“Aba himala, may kasabay si Chloe.” “Kaya nga eh. ‘Yan ata ‘yong nilipat sa class natin.” “For sure kinabukasan ‘di na ‘yan lalapit sa kanya. Wala namang nakakatagal sa Chloe na ‘yan.” Dineadma ko na lang ang naririnig kong usapan habang naglalakad papunta sa room. Pagdating namin, sarado pa ang room. Kaya pala nasa hallway ang mga chismosang ‘to. Sumandal na lang muna ako sa pader para maghintay. Ang aga naman kasi naming umalis ng bahay. Pagtingin ko, 7:30 pa lang at 8:00 pa ang class namin. Nakita ko naman na umupo sa tabi ko si Jazer habang kinokopya ang notes ko kahapon dahil absent siya sa Math 121. “Hindi ka ba nangangawit?” biglang tanong niya habang nakatingala. “Hindi.” Lumipas ang ilang minuto at sumasakit na ang legs ko kaya naman unti-unti akong umupo sa sahig at ang bwisit na lalaking ‘to, nakikita kong nagpipigil ng tawa. Kunin ko ‘yang filler ko sa’yo eh! “Subukan mong tumawa,” sabay tingin ko nang masama sa kanya. “Sorry.” Tumingin siya bigla sa kabilang direksyon at bumuntong-hininga pagkatapos ay tinuloy niya na ang pagkopya sa notes ko. “Bakit pala parang hindi ka gusto ng mga kaklase mo?” mahina niyang tanong habang nagsusulat. Kinuha ko naman ang earphones sa bag ko at sinaksak ko sa tenga ko. “Hindi ko rin naman sila gusto kaya quits lang. Dalian mo nga dyan. Baka mamaya magpa-quiz na naman siya tapos wala na naman akong masagot.” “Okay.” After five minutes ay natapos na siya sa pagsusulat at binigay niya sa akin ang filler ko. Nakita ko pang nakatingin sa amin ‘yong iba ring naghihintay buksan ang room kaya sinamaan ko sila ng tingin. Bago pa may isipin na kung ano ang mga chismosang ‘to ay tumayo na ako at lumipat ng pwesto. Habang nagrereview ako ng lesson kahapon about integrals, naalala ko bigla ‘yong drawing na nakadikit sa ref kagabi. Hindi ko akalaing makakapagdrawing si Czanelle ng ganun dahil three years old pa lang siya. Actually, she’s really smart for a three-year old kid. May dumaan namang staff ng building at binuksan na niya ang rooms kaya nagsipasukan na lahat ng nakatambay sa hallway. Isa ako sa mga huling pumasok at pumwesto ako sa pinakagilid malapit sa bintana at pinto. Pagkaupo ko, nagulat ako nang pumasok si Jazer sa room at tumabi sa akin. Akala ko kanina pa nasa loob ang isang ‘to! Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko, ni hindi man lang natakot. “Lumipat ka,” mahina kong sabi dahil nararamdaman ko na palihim kaming tinitignan ng mga epal na tsismosa. “Bakit?” inosenteng tanong niya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi siya marunong magbasa ng sitwasyon. Pakiramdam ko mauubos ang energy ko kapag inexplain ko pa sa kanya. “Basta.” “Gusto ko dito,” sabay ayos niya ng gamit niya. Napapikit na lang ako at pinipilit kong kontrolin ang inis ko pero no’ng nakita kong nakakunot ang mga kilay ng mga babae ro’n sa kabilang aisle ay tinignan ko sila nang masama. “Lumipat ka na kasi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang pumasok ang prof namin. Bigla namang lumingon sa akin si Jazer kaya napalayo ako nang konti. “Hindi ako lilipat kasi ikaw lang naman kilala ko rito,” bulong niya. “Hindi ko alam kung paano makisama sa kanila.” Hindi naman ako kaagad nakapag-react pero dahil sa sinabi niya, hindi na ulit ako nagsalita. Tinignan ko ulit ang mga babae sa kabila at nakatingin sila kay Jazer. No’ng lumipat ang tingin nila sa akin, I smirked. Napansin ni Ma’am na medyo nag-iingay sa kanila kaya pinagsabihan sila at lalo akong ngumiti sa kanila. Hah! Nakakatawa mga mukha nila. Kulang na lang lumabas ang usok sa tenga nila. As expected, nagpaquiz si Ma’am. Buti na lang at medyo nireview ko ang topic kahapon. After ng quiz ay nag-exchange of papers at aba, nakangiti pa ang lalaking ‘to. “Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” masungit kong tanong. “Buti pala kinopya ko ‘yong notes mo.” “Duh? Magaling ako magnotes.” “Kaya nga. Salamat,” sabay ngiti niya ulit. Kairita. No’ng sinabi ni Ma’am ang correct answers, halos malukot ko ang papel niya dahil perfect ang score niya. Samantalang ako, may 7 out of 10 lang ang nakuha. Nakakabwisit lang dahil ‘yong notes ko pa ang inaral niya. Matalino ba ‘tong taong ‘to o sinwerte lang? O baka magaling talaga akong