Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip pero hindi ko na kaagad maalala kung anong nangyari. Pumunta agad ako sa banyo at nag-ayos ng sarili. Buti na lang at Saturday na ngayon. Makakapagpahinga ako nang maayos at wala akong makikitang bitches sa school. Agad-agad akong lumabas ng kwarto ko para magbreakfast pero pagkabukas ko ng pinto ay napatigil ako. Nakaupo sa harap ng kwarto ko si Czanelle at nagulat pa siya no’ng nagkatinginan kami. “Ate! You’re awake!” sabay tayo niya at ngumiti siya sa akin. “So what?” Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad ako papunta sa hagdanan. Nakita ko naman na nakasunod siya sa may likuran ko at tinataas niya ang pajama niya dahil naaapakan niya. Tsk. Nakakairita. Bakit ba sumusunod ang bulinggit na ‘to? “What do you want?” Huminto ako sa hagdanan at hinarap ko siya. “Kain, Ate? I don’t want to eat by myself.” Tinignan ko lang siya. For a three year-old kid, she’s pretty smart. Hindi siya masyadong nabubulol sa pagsasalita at nakakabuo siya ng sentences nang maayos. Pero ano bang pakialam ko? “Look. We may have the same parents but you really annoy the heck out of me. If you want a company, go to Nanay Meling.” Tinalikuran ko siya pero napasigaw ako no’ng biglang may mukhang sumulpot sa harapan ko. Buti na lang at napahawak ako sa railings kundi nadulas na ako at gumulung-gulong sa hagdan dahil sa sobrang gulat. “What the heck are you doing here?!” “I’m here for my job.” Isa pa ‘tong Jazer na ‘to! Nawala sa isip ko na dito pala ‘to titira sa pamamahay namin. At sinong mag-aakala na nag-apply siya as babysitter? Heck, none! “You’re Czanelle, right? Come here. Let’s eat together.” Hinawakan ni Jazer ang kamay ni Czanelle at nakita kong naka-pout siya. Is she crying? Oh, whatever. Magsama sila. Bumaba sila sa hagdan pero huminto si Jazer at lumingon sa akin. “Alam mo, kapatid mo pa rin sila. You should try to be nice to them.” Bigla namang umakyat ang BV meter ko dahil sa sinabi niya. “Alam mo rin, wala kang alam sa pamilya ko kaya h’wag mo akong pangaralan. Do your job and don’t meddle with my life,” sabay martsa ko pababa at inunahan ko sila. Umagang-umaga, sira na agad ang araw ko. Nakakainis! Parang kahapon, excited pa ako kasi Friday na tapos biglang pag-uwi ko, may tatlong taong susulpot dito sa bahay na sisira ng buhay ko. Nakarinig naman ako bigla ng pag-iyak at no’ng nakita ko si Nanay Meling, karga-karga niya si Clark habang pinapatahan niya. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso ako sa fridge. Kumuha ako ng fresh milk at nagtoast ako ng tinapay. After that ay lumabas ako ng bahay at dumiretso ako sa garden namin. ‘Yong garden namin ang pangalawa sa pinakafavorite kong place dito sunod sa kwarto ko. Mahilig kasi si Mommy magtanim dati ng iba’t ibang uri ng bulaklak habang si Daddy naman, gumawa siya ng parang kubo dito at may papag pa sa tabi. Ito lang ata ang magandang nagawa nila simula noong iniwan nila ako rito. Nagsimula akong kumain at buti na lang ay dala ko ang phone ko. Nagpatugtog ako habang finifeel ang ambiance ng garden. Now this is the life I wanted to live. Napaisip naman ako bigla doon sa Jazer na ‘yon pati na sa dalawang kapatid ko. Alam kong wala naman silang kasalanan at kina Mommy at Daddy lang ako dapat magalit, pero kapag nakikita ko sila, nauunahan ako ng inis at galit. Ako ang unang anak, pero halos buong buhay ko ay hindi ko nakasama ang parents ko. Oo galit ako sa kanila at sa mga kapatid ko pero sumagi rin sa isip ko na katulad ko rin sina Czanelle at Clark—iniwan ng mga magulang. Imbes na magalit ako sa kanila ay dapat nakikisimpatya ako pero hindi ko kaya. Kasi kapag nakikita ko sila, naaalala ko sina Mommy at Daddy. Naaalala ko ang mga taon na wala sila sa tabi ko habang kasama nila ‘yong dalawang kapatid ko at nagpapakasaya sila sa ibang bansa. Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Bwisit. Yung weekends na hinihintay ko ay nauwi lang sa ganito dahil sa pagdating nila. Lalo lang nilang ginulo ang buhay ko. Sa mga ganitong pagkakataon ay lagi akong lumalapit kay Yaya Fe dahil alam niya lagi ang sasabihin sa akin. Pero ngayon, wala siya rito sa bahay at three months pa bago siya bumalik ulit. Bigla naman akong napatingin sa phone ko dahil nagring. Nang tinignan ko kung sino ang tumatawag, unknown number. Sinagot ko naman din agad. “Hello?” “Hi. This is Queenie.” Okay? Paano niya nalaman ang number ko? Pero mukhang alam ko na kung bakit niya ako tinawagan. Oh please. Magulo na nga ang buhay ko sa bahay, pati ‘yong magulo kong buhay sa school, mukhang mas gugulo pa. “What do you want?” monotonous kong tanong sa kanya. She’s the Queen of our university. O, di ba? Ang lapit pa sa pangalan niya. Mabait, mayaman, maganda at matalino raw kasi siya sabi ng mga estudyante. Ako naman, unang tingin ko pa lang sa kanya dati ay alam ko nang nasa loob ang kulo niya. I don’t know pero malakas akong makaramdam ng personality at character ng isang tao. Hindi ko alam kung bakit hindi marealize ng iba na finefake niya lang ang pagiging lovely at mabait niya to gain her Queen title. “I just want to ask if . . . if nag-uusap ba kayo ni Inigo.” “No. At bakit naman kami mag-uusap?” Napataas na ang kilay ko dahil sa pagtatanong niya. “Naisip ko lang na baka nagkausap—” “Sorry pero mali ka ng naisip. Mag-isip ka ulit and don’t call me again,” sabi ko saka ko in-end ang call. Nakakainis talaga ang magjowang ‘yon! Lagi na lang ginugulo ang buhay ko. Kaya ako ang nasisisi ng fans nila eh. Simula noong nagbreak sila, sa akin na lahat napunta ang atensyon dahil ako raw ang third party. Wow! Ako pala! Ni hindi ako nasabihan. Lecheng ‘yan. Nang naubos ko na ang breakfast ko ay tumayo ako agad. Nilapag ko ang phone ko sa papag at nagpatugtog ako ng upbeat music. Nagsimula akong maglight exercise hanggang sa after ilang minutes ay sumasayaw na ako. “Hey.” Napatigil naman agad ako sa pagsayaw no’ng narinig ko ang boses ng Jazer na ‘yon sa likuran. Lumingon agad ako at nakakunot ang noo ko sa kanya dahil sa pang-iistorbo niya. “Ano?!” “Bakit ba lagi kang galit?” “Paki mo ba? Anong kailangan mo?” Nakita ko siyang napabuntong-hininga at naglakad siya palapit sa akin habang may hawak na papel. “Magtatanong lang sana kung alam mo ang buildings at classrooms na ‘to,”sabay pakita niya sa akin sa papel na hawak niya na listahan pala ng schedule niya. Saka ko naalala na papasok nga pala siya sa school na pinapasukan ko. Oh great. Mas lalo pang gugulo ang buhay ko sa school. Umupo siya ro’n sa papag at napataas ang kilay ko. “Alis. That’s my favorite spot,” sabay turo ko doon sa kinauupuan niya. Agad naman siyang umusod at umupo ako doon sa spot ko. Kinuha ko sa kanya ‘yong papel na hawak niya at tinignan ko ang schedule niya. “Yung subjects—” “Listen. Itong dalawang subject na ‘to, nasa isang building lang ang room. Ito naman, malapit doon sa Admin Building.” Tinuro ko sa kanya lahat ng subjects at buildings na kailangan niyang pasukan. Nagdrawing pa ako ng map para masundan niya. After that ay binalik ko sa kanya ‘yong papel. “Ayan. Nasagot ko na ang tanong mo. Kaya kung pwede, iwan mo na ako.” No’ng sinabi ko ‘yon ay tumayo agad siya at kinuha niya ang schedule niya pati ang map na ginawa ko. Tinignan niya ako nang seryoso kaya kumunot ang noo ko. “Ano—” “Totoo nga ang sabi nila. Kapag anak-mayaman, selfish at walang pakialam sa paligid nila. Thanks, by the way.” Naglakad siya palayo sa akin habang ako ay natulala sa sinabi niya. Ano raw? Selfish? Walang pakialam sa paligid? Ako? Ugh! Ang kapal ng mukha! Tinulungan ko na nga’t lahat-lahat, sasabihan pa niya ako ng gano’n? Bwisit! Nakakainis! Pumasok ako sa loob at nakita ko na nanonood ng cartoons sina Czanelle at Jazer, habang si Nanay Meling ay katabi nila at karga-karga si Clark. Sinimangutan ko silang lahat at umakyat ako sa kwarto ko. I guess I’ll spend my weekends inside my room. *** Nagsusuklay ako ng buhok ko nang biglang may kumatok sa pinto. “Ate?” Pagkarinig ko ng boses ng bubwit na ‘yon ay napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang sa pagpasok ko sa school, ginugulo niya pa rin ako. After kong mag-ayos ay kinuha ko ang bag ko at lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng pintuan at nagulat pa siya no’ng nasa harap na niya ako. At the same time, nagulat din ako dahil nakabihis siya. “Bakit ka nakabihis?” “I’m going to school din, Ate.” She smiled at me and I saw her blushed. “Oh.” Tinignan ko lang ulit siya then I started walking away from her. Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin pababa sa hagdan pero hindi ko na lang siya pinansin. Ngayon ko lang nalaman na mag-aaral na pala siya, though late na siya ng one week. Sabagay, daycare or for toddlers lang naman ang papasukan niya. Dumiretso ako sa dining area pero napatigil ako no’ng nakita kong naghahain si Nanay Meling ng breakfast habang karga-karga naman ni Jazer si Clark. Pero ang ikinahinto ko ay ang uniform ni Jazer. God! Papasok na kami sa parehong university at habang iniisip ko ‘yon ay naiirita na agad ako! “O, Chloe. Kay aga-aga nakasimangot ka kaagad,” sabay ngiti sa akin ni Nanay Meling. Binati ko naman siya at umupo ako sa upuan ko habang si Czanelle ay umupo sa tabi ko. “Hijo, ako na ang magpapatulog d’yan kay Clark. Sige na, kumain ka na rin.” “Ah. Hindi na ho. Sanay naman akong—” “Sige na.” Kinuha ni Nanay Meling si Clark sa kanya at pinilit siyang paupuin doon sa upuan sa harapan ko. Nagkatinginan naman kami at tinaasan ko siya ng kilay tapos inirapan. Binilisan ko na lang ang pagkain ko para mauna na ako sa kanila. Pero ang hindi ko inaasahan . . . “I want to sit here!” sigaw ni Czanelle habang papunta kami sa kotse. Pinagbuksan siya ni Kuya Larry at pinilit niyang maupo sa passenger seat. Pumasok naman agad ako sa back seat pati na rin ‘tong Jazer na ‘to. Nakakainis. Bakit hanggang sa pagpunta sa campus ay kailangan ko pang makasabay ang dalawang ‘to? Tumingin na lang ako sa labas para hindi ko sila makita. After a few minutes, huminto si Kuya Larry sa tapat ng playground dahil sa tapat no’n ang daycare. Bigla namang bumaba sina Kuya Larry pati na rin si Jazer. “Hindi ako sasamahan ni Ate?” rinig kong sabi niya sa labas. Nagulat nga ako dahil marunong pala talaga siyang mag-Filipino. I thought English lang ang alam niya dahil lagi siyang nag-eenglish sa bahay, though minsan hinahaluan niya ng ilang Filipino words. “Mukhang hindi. Tara, ako na lang ang maghahatid sa’yo,” sabi naman ni Jazer. No’ng tumatawid na sila papunta roon sa school ay pumasok si Kuya Larry sa loob ng kotse at nilingon ako. “Chloe, alam kong galit ka sa Mommy at Daddy mo pero bakit pati sa mga kapatid mo?” “Ewan ko rin, Kuya Larry. Kapag nakikita ko sila, naaalala ko sina Mommy at Daddy.” “Noong isang araw ka pa sinusuyo niyang si Czanelle pero hindi mo naman pinapansin.” “Hayaan mo siya. Masasanay din siya at after that, titigilan na niya ako.” Napatigil naman kami sa pag-uusap nung papalapit na si Jazer. Binuksan niya ang pinto at umupo sa tabi ko. Pinaandar kaagad ni Kuya Larry ang kotse at walang umimik sa amin. Naalala ko tuloy bigla ‘yong sinabi niya sa akin matapos niyang itanong ang buildings na kailangan niyang puntahan nung nakaraang araw. Uminit agad ang ulo ko dahil doon. Buti na lang at agad kaming nakarating sa campus. Sa malayo pinark ni Kuya Larry ang kotse dahil ayokong may makakita sa aming magkasamang dumating dito. Agad akong bumaba at mabilis na naglakad papunta sa gate pero napatigil ako no’ng nakita ko kung sino ang naghihintay sa gate. “Chloe,” sabay ngiti sa akin ni Queenie. Seriously? Wala na bang igaganda ang araw na ‘to?
Comments
|
Prologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |