.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 21, 2015


***

“Come on Steff, gawin mo na kasi.”
“Eh bakit kasi hihiga pa?! Ang arte mo naman eh!” Nakakainis! Ang arte kasi eh!
“Dali na! This is the concept of DREAMING!”
“Fine! Fine! Ugh! I hate you!”
“I love you too!”
“Yuck!”

Nasa guest room kami para sa music video. Leche! Kailangan daw kasi may kama! Ang arte lang di ba?! Bwisit.

Humiga na ako sa kama. Pero di ako naka-cocktail dress ha! Nagpalit na ako. Yung casual lang. Ayun, kinanta ko yung mga parts ko then nag-emote ako habang nakahiga dun sa gilid ng kama. Nakakainis nga dahil nilalapit ni Warren yung camera sa mukha ko eh!

“Okay! Tapos ka na Steff!” Makangiti akala mo natutuwa siya. Eh alam ko namang deep inside eh gustong-gusto na niyang humalakhak sa sobrang fail ng facial expressions ko.

“Oy kuya, ikaw na. Higa ka na rin para matapos na.”
“Okay.”

This time, siya naman yung nag-emote dun. Feel na feel nga eh! WAHAHAHAHA! Ang sarap tawanan! Buti nalang napigil ko ang sarili kong hwag humalakhak ng malakas.

After ng parts niya, tumayo na siya dun at kinuha yung camera kay Warren. Then pinanood niya siguro yung part niya.

“Ang gwapo ko talaga. Tsk.” Ang kapal talaga ng mukha. 
“Hoy bakulaw! Ay este ano, Darryl! it’s my turn right?” Aba baka nagkakalimutan kami! May project rin ako no!
“Sinong bakulaw? Ha, Mrs. Garcia?” sabay ngiti ng nakakaloko. Ano daw?
“Ikaw! At sino si Mrs. Garcia? Tawag mo Mommy mo?”
“Ikaw.”
“Huh?”
“What?”
“What?”
“Huh?”
“Err! Can we shoot my project now?”

Grabe naguluhan na naman ako! Lecheng bakulaw ‘to! Ang gulo kausap! Non-sense!

Bumaba na kami papunta sa living room nila dahil andun yung piano at guitar. Pumwesto na ako sa piano at hinawakan na niya rin yung gitara. Si Warren naman naka-ready na rin.

“Game!”

Nagsimula na akong magpiano at nagawa naman namin yung parang sa practice namin dati.

“I used to think one day we'd tell the story of us
How we met and the sparks flew instantly
And people would say they're the lucky ones”

“I used to know my place was the spot next to you
Now I'm searching the room for an empty seat
Cause lately I don't even know what page you're on” 

Hanggang sa matapos namin yung kanta. Muntik na nga akong magkamali eh, pero buti nalang hindi halata. Tsaka nadadala naman ng boses ni Darryl. Ayoko man siyang i-compliment, masasabi kong maganda talaga boses niya. Sana nga boses nalang siya eh. Kapag kasi may kasama pang pagmumukha at ugali, nakakadisappoint.

“Music video naman, nang matapos na ‘to!” Atat? Eh siya naman ang maarte dyan at may pamusic-music video pa eh. Tss. So nagbihis na naman kami ng ibang damit. Naka-miniskirt naman ako tsaka blouse. Yung parang student lang? Basta ganun ang theme. Siya rin ganun. I mean, he’s not wearing skirt and blouse! Oh come on! Tatawanan ko talaga siya pag nagkataon! Naka-polo and slacks rin siya. Student attire kumbaga. Pumunta kami dun sa may sofa. Ano na namqng ‘concept’ ang naiisip niya? Sa sofa naman hihiga?

“Ano yan?”
“Eh di sofa? Are you blind?” Sabi ko nga sofa yun! Akala ko kasi lamesa eh! Bwisit.
“Dun ka sa kabilang dulo umupo, tapos ako dito sa kabilang dulo.”
“Fine.”

Di na ako nagreklamo. Baka pilosopohin na naman ako eh.

After naming kantahin yung mga parts namin eh kinuha na niya yung camera kay Warren at siya na raw bahal mag-edit. Tss. Ni hindi man lang ba biya ipapakita sa akin? Damot talaga! Napatingin naman ako sa wall clock nila.

“OH MY GOD! 11:00 na?!” Grabe di ko napansin yung oras! OMG! I’m dead! Lagot ako kay Daddy! Hala!

“Wag ka ngang sumigaw! Ang sakit kaya sa tenga!”

Nalipat naman yung tingin ko sa kanya. At parang na-drain yung pagwoworry ko kasi si Darryl at si Warren eh parehong nakatakip yung kamay sa mga tenga nila. Hahaha ang cute! Ang cute cute ni Warren! Pero teka, wala munang cute-cute! Lagot talaga ako! Ni hindi ko ata napansin na kanina pa andun si Kuya Ronald sa labas! Kinuha ko agad yung mga gamit ko tsaka yung mga damit ko. Oh God. Handa na akong mamamatay mamaya. Sandamakmak na lecture ang abot ko nito! Huhuhu.

“Bakit ka ba nagmamadali?”
“Hello?! Anong aras na kaya! Sabi ko 9:00 ako uuwi, eh 11 na!”
“Sus! Parang yun lang eh!”
“Oo yun lang yun! Kaya babye na! Pakisabi kina tito at tita, thank you! Bye rin Warren!”

Tapos tumakbo ako palabas. As expected, andoon nga si Kuya Ronald. OMG. He waited for almost 2 hours?! Waaaaahhh! Naguguilty na ako! Shemay! Pumasok na ako sa kotse tapos tinambak ko nalang dun yung gamit ko.

“KUYA RONALD SORRY PO!”
“Okay lang po yun sa akin. Pero ewan ko lang po sa Daddy niyo.”
“Huhu. Wag mo nang ipaalala. Full speed na po nang makarating agad tayo sa bahay!”

Buti talaga mabilis siyang mag-drive. And as I expected,

“STEFFANY DAMIAN! SA TINGIN MO ANONG ORAS NA? HINDI MO BA ALAM NA KANINA PA AKO NAGHIHINTAY DITO?”

“Sorry Dad. Di na po mauulit.”

Blah.. blah.. blah.. Andaming sinabi sa akin. Eh hindi ko nga siya natext dahil deadbatt na ako eh. Mabait at isip-bata si Daddy pero pag magalit yan, daig pa halimaw! Nakakatakot! Naku naman! Siguro si Darryl yung tunay na anak nito? Bakulaw at halimaw oh! Parehong nakakatakot!

Teka nga, bakit ba napasama si bakulaw sa usapan! Erase erase!

After ng madugong lecture, pumunta na ako sa room ko at nagbihis na. Tapos tinambak ko yung mga gamit ko dun sa sulok. Ang sakit na kasi ng katawan ko eh! Gusto ko nang humiga! Masakit rin pala yung tenga ko. Namurder kanina dahil kay Daddy.

Humiga na ako sa kama ko.

Ano kayang result nung music video na ginawa namin? Sana ma-edit nya yun ng maayos. Dahil kung hindi, uupakan ko siya ng paulit-ulit! Naalala ko naman yung sinabi niya bago kami pumunta sa kanila.

“Making The Story of Us. But it’s Just A Dream.”  Uhhh, I think I’ll remember that.


***