa sasakyan. No’ng nasa loob na kami ng sasakyan ay nakahinga ako nang maluwag at nirelax ko ang kamay ko. Ilang minuto ko lang hawak ang batang ‘to pero parang naubos na lahat ng energy ko. “Sa’n po tayo?” tanong ng driver at sinabi ko naman sa kanya ang pangalan ng subdivision namin. Napasandal ako sa upuan at hinawakan ko ulit ang likod ni Clark dahil ang likot na niya. Tinignan ko siya at ngumiti naman siya sa akin. “What?” mahina kong tanong sa kanya pero bigla siyang tumawa. “What’s funny, kid? Ha? Do you know how scary am I?” Pagkasabi ko no’n ay lalo pa siyang tumawa at muntik pang mahampas ng kamay niya ang mukha ko. “Ha! Are you challenging me?” Sinamaan ko siya ng tingin at nakuha ko pang umirap. Tinaasan ko na rin siya ng kilay pero lalo lang siyang natatawa kaya sumuko na ako. Wala bang kinatatakutan ang batang ‘to? Bigla naman akong napatingin sa gilid dahil baka tinatawanan na naman ako ng lalaking ‘yon pero napatigil ako no’ng nakita kong nakatulog na rin ang loko. “Hah. Look at this guy.” Nilabas ko ang phone ko at pinicture-an ko silang dalawa. Pangalawang photo na ‘to na pwede kong gamiting pang-blackmail. Bigla namang tumili si Clark kaya tumingin ulit ako sa kanya at pinicture-an ko rin siya. Medyo natawa ako dahil sobrang close-up ng pagkakakuha ko kaya mukha siyang siopao. “Mukhang mana sa’yo ‘yang bata, ah?” biglang sabi ng driver kaya napatingin ako sa kanya. “Ho?” “Ang gaganda ng mga anak ninyo, Ma’am. Sabagay, maganda at gwapo rin ang mga magulang,” sabay tawa ni Kuya at ako naman ay natulala na lang dahil sa sinabi niya. “Hindi—” “Alam mo ba? Ganyan din ang nangyari sa panganay kong babae. Ayon. Nabuntis nang maaga pero ang walanghiyang gumawa, tinakbuhan na siya.” Ito na yata ang pinakamataas na narating ng kilay ko sa buong buhay ko dahil hindi ko kinakaya ang kwento ni Kuya. Did he just assume that the four of us are a family?! “Ang mga kabataan kasi ngayon, madali nang magpadala sa tukso kaya napakarami ang nabubuntis at maagang nagkakapamilya. Ang problema naman ay hindi naman nila kayang sustentuhan at buhayin ang ginawa nila kaya kadalasan ay nauuwi pa rin sa mga magulang nila ang tungkulin. Hindi kasi nila naiisip na mahirap bumuo ng pamilya lalo na kung hindi ka pa handa at kung wala ka pang pera o trabaho. Kaya kadalasan, pagkatapos ng nangyari, tinatakbuhan nila ang responsibilidad nila. Kawawa tuloy ang mga walang-malay na batang nabuo sa tiyan ng babae kapag napagdedesisyunan nilang magpalaglag. Ganoon din naman kapag ang lalaki ay bigla na lang mawawala kapag itinuloy ng babae ang pagbubuntis.” May sense naman ang sinasabi ni Kuya dahil marami na rin akong nakikitang gano’n. Gusto kong sabihin sa kanya na mali ang in-assume niya sa amin pero nagulat ako no’ng bigla na lang nagcrack ang boses niya. “Ang asawa ko na nagtatrabaho sa ibang bansa, dapat ay uuwi na siya ngayong taon. Pero no’ng nalaman niyang magkakaanak na ang anak namin, hindi na niya itinuloy. Kailangan pa naming kumayod para masuportahan ang pamilya niya dahil tinakbuhan na siya ng gumawa no’n sa kanya.” Umiling naman si Kuya at saka nagbuntong-hininga. Naawa tuloy ako bigla. “Mahirap maging magulang, lalo na kung mag-isa ka lang. Lumaki akong wala ang mga magulang ko sa tabi ko dahil naghahanapbuhay sila sa Maynila noon at ayaw kong maranasan ng anak ko, at ng magiging anak niya ang bagay na ‘yon. Ayaw kong malayo ang loob niya sa amin at ayaw kong isipin niya na wala kami sa tabi niya ngayong kailangan niya kami.” Para naman akong binagsakan ng bato dahil sa sinabi niya. I felt a lump in my throat and tears are threatening to come out of my eyes so I tried hard to choke them back. “Pero may kasalanan din ang mga magulang,” sabi ko naman. “Yes, nagtatrabaho sila para sa mga anak nila but they should still give some of their time to them. Hindi na kasalanan ‘yon ng anak kung maging malayo man ang loob niya sa magulang niya. In the first place, they were the one who distanced theirselves first.” “Hindi rin naman maiiwasan ang magsakripisyo. Minsan, kailangan talagang lumayo ng isang magulang para buhayin ang pamilya niya. Mabuti nga kayo, kumpleto kayo at nagagawa n’yo pang mamasyal kasama ang mga anak ninyo,” sabi niya at ngayon na lang ulit siya ngumiti. “Maswerte ang mga anak ninyo dahil nasa tabi lang nila ang mga magulang nila.” “No,” bulong ko. “Po?” “Ah. Wala po.” Tumahimik na ako at nagfocus na lang sa pagdadrive si Kuya. Napatingin ako kay Clark dahil nakasandal na siya sa dibdib ko at mukhang nakatulog na rin siya. No. Not really. ‘Yon ang gusto ko sanang sabihin kay Kuya. Their parents aren’t on their side. They were thrown away because their parents can’t take care of them anymore. Just like what they did to me.
Comments
|
Prologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |