.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 20, 2015


***

“Hey girls!”

Nakita ko silang tatlo at isa-isa naman nila akong binati. Tapos pumunta na kami sa garden. Syempre ano pa nga ba ang aasahan mo pag nagsasama-sama ang mga babae? Eh di walang katapusang daldalan, tsismisan at chikahan.

“Jess, tapos ka na sa project mo?”

“Hmm, nasa middle part na ako eh. Ikaw ba?”

“Ikaw na! Wala pa ako. Wala pa nga akong kasama eh! Buti ka pa.” sabay busangot ko ng mukha sa kanya. Inggit ako kay Jess! May nasimulan na siya sa project namin.

“Naku, pasalamat nga ako at yung kapatid ko eh marunong maggitara!”

Oo nga pala, di ko pa pala nasasabi yung project namin no?

We have this freaky project in Music (elective). We need to make a musical video ng kahit anong kanta. Hindi naman daw solo kasi kailangan namin ng accompanist so akala ko iggroup kami o kaya pipili ng partners. Pero pusang kinalbo lang. Hindi daw ganun! Dapat daw hindi galing sa class namin yung kasama namin sa video. Kaya nafrustrate talaga halos lahat sa amin. I told you, it’s freaky. Well, that’s how I describe it. I know how to play piano. Si Venice naman tinanong ko kagabi kung may alam siyang tugtugin na instrument. At sa kasamaang palad, WALA. Ewan ko ba dun sa babaeng yun. Ayaw niya mag-piano at maggitara. Hindi daw kasi siya mahal ng music. Then nung nag-fail ako kay Venice, sinubukan k okay Alice at Yna. Pero di na rin ako nag-expect. Sus eh sa tagal ko silang kasama, alam ko naman na mas trip nilang sumayaw kesa kumanta or tumugtog.

“Paano pala yan Steff, san ka makakahanap ng accompanist mo?”
“Ewan ko nga eh. Bahala na. Kainis naman kasing project ‘to eh!”

Nung magta-time na, pumunta na kami sa respective rooms namin dahil unfortunately, hindi kami magkakaklase. And unfortunately din, may bwisit akong kaklase.

“Bebe girl! Good morning!” Ugh. Here we go again. Sinimangutan ko nalang siya. At kamusta ang loko? Biglang nagpaawa effect! Akala naman niya cute siya! Tss. W..well, slight lang.

“What’s with your face? You look so gloomy.” Aba nagtaka pa siya? Hindi niya ba nafi-feel na isa siya sa mga dahilan kung bakit bwisit na bwisit ako sa buhay ko ngayon? Idagdag pa yang pesteng project na yan.

“Just shut up. Will you?”

“Fine. Sabi mo eh. Alam mo namang susundin ko lahat ng gusto mo.”

God. Bigla akong kinilabutan sa pinagsasabi niya. So pinupush niya talaga na maging source of entertainment niya ako? Kainis. Yung mga classmates namin, bigla nalang nang-asar. Kesyo nakakakilig daw. Bagay daw kami. Sus! Kung alam lang nila na halos magpatayan na kami sa totoong buhay. Parang tanga lang kasi ‘tong Darryl na ‘to at may pa-bebe bebe girl pa. Psh. Pero sabagay, ako naman nagsimula nung bebe boy. Pfft. Ang corny lang talaga nun! Nakakatawa!

Bigla namang dumating na yung prof at nag-discuss na ng kung anu-ano. Ang nakakainis pa, nakakaantok siya magturo.

“Don’t forget our deal.” Napatingin ako sa kanya.

“You mean the ‘strawberries and chocolates’ thingy?” eh say un lang yung naalala ko sa lahat ng pinagsasabi niya kagabi eh. Bakit ba?

“Yeah. Oh, and don’t forget about the ‘you need to help me’ thingy.” Muntik na akong matawa nung pagkasabi niya ng thingy. Pffft. Parang bading lang! Hahaha! Fail ng paggaya niya sa akin! Pero shemay! Natetempt ako sa offer niya. Kainis!

“Deal.” Bigla ko nalang nasabi. Sorry na. Kahinaan ko talaga ang tinarget niya. No choice ako.

“Good.” Sabay grin niya sa akin.

Natapos naman yung morning class ko na strawberries at chocolates ang nasa isip ko. Lunch break ko na ngayon at andito kami ulit sa garden. At dahil nga nag-ccrave ako kanina, bumili tuloy ako ng strawberry- at chocolate-flavored na rebisco tsaka chocolate bar. Di kaya magloko tiyan ko dito?

“Steff, di ka naman gutom? Ang dami mo ng kinain kanina ah?”

“HoyJess, hindi naman masyado!” alam kong matakaw ako pero di na kailangang ipamukha!

“Na-miss mo nang kumain ng favorites mo no?” bigla namang sabi sa akin ni Alice. Wow, nahulaan niya!

“Oo! Nag-crave ako bigla sa klase kanina!”

“Huh? Rebisco favorite mo?” biglang singit ni Jess sa usapan namin ni Alice.

After sabihin yun ni Jess eh napahagalpak kami sa tawa nila Alice at Yna. Hahaha! Dahil hindi na-gets ni Jess, inexplain naman sa kanya nung dalawa na hindi rebisco ang favourite ko kundi yung strawberry at chocolate flavor.

“Teka, wala pa pala akong project, tulungan niy---” nagulat naman ako nung bigla nalang akong napatayo at merong may hawak sa braso ko.

“May I borrow my girl?” sabay pa-cute doon sa tatlo. Sila naman, nangamatis ata yung mga mukha. Ewan ko kung bakit.

“My girl ka dyan?! Kadiri.” bulong ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Parang adik lang!

“Sige lang, kahit wag mo nang ibalik!”
“Yeah, you can have her the whole day!”
“Kung gusto mo sa’yo na siya forever and ever eh!”

Napanganga nalang ako sa sinabi nilang tatlo. Seriously?! Pinamimigay nila ako?! At dito pa sa damuhong freak na ‘to? Wow ha! 

“So ganun? Pinapamigay niyo na ko?” sumbat ko sa kanilang tatlo pero parang mga sira lang sila kasi mga pamatay at nakakalokang mga tingin at ngiti lang ang ginaganti nila sa akin.

“Then, can I have her forever?” singit ni freak sa pakikipag-usap ko sa tatlong baliw na ‘to.

Pagkasabing-pagkasabi niya nun eh nagtilian sila Alice pati na rin yung mga nakakarinig na mga babae doon sa garden. Ugh! Grabe ha?! Nanggagayuma ata ‘to ng mga babae at tinatamaan sa sweet words niya! Kulang nalang eh mag-hugis puso rin yung mga mata ng mga babae dito eh. 

Bigla naman niya akong hinatak sa kung saan. Pero na-realize ko na nasa likod lang pala kami nung building. Yung sa may green field kung saan ako nakatulog kasama si.. uhh what’s his name again? Oh right! Yung Patrick na Campus Prince rin pala.

“Oh ano na?” sabi ko sa kanya.

“Yung deal, pag-usapan na natin.”

“Ano bang tulong yun?” medyo masungit pa yung pagsagot-sagot ko sa kanya kasi.. ewan ko rin.

“Can you be my…”

HUH?! Don’t tell me gusto niya akong maging girlfriend talaga?! Yuck! No!

“…accompanist?”

Oh. Hindi naman pala girlfriend. Phew, buti nalang. Accompan—HUH? Wait. Accompanist?! Siya rin?


***