.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, February 19, 2015


***

Childhood picture of a campus prince, revealed!

A cute and charming photo of Mr. Ian Darryl Garcia was found posted on the announcement board this afternoon. The students were amazed by his lovely charms causing them to fight just to get the said picture.

But the big question is, WHO POSTED IT?
And did the campus prince know this?

Haha. Di mawala ang aking evil smile habang binabasa ko yung post dun sa underground website. Huh! Akala niya ha! Ibubunyag ko din yung buhay niya! Gantihan pala ha?

8:00 na pala ng gabi. Kasalukuyan akong gumagawa ng mga assignments. Hay buhay. Kakatamad. Tapos sinend sakin ng mga profs ko yung mga lectures nila na di ko naabutan. HOLY COW LANG. Super dami talaga! Eh almost three weeks ba naman akong di pumasok eh! Natambakan ako! Ang sakit!

**Vibrate.. vibrate..**

Kinuha ko naman yung BAGO kong phone sa bulsa ko. OO, BAGO. Alam niyo na, nawala ang aking phone. Tinangay ng manong driver na yun! Errrr! Leche talaga pag naaalala ko! Ang mga secrets ko?! PAANO NA? Huhuhu.

Okay, back to reality. Sino kaya ‘to? Unregistered eh.

“Hello? Who’s this?”

“TIFFANY DAMIAN! WHY DID YOU POST MY PICTURE?!” Ouch. Basag. Ang eardrums ko.

“PWEDE BA WAG KANG SUMIGAW?!” Narinig ko naming nag-‘ouch’ siya sa kabilang linya. Buti nga. Siguro naman kilala niyo na ‘to? Haha! Ang aking BEBE BOY! Pffft. Natatawa pa rin ako!

“Whatever. But why did you post my photo?!” Nalaman na niya? Bilis naman!

“Hala? Bakit ako? Anong ginawa ko sa’yo?” syempre pa-inosente effect ako. 

“Pwede ba? Don’t deny it. Bakit nga?”

“Ang kulit mo rin eh. Bakit ba ako sinisisi mo?” I’m a liar. You know?

“Ah ganun? You want some dirty games? Fine. Let’s see who’ll win.” Then he hanged up.

Tss. Asar? Pikon? Siya may pasimuno ng game game na yan tapos talunan naman. BWAHAHAHAHA!!! Ang mean ko! Pero, pano nya kaya nakuha number ko? Eh yung tatlo lang naman nakakaalam? Aish. Baka binlackmail niya.  Oh well. Makagawa na nga ng homeworks at nang makatulog na!

***

It’s Friday na! At andito na ako sa campus! Wiieee! Halata bang maganda ang gising ko? At energetic ang aura ko? Pwes, OO! Syempre naman no! Nakaganti ako eh! Oh diba? Magdiwang!

“Ouch!” Aray. Ang sakit nun ah! May bumangga kasi sa aking girl.

“Sorry po.” Aba! Walang hiya. Di man lang ako tinulungang tumayo? Tumakbo lang siya papuntang announcement board!

“Hey Steff, what are you doin’?” Si Yna pala.

“Nabangga ako nung girl eh. Nagmamadali ata.” Tinulungan niya naman akong tumayo. Teka, bakit parang kakaiba?

“Yna, where are Alice and Jess?” Tapos may tinuro siya. Nasa may announcement board sila. Anong ginagawa nila doon?

After 30 seconds eh nagmamadali silang pumunta dito. Anong meron?

“Steff!!” halos sabay nilang tawag sa akin.
“Why?”
“You won’t believe this!"
“Bakit? Ano ba yun?”
“Grabe! Grabe talaga!”
“Ano ba kasing meron?”

Nacucurious na ako ha. Bigla naman nila akong hinatak papunta dun sa announcement board. Shet. Hiningal ako! Ang bilis nilang tumakbo! Nung andun na kami, tinignan ko naman kung ano yung sinasabi nilang grabe at I can’t believe daw.

Ah, pic----


OH MY SHEMAY! ANO ‘TO?!


***