***

“Okay ka na ba talaga? Mamaya di pa pala tapos pumasok ka na.”
“Jess, okay na talaga ako.”
“Okay ka dyan, eh iika-ika ka pa nga eh!”
“Alice is right. You still need some medication.”

Oo nga pala, nasa campus na ako. Pumasok na ako. Nakakabagot kasi sa bahay eh. Two and a half weeks na rin akong di nakakapasok. Kailangan kong humabol sa mga lectures. Kung hindi, bye high grades ang mangyayari!

“Okay lang ‘to no! Medyo masakit lang ng konti pero I’m really alright.” Ang kulit kasi nila eh. Ayaw pa rin akong papasukin! Eh gusto ko na ngang pumasok eh! At saka, ano naman kung iika-ika ako? Normal lang naman yun pag napilay yung paa mo di ba?

“Oh sige, class time na. Salamat sa paghatid sa room ko. Kitakits na lang tayo sa garden ha? Bye girls!” Nag-wave na ako sa kanila and tumakbo na sila dahil malalate na sila sa class nila. Na-touch nga ako eh. Hinatid kasi nila ako sa room ko. Pumunta naman agad ako sa upuan ko at napatingin sa tabi ko. Err. Classmate ko nga pala si Darryl dito. Seatmate ko pa! Kainis! Ayan na naman yung mala-demonyo nyang pagmumukha.

“Whoa, you finally came.” Tss. As if namang natutuwa siya sa pagdating ko. Eh pakitang tao lang yan eh! Dahan-dahan naman akong umupo. Syempre masakit pa rin naman ang mga muscles at butu-buto ko no! Di pwedeng pa-bigla-bigla!

Then bigla kong naalala. May kailangan pa akong gawin. Tsk. Humarap ako sa kanya. Hingang malalim Steff. Wait. Wag na lang kaya? Aish. Sige na nga!

“Thanks.”

“For what?” Nakakainis! Painosente pa! Pilit na nga yung thank you ko eh! Tatanungin pa kung para saan! 

“Ayaw mo di wag.” Nagthathank you na nga ako eh! Napatingin naman ako sa kanya kasi parang bigla siyang nag-isip.

“Ahhh yun ba. Syempre, BEBE GIRL kita eh! I must save you, right? Hahayaan ba kitang mapaahamak?”

Nagulat ako nung biglang naghiyawan yung mga classmates namin. Kailangan talaga nilalakasan niya yung pagsabi nun? Napakaplastic talaga nito! Nakakainis! Lalo ko pang ikinagulat nung bigla siyang lumapit sa akin ng as in MALAPIT.

“But you owe me your life right?” Talaga lang ha?

“Sayo? Heck no! Sa family mo ako may utang no.” Echoserong lalaki ‘to.

“Sa kanila lang?”

Dumating na yung prof. Buti naman at lumayo na siya. Kung hindi eh baka… ah nevermind. Kailangan ko pa palang humabol sa mga lectures!

After a boooooooring class, ayun, pumunta na ako sa next class ko. Classmate ko si Jess sa subject na ‘to. Buti nga at hindi ako na-late dahil para akong pagong maglakad kanina.

“Hey Jess!” 
“Steff!”

Naupo na kami at syempre, kwentuhan. Ang galing nga eh. Naging best friend na rin namin si Jess. Three weeks pa lang ang nakakalipas ha? Alam na niya agad lahat-lahat tungkol sa aming tatlo. Syempre alam na rin namin yung mga secrets niya!

“Oo nga pala, kamusta plano mo?” Napangiti naman ako. 
“Gagawin ko na ang first stage mamaya. BWAHAHA!”
“Parang natatakot ako sa gagawin mo ah.” Sabay sign of the cross niya.
“Don’t worry. Ako pa!”

Iniba ko naman yung topic. Natutuwa kasi ako masyado eh! Pinag-usapan nalang namin eh tungkol kay Alice at Kevin. Pero after five minutes ata eh napadpad kami kay Santa Claus. Wag niyo nang tanungin kung paano dahil hindi ko rin alam. Basta napunta dun.

“Good morning class.”

Ay, may prof na. Ano ba yan, ang ganda na ng pinag-uusapan namin eh! Nasa kilay at bigote na nga kami ni Santa eh! Tss. Bigla naman siyang nagsulat sa whiteboard. Project ata namin. Habang sinusulat niya yun, unti-unting ngumanganga yung buong class at naglalabasan na ang mga reklamo.

“Ma’am bakit yan!”
“Nakakahiya naman yan.”
“It’s so corny.”

Oo nga naman. NAKAKAHIYA!

“Just do your project, okay? I’m giving you one month for this. Okay, class dismissed.” Yun na yun? Sus. Sinabi niya lang pala yung project. Pero. Bakit ba ganun?!

“C’mon Steff, nasa canteen daw sila Yna.” Nagyayaya na si Jess kaya lumabas na kami.

“Anong gagawin mo sa project natin?” tanong ko sa kanya.

“Ewan ko ba dun. Kainis si Ma’am.” Namomroblema rin pala siya. 

“Ikaw? Anong balak mo dun?”

“Ewan ko rin. Bahala na!”

Pagkatapos naming kumain sa canteen eh mabilis lang lumipas ang oras. Uwian na nga eh! Tapos na class ko. Hinihintay nalang naming si Yna dahil may class pa siya. Pero maiba nga, nadedemonyo na naman yung utak ko. WAHAHA.

“Oi Steff, yang ngiti mo nakakatakot!”
“Haynako, siguro tungkol na naman yan sa plan niya.”
“Tumpak mga girls!”

Okay. This is it! I must accomplish my first plan! Pumunta ako dun sa may announcement board. Tapos nagtingin-tingin kung may mga nakatingin sa akin.

And the coast is clear!

*PAK!*

Syempre umalis ako dun ng di nagpapahalata. Mahirap na, baka mabuking!

“Let’s go na girls. Dun na natin sa labas hintayin si Yna.”
“Naku Steff, ano ba kasing ginawa mo dun? Baka sumabit ka dyan!”
“Don’t worry Jess, akong bahala.”

Habang naglalakad kami palabas, may nagsisigawan. As I expected! BWAHAHAHAHAHAHA!!

“Waaaaahhh! Ang cute ni Darryl nung maliit pa siya!”
“Oo nga! Pero, sino kaya nag-post nito?”


EH DI AKO! WAHAHAHAHA! TAGUMPAY!


***