.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 18, 2017

***


Pagdating namin sa bahay ay kinuha agad sa akin ni Nanay Meling si Clark at pareho nilang inakyat ni Jazer ang dalawang bata. Naiwan ako sa sala at nagpahinga ako saglit. Sumandal ako sa sofa at pinikit ko ang mga mata ko dahil napagod ako sa pinaggagawa ko ngayon. This is why I hate going out during weekends. Nakakastress.

“O, Chloe, hindi ka pa ba kakain?” Napadilat naman ako at nakita kong pababa na sina Nanay Meling at Jazer.
“Sige po.”

Kahit na inaantok na ako ay tumayo ako at dumiretso sa dining table. Umupo ako sa pwesto ko at gano’n ‘din ang ginawa ni Jazer. Naghain na rin si Nanay Meling kanina kaya naman tahimik lang kaming kumain.

Bigla ko namang naalala ang sinabi ng driver kanina. According to him, the father of his daughter’s child ran away from his responsibilities, and because of that, he and his wife need to work harder to support her. I really hate jerks like that guy. Gagawa sila ng isang bagay pero kapag may hindi naaayon sa plano nila ay hindi naman kayang panindigan. Buti sana kung siya lang ang maaapektuhan.

“Nagsasalubong na naman ‘yang kilay mo,” biglang sabi ni Jazer kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Ayan, nagdugtong na nang tuluyan.”
“Funny ka na niyan?” sabay irap ko at tinawanan niya lang ako. Bwisit na ‘to.
“Thank you pala kanina.” His expression became serious. “Kung hindi ka dumating, hindi ko alam ang gagawin ko.”
“Sino ba naman kasing nagsabing dalhin mo sila sa park?”
“Gusto kasi nilang lumabas at sabi ni Nanay Meling ay may malapit na park dito. At saka para naman maexperience nilang maglaro sa labas.”

Pagkasabi niya no’n ay naalala ko ang kabataan ko. I never had the chance to play with kids outside and maybe that was one of the reasons why I grew up like this.

“Ang ganda pala ng park dito sa inyo,” he said after finishing his lunch. “May playground para sa mga bata at may matatambayan din ang teenagers. Meron ‘ding recreational activities para sa matatanda. Kaya pala ang daming tao lagi ro’n.”

Napatingin naman ako sa kanya dahil parang nag-eenjoy siya sa pagkukwento. Actually, last year lang naipatayo ang People’s Park kaya marami pa ring pumupunta. Malapit din sa subdivision namin pero hindi pa ako nakakapunta ro’n dahil wala namang rason para gawin ko ‘yon.

“Ano ba kasing ginawa n’yo ro’n?” inis kong tanong.
“Wala naman masyado. Tumakbo lang sila nang tumakbo at si Czanelle, nakisali sa mga naglalaro ng langit-lupa.”
“Langit-lupa? What the heck is that?”

May gano’ng laro?

He looked at me with a confused expression and when he realized that I wasn’t joking, he gave me an amused look. Hindi ko alam kung dapat ba akong maasar dahil sa itsura niya o hayaan na lang. In the end, inirapan ko na lang siya.

“Seryoso? Hindi mo alam ang larong ‘yon?”
“Itatanong ko ba kung alam ko?”
“Pagpasensyahan mo na ‘yan, hijo,” singit naman ni Nanay Meling at siya na ang kumuha ng pinagkainan namin pero agad siyang tinulungan ni Jazer. “Hindi kasi nakapaglaro ‘yang si Chloe noong bata siya ng mga larong pambata at larong kalye.”
“Nanay Meling!” sigaw ko pero nginitian niya lang ako.

Tss. Kasalanan ko bang walang batang kasing-edad ko sa subdivision noong panahong ‘yon? And one more thing, that was the time when Mom and Dad chose to work abroad.

Pagkatapos magligpit ay naglakad ako papuntang sala para sana manood pero napasigaw ako dahil biglang may tumapik sa balikat ko.

“Taya.”

