***

“Phew! Napagod ako dun ah!” hinihingal-hingal pa ako nun. Wa-poise!

“Eh kung di  ka ba naman sira eh! Bakit ka ba kasi tumakbo?”

“Eh ayoko dun eh. Pag-uusapan na naman nila ako!”

“Hey, hey! You two, don’t fight!”

Kitams. Pati friendship naming sinisira ng campus princess chorva na yan! Kairita.

Pumunta na ako sa next class ko. Sila Yna at Alice kasi sa kabilang building ang klase eh. Wala akong kakilala! Umupo na lang ako doon sa bandang dulo.

“Top 5?!”

Ay anak ng! Gulat ako dun ah! Bigla ba namang sumulpot sa harapan ko?!

“Sorry, nagulat ba kita?”
“Ah no. Uhm, bakit nga pala?”
“Ahh wala. Ako nga pala si Jessica.”

Jessica? As in yung top 2?

“Campus princess?”
“Yep!”

Sabi na nga ba eh! Pero nakakahiya naman. Kilala niya ako sa itsura pero ako di ko siya kilala. I mean, lahat pala ng top 10 di ko kilala. Pero at least kilala ko sila sa pangalan! Oh ha!

Umupo naman siya sa tabi ko. And the bulung-bulungan of our classmates has started. Errr.

“I’m Jessica Morales nga pala. Classmates pala tayo dito. Ang cool!”

“Ako naman si Tiffany Damian. Nice to meet you!”

Lumapit siya ng kaunti sa akin kasi yung mga classmates namin eh parang mangangain na ng tao eh.

“Nakakainis naman. Pwede naming kumilos ng normal eh. Student pa rin naman tayo dito di ba?”

Npatingin lang ako sa kanya. Oh my God! May kasundo na ata ako ah!

“Oo nga eh. Sa totoo lang, ayoko talaga ng title na campus princess. Di naman tayo celebrities para i-treat ng ganito di ba?”

“You’re absolutely right!”

YAY! Magkakasundo talaga kami ni Jessica! Parehas kami ng iniisip!

Ayun. Nagkwentuhan lang kami dahil di pa dumadating yung prof namin. Lahat ng mga kinaaasaran namin sa campus princesses and princes na yan yung topic namin. Ayos! Akala ko pa naman ako lang ang may ayaw nito. Si Jessica rin pala! HAHAHA. Ayun oh. Bigla ko siyang naging close dahil dun. Di na nga dumating yung prof namin kaya nagsisitayuan na yung iba.

“Oh sige Tiffany, una na ko ha? Bye!”
“Okay! Ingat.”

Umalis na ako sa room at sakto namang nasa labas sina Yna at Alice. Tumakbo ako papunta sa kanila.

“Yo guys! May ikukwento ako sa inyo.”

“What?” bungad ni Alice sa akin.

Hinila ko sila dun sa bench. Di naman ako excited magkwento no?

“Kasi classmate ko si Jessica, basta one of the campus princesses, and guess what?”

“Ano nga? Binibitin mo pa eh.”

“Ang taray Alice ha!” HAHA. Ngayon ko nalang kasi siyang nakitang magtaray ng ganyan eh.

“Something happened during our class, Steff. Ang it’s a cute scene!”

“Shut up Yna. Wag mo nang ikwento kay Steff.”

So may ikukwento rin pala sila sa akin? Wow! Mukhang exciting ‘to ah!

“Game na ulit Steff, tuloy mo na yung kwento mo.”

“Okay. So yun nga. Ayaw niya rin daw masali sa campus princess. Oh diba? May karamay na ako!”

“What? She doesn’t want to be a campus princess?”

“Oo Yna. Parehas kami. Ang saya kaya! May karamay na ako!”

Teka, sila rin pala may ikukwento sa akin. Ano kaya yun?

“Di ba may ikukwento rin kayo sa akin? Ano ba yun?”

“Tss. Wala lang yun.”

Iba ata mood ni Alice ngayon. Pag ganyan yan eh either badtrip, or kinikilig. Kapag kasi kinikilig siya, ayaw niyang nahahalata namin ni Yna kaya nagtataray. Weird right?