magnotes? After ng class namin ay vacant period ko, at sa kamalas-malasang pagkakataon ay vacant period niya rin daw kaya sumama siya sa akin sa bench na lagi kong tinatambayan. Pero saktong paupo na kami ay nakita kong papunta sa direksyon namin si Queenie. “Oh God, not her again.” Napailing na lang ako dahil lalo lang nasisira ang araw ko. Habang naglalakad siya ay nakatingin ang ilang estudyante sa kanya at dahil sa kumalat na issue ay nakatingin din ang iba sa akin. No’ng nasa harapan ko na siya ay ngumiti siya sa akin at gusto ko siyang sabihan na itigil na niya ‘yang kaplastikan na pinaggagawa niya. “Pwede ka bang makausap?” mahinhin niyang tanong. “Ano pa bang ginagawa mo ngayon?” “I mean, privately.” Dahil gusto ko nang matapos ang issue na ‘to at masyado na nila akong pineperwisyo ay tumayo ako at nakita ko namang sumunod siya sa akin. Dumiretso kami sa library kung saan din kami nag-usap ni Iñigo last time. Padabog akong umupo sa silya at tinignan ko siya nang masama. “Go. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin para matapos na ‘to.” Umupo naman siya sa tapat ko at nilapag ang bag sa lamesang namamagitan sa aming dalawa. Huminga siya nang malalim bago tumingin sa akin. “I . . . I just want to really . . . really know the real deal between you and Iñigo.” Kahit alam ko na ang itatanong niya ay hindi ko pa rin naiwasang hindi mainis. “Kahit kasi ilang beses na niyang sinabi sa akin na wala naman talagang meron sa inyo, nando’n pa rin ‘yong doubt ko dahil wala siyang sinabi about sa inyo during our relationship. Kaya I want to know the story from you. Para rin matigil na ‘tong pinag-iisip ko.” Again, I tried to control my temper pero feeling ko anytime ay sasabog na ako. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko sinagot ang sinabi niya. “Fine. Yes, sinabi niya sa akin before na nagkagusto siya sa akin but that was in the past. Ni hindi na nga kami nagkakausap ngayon. And in the first place, bakit niya naman ako ikukwento sa’yo? Kailangan ba malaman mo lahat about sa kanya? Girlfriend ka, hindi stalker o lawyer para halungkatin lahat ng nangyari sa kanya. It’s up to him kung mag-oopen up siya sa’yo or not. O, baka sisihin mo rin ako kung bakit kayo nagbreak or cool-off or whatever. Uunahan na kita. For your information, the most annoying girlfriends are those who are too paranoid and insecure about their relationships. If you can’t trust him or his love for you, mas mabuti pang makipagbreak ka na lang. Ikaw ang sumisira sa relasyon niyo dahil sa kakatanong mo about sa akin kahit na wala naman kaming paki ni Iñigo about do’n dahil past na nga. Ikaw lang ang nagbring-up no’n kaya nagkagulo na. Kaya pwede ba tigilan mo na ‘yang pagiging oversuspicious at doubtful mo dahil pati ako naaapektuhan dahil dyan sa mga bwisit na fans n’yo? Kayong dalawa ni Iñigo ang mag-usap, hindi ‘yong dinadamay niyo pa ako sa mga lintik na problema niyo.” Pagkatapos kong sabihin ang mahaba kong litanya ay hindi ko na siya hinintay sumagot sa akin at tumayo na ako agad. Lumabas ako sa library at nakita kong may ilang mga babae na nagkumpol sa labas at ‘yong iba ay parang mga tangang nag-iisip ng gagawin dahil halata namang gusto nilang malaman ang pinag-usapan namin ni Queenie. Inirapan ko lang silang lahat at naglakad palayo doon. Mga chismosang palakang ‘yon. Pumunta ulit ako sa bench at pagtingin ko ro’n ay wala na si Jazer. Baka may klase na. Wala naman akong pake sa kanya kaya bahala na siya sa buhay niya. Umupo ako ro’n at napabuntong-hininga na lang. Sinandal ko ang leeg ko at pumikit. Sobrang nakakastress na silang dalawa. Ang sarap nilang pag-umpugin para matauhan sila sa mga pinaggagawa nila. Stressed na nga ako sa bahay, pati sa school, hinahabol pa rin ako ng problema. I just want a breathing space. “Huy.” Muntik na akong mapasigaw no’ng may naramdaman akong malamig at basa sa pisngi ko. Napadilat agad ako at nakita kong nakaupo na sa tabi ko si Jazer habang may hawak-hawak na dalawang canned drinks. Inabot niya sa akin ang isa habang iniinom na niya ang sa kanya. Tinanggap ko naman dahil naramdaman ko ang uhaw after ng pagsasalita ko kanina. “Sorry kung tinanong kita tungkol sa asal mo kahapon doon sa babaeng kausap