Ilang gabi akong hindi nakatulog nang maayos dahil sa sinabi sa akin ni Dad noong tumawag siya. Pagkatapos no'n ay hindi ko na ulit sinagot ang kahit anong tawag mula sa kanya. "Ms. Esguerra?" Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan nang na-realize kong nakatingin na sa akin ang classmates ko dahil kanina pa pala ako tinatawag ng professor namin. "Ah. Sorry, Ma'am," sagot ko naman. I could see the disappointment on her face as she heaved a sigh. Maging ako ay napabuntong-hininga dahil maging sa mga klase ko ay distracted ako. I tried to focus again until she dismissed the class. Dumiretso ako sa library para sana wala masyadong tao at makapagpahinga ako pero may galit yata talaga sa akin ang tadhana. Naglalakad din si Queenie sa hallway at nakatingin sa kanya ang ilang estudyante. After that confession went viral, many of her admirers turned their backs on her while some believed it was written to damage her reputation. However, it seemed like she has been gradually shedding his skin. With her head and chin up, her eyes that sparkled with supremacy and how she walked with confidence, she honestly looked like a queen. It was annoying and incredible at the same time. Bago pa kami magpang-abot ay lumiko na ako at pumunta na lang sa bench area kahit na may makikita rin akong bwisit do'n. As usual, he was sleeping with a notebook covering his whole face. Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang phone ko. Eight missed calls and three text messages. All from Dad. Pinatay ko na lang ulit 'yon at napatingin ako kay Jazer. Buti pa ang lalaking 'to, mukhang walang problema sa buhay. Nakakainggit. Nilabas ko ulit ang phone ko at nilagay sa airplane mode. Sinaksak ko ang earphones sa tenga ko at pumikit para naman kahit papaano ay ma-relax ang utak ko. Everything has been so chaotic these past few days. 'Cause I'm irrelevant You'll be fine without me And it's evident, it shows My heart instantly sank when I heard those lines and I had to take my earphones off to breathe. Bakit ba ang malas ko ngayon? Nagulat naman ako nang biglang dumilim ang paningin ko at hindi ko namalayang gising na si Jazer. "Para kunwari natutulog ka," sabi niya habang hawak ang notebook na ngayon ay nakatakip na sa mukha ko. As if on cue, tears started streaming down my face. Bakit ba nagiging iyakin na ako? Ano bang pakialam ko sa kanila? I already accepted the fact that they don't see me as their daughter so I did the same. What the heck is wrong with me? "Ngayon na 'yon, 'di ba?" "Shut up," mahina kong sabi. At sa oras na umiiyak ako, laging ang lalaking 'to ang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano. "Hindi mo ba talaga kaya?" tanong niya ulit. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero ayokong makita niya ang mukha ko kaya hindi na lang ako umimik. Ilang minuto kaming tahimik at naramdaman ko naman ang pagpalit niya ng kamay sa paghawak sa notebook. Hindi ko magawang hawakan 'yon dahil nanginginig ang kamay ko sa halu-halong emosyon. "Ah. Nandiyan na raw si Kuya Larry," sabi naman niya. "Go," I replied. "Mauna ka na." "Chloe." We rarely call each other by our names so that startled me. "I don't want to see her," mariin kong sabi. Yes. That was the bad news. Dad said Mom would come home for vacation since she's been too stressed from work. Bakit hindi pa niya diniretso? Alam ko namang umuwi siya para kina Czanelle at Clark. At ang malala? She'll stay for a month. Pero mas may malala pa. Uuwi rin si Dad after two weeks dahil may idi-discuss daw siya sa akin tungkol sa business namin. After hearing all of that, I was hoping that this day wouldn't come. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti rin akong nasasakal. Just when I was starting to consider this place a real home again, the people who destroyed it wanted to return. "Isasauli ko na lang 'tong—" I was about to hold the notebook myself when he suddenly pulled it and I had no choice but to cover my face with my hands. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at nagulat ako nang bigla niyang hinatak ang kaliwang braso mula sa mukha ko kaya napatayo ako. "What the hell are you doing?!" I demanded but he started dragging me towards the main gate. "Ano ba?! Bitiwan mo ako!" Hinampas ko ang braso niya pero hindi pa rin niya ako binitiwan. Mas lalo lang humigpit ang pagkahawak niya pero tiniis ko ang sakit. "Ano bang problema mo?!" sigaw ko at nang makalabas kami ay saka niya ako binitiwan. I glared at him and I was tempted to slap his face but I decided not to. "Bakit ka ba nakikialam? 'Di ba sinabi kong ayaw ko siyang makita? Sino ka ba ha? Babysitter ka lang ng mga kapatid ko kaya wala kang karapatang makialam sa mga problema ko!" I was shaking in anger and tears were threatening to come out of my eyes again so I started walking away from him. Ni hindi ko alam kung saan pupunta pero mas mabuti nang maligaw kaysa umuwi sa lugar kung nasaan sila. "Sinabihan ko na si Kuya Larry na may pinuntahan tayo kaya huwag na tayong hintayin." Napahinto naman ako nang marinig ko ang boses niya sa likuran. Gusto kong lumingon pero pinigilan ko ang sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Don't follow me," sabi ko at binilisan lalo ang paglalakad pero nakita ko siya sa gilid ko at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. The next thing I knew, he was already pulling me towards the jeepney. Hinatak niya ako hanggang sa makaupo kami at binigyan ko siya ng matalim na tingin pero nginitian niya lang ako. Nagbayad siya para sa aming dalawa at hindi na ako umimik. Ni hindi ko nga namalayan na bababa na pala kami at hinatak niya lang ulit ako. Napahinto naman ako nang makita ko kung nasaan kami. Unlike People's Park, this place looked like a forest park where you could have a nice walk without any people bothering you. Nagsimula kaming maglakad at bumungad agad ang matataas na mga puno. The gentle breeze kissed my face and the ambiance soothed my perturbed mind. "Where did you find this place?" tanong ko habang papunta kami sa parang bridge. Tumalikod naman siya para humarap sa akin at sinalubong niya ako ng isang malawak na ngiti. "Mukhang mahinahon ka na," pang-aasar niya at umiwas ako ng tingin dahil sa mga sinabi ko kanina. "Sinabi lang sa akin ni Nanay Meling. Malapit kasi 'to sa palengke kung saan siya bumibili." "Why?" tanong ko ulit at pareho kaming huminto sa gitna ng bridge. Muli siyang ngumiti pero parang may kakaiba sa mga mata niya. "To let you breathe," he said as the wind blew, making the leaves around us rustle, as if they were also breathing. "Mas okay pa 'yong masungit at parang tigreng Chloe kaysa ro'n sa tahimik at walang sa sarili na Chloe. Alam kong babysitter lang ako at wala naman akong karapatang mangialam sa family matters n'yo pero ayaw kong makita kang ganyan kaya kung kailangan mo ng mapagsasabihan at sandalan, nandito lang ako." He was looking straight to my eyes and I could feel the sincerity in his words. My heart throbbed and my eyes started to well up with tears again because he told me the words I wanted to hear from someone. I was alone and trying to be strong for a long time that hearing those words made me vulnerable. I was tempted to accept the offer. His reassurance. Now that I think about it, he's the closest person that I could call as a friend even though I don't want to admit it. I never trusted anyone because of what happened to me during my childhood and high school. I promised myself that I'd survive life by myself because that way, nobody could hurt me again. Hindi ko akalain na darating ang panahon na may makakakita sa kahinaan ko. "May I use that now?" I said, my voice cracking. He replied with a smile and I slowly approached him. Tatlong hakbang hanggang sa makalapit ako nang tuluyan at isinandal ko lang ang ulo ko sa balikat niya. "Don't move. Don't do anything," mahina kong sabi at ramdam ko ang tibok ng puso niya. Nanatili lang siyang nakatayo habang ako ay nakasandal pa rin. Para rin siyang si Iñigo. Isa siya sa mga lalaking natural na mabait sa mga tao. I hate to admit it but my heart fluttered because of his gestures that I might misunderstand his intention. Kaya naman nang kumalma na ang pakiramdam ko ay agad akong lumayo sa kanya. “Sorry,” I muttered and averted his gaze. “For what?” tanong naman niya. “Kanina. Akala ko pipilitin mo akong umuwi.” Bago pa siya makapagtanong