.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, February 23, 2017

***


Nagmadali naman ako sa first class ko dahil late na akong nagising. Hindi ko kasi na-set ang pesteng alarm clock ko kagabi. Buti na lang at halos sabay kami ng prof ko na dumating sa room.

"Umabot tayo."

Right. Kasama ko ring tumakbo si Jazer dahil classmate kami sa Math 121. Umupo agad kami at nagsimula naman ng lecture ang prof. Nagturo lang siya about double integration and after some exercises ay dinismiss niya rin kaagad kami.

"Nakopya mo ba 'yong last slide?" tanong niya kaagad pagkalabas namin ng klase kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi mo 'yon nakopya?" Halos naipakita ko nang na-judge ko ang buong pagkatao niya sa tono ko.
"Sinolve ko pa kasi 'yong huling item na binigay."

Inirapan ko siya nang makaupo na kami sa bench. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula pero after ng subject na 'yon ay lagi na kaming dumidiretso rito. Bwisit, bakit ba ako nagpapadala sa lalaking 'to?

"Tss," I reacted while shoving my notebook on him.
"Thanks," he beamed and started copying my notes.

Nanahimik naman ako ro'n pero sandali lang nangyari dahil may dumaan na tards sa harapan namin. At aba, inirapan pa ako ng isa! Pasalamat siya, kalalagay ko lang sa case ng ballpen ko kundi itutusok ko 'yon sa mata niya.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang nangyari noong Saturday. For the first time, I was curious about what had happened when I left them. Sana lang at huwag na nila akong guluhin dahil pinagbigyan ko na sila.

"Thank you," sabi naman niya at binalik niya sa akin ang notes ko.

Sumandal siya sa bench at bigla siyang pumikit. Napakunot naman ako nang gawin niya 'yon. Don't tell me . . .

"Hoy. Matutulog ka?" tanong ko at dinilat niya ang kaliwa niyang mata.
"Oo. Dalawang oras pa bago ang next class ko, eh."
"Dito ka pa matutulog ha? Tignan lang natin."
"Nandyan ka naman," sabay ngiti niya. Pinatong niya ang notebook sa mukha niya at natulog nga akong loko.

Aba, at ginawa niya pa akong tagabantay ha? Ano ako, babysitter? Bwisit na 'to.

Dahil isang oras pa bago ang next class ko ay nilabas ko na lang muna ang phone ko apra may mapaglibangan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naalala ang nangyari noong weekend. When I fell to the ground while playing, I realized Czanelle accidentally stepped on the remote of the speaker, turning it on. What pissed me off was that I kept on being the 'it' because of this guy.

Napunta naman ako sa photos at nakita ko ang kinuha kong picture ng lalaking 'to pati na rin nina Czanelle at Clark. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko.

Matapos akong iwan ng mga magulang ko rito ay hindi na kami nagkaroon ng family picture. The last one was taken when I was three years old. Hindi ko naman magawang humingi ng pagkakataon na makapagpicture man lang kami kapag umuuwi sila rito hanggang sa lalo nang lumayo ang loob ko sa kanila at hindi na ako umasang mangyayari pa 'yon.

Right now, it felt weird having some photos of my 
family members on my phone.

Nagbukas na lang ako ng social media sites bago pa mag-iba ang pakiramdam ko at nakita ko namang trending sa newsfeed ko ang Queeñigo kaya naunahan ako ng inis. I read some posts about them but all I got was they were together in the cafe last Saturday.

Ano ba 'yan, pati ba naman 'yon, big deal sa fans nila?

Halos ilang minuto rin akong nagbabad sa Youtube kaya naman nang malapit na ang klase ko ay niligpit ko kaagad ang gamit ko. Napatingin naman ako kay Jazer na ngayon ay tulog pa rin.

"Hoy," sabay tanggal ko ng notebook sa mukha niya.

Dumilat naman siya at tumingin sa akin. Pero bigla ko namang narealize na bakit nga ba ako magpapaalam sa kanya? Tss. Sino ba kasing nagsabing dito siya matulog?

