***

Andito ako ngayon sa tapat ng school nila Venice. Tss. Ang tagal niyang lumabas ha? Ang init kaya! My skin! Then after 24873547692148 minutes,

“Venice Damian! Alam mo ba kung ilang minutes na akong naghihintay sa’yo? Ang init kaya!”

“Sorry na. Sorry na sis. Eh may nangulit sa akin kanina eh. By the way, anong plano mo?” I smiled.

“Whoa. Whoa. Ayan na naman yang evil smile mo! Don’t tell me may papahirapan ka na naman?”

“Tumpak kapatid! Ang galing mo talaga!” saka ko pinat yung balikat niya.

“Pwede bang umatras?”

“Aba aba aba! Di pwede no! You should help me, ‘kay?!”

“Yeah right!” at nag-pout pa ang loka. Eh andami kayang boys na nakatingin sa kanya! Nagpa-cute pa!

“Let’s go! We should start our mission!” Hinatak ko siya papasok dun sa taxing pinara ko kanina pa. Bawal pa akong mag-drive eh. Tsaka ayoko dun sa driver namin dahil baka mag-report na naman siya kay daddy.

“Okay. His name’s Ian Darryl Garcia. Go na. Let’s start this!” Nagsimula nang mag-search si Venice sa kung anu-anong website. Yeah, may dala siyang laptop lagi.

“Okay. Got it!”

“Oh anong sabi?”

“He’s the son of Mr. Dan Garcia, CEO ng Garcia Group of Companies. And Mrs. Inna Garcia, owner of a renowned clothing line here in the Philippines. Whoa! Dami pala nilang hotels and restaurants! Yaman sis! ” Tss. Rich kid rin pala ang isang ‘to?

“Ano pa?”

“Meron siyang younger brother. 10 years old, pero nasa States. Sa America rin pala siya lumaki and pumunta lang sila sa Philippines when he was 11.”

“Oh ano pa?”

“Oh eto, personal life na niya. Uhmmm, 17 years old. Mahilig sa music. He’s good in playing guitar. At.. honor student. Yun lang.”

“Ehhh? Yun lang?”

“Yup. Restricted na yung ibang info. eh!”

“Bakit?!”

“Hello ate? Eh heredero ata yun eh! Tingin mo ba madami tayong malalaman tungkol sa kanya? Parang tayo lang yan! Restricted ang personal life! ‘kay? Gets?” Binigyan ko naman siya ng eh-ano-naman-ngayon-look. Err. Ang konti! Anong magagawa ko dito sa information na ‘to?!

Pero biglang, 

“Sh*t!” Sabay pa kaming napamura ni Venice. Eh kasi naman ‘tong driver na ‘to eh! Napakabalasubas! Bigla ba namang bilisan yung takbo?! Eh kung maaksidente kami? Kulang pa buhay niya pag nasugatan isa sa amin! Waaah kinabahan ako dun ha!

“Ano ba yan manong driver? Dahan-dahan naman!” Kainis. Napaka-reckless! Tinignan ko siya dun sa salamin. Pero bigla akong kinilabutan. Uh-oh. Oh no.

This is not happening. This is not happening.

What should I do? What should I do?! Eh kasi naman! Yung tingin nung driver sa aamin, nakakatakot! Nakangiti siya tapos parang nababaliw!

“Mga miss, kanina pa ho ako nakikinig sa usapan niyo. At mukhang big time kayo. Mas malaki kikitain ko kaysa sa bayad niyo.” WHOA. Ano ba ‘to? Kidnapping?! Hold-upping?! Oh my gosh! Biglang lumakas yung tibok ng puso ko.

“Hoy manong ibaba mo na kami pwede ba?!” biglang sigaw ni Venice doon sa manong.

Walang hiyang matandang lalaki ‘to! Manggagancho! Peperahan pa kami! Bakit ba kasi kami nag-taxi?! Hala! Tapos, lalo niyang binilisan yung pagdadrive. Kinakabahan na talaga ako. First time ‘tong nangyari! Paano kung may mangyaring masama samin? Pero masama na talaga yung nangyayari sa amin, as of now  eh. Waaaah!

Nilabas ko yung phone ko. Ganun din yung ginawa ni Venice. Magdi-dial na sana ako kaso..

“Sige tumawag kayo! Ibabangga ko ‘tong sasakyan!” Huh! Nagpapatawa ba siya? As if naman gagawin niya talaga yun! Eh di napahamak rin siya! Nagdial pa rin ako pero..

“AAAHHHHHH!!! What the eff! Papatayin mo ba kami?!” My gosh! Muntik na kaming bumangga sa puno! Tototohanin niya talaga! Walanghiyang driver ‘to! Ayoko pang mamatay!

“Ilagay niyo yang mga cellphone niyo sa tabi ko! NGAYON NA!!!”

Napatigil kaming dalawa ni Venice. Shems naman oh! Nangyayari pala ‘to sa totoong buhay?! Akala ko sa mga action movies lang eh!

Wala naman kaming nagawa. Nilagay namin yung phone namin sa tabi niya. Mahirap na, baka lalo lang lumala. Kinakabahan na talaga ako. Oh my. Oh my. Naiiyak na rin ako dahil sa pagpapanic.

“Hey ate, anung gagawin natin? Lagot tayo kay Daddy.” Bulong niya sakin habang nanginginig yung boses niya. Pero ano daw? Inuna pa si daddy kaysa sa buhay namin?! Aba ha!

“Hoy manong driver!! Ano bang gusto mo ha?!”

“Hehe. Limang milyon.”

Aba eh walang hiya naman pala ‘to eh! Kalbuhin ko tong pesteng baboy na ‘to eh! Kung makahingi ng ransom wagas!Anong gagawin ko?

Tumahimik muna ako saglit at nag-isip. Phew. I think we only have one way to escape this.

*hingang malalim*

Basta makalabas si Venice, ayos na sa akin. Minsan na lang ako magpapakabait. Sagarin na! Kinalabit ko si Venice ng hindi nahahalata ni manong. Tapos tinuro ko yung pinto ng taxi. Nasa right side kasi siya. Umiling siya nung una. Parang ayaw niya gawin. Pero nung binigyan ko siya ng isang matalim na tingin, umoo rin. Siguro naman na-gets niya yun. Ayoko rin naman ‘tong way na ‘to pero no choice na.

Okay. Game.

Hinintay ko munang mag-drive siya sa pinaka-side na lane. Para safe.

“AAAAHHHHHHHHHH!! Mababangga tayo!” tapos tinuro ko yung nasa harapan. Nawala yung focus sa amin ni manong driver dahil nagpanic rin siya sa sinigaw ko at napatingin siya sa harapan.

“Dali Venice!” Binuksan ni Venice yung pinto tsaka sya tumalon. Kinabahan ako nung mga panahong yun. Buti sa damuhan siya lumanding. Isa pa, maraming taong nakakita. Sige tignan niyo lang! Tulungan niyo na kaya?!

Okay, my turn!

“P*tcha! SIGE SUBUKAN MONG TUMALON AT SISIGURADUHIN KONG MAMATAY KA!” Binilisan niya yung takbo ng taxi. As in super bilis! Waaah nakakatakot na! Huhuhu. Pero no choice! Kahit na natatakot ako. Kahit na kinakabahan ako. Kahit naiiyak na ako sa pwedeng mangyari sa akin.

I must do this!
Lord, bahala ka na sa akin.
Pumwesto  na ako sa pinto.

“GUSTO MO BA TALAGANG MAMATAY?!” Hindi ko siya pinakinggan. Bahala na.

Then, I jumped.


***