.

.

Chapter 23

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 21, 2015


***

“Nakapag-review ka na?”
“Oo naman. Dami ko kayang exams ngayon. ”
“Ay buti pala sa isang araw pa ako.”

Haay. Midterm exams na ngayon. Ang bilis ng panahon. And apat ang exams ko ngayon! Buti tapos na yung dalawa.

Etong si Jess, sa isang araw pa yung mga exams. Buti pa siya. Pigang-piga na yung utak ko eh. Idagdag niyo pa na pinakita sa akin kanina ni Darryl yung music video namin. Sumakit lalo yung ulo ko! Oo maganda, pero kasi andami kong exposure eh! Nakakapraning lang!

“Steff! Jess!”

Napatingin naman kami ni Jess. Sina Alice at Yna pala. May exam rin yung dalawa pero isa lang. So, ako lang ang malas ganun?

“Kain na tayo, wala ng laman yung utak ko eh!”
“Gosh. That exam was soooo damn difficult!”
“Duh? Buti nga kayo isa lang exam niyo. Eh ako? Maawa naman kayo sakin!”

Nagreklamo pa sila eh ako nga wala ng utak! Ang sakit kaya sa ulo pag iniisip mong apat ang exams mo sa isang araw! Pumunta nalang kami sa canteen. Kumain kami para naman ma-recharge yung tiyan at utak namin.

“Kamusta nga pala project mo Steff? Ayos na?” Nabilaukan naman ako nun. Kaya kinuhaan agad nila ako ng tubig.

“Are you okay?”

“Clear na?”

“Uhuh. Thanks. Uhm, feeling ko fail yung project ko eh. Yung sa’yo ba Jess?”

“Na-post ko na dun sa link na binigay ni Ma’am. Later ko nalang ipopost sa youtube. Panoorin niyo ha!”

“Sure!”

Kumain na ulit kami. Maya-maya kasi eh sasabak na naman ako sa exam. May baon nga akong chocolates eh, para ma-inspire ako sa pagsasagot. Pero wait, speaking of chocolates..

Nakakainis naman oh! Di pwede ‘to!

Kinuha ko agad yung phone ko tapos hinanap yung number niya. Then, call.

“HOY! WHERE ARE YOU?!” Tinignan ako nung tatlo with a anong-ginagawa-mo-look. Aish. Mamaya na sila, kailangang kausapin ko muna ‘to!

“Ouch. Will you please lower your voice? Ang sakit sa tenga eh!”

“Nasaan ka ba?”

“Why? You missed me?” Ang kapal ha? As if.

“Asa! Don’t forget na marami ka pang bibilhin! At gusto ko mamaya na yun!”

“Huh? Anong bibilhin? Mukha ba akong credit card?”

“Hoy! Bibilhan mo pa ako ng HUNDREDS OF STRAWBERRIES AND CHOCOLATES!”

“Te…teka! Are you serious?”

“Mukha ba akong nangjojoke? A promise is a promise! Basta kailangan ko yun mamaya! Okay? Bye!”

Then binabaan ko siya. Huh! Akala niya makakalimutan ko ha? No way! Addiction ko ata yan! Makalimutan ko na ang lahat, wag lang pag tungkol sa dalawang yun! Tss.

Pagtingin ko dun sa tatlo kong kasama, what the?! Nakakademonyo yung mga tingin nila. Parang may mga masamang balak sa akin.

“Si Darryl yun no?”
“Haha! His prince!”
“Oh wag nang mag-deny! Huling-huli ka na namin!”

Ano bang problema nila? Pakitanong naman oh!

“Huh? Naaaning na ata kayong tatlo eh. Pacheck-up na nga kayo.”

Masyadong nilalagyan ng malisya. Mga malisyosang babae. Kumain nalang ulit ako.

“Ahem! Ahem! Mukhang seryoso na yung JOKE niyo ah!”
“Oo nga eh! May ‘a promise is a promise’ pang nalalaman. Hahaha!”
“Is he courting you?”

Napatayo naman ako sa pinagsasabi nila.

“Will you shut up, girls? Are you crazy?”

Naag-walkout effect ako para kunwari nababadtrip ako sa kanila. Pero nakakilang steps na ako eh wala pa ring pumipigil sa akin. Tapos may narinig ako galing sa likod.