"Klase mo na?" he asked while rubbing his eyes.
"Obvious? H'wag ka nga dyan, para kang tanga," sabi ko naman at tuluyan na akong tumayo pero napatigil ako nang tumayo rin siya at kinuha ang gamit niya.
"Sa library na lang ako matutulog," sagot niya at sabay kaming naglakad hanggang makarating siya sa library at ako naman ay dumiretso sa klase ko.

***

Buti na lang at natapos na ang classes ko for this day. Bwisot nga lang 'yong last class dahil puro tards. Kung anu-ano pamg pagpaparinig ang ginawa. Badtrip talaga.

"Kala niya kasi maaagaw niya si Kuya Iñigo kay Ate Queenie."
"Huwag mo ngang icompare si Ate Queenie dyan. Layo ng level nila."
"True. She's our Queen, while that one is a witch."

Yeah, right. Talagang sinabayan pa nila ako para magparinig ha?

Tumalikod ako at tinaasan ko sila ng kilay. Agad naman silang napaatras at tumahimik. This is what I hate about this fantards-they're all talk, and when you confront them, they would run away.

"Witch?" inosente kong tanong habang nakangiti. "Oh, come on. Don't praise me too much."
"Bakit, totoo naman. Don't go near Ate Queenie!"
"Iba ang landiin mo, huwag si Kuya Iñigo!"

Imbes na mainis ay natawa na lang ako sa kanila. Ganito ba kababa ang level ng fans nila?

I approached them but they stepped back, clearly intimidated with my presence. I gave them a sly smile but they kept their serious expression on their faces.

"Sorry to burst your bubbles but those two are clearly attracted to me. Sila ang sabihan n'yong huwag lumapit sa akin dahil ubos na ang pasensya ko sa kanila . . . at maging sa fantards nila."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay naglakad ako palayo at iniwan ko sila.

As usual, nandoon na naman ang bwisit sa bench. As far as I can remember, he said that he has only morning classes during Monday.

"Nakasimangot ka na naman," bati niya at inirapan ko siya. "Dahil na naman sa fans nila?"

Napatingin ako sa kanya. In fairness, gumagaling na siyang manghula.

Umupo ako at hinintay namin ang text ni Kuya Larry since medyo maaga kami nadismiss. Naconscious naman ako nang nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Jazer. I waited for a few seconds but he was still staring at me.

"Ano 'yang tinitingin-tingin mo?" I asked with a furrowed brow but he smiled in return. Annoying dimple.
"Habang tumatagal, nakikita ko si Czanelle sa'yo."
"Duh? Malamang magkapatid kami," sabi ko naman pero lalo lang siyang ngumiti.
"Ngayon mo lang siya inacknowledge na kapatid. I'm happy."

I didn't have any rebuttal so I just ignored him. Nagfocus na lang ulit ako sa phone ko pero nang nakita kong nagtext na si Kuya Larry ay agad din akong tumayo.

"Andyan na si Kuya," sabi ko at sumunod din siya sa paglalakad.

I told him before that he should keep some distance between us to avoid any nasty rumors but he disregarded my suggestion. Some people's eyes were following us, especially those who know me as the third party, but I paid no attention to them.

Pagdating namin sa kotse ay agad kaming sumakay. Buti na lang at wala pa masyadong traffic kaya mabilis kaming nakarating ng bahay pero pagpasok pa lang namin ay sumalubong kaagad ang dalawang bubwit.

"Ate!"
"Mamam!"

Both of them ran toward us and I was alarmed by their approach. Czanelle was holding a strawberry in each hand while Clark stumbled because of the white mini-blanket tangled around him. The guys behind me laughed and Jazer walked to their direction. He carried Clark on his arms and held Czanelle's hand.

"Are we going to play again?" Czanelle asked, her eyes gleaming. Bigla namang lumingon sa akin si Jazer.
"Gusto mo ba?" he asked with an impish smile.
"Ayoko," sabay lakad ko papuntang hagdan.