ulit ay naglakad na ako at nilagpasan siya. Sumunod naman agad siya at nakatawid na kami ng bridge. Iba’t ibang bulaklak ang sumalubong sa amin sa kabila at napangiti ako nang makita ko ang mga ‘yon. It reminded me of our garden before. When I was a kid, I really like playing there because of the flowers . . . and Mom personally took care of them. However, when they left, the flowers started to die one by one until they all disappeared. “Mama, look!” sigaw ng isang bata kaya napatingin ako sa kanya. “Hmm?” “Ang daming flowers!” Nang ngumiti ang nanay niya ay agad akong umiwas ng tingin pero hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si Jazer kaya napansin niya ang ginawa ko. Bago pa siya may sabihin ay inunahan ko na siya. “Are you close with your mother?” tanong ko. “Okay lang naman kung hindi mo sag—” “Yes,” he said and I glanced at him. He was just looking ahead with a smile on his face. “Nakakapanibago. Hindi ka talaga masungit ngayon,” sabay lingon niya sa akin kaya agad ko siyang inirapan. “Tss. Bahala ka.” Binilisan ko ang lakad ko pero parang wala lang sa kanya dahil nakakasabay pa rin siya at ang nakakainis ay tumatawa pa ang bwisit. “Ang bilis, ah? Sungit,” pang-aasar niya pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naglakad pero halos madilim na noong nakalabas kami. Nag-text na rin daw si Kuya Larry kaya nag-aya na siyang umuwi. Habang nasa shed kami at naghihintay ng taxi ay hawak ko ang phone ko pero hindi ko magawang buksan. Natatakot ako sa pwede kong makita at malaman. “Ayaw mo ba talaga siyang makita?” tanong ni Jazer kaya napatigil ako. “She already ruined everything,” I answered, “and I already drew the line.” “Pero nanay mo pa rin siya.” “Hindi mo maiintindihan kasi close kayo ng Mom mo,” sabi ko naman. “Ni hindi nga siya nagpaka-nanay sa akin.” Buti na lang at may dumating nang taxi dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan. Tahimik lang kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa loob ng subdivision. Pagbaba namin ay tumayo lang ako sa harapan ng bahay at parang ayaw ko nang pumasok pero tinulak naman ako ni Jazer. Binuksan niya ang pinto at agad kong nakita ang likod niya. She was playing with Czanelle and Clark in the living room and they all looked at our direction when they heard us coming in. “Ate! Ate!” Czanelle excitedly called. “Chloe?” Hearing her call my name felt weird. I still remember how she raised her voice at me while desperately asking about her other children. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at nakita ko naman si Nanay Meling na nakatingin sa amin mula sa kusina. “Nanay Meling, tawagin mo na lang ako ‘pag kakain na,” sabi ko habang naglalakad papunta sa hagdanan. “Sa kwarto muna ako—” Hindi ako nakagalaw sa mga sumunod na nangyari. Ang alam ko na lang, nakayakap na siya sa akin habang umiiyak. I just stood still, unsure of what to do. “What are you doing?” I coldly asked. “I’m sorry, anak,” she sobbed and the next thing I knew, the tears I was trying hard to hold back streamed down my face. “I’m sorry for everything.” “Why are you crying, Ate?” bigla namang tanong ni Czanelle na mukhang iiyak na rin. Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili. Nilayo ko ang sarili ko kay Mom at hinarap namin ang isa’t isa. Unlike her usual ‘director’ appearance, she looked like a mess. “Czanelle and Clark are crying,” sabi ko naman dahil pareho na ngang umiiyak ang dalawa. “You should worry about them instead. Good night,” saka ako tumalikod at naglakad palayo. “How about you?” tanong niya at napahinto ako. “You’re also crying.” Pagkasabi niya no’n ay muling tumulo ang luha ko pero pinilit ko pa ring maging kalmado. “I’m not and I won’t. So you don’t need to worry about me anymore. Hindi na ako bata,” I responded and continued walking. “Good night, Chloe,” pahabol niya. Pagkarating ko sa kwarto ay nagtuluy-tuloy na ang pag-iyak ko. How long has it been since she last hugged me? How long has it been since she cried because of me? I hate to accept it but in the end, I realized I was still longing for those simple gestures. I was still yearning for a mother’s warmth.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |