Ugh. Saturday. Bumangon ako at naghilamos kahit na ayaw ko pang gumising. I went out of my room and saw all of them in the living room. “Ate’s awake! Ate here! Here!” Czanelle yelled excitedly while waving at me. Bumaba naman ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang sarap lang batuhin nina Jazer at Kuya Larry dahil pareho silang nakangiti nang nakakaloko sa akin. I plopped myself on the couch between the two kids. “Sama ka, Ate, ‘di ba?” tanong ni Czanelle kaya napatingin ako kay Jazer. Tss. Sinabi niya. “Oo na,” I muttered and after hearing that, she started dancing in front of us. Nakisali na rin so Clark kahit na patalon-talon lang siya. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari noong gabing ‘yon at bigla akong kinilabutan dahil hindi ko akalaing maiisip ko ang mga gano’ng bagay. Was that really me? Pagkatapos ng cartoon na pinapanood nila ay kinuha na ni Nanay Meling si Czanelle para paliguan at kumain naman ako ng breakfast kasabay ang bwisit. Lalo lang akong nainis sa sarili ko dahil nagpaapekto ako sa kanya at lagi niya akong nakikitang umiiyak. “Buti nagbago ang isip mo,” sabi niya habang kumakain kami. “Akala ko hindi ka pupunta dahil . . . alam mo na.” “Wala lang akong gagawin ngayon kaya pupunta ako,” I replied and he gave me a mocking smile. “Tigil-tigilan mo ‘yan,” sabay turo ko kanya gamit ang tinidor ko at bigla naman siyang tumawa. Ano bang problema niya, ha? “May mga tao talagang hindi totoo sa sarili nila, ‘no?” bigla niyang sabi kaya napatigil ako. His statement lingered in my head and I remembered what I said to Katrina. I felt a pang of guilt and realized that I might be the same as her. As everyone else. We have sides that we want to hide from people and we do that by creating a facade, someone that is not the real us. Hindi na ako nakapagsalita at tahimik naming inubos ang pagkain. Pagkatapos no’n ay agad akong nagligpit at nag-prepare na ako. After thirty minutes, lumabas ako sa kwarto. I chose to wear comfortable clothes—white shirt, jeans and sneakers—and packed a towel since I might be forced to do physical activities. Habang tumatagal ay parang ayaw ko nang sumama pero nakaabang sa akin si Czanelle sa may hagdanan. “Let’s go, Ate! Let’s go!” she yelled in excitement. Bumaba kami pareho at naabutan naman namin doon si Jazer na pinapakain si Clark. Nang makita kami ni Nanay Meling ay kinuha niya ang bowl kay Jazer at siya na ang nag-asikaso kay Clark. “Sige na, hijo, at baka ma-late pa kayo,” sabi niya at tinawag niya si Kuya Larry. Pagdating ni Kuya Larry ay agad kaming lumabas at sumakay sa kotse. Czanelle sat in the passenger seat and she was singing nursery rhymes non-stop. Pagdating namin sa school ay kita agad ang mga magulang kasama ang mga anak nila na papasok din doon. “O sige, ingat kayo, ha? Text n’yo na lang ako kung anong oras ko kayo babalikan,” sabi ni Kuya Larry nang makababa kami kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi ka sasama?” tanong ko. “Hindi. May aayusin pa ako sa bahay,” sagot niya naman. “Enjoy na lang kayo.” “Bye, bye, Kuya!” sigaw ni Czanelle at nag-wave din si Kuya Larry sa kanya hanggang sa pinaandar niya na nang tuluyan ang kotse. Pinanood ko lang ang mga taong maglakad habang nakatayo pa rin ako ro’n at unti-unti ko nang pinagsisisihan ang pagsama pa rito. Bigla namang hinawakan ni Czanelle ang kamay ko at gano’n din ang ginawa niya kay Jazer sabay hatak sa aming dalawa papunta ro’n. Sa open field ang venue at buti na lang ay makulimlim kaya hindi mainit sa pakiramdam. Dumiretso kami sa side kung nasaan ang mga tao at binati naman si Czanelle ng teachers na nandoon pati na rin ng ibang staffs. Tumingin sa amin ang nasa registration booth at ngumiti. “Good morning,” bati niya. “Wow, buti ho at nakapunta kayo. Sabi kasi ni Czanelle, nasa malayo ang parents—” “I’m her sister,” I said before she could finish her assumption. When she heard that, her face turned red and she immediately apologized. “S-sorry! I thought . . .” Napatingin naman siya kay Jazer. “Ah, so magkakapatid kayo?” “Ah, hindi,” sagot naman ni Jazer at kita sa mukha ng staff ang pagkalito. “Silang dalawa lang,” sabay ngiti niya. Bigla namang nagbago ang expression ng staff at ngumiti siya ulit habang nakatingin sa aming dalawa. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano na naman ang iniisip niya pero bago pa ako makapagtanong ay binigyan na niya kami ng stubs at tatlong lumang towels. Hinatak ulit kami ni Czanelle papunta sa mga kaklase niya. Dahil walang mga upuan ay ginamit namin ang towels na sapin at saka kami umupo sa damuhan gaya ng ginawa ng iba. Tumakbo naman si Czanelle papunta sa isang babae at nagtawanan sila ro’n. “Kayo ba ang parents ni Czanelle?” biglang tanong ng babae sa kanan namin. “Kaya pala napakagandang bata ay maganda at gwapo rin ang mga magulang,” dagdag niya pa at saka siya ngumiti. “Hin—” “Napakabait na bata niyan ni Czanelle,” singit naman ng nasa likuran namin. “Nakalimutan ko kasi ang baon ng anak ko at sabi ng teacher ay shinare niya ang sa kanya.” “Pero ang bata ninyo tignan,” dagdag ng isa pa. “Okay lang ‘yan, at least, kaya nilang buhayin ang anak nila kahit bata pa sila. Hindi tulad ng iba na malaman lang na magkakaanak sila dahil sa pagkakamali ay ipapalaglag.” Napabuntong-hininga ako dahil sa mga narinig ko at pakiramdam ko ay konti na lang malapit na akong sumabog. I was ready to shout the truth at them but their attention was shifted to the MCs. They all cheered as the MCs opened the program and even if tell them I’m her sister, I doubt that they could hear me in this noise. Damn it. They had the wrong idea! Lumingon ako kay Jazer habang nakakunot ang noo pero nagulat ako nang makita kong seryoso ang itsura niya. His brows were furrowed and he looked annoyed. That was the second time I saw him like that. Bigla naman siyang napatingin sa akin at siguro ay nakita niyang nagtataka ako sa kanya kaya bigla siyang ngumiti. Tss. Akala niya ba lahat ng bagay nadadaan sa pagngiti-ngiti niya nang gano’n? “What the heck is your problem?” malakas kong tanong dahil ang ingay ng mga tao sa paligid namin. “Hindi ko lang gusto ang maiingay na lugar,” sabi naman niya at napatitig ako sa kanya. I suddenly realized that it might be the reason why he likes to stay in the library and bench area. “Then why did you come here?” tanong ko at bigla namang tumakbo pabalik sa amin si Czanelle. She was happily waving her hands at us and threw herself at him that they almost fell to the ground. “Dahil sa kanya,” sabay hawak niya sa ulo ni Czanelle at pareho silang ngumiti. Naalala ko naman ang nangyari sa amin ni Katrina sa C.R. last time dahil sa sinabi niya. She said I might be helping him to get back to her since this guy still likes her. That really threw me off. It seemed like he talked to her when he said he wouldn’t go home yet and Katrina told him that they should stay as friends just like before. "Oh, and by the way, that guy isn't that kind of person. Even if he's annoying most of the time, he's not selfish. He'd gladly distance himself if that's what you want so don't even involve him in this," I remembered saying when she told me about him. Maybe it was due to the situation but I ended up defending him . . . . . . and I guess it was the right decision. Ayaw niya sa maiingay na lugar pero pinili niyang samahan si Czanelle sa event na ‘to. Sinabi niya ring mas matutuwa si Czanelle kung sasama ako bilang “family” member niya. Minsan, kinikilabutan ako sa pagiging mabait niya. Bigla namang may kumalabit sa akin kaya napalingon ako. “Mukhang daddy’s girl ang anak mo. Ka-cute!” the old lady giggled while looking at Czanelle and Jazer. “They are—” “Gano’n talaga siguro kapag babae ang anak,” singit naman ng isang tatay sa tabi niya habang nakayakap sa anak niyang babae na mukhang classmate ni Czanelle. “Any father would be a fool for her daughter. ‘Di ba, anak?” sabay ngiti niya sa anak niya. Para namang may kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong naalala si Dad. Even though I couldn’t remember all the details, I knew that he played with me everyday before they left me. Maybe if we got to spend more time together, I’d also be a daddy’s girl, though that would be impossible now. Tinignan ko naman si Jazer habang kinakausap siya ng tatay sa likuran niya at nang matapos sila ay lumapit ako sa kanya. “Bakit hindi mo sinasabing hindi ikaw ang tatay niya?” pagalit kong tanong. “Nasanay na ako sa gano’n,” sagot niya kaya napataas ang kilay ko. “Ha?!” “Ang ibig kong sabihin, ganito rin kasi ang nangyayari kapag pumupunta ako sa school ng kapatid ko. Sobrang bata niya rin kasi kaya napagkakamalan kaming magulang ni—” He didn’t finish his statement and his expression suddenly darkened. “Ni Katrina,” I continued and he gave me a melancholic smile. “Yeah. Anyway,” sabay ngiti niya, “malalaman din naman nila ‘yan.” Hindi na ako nakaimik dahil naglaro na sila ni Czanelle. Nagsimula na rin ang program sa pagbati ng MCs at