***

“He..hello?” Yan nalang ang nasabi ko sa kanilang dalawa. Eh nakatingin sila eh! Pero nagulat ako nung bigla niyang iniwan yung girl at tumakbo papunta sa direksyon namin.

“Bebe girl!”
“Y..Yeah? Bakit?”

Napatingin nalang ako dun sa babae. Eh pano ba naman, iniwan ni Darryl! Ang sama talaga ng ugali! Pero nagulat ako nung tumakbo palayo yung girl. Teka nga! Ano bang nangyayari dito? Naguguluhan na ako ha!

“Hey Tiffany, mukhang kailangan ko na ring umalis. Nakakaistorbo na ata ako eh.”

“Eh? Aalis ka na?” Ano ba yan, kararating pa lang namin dito eh. Tapos aalis na agad ‘tong si Patrick?

“Sino siya bebe girl?” then tinuro niya si Patrick. Ugh. Nakalimutan nya na ba? Eh ganyan din ata yung sinabi niya sa akin nung makita niya kami dati ni Patrick eh!

“He’s Patrick. Campus Prince and a friend of mine.”

“Nice meeting you Darryl. Sige.”

“Sige.”

Hala? Ganun ba talaga magbatian ang mga guys? Tss. Parang ang cold naman masyado! Oh well, di naman ako lalaki para magreklamo. Umalis na si Patrick. Naguguilty nga ako eh. Sinamahan niya ako tapos pagdating dito eh aalis rin pala siya. Kasi naman ‘tong Darryl na ‘to eh. Kaya ngayon, kaming dalawa nalang yung andito.

“Sino nga pala yung girl kanina?”
“Why? Jealous?”

AKO? MAGSESELOS? ASA! Ano namang ikakaselos ko? Feelingerong freak na ‘to!

“Ewan ko sa’yo. Duh? Wala pong tao dito kaya wag nang plastic, okay?”

“Haha! Di ka naman mabiro. Uhm, ano.. kakilala ko lang yun.”

“Ah okay.” Kakilala? Parang hindi naman ata! Kakaiba talaga yung na-feel ko kanina eh. Weird. Parang feeling ko may something na parang alam ko. Ay ewan!

“Bakit mo nga pala kasama yung lalaki na yun papunta dito?” napakunot naman yung noo ko. Ano bang problema niya kay Patrick? Hmm, asarin ko kaya siya? Mwahaha!

“Why? Jealous?” sabay pamewang ko sa harapan niya. 

“Oo.”

“Haha! Oh ano? Akala mo ikaw l..la—WHAT?!” Ano daw? Oo? As in yes? Lechugas! Nantitrip na naman! At aba? Tumawa pa ng malakas! Sabi na nga ba pinagtitripan na naman ako ng bwisit na lalaking ‘to eh!

“Hahaha! Joke lang! Hindi ako nagseselos…” Dapat lang! Bakit, kami ba? Hindi naman eh. Upakan ko kaya siya! Napaka-feelingero masyado! “…sobrang nagseselos lang.”

W..what?!

“Ahahaha! Joke lang ulit!” BWISIT!

“Get lost.”

Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun, umalis na ako dun. Nakakainis! Tama bang pagtripan ako? Nakakairita kaya! Ang sarap niyang ihagis sa balon! Argh.

“Uy, galit ka na niyan?” Deadma. Lakad lang ako ng lakad. Siya naman nasa gilid ko.

“Joke lang naman yun eh! Bebe girl!” deadma pa rin. Bahala ka sa buhay mo.

“Uy. Sorry na. Please?” Marami nang nakatingin sa amin. Kainis kasi ‘to eh! Masyadong papansin! At bakit ba kasi ako dito sa gitna dumaan?!

“Sorry na. Hey.” Huh! Mukhang ako pa ang lumalabas na masama ah? Yung mga babae sa paligid ang sama pa ng tingin sa akin. Tss. Paawa effect lang ‘tong Darryl na ‘to eh! Akala niya papayagan ko yun? No freaking way!

“Sorry ka dyan? Ayoko na! Cheater ka!”

Okay? San ko naman nakuha yun? Psh. Bigla namang nagbago yung expression niya. Kanina feeling sorry na siya tapos biglang nagform ng ngiti yung lips niya. Sabin a nga ba eh. Natutuwa na naman siya sa game na ‘to! Ugh. Kelan ba ‘to matatapos? Ayoko na!

“Ikaw rin naman ah? May kasama ka ngang lalaki kanina eh!” Aish! Talagang ayaw niya patalo ha? Nandamay pa ng ibang tao!

“Nagpasama lang ako sa kanya no! Eh ikaw? May pa-meet-meet pa kayo ng babae mo! Dun ka nga!”

Tss. Mukhang may mga nadadamay na tao sa game na ‘to ah? Sorry nalang sa inyo. Wala na akong maisip na isumbat sa bakulaw na ‘to eh! Habang naglalakad kami, at nagsasagutan, eh kanya-kanyang feedback ang mga estudyante. Naku po. Masyado na ata kaming sumisikat.

“Waaah! May LQ sila!”
“Hala? Naglolokohan na ata sila.”
“Sino kayang third party?”
“Sus, magkakaayos din yan.”

Ang lakas ng signal ng tenga ko. Dami kong narinig!

“Really? How ‘bout you? Ang sweet-sweet mo nga daw dun sa lalaking yun habang naglalakad kayo eh!” At saan niya naman yun nakuha? Ayos ah. Makahugot lang ng sasabihin kung saan-saan.

“Ganun lang talaga ako no! Eh ikaw nga nahuli pa mismo kita kasama yung babae mo eh! Err. Magsama kayong dalawa!” Pwede na ata akong magkaroon ng Best Actress Award. Masyado nang outstanding ang pag-arte ko.

“May sinabi lang ako sa kanya.”

“See? May babae ka nga! Cheater!”

Wala naman siyang nasabi after nun. So, does that mean, na ako ang nanalo sa bangayan naming ‘to? Hahaha! Gumagaling na ako sa pang-aasar!

Napahinto naman kami sa paglalakad. I mean, siya lang pala. Pero napahinto na rin ako. Bakit kaya? Tumingin naman ako sa tinitignan niya. Pagtingin ko, yung girl pala kanina. Papalapit sa amin.

“Darryl.”

Okay, mukhang eto na ang chance ko for another revenge! Sorry na lang sa girl, pero kailangan ko ‘tong gawin! This is for my sake and my dignity!

“See? Oh ayan na yung babae mo! Magsama kayo! Cheater ka! Hmp!” And then I walked out.


***