I turned around and saw Jazer smiling at me, as if he just won something. Ano na namang problema ng isang ‘to? Anong taya ang pinagsasabi niya?

“What?” I asked, confused, and he stood in front of me.
“Langit-Lupa,” he said. “Tuturuan kita.”

I stared at him for a few seconds, bewildered and unsure of what he just said. Did I hear it right? Langit-Lupa? Maglalaro kami ng larong-pambata? Sa loob ng bahay?

“Ano na naman—”
“Simple lang naman ang rule. Kailangan lang ay nasa langit ka, o ‘yong mga bagay at lugar na nakataas o ‘di sakop ng lupa. Kapag bumaba ka sa langit, o kung nasa lupa ka, pwede kang habulin ng taya para maging panibagong taya.”

Did he just cut me off to explain the rule of the game? So seryoso talaga siya na tuturuan niya ako?

“I don’t wa—”
“Pero may special rules din.”

He cut me off for the second time! At talagang patuloy lang siya sa pag-eexplain ha? Ano bang mapapala namin dito? Parang tanga lang.

“Kapag lumagpas ang kahit anong body parts mo sa langit, pwede ka pa ring tayain kahit na nasa langit ka pa.”
“Ha? Ang unfair naman no’n,” reklamo ko pero lumaki naman ang ngiti niya.
“Akala ko hindi ka interesado.”
“Shut up.”

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para pakinggan pa siya at makalipas ang ilang segundo ay natapos na rin siya.

“Game?” he asked excitedly and I sighed in reply.
“May magagawa pa ba ako? Kung anu-ano nang sinabi—”
“Taya!”

Napatigil ako nang bigla niyang tinapik ang braso ko at saka siya tumakbo palayo. What the heck? I wasn’t prepared yet!

“You, cheater!” sigaw ko at tumakbo ako sa direksyon niya. Bwisit ‘yon! Sinong nagsabing magsimula siya nang hindi pa ako natatapos magsalita?!

Tumungtong naman siya sa sofa at tumayo ako sa harapan niya. I glared at him while waiting for the right time to attack but then I realized something.

“Wait, this is really unfair! What if you decided to stay there for the whole game?”
“Well, dahil dalawa lang tayong naglalaro, pwede mo akong bilangan hanggang sampu. Kapag hindi pa ako lumipat sa ibang langit, pwede mo akong tayain.”

Pagkasabi niya no’n ay agad ko siyang binilangan.

“Seven, six—”
“Teka, bakit seven agad?” reklamo niya at tinaasan ko siya ng kilay.
“Hindi mo kasi kaagad sinabi. Five, four, three.”

Nakita ko namang nagready na siyang umalis kaya hinanda ko na rin ang malakas na paghampas sa kanya pero nagulat ako nang bigla siyang tumalon papunta sa likod.

“Hoy!” sigaw ko habang tumatakas siya palayo.

Hinabol ko naman siya at muntik pa akong madulas dahil sa slippers na suot ko. Ang nakakainis pa ay narinig ko siyang tumawa kaya naman hinubad ko ‘yon at binato ko sa kanya ang isa pero hindi umabot. Binitbit ko naman ang isa pa at ‘yon ang gagamitin kong pantaya sa kanya. Humanda kang bwisit ka.

Tumakbo siya papunta sa hagdan kaya dumiretso ako ro’n at kita sa mukha niya ang gulat nang tumuntong din ako.

“Taya!” sigaw ko at pinalo ko siya ng slipper sa tagiliran. This time, ako naman ang tumakbo palayo.
“Pero langit ‘to,” pahabol niya. I smirked at him in return.
“Nah. Dinadaanan din ‘yan, so that means it’s considered as lupa. See you, loser,” saka ako tumakbo palayo.

Lumingon ako saglit at nakita kong papunta na siya sa direksyon ko pero nagpanic ako dahil ang bilis ng pagtakbo niya. Imbes na sa sala ako dumiretso ay napunta tuloy ako sa dining area dahil ‘yon ang pinakamalapit. Naabutan kong naghuhugas ng pinggan si Nanay Meling at tumawa lang siya sa amin, habang ako ay hindi pa rin lubos-maisip kung bakit ko ba ginagawa ‘to.