Hinayaan ko na lang sila dahil pagod ako ngayon. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagshower at nagpalit. Ilang oras din akong nagbrowse ng net at ang nakakainis ay bigla akong nakakita ng ice cream kaya nagcrave ako. Bumaba naman ako para sana kumuha ng ice cream pero naabutan kong nagkukulitan pa rin ang tatlo at medyo napahinto pa ako dahil sa ginagawa nila.

Clark was sitting on Jazer's shoulder while Czanelle was hanging on his right leg. Tawa lang sila nang tawa habang naglalakad si Jazer at nang nakita nila ako ay nagmadali ako papuntang kitchen. Nagulat naman ako nang naabutan ko si Kuya Larry ro'n na nakatingin din sa tatlo.

"Hindi ka ba naiinggit?" tanong niya.
"Saan?" I asked and he looked at them.
"Sa kanila." Tumingin naman ako sa kanila.
"Not really. They have each other and that guy, too."
"Galit ka pa rin ba sa kanila?"

Napatigil naman ako sa tanong niya at hindi ko alam kung bakit pero nag-iba ang pakiramdam ko.

"I don't know. It still feels weird and I hate the fact that I remember Mom and Dad every time I see them."

Nakita ko namang ngumiti si Kuya Larry at bigla niya akong tinapik sa balikat. Buti na lang at wala na siyang sinabing kahit ano dahil baka maiyak na lang ako bigla. I hate it when people see me crying.

I'm sure he understands my position since I was brought up by them. Alam nila kung paano at bakit ako naging ganito kaya naman wala na siyang sinabi. Call me immature and childish but I still can't forgive Mom and Dad. All these years, I was waiting for them to put some effort for me . . . for them to stay longer than a day to spend their time with me . . . but they didn't. Instead, they gave me siblings without even informing me beforehand. I was beyond mad and jealous. Pero ano naman ang magagawa ko? Nandyan na, eh.

Bago pa tuluyang sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga pinag-iisip ko ay dumiretso ako sa fridge at kinuha ko ang ice cream container. Pinuno ko ang cup at umupo, habang si Kuya Larry ay nagpaalam na para makapagpahinga.

I was busy eating my ice cream when the three of them walked toward me.

"Ate!" Czanelle yelled, still clinging onto Jazer's leg. "What are you eating?"
"Pagod na ako," biglang sabi ni Jazer nang makarating sila sa dining area. "Pwede na ba tayong tumigil?"
"No! No!" sigaw ni Czanelle at lalo lang siyang kumapit sa paa ni Jazer. Nagkatinginan kami ni Jazer at kita sa itsura niya ang pagod at nagpapaawa pa siya.
"Ginusto mo 'yan," sabi ko naman.
"Czanelle, Chloe's eating ice cream. Gusto mo ba?" sabi niya kaya ako naman ang napatigil. Is he diverting Czanelle's attention to me?!
"Really? I want ice cream! Ate, I want!"

Nagpanic naman ako dahil baka umalis siya kay Jazer at lumipat sa akin kaya naman nag-isip agad ako kung ano ang dapat gawin.

"You want this? Say ah," sabi ko naman at naglakad ako papunta sa kanila.

Jazer glared at me and I gave him a smirk in return. I fed Czanelle a spoon of ice cream while still on Jazer's leg and I heard him sigh. When I looked at him, he was eyeing my cup of ice cream and when he saw me, he tried hard to avert his gaze but failed.

"Inggit ka?" I teased and his face turned red.
"Hindi."

Dahil ngayon lang ako makakaganti sa mga pang-aasar niya ay itinaas ko ang kutsara at itinapat sa mukha niya. His expression was camera-worthy and I almost laughed because of that.

"Yum," I exclaimed while eating the ice cream. "Gusto mo ulit?"

I placed the spoonful of ice cream in front of him but he leaned forward and quickly devoured it, leaving me stunned.

"Thanks," he said with a smirk.

Hindi ako nakapagreact agad pero pagkatapos no'n ay agad siyang umalis kasama ang dalawang bubwit.

"Hoy! Ice cream ko!" sigaw ko at hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi 'yon. "Bwisit ka!"

Lumingon siya at tinawanan lang ako kaya lalo akong nainis. In the end, I ate the remaining ice cream and that made me feel better.

Damn that guy.


***