***

Hinarang ko yung katawan ko dun sa announcement board. Shet! Nakakahiya!

“Don’t look at these pictures!” Grabe ang daming tao!! Nakakainis! Gusto ko silang itaboy lahat!

“Ang cute mo Ms. Tiffany!”
“Model ka po ba?”
“Ang ganda niya no?”

Pwede bang manahimik nalang sila?! Binigyan ko naman sila Alice ng itaboy-niyo-sila-look. At ayun, nagawan ng paraan para lumayo sila sa pesteng announcement board na ‘to! Humarap naman ako at kinuha ko agad yung mga pictures. OO, MGA pictures. MADAMI. At ang nakakairita pa, eh mula pagkabata ko hanggang dun sa pinagkakatagu-tago kong modelling photographs.

Ugh! Eto ba yung sinasabi niyang ganti niya?! Bwisit siya!! But OMG. San niya nakuha ‘tong mga pictures ko na ‘to?! Idagdag pa na andaming students na nakakita! Nakakainis talaga!!

“Hey Steff, where did he get those photos?” sabi ni Yna.
“Yun nga eh. Hindi ko alam!”
“Syempre, gumanti lang yun. Mas malala nga lang.” nakisali na rin si Jess.
“Gumanti? Eh walang hiya pala siya eh! Gumanti lang rin naman ako eh! Ano ‘to, walang katapusang gantihan?”
“Pero in fairness, natawa ako sa inyo. Para kayong mga bata!” sabat ni Alice.
“Tss. Siya lang. Isip-bata kasi siya. Lika na nga, pasok na tayo. Malalate na tayo oh.”

Sumama na sila sa akin. Magseseat-in kasi sila sa klase ko dahil wala silang pasok sa class nila. Buti pa sila. Pero badtrip! Eto yung class ko na kasama ko yung Darryl na yun! Lagot siya sa akin!

Pagkapasok na pagkapasok namin sa room, ramdam na ramdam ko ang aura niya ng tagumpay. Sarap itumba ng upuan niya. Lechugas! Inusog ko yung upuan ko ng kaunti para malayo ako sa kanya. Kaya lang, bigla niyang hinatak! Buti di pa ako nakakaupo! Walanghiya! 

“Ano bang problema mo ha?!”
“Wala naman. In fact, I’m so happy today. Wanna know why?”
“As if I care. Tss. Stalker.”

“LQ kaya sila?”
“Pero ang cute pa rin nila eh no?”

“Shut up.” Sinabi ko talaga sa nag-uusap na yun. Mainit na nga ulo ko, mang-aasar pa! LQ?! Duh! As if naman lovers kami! Kadiri to death!

Dumating naman bigla si Sir kaya napatahimik kaming lahat. Tss. Isa pa ‘to sa mga problema ko! Yung lessons na na-miss ko!

“Ms. Damian?”
“Yes sir?”
“Meet me at my office before lunch. Let’s talk about your missed classes.” Eto na nga ba sinasabi ko eh.
“Yes sir.”

Nagsimula na siyang magklase nun. Nakakaantok nga dahil puro definitions. Madali namang lumipas ang mga subjects at nakapunta na rin ako sa mga office ng professors ko. Humingi kasi ako sa kanila ng copy ng mga lectures at may special lesson pa yung iba. Lunch na nga pala. At sobrang gutom na ako. Ewan ko ba kung bakit.

“Dun tayo sa garden kumain! Para maganda ang view!” sabi ni Jess sa amin.
“Yeah! And let’s talk about hot issues!”

Si Yna talaga. Basta mga chismis, game na game. Napakatsismosa talaga ng babaeng yun. Pumunta na kami sa garden at doon na kumain. May mga tables naman doon eh. Syempre, ano pa bang gagawin dun? Kumain kami at nagdaldalan na rin.

“Oy Steff, patingin ako ng pictures!” biglang sabi sa akin ni Jess with matching pleading effect pa.

“Ayaw! Nakakahiya!”

“Sus, dali na! Patingin kami!” at nakisali na rin si Alice. Nakipagrambulan pa sa akin yung tatlo at talagang inagaw yung mga pictures ko. Ang kukulit! Walang kupas!

“Yay! So cute!”

“OMG. Para kang manika!”

“Wala talagang pinagbago Steff. MAGANDA KA PA RIN!”

So, compliment naman yun diba? Hindi ko kasi alam kung paniniwalaan ko ba yung pinagsasabi ng tatlong ‘to eh. Oh well. Pero nakakahiya talaga eh! Maraming nakakita! Ang dangal ko, wala na. Huhu. Bwisit na Darry--

“Bebe girl.” Speaking of the devil kabute. 

“Bakit bebe boy?” with my overly sarcastic sweet smile. Tapos biglang nagtinginan na naman yung mga tao sa garden. At bigla niya akong hinatak patayo.

“What? Bakit ba?” Tapos lumapit siya sa may bandang tenga ko. 

“Nagustuhan mo ba yung ginawa ko?” then narinig ko siyang tumawa. BWISIT.

“Malamang hindi. Bakit mo pinost yung mga pictures ko?!”

“Gumaganti. Pinost mo rin picture ko eh.”

“Eh isa lang naman yun ah!” 

“Oh di ba? Umamin ka rin! Akala ko ba hindi ikaw yung nag-post nun?” WHOA. Shet. Nadulas ako dun. Pero kahit na! Ang unfair! Nakakainis! 

“Whatever. Bwisit ka. Gaganti ulit ako! Yung mas malala! Remember that, Mr. Freak!”

Tumigil na kami sa pagbubulungan dahil parang ang awkward na at marami pang nakatingin. Also, it’s time for our show off. Papatalo ba ako? HINDI ATA! Ang kapal ng mukha niya para gantihan ako!

“Bebe boy, alam kong namimiss mo ako, pero no need to find me.” Sabay sweet smile na punung-puno ng desire to kill.

“Ganito ako maka-miss bebe girl eh. Sorry. Possessive ako eh. Gusto ko lagi kitang nakikita.” Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako ng todo sa sinabi niya. Kadiri lang! Hindi ba siya nandidiri sa mga sinasabi niya?!Ugh!

“Can you give me a hug, then?” A..anong pinagsasabi niya? Alien ba siya?

“Huh?” nagulat nalang ako nung bigla niya akong hinatak palapit sa kanya and in no time, nakayakap na siya sa akin. Waaaah! OMG! Kadiri!! Tapos ‘tong mga spectators na ‘to kung makatili! 

“Gaganti ka pa Tiffany?” bulong niya sa akin. Yung tipong nang-aasar pa. Ako naman, busy ako sa pagkalas sa kanya. Shet! ang higpit!

“Talaga! Gaganti ako ng paulit-ulit! Pagsisisihan mo yung ginawa mo sakin! You’ll pay for that!”

Tss. Hindi ako pinalaki para maging oh so arte na babae! Marunong rin akong lumaban no! Handa na sana akong kurutin siya ng pagkalakas-lakas pero bigla niya akong binitawan. Phew. Buti naman. Akala ko mamamatay na ako sa sobrang higpit eh.

“Ah ganun? Pwes uunahan na kita sa pagganti ngayon.” With matching nakakalokong ngiti.

Hindi ko alam kung anong balak niya pero bigla na naman niya akong hinatak papalapit sa kanya at…  

“Waaahh!!”
“OMG! Picture-an mo! Picture-an mo!”
“So romantic!”

Kasalukuyang nawala ang kaluluwa ko dahil sa nangyari. This freaking guy.. he.. he..

HE KISSED ME!


***