Ay, bahala na!

Tumuntong ako sa upuan at pagdating niya ay agad siyang tumayo sa harapan ko. Bigla naman siyang ngumiti nang nakakaloko at tinrace niya pataas ang dulo ng upuan, hanggang sa tumama ‘yon sa kamay ko.

“Taya,” he playfully said and I remembered the rule he said a while ago.

I stomped my foot due to frustration and ran to his direction but we both halted when we saw Czanelle at the top of the stairs. She was about to cry but when Jazer came into her view, she immediately stopped and started going down. Nagmadali si Jazer na sunduin siya at ako naman ay naupo na lang sa couch.

My God. Nakakahingal pala ang larong ‘yon kahit na saglit ko pa lang nalalaro. Hindi pa man din ako sanay sa physical activities.

Dumiretso din silang dalawa sa couch at binaba niya si Czanelle sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mang-aasar pa, eh. Sarap sipain.

Czanelle was still groggy but she managed to sit properly while rubbing her eyes. Nakatulala lang siya for a few seconds pero after that ay nagsimula na siyang maging makulit ulit.

“Ate, let’s play!” she said while sitting on my lap. “Play! Play!”
“I’m tired,” sabi ko naman at nagpanic ako nang bigla siyang tumigil at mukhang paiyak na ang expression niya. Tinignan ko kaagad si Jazer para kunin na niya si Czanelle pero ang loko, nginitian lang ako. I tried to communicate through my eyes and mouthing ‘Get her!’ but he ignored me. Damn this guy!
“You don’t want to play with me?” Czanelle pouted and that pushed me at the end of the line.

Huminga ako nang malalim at inalis ko siya sa lap ko. Paiyak na sana siya pero natigil ‘yon dahil sa ginawa ko.

“Taya,” I softly said while tapping her leg. After that, I walked away from them and that was when they realized what was going on.

Czanelle must have been really focused when she was playing at the park before because she remembered the game and chased Jazer while giggling loudly.

“Kuya!” she yelled and Jazer slowed down to let Czanelle reach him. “Taya!”

After she hit Jazer on the leg, she ran away and quickly positioned herself on the couch. Without a second thought, Jazer went to me and the only thing that can be considered as ‘safe’ here was the huge speaker. Out of desperation, I climbed onto it and that was the most stupid thing I did in my whole life.

“Huwag kang lalapit,” I warned but he just laughed it off. Naramdaman ko naman ang pag-uga ng speaker dahil gumalaw ako. Medyo unstable ‘yon at ang nakakainis pa ay tinetrace na naman ng lalaking ‘to ang allowable space kaya naman hindi ko alam kung magpapataya na lang ako o susubukan ko pang tumakas.

I chose the latter. But before I could even jump, the speaker suddenly blared and the vibration made me lose my balance. The next thing I knew, I was already falling toward him.

“Shit—!”

Napapikit na lang ako dahil ayokong makita ang mangyayari. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa kanya at ang pagtama namin sa carpet. My senses went numb but after several seconds, I heard a thumping sound against my cheek. Dinilat ko ang mga mata ko at doon ko narealize na nakadagan ako sa kanya. Pinilit kong umangat pero bigla kong naramdaman ang sakit sa bandang siko ko. Mukhang naitukod ko ‘yon nang bumagsak kami.

“Ouch,” I grumbled but I was surprised when our faces were just inches apart. He was in daze, too, but when our eyes met, he grinned, showing his deep dimple.
“Mukhang hinulog ka ng langit,” he whispered and I stared at him, dumbfounded. He suddenly held my waist, which made me flinch, and our positions were interchanged. “Taya,” he said.

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tumayo siya at naiwan akong nakahiga lang do’n. I didn’t know what exactly happened but what he did got me flustered.

Was that part of the game?


***