***

Buti na lang wala na kami sa loob ng kotse. Baka kasi makita niya yung mukha ko. Namumula ata eh. Eh paano ba naman?! What’s with the ‘tama na muna ang isa’ statement? Yung kiss ba yung tinutukoy niya? Nakakaleche ng utak! Bwisit!

Naglalakad kami ngayon papuntang mall. Ewan ko ba sa kanya. Di pa kami bumaba doon sa mall mismo. Tss. Gusto atang maglakad.

“Hey, be careful. They’re following us.”

Ano daw? Following us? Pinagsasabi niya? At dahil nacurious ako,tumingin ako sa likuran namin.

AND WHAT THE HELL?!

May mga sumusunod nga sa amin! At nakilala ko yung tatlo. Argh! Ano bang pumasok sa utak ng mga to?! Pero hindi lang sila tatlo, they’re almost 30! Kaya nga pansin na pansin eh! Pinagtitinginan sila ng mga tao. Paano eh parang may field trip sa dami nila!

“Gosh! Anong pumasok sa utak ng mga yun?”
“Seems like they wanna know what we are doing. Haha. Great. I think we need to act.”

Na naman?! Nasa labas na nga kami ng campus eh! Kaartehan na naman niya ha! Bakit ba lagi niya akong dinadamay sa mga gamesat kalokohan niya?!

“Bebe girl, anong gusto mong bilhin ko sa’yo?”

Hindi ko na sana papatulan yung kalokohan niya kaso bigla siyang bumulong sa akin ng: Act or no chocolates and strawberries?

Aba syempre no choice ako! Eto nga yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon eh! Psh.

“Hmm, my favorites, of course!”

Pero nagulat ako nung inakbayan niya ako. Shocks! Kinilabutan talaga ako! As in tumaas lahat ng balahibo ko. Ewan ko rin kung bakit eh. At lalo pa akong nagulat nung parang may nagsigawan sa likod. Ano ba yun?

“See? It’s effective. Kinilig sila.” Sila yung sumigaw?! Mga adik!

“Sino bang may sabing dapat silang pakiligin? At pwede ba, pakitanggal yang kamay mo sa balikat ko kung ayaw mong mabali yan?”

“Ayoko nga.” Aba talaga naman!

“Ayaw mo ha?” hinawakan ko na yung braso niya at akmang pipilipitin ko na, kaso…

“Anong gusto mo? Nakaakbay ako o bubuhatin kita papunta sa mall?”

Napabitaw agad ako sa braso niya. Sabi ko nga tatahimik na lang ako.

“Good.” Then narinig ko siyang tumawa ng mahina.

After 2 minutes siguro eh nasa loob na kami ng mall. At ang nakakainis pa, ang daming nakatingin sa amin. Malamang naman! Andami kayang nakasunod sa amin! Imagine, 30+ ?! Sinong di magtataka kung sinong sinusundan nila! Dahil naiirita na ako, tumalikod ako at lalapitan ko na sila. Pero naghiwa-hiwalay ang mga loko. Sus! Nakita ko yung tatlo dun sa sulok. Lagot sila sa akin!

“Jess, Yna, Alice! Ano bang ginagawa niyo?! Hindi nakakatuwa ha!”
“Bakit? Masama bang sumunod?”
“Gosh! Oo Alice, masama lalo na kung SOBRANG DAMI nyo! Nanghatak pa talaga kayo ha?”
“Ui sila lang sumama sa amin no. Hindi namin sila inaya.”
“Come on. Will you please stop this Jess? Nababadtrip na ako.”
“But, okay fine. We’re sorry.”

Sinenyasan nila yung mga kasama nila tapos nagkumpulan sila sa gitna. Sheeesh. Ang dami talaga nila eh!

“Halika na guys, nabuko na tayo eh. Tss, ayaw paistorbo sa D nila. Okay, uwian na!”

Sabay-sabay naman na silang lumabas ng mall. Geez. Buti naman. And what’s ‘D’ ? Di ko na-gets.

“Okay na ba?”
“Yeah. At ikaw naman! Bakit di mo ako tinulungan?!”
“Bakit pa? Friends mo yung mga yun eh. Eh di ikaw dapat bahala dun.”

Geez. Kung alam niya lang. Eh ang kalahati dun mga stalkers niya! Naku naman.

“Halika na. Bumili na tayo ng chocolates at strawberries.”
“Okay.”

Naglakad-lakad kami at may nakita agad akong chocolates. Kaya ayun, binili niya. Ang dami ko ngang kinuha eh. Aba, siya naman ang gagastos kaya lulubusin ko na. Tapos, naghanap kami ng strawberries. Ang hirap ngang humanap eh. Pero buti nalang talaga meron kaming nakita. Andami ko nang pinabili sa kanya. Puro chocolates yun. Konti lang kasi yung tindang strawberries eh. Kainis.

“Okay na ‘to, madami na.”
“Grabe ka. Kakainin mo ‘to lahat?!”
“Oo bakit? And hindi ko naman yan kakainin within a day no! Anong tingin mo sa akin, glutton?”

Shocked na shocked pa yung expression niya eh. Marunong naman akong magpigil sa pagkain no. Psh. Uuwi na sana kami kaso nagulat ako wala na sa tabi ko si Darryl. Pagtingin ko, pumasok dun sa isang store. Sinundan ko naman.

“Hey anong ginagawa mo---OMG.”
“So, do you like this?”
“Oo! Oo! Sure! OMG! Ang ganda!” Lumapit ako sa kanya dahil ang cute talaga ng hawak niya.
“Okay. Bibilhin ko ‘to.”
“Talaga? Yehey! Thank you!” tapos tumalon-talon ako sa harap niya. Para akong bata, grabe.
“Pero para sa akin.” Napatigil ako bigla sa pag-cecelebrate. What the? S..sigurado siya? “Hahaha! What a face, Steff! Sige na nga, sa’yo nalang ‘to.”

Binili naman agad niya yung item then binigay niya sa akin. It’s a bag. Strawberry-shaped shoulder bag. Kaya nga nagulat ako nung sinabi niyang para sa kanya. Ano siya, bading? Pero anyway, ang cute talaga! SUPER! Gagamitin ko ‘to bukas! Yay!

“Nakakapagod kang kasama. Andami mo nang binili. Tapos pinabitbit mo pa sa akin. Tss.” Ay? Nagreklamo? Pero sabagay, MEDYO marami nga. Sige na nga. Binilhan niya naman ako ng bag eh!

“Gusto mo ng ice cream? Treat ko!” Nagulat naman siya. Tss. Mukha ba akong di nanlilibre para magulat siya ng ganun?

“Uh, okay.” Tapos ngumiti siya. Pero pilit lang. Anong nangyari dun?

Pumunta kami sa Ice cream parlor. Tapos bumili ako ng ice cream. Syempre, strawberry and chocolate flavor yung akin. Sa kanya daw eh chocolate lang daw. Sus! Mahilig rin pala sa chocolates ang loko! Naupo naman muna kami. Ang sakit na rin kasi ng paa ko kakalakad eh. Para kasing inikot na namin ‘tong buong mall para lang makahanap ng strawberries at chocolates.

“Oh ano? Let’s go. Uwi na tayo. 6:00 na rin kasi eh.” Oh? 6:00 na pala? Ibig sabihin 2 hours kaming nasa mall? Ang tagal rin pala.

“Okay.”

Dahil marami kaming dala, di na ulit kami naglakad. Andun na sa parking lot yung sasakyan nila. Sumakay na kami agad at nagdrive na si Manong driver.

Ewan ko lang ha. Pero parang ang tahimik ata ni Darryl? Di ako sanay. Parang ibang tao ata yung kasama ko ngayon. Oh baka ganyan lang talaga siya minsan? Aish. Hayaan mo na nga! Basta masaya ako ngayon!

After 10 minutes, nasa bahay na kami. Ang bilis mag-drive nung driver nila!

Papasok na sana ako sa gate namin kaso parang ang rude ko ata. Kaya bumalik ako tapos kinatok ko yung salamin dun sa side ni Darryl. Binuksan nya naman agad.

“Thanks nga pala. Salamat din dun sa bag. Sige, ingat!” Tumalikod na ako kaso may humatak sa kamay ko.

“Thanks din. And by the way…” tumigil siya halfway. Sus, pa-suspense pa ang loko! “…Can I consider this as our first date?” sabay pakita niya ng kanyang evil smile. Ewan ko pero napatakbo ako sa loob ng bahay. Ang bilis ko ngang nakarating sa kwarto ko eh!

Anong sabi niya?

DATE?!


***