.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 20, 2015


***

Steff Damian
In your dreams, freak!!

Pagkatapos kong i-type yun eh nag-offline agad ako sa chat. Shocks! Ano ba yun?! May who viewed me na bas a facebook?! Wala naman di ba? Then how did he know? 

Bago pa ako mawala sa sarili ko sa kaiisip kung pano niya nalaman eh yung profile naman ni Jess yung hinunting ko. Yung last status niya eh kanina pang 5 PM.

Doin’ my freaky project. Thanks for the help bro.-- with Roj Morales
10 likes

Halos napatayo ako nung nabasa ko yung status niya. Shet! Oo nga pala! Yung project namin! Muntik ko nang makalimutan! Naman oh! Ang hirap-hirap naman kasi ng pinapagawa ng prof namin eh!  

Dahil gusto ko nang magsimulang gumawa, iniwan ko muna yung laptop ko at pumunta ako sa room ni Venice.

“Oh ate, why’re you here?” sinimulan ko ang operation paawa-effect muna at nag-sad face ako sa kanya.

“Tulungan mo ako sa project ko. Pleeeaaassseee?” Alam ko busy rin siya pero I really need her help!

“Ano bang project mo, ate?” In-explain ko sa kanya lahat pati yung misong paggragrade.

“Ehhhh?! Wala akong alam dyan!”

“Sige na kasi.” Sabay luhod ko pa sa harapan niya. Kasi naman eh! Kelangan ko talaga ng tulong niya!

“Di ko talaga alam yan, ate! Promise!” 

“Kahit ano? Wala talaga? Sige na kasi Ven! Pleeeeeeeease!” Gagamitan ko na ‘to ng pa-cute effect! Puppy eyes at pouty lips! Utang na loob, gumana ka!

“Hala ate naman eh! Sorry talaga. Di ko talaga kaya yan.”

“Fine.” sabi ko nga di gumana.

Lumabas na ako sa room niya at dumiretso sa room ko na halos gumapang na ako sa sobrang depression. Shemay pano na ‘to? Anong gagawin ko? Pano na yung project ko? Waaaah! Ayokong magkaroon ng failing grade!

Nung makarating na ako sa kwarto ko, umupo agad ako sa harapan ng laptop ko. At kamusta naman? 3 messages agad kahit less than 5 minutes lang akong nawala? Wala naman akong choice kundi tignan kung kanina galing. Yung una, galing kay Jess.

Steff! Nasimulan mo na project mo?

Nagreply naman ako.

Di pa. Huhuhu! Wala akong mahanap na kasama eh!

Yung next na message, halos kinabahan ako bago ko maopen yung message. Eh paano! Galing kay ma’am na nagpapagawa nung lecheng project na yan!

To my students, please post your projects here.. tapos may link.

NAMAN OH! Panay project ang usapan! Eh wala pa nga akong nasisimulan eh! Bwisit ‘tong mga classmates ko! Sila nagpopost na samantalang ako wala pang nasisimulang kahit ano! Kainis!

Tinignan ko naman yung last message. Galing kay.. whoa! Kay freak?!

Can you help me?  

Like duh? Galit kaya ako sa kanya! Tss. Bakit ko siya tutulungan? Kapal ng apog niya ha!

Asa. Freak!

Maya-maya lang, nag-reply siya.

Tutulungan din kita kahit saan. C’mon.

Ang kulit neto ah?!

Ayoko nga eh! Bakit ba?!

Nag-reply ulit siya.

Please?

Ang kulit talaga!

Steff: Ano bang problema mo?! Wag mo nga akong guluhin! Manggulo ka ng ibang tao!
Darryl:Tss. It SHOULD be you. 
Steff: Anong it should be me?!
Darryl: ‘coz you’re a campus princess.

Huh? At bakit kelangan campus princess pa ang tutulong sa kanya? Anon a namang kahayupan ang gagawin ng lalaking ‘to?

Steff: Bahala ka sa buhay mo.
Darryl: Are you mad?
Steff: Wow! Congratulations! You got it correctly! *insert sarcasm here*
Darryl: Why? Because of that KISS?

Biglang nag-init yung mukha ko kahit sa chat lang ‘to pinag-uusapan. Leche! Pinaalala pa! Nightmare nga yun eh!

Steff: DI LANG DAHIL DUN! DAHIL RIN SA PHOTOS! ARGH!
Darryl: You started it. And thats my revenge.

Revenge-revenge pa! Pauso mo! Kaartehan niya lang naman yun sa buhay!

Steff: Revenge mo mukha mo! Bahala ka!
Darryl: Please! Ill buy you anything! Promise!

Kita niyo? Naging mabait bigla ang approach? May please at promise pa! And duh? Kayang-kaya kong bilhan ang sarili ko ng kahit ano no! Sinuhulan pa ako ng freak na ‘to.

Steff: Shut up. Ill log-out na so stop pestering me. 
Darryl: WAIT! Kahit strawberries and chocolates? Kahit ilan, kahit saan. Ill buy them for you. Just.. help me.

Biglang kuminang yung mga mata ko at nag-imagine at nag-crave. STRAWBERRIES. CHOCOLATES. OMG heaven! Ang mga favourite ko! Takte! Nagutom tuloy ako bigla!

Pero pano niya yun nalaman?!

Steff: Stalker ka ba?!
Darryl: Nabasa ko lang sa mga post mo, bebe girl.
Steff: Edi stalker nga! And will you stop that bebe girl thingy?!

Hindi ba pang-sstalk ang ginagawa niya? Nagbabasa ng mga wall post?! At hanggang dito ba naman sa facebook, bebe girl pa rin ang drama niya? Ang OA na ha!

Darryl: Bakit ikaw? Hindi mo ba ako iniistalk?
Steff: HELL, NO!
Darryl: Guilty! So youll help me, okay? In exchange, Ill buy strawberries and chocolates for you. Ill explain everything tomorrow. Bye.

And then he logged out.

Bigla akong na-bother sa hindi malamang dahilan. At ayoko siyang tulungan no! Pero oh my gosh. Libreng supply rin ng strawberries at chocolates! Tapos kahit ilan pa daw! Shemay. Torn ako!

Hanggang sa pagtulog ko eh yun pa rin ang nasa isip ko. Wala na. Na-occupy na nila masyado ang utak ko. Di na talaga sila mawala eh. Err. I think I can’t wait for tomorrow.


***