***

Anong date na ba ngayon? August 5? OMG. Two weeks na lang at pasahan na ng project!

Sa nakaraang week eh nagpractice lang kami ni Darryl. Syempre sa bahay nila! Tinatamad daw siyang dalhin yung gitara niya eh. Kaya sa bahay nalang nila kami nagpapractice. Ang arte niya lang di ba? Hoy pero wait. Hindi naman ibig sabihin na dahil sa bahay nila eh ako naman ang kailangang magdala ng piano. Aba. Hindi ako si Hulk para makapagbuhat ng piano no. Sabi niya kasi may piano naman sa bahay nila, eh di go. Yung mom niya daw kasi, mahilig ring tumugtog. Oh, right. Nakilala ko na nga rin pala yung family niya. Yung tumulong sa amin ni Ven. Syempre nag-thank you kami ni Venice sa kanila. And oo nga pala, andito ulit ako ngayon. As usual, for practice.

“Tiffany, kain ka muna.” alok sa akin ni Mrs. Garcia nung nag-break kami sa pagpapractice.

“Ahh sige po Mrs. Gar--”

“I told you, just call me tita Inna, hija.” Ang bait talaga niya. Kaya nga nagtataka ako kung paano niya naging anak si Darryl eh? Ang sama kaya ng lalaking yun!

“Okay po, tita.”

“Oh Tiffany, how’s your project?” bigla namang sabat ni tito Dan, yung daddy ni Darryl.

“Ahh okay naman po.”

“Sige, pagbutihan niyo yan ha?”

“Opo.” Sabay smile ko sa kanila ni tita Inna. Grabe. Sobrang bait talaga nila. Di kaya ampon lang si Darryl? O kaya anak siya ng alien? Imposible talagang galing siya kay tito Dan at tita Inna eh. Wala akong makitang similarities.

Nagulat naman ako nung may biglang sumundot sa tagiliran ko. Napa-straight tuloy ako ng upo at muntik pang mapasigaw. Pagtingin ko..

“Haha! Hello ate Tiffany!” then nag-wave siya sa akin. Waaah! Ang cute talaga ni Warren! Kung wala lang law about child abuse sa Pilipinas eh pinatulan ko na ‘to eh! Sobrang cute niya grabe!

“Hihi, hello rin!”

Kauuwi nga lang pala niya galing States last month. Ang cute niya talaga. Sarap iuwi sa bahay! Pero di ba? Imposible talagang pamilya ‘to ni Darryl eh. Mga anghel ‘tong nasa tabi ko! Eh siya parang bakulaw na freak na parang galing sa ilalim ng lupa! Labo talaga.

“Tama na ang batian, magpapractice na kami.”

Kita mo ‘tong lalaking ‘to. Napakaepal. Pumwesto na ako dun sa piano at dala niya naman yung gitara niya. Syempre, two songs ang kailangan namin. Isa sa akin, isa sa kanya. Yung sa kanya daw muna yung ipapractice namin. Okay fine. Ladies first nga kasi di ba? Tss.

Nagsimula naman akong magpiano. Then nagstrum siya after nun at kumanta kami pareho.

“I was thinkin about you, thinkin about me.
Thinkin about us, what we gonna be?
Open my eyes, it was only just a dream.
So I travel back, down that road.
Who you come back? No one knows.
I realize, yeah, it was only just a dream.”

Napatingin nalang ako sa kanya bigla. Akalain mong maganda pala ang boses ng freak na ‘to? Di halata sa itsura niya ha. Oh well. Dahil duet ‘to, siya yung kumanta ng first verse at ako naman yung sa next verse. Naging ayos naman yung kinalabasan. In fairness, nagblend ang boses namin? Not that bad, huh?

“Ok na yung akin. Yung sa’yo naman.”
“Wait lang naman! Nakakapagod kayang tumugtog at kumanta!”

Tao ba siya? Grabe ha! Galit ata sa pahinga ‘to eh! Katatapos pa nga lang nung sa kanya, tapos gusto niya pa ulit bumirit. Aba, maawa naman siya sa vocal chords namin.  Nagpahinga nalang kami for five minutes then yung song ko naman yung sunod naming pinractice. Syempre, ako na naman ang nagsimulang tumugtog then sumunod siya. And dahil moment ko ‘to, ako naman sa first verse at siya sa second tapos sabay kami sa chorus.

“I used to think one day we'd tell the story of us
How we met and the sparks flew instantly
And people would say they're the lucky ones
I used to know my place was the spot next to you
Now I'm searching the room for an empty seat
Cause lately I don't even know what page you're on”

“Oh, a simple complication, miscommunications lead to fall out
So many things that I wish you knew
So many walls up I can't break through”

“Now I'm standing alone in a crowded room
And we're not speaking
And I'm dying to know is it killing you like its killing me, yeah
I don't know what to say since the twist of fate when it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now”

Mukhang naging maayos naman yung pagpapractice namin ng kanya-kanyang songs namin. After nun, nagulat ako nung biglang may nagpalakpakan.

“Bravo!”
“Ang galing nyo!”
“Wow! Concert na yan!”

Pagtingin ko, sila tito at tita pala pati si Warren.

“Thank you po.” Nahiya naman ako sa compliments nila. Pero nakaka-flatter lang talaga. After nun,nagligpit na kami ni Darryl. Aalis na nga sana ako kaso pinigilan ako ni tita Inna.

“Hija, dito ka na mag-dinner.”

“Ah, hindi na po.” Ayoko naman nun! Nakakahiya na!

“Sige na hija, nagluto pa naman ang tita Inna mo para sa’yo.” Pati si tito Dan nakisama na rin sa pagpigil sa pag-alis ko. Shemay. Ang hirap namang tumanggi! 

Wala naman akong nagawa kundi sumuko, pero naalala ko na di pa ako nagpapaalam kay Daddy! Sabi ko kasi hanggang 7 lang ako. Eh nasa labas na si Kuya Ronald! Yari ako pag di ako tumupad sa usapan! Nakaktakot kayang magalit si Daddy.

Napansin ata nila na nakatingin ako sa labas.

“Don’t worry, kami na magsasabi sa parents mo. Ano bang number nila?” Binigay ko naman yung number ni Daddy. Naupo muna ako dun sa couch sa living room nila. Maya-maya lang, lumapit sa akin si tita Inna.

“Tiffany Damian pala name mo? Oh my gosh. High school classmate ko yung daddy mo. Gosh. Ngayon ko lang narealize! Grabe bakit ba hindi ko napansin yung resemblance mo kay Steven? Oh, and by the way, pumayag na siya.” Napanganga naman ako dun. Ano daw? High school classmates sila? Yung totoo? Gaano ba kaliit ang mundo?

After sabihin yun ni tita Inna, dumiretso agad siya sa kusina.

“Hey, dito ka pala mag-didinner?” Tss. Obvious ba?
“Tingin mo?”
“Bakit ba ang sungit mo?”
“Eh bakit ba ang plastic mo?”
“Ako?”
“Ako.”
“Ikaw nga.”
“Hindi, ikaw.”
“Ako ulit?”
“Ako nga sabi.”

Ugh! Ano ba ‘to? Non-sense ha! Naguguluhan ako! Ang sakit sa ulo!

“Oo nga dito ako magdidinner! Tapos. Period.” Bigla naman siyang tumawa. Okay? Anong nakakatawa? Ang weird ng sense of humor niya.

“You’re really funny.. Steff.” Sabay grin niya sa akin na may halong devious look. Pero.. wait. W..what did he call me?!


***