.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 10, 2017

***


“Okay, class dismissed.”

Agad naman akong umalis matapos ang klase at pumunta ako sa tambayan ko . . . at ng lalaking ‘to. Ni hindi ko nga alam kung paano namin natatagalan ang isa’t isa at in fairness, halos two months na simula nang pumasok siya.

“Ang aga mo yata?” tanong kaagad niya pero ‘di ko siya pinansin at umupo na lang ako sa tabi niya. Pinatong ko ang ulo ko sa table at pumikit saglit.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang nangyari ‘yon. I don’t know if I’m starting to open up my heart to those kids or I was just vulnerable during that time. Tama naman sila Nanay Meling, eh. Wala naman talagang kasalanan ang mga bata pero hindi ko pa rin maiwasang mainggit. I might sound immature to others but can you blame me? My parents left me when I was just a toddler. They would only come home once or twice a year and as time goes by, I can’t feel the so-called parental love. I grew up without them and they were fine without me. Matagal ko nang sinukuan ang relasyon ko sa kanila at okay na sa akin na wala sila rito.

“Chloe, alis na ako,” mahinang sabi ni Jazer kaya saglit na nawala sa isip ko ang parents ko.
“Go,” sabi ko naman.

Ang sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa quiz namin kanina o magkakasakit ako. Sumabay pa ‘tong buwanang dalaw na ‘to. Nakakainis talaga.

“Chloe?”

Naramdaman ko namang may umupo sa tapat ko at pagtingin ko ay si Katrina pala. Bigla naman siyang nag-pout at saka ko narealize na ang sama pala ng tingin ko sa kanya. Blame it to my hormones. Damn it.

“Ano?” mahina kong tanong dahil gusto ko talagang matulog.
“A-ah, wala lang. Makiki-table lang sana,” sabi naman niya at tumango na lang ako. “Thanks!”

Ugh. Sobrang sakit talaga ng puson ko. Ngayon na lang yata ako nagkaroon ng weekday dahil kadalasan ay natataong weekend ang first day ko kaya nakahiga lang ako sa kama. Ang hirap pa naman dahil sobrang sakit ng puson at likod ko kapag first day. Tipong parang mahahati ang katawan ko sa dalawa.

“Hala tignan mo ang girl na ‘yon. Ang cute niya ‘no?”
“Ah. Classmate ko siya sa SocSci at marami ngang tumitingin sa kanya kaso nga lang weird siya.”
“Hmm. Mukha nga. Mukha rin siyang clumsy.”

Narindi na ang tenga ko sa ingay kaya bumangon ako. When I looked at those girls, they were glancing at Katrina. She was looking down with her flushed face so I glared at them. When they saw me, their expressions changed and one of them flinched.

“T-tara na!” bulong ng isa at agad naman niyang hinatak ang kasama niya.

Pagtingin ko kay Katrina ay nakayuko lang siya habang namumula ang mukha niya.

“Don’t mind them,” I said and I went back to my sleeping position.

Come to think of it, I didn’t even know when we became this close. Sa tingin ko ay siya pa lang ang taong nakatagal sa akin at kahit sinusungitan ko siya o binabara, lagi pa rin niya akong kinakausap at pinupuntahan. After Iñigo, I didn’t really have a chance to be friends with someone since I tend to push people away and they always get intimidated by me, especially girls.

I always thought that I can survive college without any friends. I mean, three years na akong walang kaibigan dito at buhay pa naman ako. Ngayon lang talaga ako dinumog ng mga tao dahil sa bwisit na issue tungkol kina Iñigo at Queenie, pati na rin sa pagdating nina Jazer at Katrina.

“Chloe,” tawag ni Katrina kaya tumingala ako. “Thank you,” she said while flashing a smile. I gave her a confused look in return.
“For what?”
“Hmm . . . for your presence?”

Hindi ko alam kung mali lang ba ako ng nakikita or what pero parang nangingintab ang mga mata niya.

“Are you crying?” tanong ko at bigla naman siyang umiling.
“No! No,” sabay ngiti niya. “It’s just that I’m really glad that we're friends.”

Napatigil naman ako nang marinig ko ang salitang ‘yon. 
Friends, huh? Ang weird sa pakiramdam. I haven’t used that word for a long time so it felt strange.

“Sige, una na pala ako. May class ako, eh,” sabi niya naman at saka siya nagligpit ng gamit niya. Tumango lang ako at nang makaalis na siya ay umayos ako ng upo.

Gusto ko nang umuwi dahil ang sama na talaga ng pakiramdam ko at dumadagdag pa ‘tong hormones ko sa problema pero may exam pa ako mamayang hapon. Sobrang malas talaga ng araw na ‘to. Nakakainis.

Kahit ang sakit na ng ulo ko ay nilabas ko pa rin ang notes ko para mag-aral. Hindi man halata, gusto ko rin namang makakuha ng matataas na grades. I don’t want to miss an exam just because I’m sick.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-review at ilang beses akong nag-attempt na matulog na lang dahil parang mahahati na ang ulo ko sa dalawa.

“Nandito ka pa rin?”

Napatingin naman ako kay Jazer na kadarating lang habang may dalang isang rim ng readings.

“Obvious ba?” sabi ko habang nakakunot ang noo pero binigyan niya ako ng ngiti.
“Magkasalubong na naman kilay mo,” he teased.
“Ewan ko sa’yo.”
“Meron ka ba?”

Pagkatanong niya no’n ay pareho kaming nagulat at hindi ko alam ang dapat kong i-react? How did he know that?

“Sorry. I didn’t mean it,” sabi naman niya.

Nahiya naman ako dahil ngayon lang ako tinanong ng isang lalaki tungkol diyan. We were both embarrassed but now I’m curious if he was just teasing or he really knows it.

Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil sa sakit. The throbbing lasted for a few seconds and when I looked at Jazer, I can’t see him clearly anymore.

“A-anong oras na?” mahina kong tanong. Gusto ko nang matapos ang araw na ‘to para makauwi na ako at makapagpahinga.
“Alas-tres,” sagot naman niya. “Okay ka lang ba? Namumutla ka.”
“I’m fine. I need to go. May exam pa ako.”

Niligpit ko naman kaagad ang gamit ko. After this exam, wala na akong iintindihin. Sana nga lang ay nasa wisyo pa ako habang nagsasagot mamaya.

Tumayo na ako para lumabas ng library pero biglang nanghina ang katawan ko. It felt like the everything was spinning. I can’t see nor hear anything anymore.

“Chloe? Chloe!”

I heard Jazer’s voice but I didn’t know what happened. Ang alam ko lang, wala na akong maramdaman.

***

“Diyos ko, anong nangyari?!”
“Nahimatay sa school nila!”
“Dalhin n’yo siya sa kwarto muna!”
“Tinawagan ko na si Doc Reyes at papunta na raw siya.”
“Ate?”

Naririnig ko ang boses nina Nanay Meling, Kuya Larry at Czanelle. Nasa bahay ba ako? Anong nangyayari?

I slowly opened my eyes and the first thing I saw was Jazer’s face. Sako na-realize na buhat niya ako at nasa bahay na nga kami. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko ang kwarto ko. Tumingin siya sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay kita ko ang gulat sa mukha niya.

“You’re finally awake,” bulong niya at naramdaman ko ang paghiga niya sa akin sa kama.
“What happened?” I asked and it came out as a mumble. Napahawak ako sa puson ko dahil feeling ko ay mahahati na ang katawan ko sa sakit.
“Nahimatay ka kanina sa library kaya tinawagan ko kaagad si Kuya Larry para magpasundo.”

I passed out? Wait, does that mean . . . damn it. Napabangon ako pero bigla akong nahilo at pinigilan din ako ni Jazer. He held my shoulders and gently pushed me back to my bed.

“My exam . . .”
“Pwede ka naman sigurong magpa-schedule ng special exam. For now, you need to rest,” he said and I don’t know if my mind was just playing tricks on me but I can see the concern in his eyes.

Pinilit ko naman ulit na bumangon pero pinigilan niya ulit ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Magpahinga—”
“I need to change,” sabi ko naman.
“Ng damit?”
“No.”

Nagtitigan lang kami at makalipas ang ilang segundo ay na-gets niya rin sa wakas. Kung hindi lang masakit ang ulo at puson ko, tatawanan ko siya sa itsura niya ngayon. His ears were red and he looked really embarrassed.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa CR at agad na nagpalit. Muntik pa nga akong matumba sa loob dahil nahihilo pa rin ako. Paglabas ko ay dumiretso ako sa kama at nakatingin naman sa akin si Jazer.

“Sige, iwan na muna kita rito,” sabi niya at saka siya tumalikod.

I don’t know why but for a second, I saw my mother in him and I felt scared knowing that she would walk away from me.

Without thinking, I pulled his shirt and that made him stop. He turned around and when he saw me at the edge of my bed, he immediately helped me get up.

“Bakit? May problema ba? May masakit ba?” he asked but I didn’t respond. Nakatingin lang ako sa kanya at nakahawak pa rin ako sa damit niya. “Chloe?” tanong niya ulit pero gaya kanina, hindi pa rin ako sumagot.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas na gano’n lang kami hanggang sa bigla niyang tinanggal ang kamay ko sa damit niya. Nakaramdam ako ng takot dahil akala ko ay aalis na siya pero agad akong napatingin sa kanya nang hindi niya binitiwan ang kamay ko.

“Chloe, kung may sasabihin ka, makikinig ako,” he said with a compassionate expression and that triggered my memory to resurface.

“Mommy’s here, Chloe.”
"Dito ka lang, Mommy."
"Of course, baby. Babantayan ka ni Mommy."

Sa tuwing magkakasakit ako, hindi ko pinapaalam kina Nanay Fe dahil ayokong mag-alala sila at ayokong makita nila akong mahina. Ever since Mom left, I promised to myself that I wouldn’t ask for help when I’m sick. For the past decade, I had been alone whenever I’m unwell because I didn’t want anyone to see me weak . . . to see me so vulnerable.

Nagulat naman ako nang tinanggal niya ang kamay ko sa damit niya. I thought he was going to leave, instead, he held my hand. I suddenly felt a lump in my throat and when I met his gaze, the tears I was holding back streamed down my face.

“Dito ka lang,” I muttered.

Muli akong yumuko dahil ayokong marinig ang sagot o makita ang expression niya. Sanay naman akong mag-isa tuwing may sakit pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Maybe I’m not in my right mind. God, what am I even doing?

“Ah. Nevermi—”
“Okay,” bigla naman niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. He flashed a smile at me and it felt like my fever went up a notch. “Dito lang ako hangga’t ‘di dumarating ‘yong doktor.”

Pinigilan ko naman ang pag-iyak ko at bigla kong naalala ang ginawa niya dati noong tumawag si Mommy. Siya pa lang ang taong nakita akong umiyak nang dalawang beses.

“Mahiga ka na para makapagpahinga ka,” sabi niya at inalalayan niya ako. “Mukhang ikaw ang ibe-babysit ko ngayon,” sabay ngiti niya.

Hindi naman ako umimik at pinikit ko na ang mga mata ko. Bigla ko namang naalala ang kamay ko at hawak niya pa rin ‘yon. I was thinking about it for several seconds but in the end, I decided not to mind it.

“Thanks,” I whispered and I heard him chuckle.
“Rest well, Chloe,” he said and after some time, I fell into deep slumber.


***