mo,” sabi niya habang nakatingin lang sa harapan at iniikut-ikot ang inumin sa magkabilang kamay niya. “Narinig ko kasi ‘yong usapan ng mga babae kanina.” “Hah. Maraming chismosa dito, eh. Kala mo naman mga magaganda,” sabay inom ko sa binigay niya and I heard him snicker. “Sikat ba silang couple dito?” “Oo. Lumelevel sa mga teen artist na couples. May fans pa at tinawag pa nila ang mga sarili nila na Queeñigos. Ugh. Kairita.” “Kaya pala ang sama ng tingin sa’yo ng mga kaklase natin kanina tsaka ng iba habang naglalakad kayong dalawa papunta sa library.” “Tss. Dami kasi nilang issues sa buhay. Pati ako dinadamay. Nakakabwisit. Nananahimik ako tapos biglang sasabihin na ako ang dahilan ng break-up nila? Whoa! Umiinit na naman ang ulo ko.” “Kalma,” tapos bigla niyang hinawakan ‘yong iniinom ko at pinilit niya akong uminom kaya ininom ko naman. Tinignan ko naman siya nang masama. “Teka nga bakit ko ba kinukwento sa’yo? Napakachismoso mo rin eh, no?” Ngumiti lang siya kaya kitang-kita ang dimple niya sa kaliwang pisngi tapos tumayo siya bigla. “Magsstart na klase ko. Ikaw ba? ‘Di ba may klase ka rin?” Bigla naman akong napatingin sa relo ko at medyo nagpanic ako no’ng five minutes na lang bago ang next class ko kaya napatayo na rin ako. “Oh shit!” Tumakbo agad ako at ang sarap bumalik para hampasin ang bwisit na ‘yon dahil narinig ko siyang tumawa pero hindi ko na nilingon at nagfocus na lang sa mabilis na paglalakad. Nasa fourth floor pa naman ang room namin at kapag late ay hindi na nagpapapasok ang prof ko. Kasalanan niya ‘to eh! Kung hindi niya ako dinaldal nang dinaldal eh ‘di sana hindi ako nagmamadali ngayon! Gosh, two minutes na lang! Chloe, takbo! *** Natapos ang classes ko ngayong araw at nafeel ko ang pagod dahil sa mga kaganapang nangyari ngayong araw. Idagdag pa ‘yong mala-marathon kong takbo na nakakawala ng poise at muntik pa akong madapa dahil high-heeled ang black shoes ko. Nagpunta agad ako sa parking lot at nakita ko ang sasakyan namin kaya pumasok agad ako. Nginitian ako ni Kuya Larry at umupo agad ako sa backseat. “Mukhang pagod ka, ah.” “Opo. Daming epal sa school.” Tumawa naman siya no’ng sinabi ko ‘yon at pumikit na lang ako pagkatapos. *** “Gigisingin na po ba natin?” “Baka kasi magalit. Ayaw pa naman niya na iniistorbo ang tulog niya.” Napadilat ako no’ng nakarinig ako ng ingay. Pagdilat ko, narealize ko na nakatulog pala ako at . . . at . . . bakit ako nakasandal sa balikat ng Jazer na ‘to?! Napaupo agad ako nang maayos at medyo nahilo ako dahil biglaan kong ginawa. Pagtingin ko sa labas, nasa garage na pala kami kaya bumaba kaming tatlo. Akala ko maaabutan ko na naman ‘yong bubwit sa tapat ng pintuan pero wala siya ro’n ngayon. Buti naman. Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko siyang nanonood ng TV sa sala at katabi niya si Clark. Pinapanood nila ngayon ay Snow White at nandoon na sa part na nagma-mine ang seven dwarves at pauwi na sila sa bahay nila. “They look like you! You’re small like them,” then they both giggled. Nagnanod ang ulo ni Clark habang kinakanta ‘yong song at si Czanelle naman ay ginagaya ang lakad nila tapos tumawa ulit silang dalawa. “Ayaw mo ba talagang makipagclose sa mga kapatid mo?” Hindi ko naman napansin na nasa gilid ko na pala si Jazer at nakatingin din siya ro’n sa dalawa. “Masaya naman na sila kahit wala ako. They don’t need me and I don’t need them. Gano’n lang ‘yon.” Mabilis akong umakyat sa kwarto ko habang naririnig ko ang pagtawag ni Czanelle kay Jazer at ang pagtanong niya kung nasaan ako dahil hindi niya ako nakita. Pagpasok ko sa kwarto ay humilata agad ako sa kama at tumingin lang sa kisame. Maybe if I had them when I was still young, I won’t feel this way. Kahit na wala ang parents namin, they still have each other. Pero ako, lumaking mag-isa. Lumaking wala kahit ni isang pamilya. Pinunasan ko kaagad ang tumutulong luha sa mga mata ko dahil ang dami ko na namang naiisip na what ifs. Naiisip ko na naman ang family ko. It annoys me because I don’t want to feel this way. And it irks me because I feel envious of their relationship as siblings. I feel envious of their happiness which I never had.
Comments
|
Prologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |