.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 21, 2015


***

Andito na kami ngayon sa bahay nila. At ang dami kong dala, in fairness to me. Di ko nagets yung sinabi niya bago sumakay ng kotse. Pero ngayon gets ko na. Yun pala yung kanta namin. Sorry naman sabi ng utak ko! Hina mag-process eh! Tagal mag-load! Tinanong ko pa talaga sa kanya kanina kung anong ibig sabihin nun.

“Oy sino una?” Aba? Bakit ako ang tinatanong niya?
“Ladies first?”
“Okay. Ako una.”

Wow. Ang linaw niya ha. Ladies first nga eh. Sabi ko nga siya yung babae! Nakakabobo naman oh!

Nagbihis naman ako ng damit. Yung cocktail dress ang suot ko. Actually, bagong bili ‘to. Wala naman kasi talaga akong dalang damit ngayon kasi balak kong balikan nalang sa bahay mamaya. Eh malay ko bang didiretso kami sa kanila?! Pinabili pa niya ako sa mall na nadaanan ng damit. Wala na tuloy akong pera. Tsk.

After kong magbihis, lumabas na ako at pumunta doon sa sala nila. Pagtingin ko, andun na rin pala siya. And, whoa! Nagmukha siyang tao! Parang ang bait niya sa suot niya eh! Sana ganyan nalang siya parati. Uhm, naka ¾’s siyang polo tapos bukas yung upper button kaya kita yung shirt underneath. Then naka-slacks at black shoes. Ayos ha? Formal attire ang lolo niyo. Ano ‘to, prom?

“Oy bebe gerl matunaw ako nyan.” Sabay smirk sa akin. Excuse me? Ano daw?

“Ikaw ba tinitignan ko? Naka-glue ang mata ko sa piano! Balak ko sanang nakawin kaso di ko alam kung pano ko bubuhatin. Kontakin ko kaya si Superman?”

Hindi ko alam kung saan ko napulot yung palusot nay un. Ang alam ko lang eh tinawanan niya ako pagkasabi ko nun. Aba! Sino ba naman kasing makakaisip ng matinong palusot pag nahuli kang nakatingin sa kanya?!

“Wooh! Go Tiffany! Go Hijo!”
“Galingan niyo.”

Napatingin naman ako doon sa gilid. Ayos ah? May audience kami. Ano ‘to, concert? Oh well, tatlo lang naman sila.

“Steff, pwesto na.” tapos tinulak niya ako papunta sa piano.

“Hey Warren! Ayusin mo yang video ha!” sigaw ni Darryl sa kapatid niya, then kinuha na rin niya yung gitara niya.

“Oo na. Game!” pagtingin ko, nakatutok na sa amin yung camera.


Okay. Eto na. This is it. Eto na nga! 
One…two…three….

Nagsimula kaming kumanta at naging maayos naman ang flow. Pero nagulat ako nung naglakad si Darryl papunta sa akin, habang naggigitara. Anong problema niya?! Nagshoshoot pa kami ah! Tapos ang loko, sa harap ko pa pumwesto! Lechugas, pano ako makakapagconcentrate niyan kung pagmumukha niya yung nakatambad sa akin?!

“My lover, my life. My baby, my wife.
You left me, I'm tied.
Cuz I knew that it just ain't right.”

After niyang kantahin yung line na yun, bigla siyang kumindat sa akin. Bigla akong kinilabutan sa hindi malamang dahilan. Buti nalang at matinding concentration ang nagawa ko nung mga panahong yun at nagawa ko namang tapusin yung kanta. At syempre todo-emote ako para mataas ang grade. Kaso baka mukha nga lang ewan.

“Cut!” Napangiti naman ako kay Warren. Feel na feel niya ang pagiging director.

“Ang galing!!! Ang galing ko mag-video!” At talagang sarili niya pa ang hinangaan niya.

“Wait, I have an idea.” Kakagulat naman ‘tong Darryl na ‘to! Bigla-biglang nagsasalita!

“Anong kalokohan yan?” Tss. Tama naman di ba? Lahat ng napaprocess sa utak nito eh puro kalokohan eh!

“Tss. How about making a real music video?”

Medyo nag-lag pa yung utak ko sa sinabi niya. Ano daw? Hibang ba siya?!

“M..music video? Are you crazy?! Ayoko nga!” Aba! Ang arte naman kasi! Di naman kailangan eh!

“Ayaw mo nun? Mas mataas ang grade?” grade-conscious masyado! Gahaman!

“Okay na yan! Tapos na nga eh!”

Adik ba siya? Ni hindi nga ako marunong mag-emote tapos gagawa ng music video? NO FREAKIN’ WAY! Ipapahiya ko lang ang sarili ko doon no!

“Basta ayoko! Bahala ka dyan!” nagsimula naman na akong magligpit ng gamit.

“Dali na! I’ll buy you hundreds of strawberries and chocolates.”

“Kahit ano pang sabihi---” napatigil ako bigla sa pagliligpit at parang nahypnotized ako sa sinabi niya. “S..sige.”

“Okay. Cool!”

Strawberries. Chocolates. Nagugutom na naman ako. OMG gusto ko nang kumain ng chocolates! Hihihi. H..huh? Te… teka.

“Hoy! Ang duga mo! That’s bribery!”

“Hala? Wala nang bawian, naka-oo ka na eh! Di ba Mom? Dad?” Loko ‘to ah! Ginamit pa pamilya niya! Argh.

“Cheater! Freak!”

Napakaduga talaga! Waaah! Pano na ‘to?! Ayokong magkaroon ng music video! Huhuhu.


***