“Bye Steff! Wag kiligin masyado!”
“Di na uubra sa amin yang walkout-walkout mo! Hahaha!”
“Goodluck in your exams!”

Bestfriends ko ba talaga yung mga yun? Anak ng lechugas! Hindi man lang ako pinigilan? Aish! Makapag-exam na nga! Nang matapos na ang araw na ‘to!

Madali namang natapos ang badtrip na araw. Sa wakas! Tapos na mga exams ko! Hooray!

*Vibrate… vibrate*

“Hello? Asan ka na ba? Kanina pa ako andito sa labas!” Huh? Sinabi ko bang hintayin niya ako?
“Eh bakit ka ba andyan?”
“Ang gulo mo rin eh. Sabi mo gusto mo ng chocolates at strawberries? Ayaw mo na?” 
“Sinong may sabi?! GUSTO KO NO! Teka papunta na ako!”

Tumakbo ako ng mabilis at wala pang one-minute eh nasa labas na ako ng campus. Ayun! Nakita ko na siya!

“Asan na chocolates at strawberries ko?” with hingal-hingal effect pa dahil galing pa ako ng 3rd floor tapos tinakbo ko pa papuntang gate. Woooh!

“Whoa! Nag-teleport ka ba? Ka..kausap lang kita ah!” at talagang tinignan pa niya yung phone niya sabay balik ng tingin sa akin. Di makapaniwala?

“Tss. Malamang tumakbo! Oh asan na?”

“Ang alin?” 

“Yung strawberries at chocolates ko!”

“Wala pa.”

“HUH?!” ang gulo niya ah! Akala ko ba ibibigay niya sa akin?! Wag mong sabihing niloloko niya lang ako?!

“Samahan mo akong bumili! Malay ko ba kung anong gusto mo!”

“Ahh okay. Akala ko nanloloko ka lang eh. Tara na!”

Pumasok na kami sa kotse nila. Syempre may driver. 17 pa lang kaya siya. Bawal pa! Pero bakit ba dito siya sa likod umupo? Pwede naman sa harapan.

“Bakit ba ang layo mo? Di naman kita kakagatin eh!”
“Masama ba? At anong kagatin? Bugbugin kaya kita?”

Andun kasi ako sa kabilang dulo niya. Kaya sobrang laki ng space sa pagitan naming dalawa. Lumapit naman siya sa akin. Waaaah! Siniksik ko talaga yung sarili ko dun sa gilid. Kasi naman eh! Ano bang sira sa utak ng bakulaw na ‘to?!

“Dun ka nga!”

“Bakit bebe girl? Takot ka sa akin?” tapos may naaaninag akong evil smile sa labi niya.

“Hi..hindi no! A..ako? Takot sa..sayo? Hell, NO!”

“Talaga lang ha?” tapos unti-unit siyang lumapit sa akin. Shemay naman oh! Nagulat ako na na-corner na pala ako.

“Hoy, a..anong ga..gagawin mo? Lumayo ka… nga!” bigla siyang lumapit lalo.

“Manong! Help me!” sinigawan ko yung driver niya. Pero tinawanan lang ako?! Aba! Kakontsaba!

Napapikit na lang ako sa kaba. As in we’re only one inch apart! Gulay naman oh! Pero nagulat ako nung tumawa siya. Huh? Kaya dinilat ko yung mata ko. Walang hiya! Pinagtripan lang ako! Pinalo ko siya ng malakas. Nakakainis kasi eh. Bwisit talaga!

“Hahaha! Nakakatawa itsura mo Steff! Dapat pala pinicturan ko!”

“Close tayo? Wag mo akong tawaging Steff.” Nakakairita talaga siya! Ugh!

“Whoa! Galit ka na niyan?”

“Obvious ba? Wag mo nga akong kausapin!”

“Seriously? HAHA. Bakit naman? Masama ba yung ginawa ko?”

“Ang kulit mo ah! Ibaba mo na nga ako! Nakakainis ka! Ang lakas mong mantrip!”

“Hala? Sorry na. Hindi ko naman talaga intention na ituloy yun eh…”

Huh! Talaga lang! Dahil pag tinuloy niya yun, mamamaga labi niya sa suntok ko!

“…Tama na muna ang isa.”

W..WHAT?


***