“You know what Steff, Kevin is in our class. And guess what?” Aba, mukhang may magandang nangyari ah? Si Kevin, yung campus prince? Yung nakita namin sa canteen? Hmmm.

“Shut up, Yna. Wag mo--”

“ANONG NANGYARI?”

“He said that Alice is cute! And he’s sitting right next to Alice. YAY!”

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Yna, napa-OMG ako. Grabe kinilig ako ha! Yung ngiti ko abot-tenga na!

“Naks Alice! Nakabihag ka na naman!”

“Ewan ko sa inyong dalawa!”

“Alice, you’re blushing!”

“Wag na kasing mag-deny!”

Tuloy pa rin kami sa pag-asar kay Alice. HAHAHA. Nung high school kasi, marami ring na-lolove at first sight sa kanya eh. Ewan ko nga lang kung bakit wala man lang siyang natipuhan sa mga yun. Bigla naman akong napatingin sa relo ko. Gosh, ang bilis naman ng oras!

“Whoops. May klase na ako girls. Sige, see you later!” nag-bye na ako sa kanila at papasok na ako sa next class ko.

Pagdating ko doon sa building, parang may kaguluhang nagaganap. Anong meron? Sumingit naman ako sa crowd. Napaka-intrigera ko naman! Talagang sumingit pa ako ha?

Pagtingin ko sa gitna… si Jessica yun ah! What happened to her?! Para siyang iiyak eh. Nilapitan ko siya dun sa gitna. Pakapalan na ‘to ng mukha Steff! Daming tao!

“Hey Jessica, what happened here?” 

“Hey, who are you?” tinignan ko naman kung sino yung nagsalita.

Gwapo.
Cute.
Pero ang arogante.

Bumulong naman sa akin si Jessica.

“Tiffany, bakit ka pumunta dito? Madadamay ka pa. Kainis kasi yang Darryl na yan eh! Assuming.”

“Ano bang nangyari?”

“Akala niya may gusto ako sa kanya. Na-overhear niya kasi yung usapan naming ng friend ko eh. Ang sabi ko lang naman, cute siya.” Eh assuming pala talaga ‘to eh! Narinig lang na cute siya, may gusto na agad sa kanya? DUH! Mas makapal pa sa kalyo yung mukha niya ha.

“At anong pinagbubulungan niyo dyang dalawa? Pinag-uusapan niyo ba ako?” Tss. Ang yabang. Bwiset. Di na ako makapagpigil! Sarap suntukin!

“Ang kapal mo. Sa tingin mo ba maganda kang topic? Ehh nakakasulasok yang mukha mo eh!”

“Hey Tiffany no! What’re you doing?!” pinipigilan na ako ni Jessica kasi handa na akong sumugod. Naku. Mabubugbog ko ‘tong lalaking to eh. Kahit gwapo siya, ang sama niya!

“What did you say? Sino ka ba ha? Bakit ka nakikialam dito?” Hinawakan ko na si Jessica sa braso.

“Eh paki mo ba? Sino ka rin ba para tanungin yun pangalan ko? And for your information, di ka type nitong friend ko. Kaya, get lost.”

Tapos binilisan ko yung lakad namin ni Jessica. Mahirap na, baka gumanti si aroganteng mayabang! Nagsisimula na yung bulung-bulungan nung mga usisero’t usisero dun. Tsss. Nakakainis na talaga ha. Bakit ba kasi ang daming tao?! Medyo malayo na kami nun pero biglang… 

“Tiffany! Is that your name?”

Napahinto ako dun. What the? Kainis. Ang bilis nyang makasagap ng information ha! Tumingin ako sa kanya ng matalim. As in gusto ko na siyang lamunin ng buhay!

“Tawag mo ko?! Kung may kailangan ka, sabihin mo na agad. Can’t you see that I’m busy?” Ngumiti naman siya. Ano naman kung gwapo siya? Mayabang naman!

“Just so you know...

You’re interesting.” Huh? ANO DAW?!


***