***

“Steff, kumain ka na.”
“Here, have some soup.”
“Ano? Gusto mo ba subuan pa kita?”

Aww. They are so lovely. Ang cute cute nilang tatlo! Ganito pala sila mag-worry. Oo nga pala, nasa hospital ako ngayon nila Yna. 2 weeks na ring nakakalipas after nung taxi incident.

“Later na lang ako kakain. Di pa ako gutom eh.”

“ANO KA BA?!?” nagulat naman ako nung sabay-sabay silang sumigaw. Ang sakit sa tenga ha!

“Mga 1 na ako kakain. I wanna rest first. Please?” Sana effective ang pout ko sa kanila. *crossfingers*

“Hay naku! Pasalamat ka di kita mabatukan ngayon dahil dyan sa itsura mo!” Weee. Ang sweet ni Alice. Pero di halata!

“Sige, doon muna kami sa room ni Yna! Magpahinga ka ha?”

“Of course Jess! Bye!”

Ang sosyal no? May sariling room si Yna dito. Well. Malamang, hospital nila ‘to. Dad niya yung head doctor dito and private hospital rin kasi ‘to.

Bigla ko namang naalala yung nangyari dun sa taxi.

I jumped.

Dahil nga mabilis yung taxi, nagpagulung-gulong ako dun sa damuhan. Di ko nakita na may puno pala sa harap ko kaya nabunggo ako dun. Sa ulo pa nga ata eh. Tapos di ko na alam yung nangyari. Nagising nalang ako eh nasa ospital na ako. Kaming dalawa ni Venice.

“Aw..ouch.” ang sakit ng katawan ko! Tapos nung hinawakan ko yung ulo ko, nahilo ako ng kaunti. Ang sakit! Tinignan ko naman si Venice. Bukod sa mga gasgas sa paa at kamay, mukhang okay naman siya.

“Oi sis. Ayos ka na ba?” Nag-V sign naman ako sa kanya. Magkatabi lang kasi kami ng kama. Pero nakaupo na siya. Ako naman, di ko pa magalaw katawan ko dahil sobrang sakit.

“You fool!! Bakit mo ginawa yun?! Buti maraming tao dun at nakita ka! Buti may isang pamilyang nagsakay sa atin papunta dito. Buti nasugod ka agad sa ospital! Ang reckless mo din kasi ate eh!” Okay. Bigla siyang umiyak. Alam ko naming nag-alala lang siya eh. Kasalanan ko ‘to lahat eh.

“Sorry, Ven.” Ang hina ng boses ko. Feeling ko ako lang nakarinig nun ah! Niyakap naman niya ako. Tapos iyak pa rin ng iyak. Hay. Ang bigat naman nito sa pakiramdam.Nakakaguilty.

Tapos, nung day na ring yun, napasugod si Daddy sa hospital dahil nakilala kami nung isang nurse at tumawag kay Daddy. Tapos kinwento ni Venice yung nangyari.

As expected, pinagalitan kami ng bongga. Kesyo bakit daw kasi kami nag-taxi. Kesyo ano daw ba kasing tumakbo sa isip namin at tumalon kami. Pero after nung lecture session eh dramahan session naman. Syempre nag-alala rin sa amin yan no! Umiyak siya at hi-nug kami ng bongga. Ang sakit nga eh, natatamaan yung mga sugat ko. Pero di na ako nag-react. Minsan lang maging ganito si Daddy. Lalasapin ko na.

After 2 days eh tinransfer kami sa hospital nila Yna. At ayun. Inulan ako ng tanong at iyak nung tatlo.

At ayan ang istorya kung bakit ako andito ngayon. Naka-cast pa nga yung paa ko eh. Tapos may benda ako sa ulo. Hay. Gusto ko nang makalabas dito. Gusto ko na ulit pumasok.

*knock knock*

Hmm? Sino kaya yun?

“Pasok.”

“ATE!!” Si Ven pala. Buti pa siya nakakalakad na ng maayos. Inggit ako!

“Ang saya mo ata? Naiinggit tuloy ako. ” 

“Labas tayo. Ayun oh, nagdala ako ng wheelchair!” Tinuro niya naman yung wheelchair sa likod niya. Ayos to! Boring na rin dito sa room eh! Para naman makalanghap na rin ako ng fresh air!

Inalalayan niya ako para makasakay dun saa wheelchair. OMG. Para akong disabled na matanda. Sana gumaling na ako! Naglibot-libot kami dun sa hospital nila Yna. Tapos, dun kami sa garden sa likod tumambay. Masarap hangin dito eh. Presko.

“Sis, kilala ko na kung sino yung tumulong sa atin nung nadisgrasya tayo.” Oo nga pala no? Kailangan pa naming mag-thank you sa pamilyang yun.

“Sino sila?” Ngumiti naman siya ng malawak. Anong meron sa kanya? Ayaw niya pa ring sumagot. Nakangiti lang talaga.

“Huy. Who are they? Who helped us?”

“Tsk. Baka malaglag panga mo sis. Hawakan mo na ngayon pa lang. Sila lang naman ang pinag-uusapan natin sa taxi. Ang galing nga eh. Destiny. Walang iba kundi ang… TENTENENEN!!! Garcia family!”

WHAT?!


***