nag-perform din ng sayaw ang teachers at staff. Pagkatapos no’n ay tinawag ang mga bata kaya tumakbo ulit si Czanelle papunta sa gitna habang sumisigaw sa amin ng “watch me!” at doon namin nalaman na magpe-perform din pala sila. They danced to several nursery rhymes and one of them was The Little Teapot. I watched them dance to it and even though I taught her the right hand movement before, she still got it mixed up. That kid! The MCs started the activities with Stop Dance and only the children were allowed to play. When the music started to play, the kids would dance like crazy and one tried to do a headstand but he ended up rolling on the ground. They were too immersed in the music that some were a few steps late before stopping their movements. Dahil doon ay ang daming natatanggal at nagtatawanan naman ang mga magulang. ‘Yong iba ay umiyak pa nang matanggal sila at tumakbo papunta sa parents nila. Czanelle was still playing but after a few more rounds, she was eliminated because she couldn’t control her feel and stumbled when the music stopped. Dahil mukha na siyang iiyak ay tumakbo si Jazer para sunduin siya at pagdating niya rito ay tuluyan na siyang naiyak. Nagulat ako nang tumakbo siya papunta sa akin at yumakap kaya hindi ko alam ang gagawin. “I-it’s okay. It’s just a game,” I whispered while trying to caress her hair but immediately stopped when I saw Jazer looking at me with a teasing smile. That was when I realized she wasn’t crying because she lost but because she was embarrassed. “Bakit masama na naman ang tingin mo sa akin?” inosente niya pang tanong kaya inirapan ko siya. “Stop teasing me, will you?” “Wala naman akong ginagawa,” sagot niya pero nakangiti naman siya. “Sinong niloloko mo? Baka gusto mong mang-asar din ako?” I threatened while smirking at him and it was effective. Alam niyang gagamitin ko si Katrina laban sa kanya kaya naman tahimik lang siyang umupo sa tabi namin. Hah. Akala mo kaya mo ako? Sumunod namang laro ang Trip to Jerusalem pero Family edition. Kailangang kandungin ng tatay ang parehong nanay at anak at buti na lang ay hindi kami sumali dahil umiiyak pa si Czanelle. Nakakatawa rin dahil ‘yong iba ay nalalaglag sa upuan at merong isa na kumandong sa ibang tao. Hindi ko nga akalaing ang nanalo ay ‘yong babae sa likuran ko kanina. Pagkatapos no’n ay Obstacle Course naman ang laro at gustong sumali ni Czanelle kaya pinilit niya si Jazer. Halos lahat kasi ng sumali ay tatay ang kasama dahil na rin sa nature ng laro. They started off running a 10-meter course followed by a series of tires. ‘Yong ibang bata ay muntik nang madapa pero tuloy pa rin sila at inaalalayan naman sila ng mga tatay nila. After that, the kids crossed a narrow piece of wood with the help of their partners and they need to cross it again when they fall. It was followed by eating a piece of circular crackers which were hanged using threads. The fathers put their children on their shoulders and let them bite the crackers to proceed. The last course was a big inflatable pool where they have to find a one-peso coin but instead of water, it was filled with baking powder. Nakanganga lang ako habang nanonood sa participants. ‘Yong mga nasa paligid ko ay todo-cheer sa anak at asawa nila samantalang ako ay nakabantay lang sa pares na nangunguna sa game. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng kilos ni Jazer at kung paano niya inaalalayan si Czanelle sa bawat course. Lalo pang nagsigawan ang mga tao nang makarating ang players sa pool. The air was filled with laughter as they jumped into the pool, making them look like ghosts. The powder covered their entire faces as well as their clothes and Czanelle turned into a freaking small white lady. The competition was intense but in the end, they didn’t win because they were several seconds late from handling the coin to the staff. Pagkatapos no’n ay nagsibalikan naman ang mga sumali at ang iba ay pumunta sa C.R. para magbihis. “Ate! Ate!” sigaw ni Czanelle habang tumatakbo papunta sa akin . . . wait . . . “Hey! Stay away from me!” sabay tayo ko pero patuloy pa rin siyang tumatakbo habang tumatawa. Dahil mukhang sinasadya ng bubwit na ‘to ang ginagawa niya ay agad kong nilabas ang towel sa bag ko kaya bago pa niya ako malagyan ng powder mula sa kanya ay binalot ko siya. “I’m caught!” she giggled. Buti na lang at naglagay si Nanay Meling ng pamalit niya sa bag na dala ni Jazer kaya naman pagkatapos naming pagpagan ang buong katawan niya ay pinalitan ko ang damit niya. Nang malinis na ulit siya ay bigla naman siyang tumawa habang nakatingin kay Jazer. “You look old,” she chortled while pointing at Jazer’s hair which was still covered with powder. He started ruffling his hair but it wasn’t enough to remove the powder. Naiinis lang ako dahil mukhang sinasadya niyang ipunta sa direksyon ko ang powder kaya tinignan ko siya nang masama. Nang napuno na ako ay humarap ako sa kanya at tinapon ang towel sa mukha niya. “Why are you so annoying?” I blurted out and started removing the powder from his head. “Thank you,” sagot niya naman kaya binatukan ko siya. “Shut up, will you?” Bwisit. Sabay pa silang tumawa ni Czanelle kaya lalo kong diniinan ang paglilinis sa buhok niya. Ni hindi ko namalayang tapos na ang isa pang laro dahil sa dalawang ‘to. “Mukhang kailangan na ring maglaro ng parents kaya naman ang susunod nating game ay para sa mga mag-asawa!” one of the MCs announced and the crowd cheered. “Inaanyayahan naman ang lahat ng couples na sumali sa next game, which is Paper Dance!” Isa-isa namang nagsitayuan ang mga nanay sa paligid ko habang pinipilit nila ang mga mister nila. Natawa pa nga ako sa isang tatay dahil nagpanggap pa siyang tulog pero binatukan siya ng misis niya pero nawala ang saya ko nang bigla akong tinulak ng babae sa gilid ko. “Sumali ka naman, wala ka pang sinasalihan! Tara!” Nakisali naman ang iba sa pagtulak sa akin at gano’n din ang ginawa nila kay Jazer hanggang sa hindi ko namalayang nandoon na kami sa gitna kung nasaan ang mga maglalaro. “Those old ladies!” I exclaimed while glaring at their backs. Balak ko sanang bumalik din pero sinama na kami ng MC sa bilang ng mga naglalaro kaya napapadyak na lang ako sa lupa. “Nandito na tayo, might as well play the game,” sabi naman ni Jazer kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Plano kong magpatalo na lang pero nang makita ko ang prize ay nagdalawang-isip ako—a set of barbie dolls for girls and toy cars for boys. Idagdag pa ang pagsigaw ni Czanelle at kung paano niya tignan ang prize. Damn it. Wala naman akong nagawa kundi subukang manalo at mukhang ‘yon din ang nasa isip ng lalaking ‘to. We started dancing to the music and stepped on the newspaper the moment it stopped. Okay pa ang mga naunang rounds pero unti-unti akong kinabahan dahil paliit na nang paliit ang tinatapakan namin . . . hanggang sa magsakto na ang paa namin doon. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti kaya sumimangot naman ako. “Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?” “Pwede bang ipanalo natin ‘to?” bigla niyang sabi. “What?” “Tahimik kasi rito,” saka siya ngumiti. Napatigil naman ako para pakinggan ang paligid at kumpara sa pwesto namin kanina, hindi gano’n kaingay rito, lalo na’t kaunti lang ang tao at naka-focus silang lahat sa laro. “Okay, walang gagalaw!” sigaw ng MC habang iniinspect kung may lumagpas bang paa sa mga contestants at nakakainis dahil naka-focus sila sa amin. Paano ba naman, kami lang ang walang kahit anong body contact. Pagkasigaw niya ng pass ay agad kaming naglayo at naging tahimik na rin si Jazer. Tinupi nila ang dyaryo at sa liit no’n ay siguradong hindi na kami kasya unless . . . “Tumapak ka sa paa ko,” bigla niyang sabi habang gumagalaw kami dahil sa kanya. “H-ha?” “Tapak ka para kasya tayo—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumigil ang tugtog at nagpanic ako. He was already standing on the paper but I hesitated. I carefully stepped on his feet and I had to hold onto his shoulder to balance myself but a chill went down my spine when I felt his hand on my waist. My eyes were focused on our feet and when I was about to glare at him, the tip of my nose grazed his. I immediately pulled my face away from him and I almost stumbled but he supported my back, pulling me closer to him. We ended up in a position that looked like hugging, with my arms around his neck and his arms around my waist. Hindi ko na alam kung ano ang sinasabi ng MC dahil wala na akong marinig. The sound around us gradually faded until it fell silent. “Tahimik kasi rito,” he said a while ago but right now, it’s too quiet. It was too quiet that all I could hear was our heartbeats which were too fast to be normal. My mouth felt dry and I couldn’t breathe properly, as if my lungs were about to explode. And during that silence, I felt something familiar, the same thing I felt with Iñigo back in high school . . . . . . the feeling I dreaded the most.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |