.

.

Chapter 27

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 18, 2017

***

"Kailan kaya 'to titigil?" tanong niya habang nakatingala.

Nandito kami ngayon sa isang gazeebo dahil habang naglalakad kami ay bigla na lang umulan. Wala kaming nagawa kundi magpatila pero wala yatang balak tumigil ang ulan. Halos thirty minutes na kaming nandito pero parang lalo lang lumalakas.

Sa kasamaang-palad, pareho rin kaming walang dalang phone kaya hindi kami makapagpasundo kay Kuya Larry pero okay na rin 'to dahil ayaw ko rin naman munang umuwi. I don't want to face her.

"May tanong ako," biglang sabi niya habang nakatingin pa rin sa langit. "Huwag ka sanang magalit."

"What?" Mukhang alam ko naman na kung tungkol saan.

"Do you really hate her?" he asked, his eyes staring at mine.

Hindi ako nakasagot agad at tanging ang pagbagsak ng ulan ang maririnig sa pagitan naming dalawa. I didn't expect his question to be that serious.

"I honestly don't know," sagot ko naman.

"That means you don't," dagdag niya at saglit siyang ngumiti.

"What?"

Hindi naman niya ako sinagot at umupo siya sa steps. Nanatili akong nakatayo sa bandang likuran niya at tinignan ko rin ang langit. Kailan ba 'to titigil?

"Have you ever felt this way?" mahina kong tanong.

I didn't have any "friends" when I was young and I would always keep my worries to myself so it was kind of hard to open up to someone. However, this guy has always been by my side when I needed comfort and he said I could rely on him. Seriously, how could he say those words without getting embarrassed?

"Oo," sagot naman niya. "Pero kapag naiisip ko ang sakripisyo ng nanay ko, nahihiya rin ako sa sarili ko. Anong karapatan kong magalit sa kanya dahil lang sa mababaw na rason kung siya nga ay walang reklamo sa lahat ng ginagawa niya para sa amin?"

Para namang kung may anong lumubog sa loob ko nang marinig ko ‘yon. Maybe if I was as nice as him, I’d forgive her, too. 

Para namang kung may anong lumubog sa loob ko nang marinig ko ‘yon. Maybe if I was as nice as him, I’d forgive them, too. Yes, they did everything to support me financially but aside from that, there was nothing else. I felt like I was just an unwanted responsibility for them and I had accepted that after years of hoping for my futile dream—that they would spend some of their time with me.

“Pero naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling,” sabi niya. Muli siyang tumayo at humarap sa akin. “’Yong nanay ko, kahit malayo siya sa amin, umuuwi naman once a month. Samantalang ikaw, ilang taon kang naghintay sa kanila. Did you get tired of waiting?”

His words stirred up my emotions and I immediately turned around to prevent him from seeing my weak side . . . again.

“Bwisit ka talaga,” I murmured and I heard him snicker.

“Sorry. Tama na nga ‘tong usapan na ‘to. Ayaw mo nga palang may nakakakita sa’yo na umiiyak,” he teased.

“You started it!”

Huminga naman ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko at buti na lang ay hindi nagtuluy-tuloy ang luha ko. Habang pinupunasan ko ang pisngi ko ay napatigil ako at napatingin sa kamay ko.

Oh, God. Where did it go?

Nilibot ko ang paningin ko sa sahig ng gazeebo pero wala ro’n ang hinahanap ko.

“Bracelet mo?” pansin ni Jazer at napahawak ako sa wrist ko. Hindi ko namalayang nawala na ‘yon sa braso ko at baka nalaglag habang nagtatakbuhan kami kanina.

“Nalaglag ko yata somewhere.”

“Baka sa kalsada.”

Napabuntong-hininga naman ako at pumikit saglit. It was a gift from them when I passed the college admission test of my current university. Hindi ko ‘yon sinuot ng ilang taon dahil sa galit ko sa kanila pero noong nagsimula ang sem ay naisipan kong bigyan ‘yon ng attention. It has a simple design but I really liked it.

“Hanapin natin mamaya kapag humina na ang ulan,” he suggested.

“Huwag na. Hindi naman importante ‘yon,” sagot ko habang nakahawak pa rin sa wrist ko.

“Your face says otherwise.”

Tinignan ko siya nang masama pero nginitian niya lang ako. Bigla naman siyang naglakad paalis kaya tinawag ko siya pero dumaan siya sa gilid ng gazeebo at tumigil sa may parang flower area. He picked several small, red flowers and went back.

“Anong gagawin mo diyan?” tanong ko dahil ang random ng ginawa niya.

“Bracelet,” he answered. He started pulling something out of those tiny flowers and tasted them so I furrowed my brows at him.

“What the heck are you doing?”

“Tikman mo. Matamis,” sabay pakita niya sa akin ng kinuha niya mula sa bulaklak.

“Yuck. No way. Mamaya malason pa ako.”

“Hindi ‘yan.”

“Ayoko—ano ba!”

I was caught off-guard when he let that thing touch my lips. I glared at him but true enough, there was a sweet taste comparable to honey. Pero kadiri pa rin. Malay ko ba kung anong insekto o dumi ang dumapo ro’n. Bwisit.

“Here,” he said and I was surprised when he showed me what he did.

He really made a bracelet out of those flowers by connecting their ends to where he plucked out those tiny stalk-like things. Hindi ko naman alam na hinihintay niya ang kamay ko kaya siya na mismo ang nagtaas no’n at sinuot niya sa akin ang ginawa niya.

“There,” he said while smiling widely. “Temporary bracelet gawa sa santan.”

I just stared at him, unsure of what to react. Tinitigan ko ang ginawa niya at feeling ko ay matatanggal ‘yon anytime. Ngayon ko lang din nalaman ang pangalan ng bulaklak na ginamit niya. Ito pala ang santan. I thought it was some kind of white and big flower.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” tanong ko dahil kanina pa siya ganyan habang nakatingin sa paligid.

“Wala naman. It’s just that this ambiance reminds me of home,” mahina niyang sabi. “’Yong sariwang hangin, mga puno’t halaman sa paligid, pati itong amoy ng ulan. Kahit papaano, pakiramdam ko nasa probinsya ako.”

Oo nga pala. Mag-iisang sem na siya sa amin at ilang buwan na rin siyang hindi nakakauwi. It must be hard for him to be away from his family. Malapit kasi siya sa kanila.

“Do you hate the city?” tanong ko at pareho na kaming nakaupo sa steps.

“Hmm, not really,” he said, extending his arm and letting the raindrops fall on his hand. “Pero ayaw ko sa usok ng mga sasakyan at sa ingay rito. Ibang-iba kasi ang ingay sa siyudad kung ikukumpara mo sa probinsya. Iba rin ang asal ng mga tao kaya noong unang punta ko rito ay hindi agad ako nakapag-adjust.”

Naalala ko naman ang una naming pagkikita. Our personalities immediately clashed with each other and I couldn’t stand his presence. He judged me after I told him to mind his own business and I viewed him as goddamn meddler.

“You—” I was interrupted by a croaking sound and I immediately stood up. Umatras ako at tinawanan naman ako ng bwisit na lalaking ‘to dahil sa ginawa ko.

“Mukhang mas madaming palaka rito,” sabi niya at sunud-sunod na ang croaks na narinig ko. Kinilabutan ako dahil feeling ko ay tatalon silang lahat papasok dito.

“Uwi na tayo,” sabi ko naman habang nakatingin sa paligid. Don’t you dare come here, freaking frogs.

“Ang lakas pa ng ulan. Susugod tayo? Sure ka?”

“Yes, rather than staying here, surrounded by frogs and toads!”

Natawa naman siya at sinamaan ko siya ng tingin. Muli siyang bumaba at pumunta ro’n sa mga halaman. Sisigawan ko sana siya dahil kung anu-ano na naman ang pinaggagawa niya nang bigla siyang may pinutol na parang malaking dahon.

“O,” sabay abot niya no’n sa akin. “Gawin mong payong.”

“Ha? A—”

“Ready? Tara,” he said and I flinched when he suddenly held my wrist.

Nagsimula kaming tumakbo at gaya ng sinabi niya ay parang naging payong ang malaking dahon na kinuha niya. It didn’t get wet even though the rain was pouring, unlike him. Basa na rin ako pero siya, naligo na talaga siya sa ulan.

“Damn it, you’re making it hard for me,” I muttered and he turned around to look at me.

“Hm? Anong—” Napatigil siya sa pagsasalita nang binaba ko ang dahon at agad akong nabasa ng ulan.

“Run! ‘Pag ako nagkasakit!” sigaw ko at ngumiti naman siya. Tumakbo naman ulit kami at parang lalong lumakas ang ulan.

“Huwag kang mag-alala. ‘Pag nagkasakit ka, aalagaan ulit kita,” sabay tawa niya at buti na lang ay nakatalikod siya sa akin dahil parang hindi na maipinta ang itsura ko sa sinabi niya.

My lips slightly curved into a timid, tender smile and that moment, I knew I was already doomed. I looked up, hoping that the cold rain would erase the unfamiliar warmth growing inside me.

Just like how the rain fell on the pavement, I fell too, and even if I wished for it to stop, it didn’t know how.


***

Pagdating namin sa bahay ay agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at dinalhan naman kami ni Nanay Meling ng tuwalya bago kami pumasok sa loob.

“Diyos ko, kayong mga bata kayo! Aba’y ba’t kayo nagpaulan?” saway niya sa amin at tahimik lang kaming dalawang nakikinig sa kanya.

Pinunasan ko ang buhok, mga braso at binti ko bago ako pumasok pero napatigil ako sa pintuan nang makita kong palabas si Dr. Reyes. Nagkatinginan kami at nginitian niya ako.

“O, Chloe, baka magkasakit ka na naman niyan ha?” biro niya pero hindi ko magawang sumakay dahil galing siya sa sala kung nasaan si Mommy.

It was probably her appointment but why? Huwag mong sabihing . . . may sakit siya?



***