.

.

Chapter 28

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, March 10, 2015


***

“AHAHAHA! Baliw ka Steff!”
“Grabe ka! Ang lakas ng tama mo ha!”
“So mean!”

Ayan, nag-react na naman ang tatlo. Kinwento ko kasi sa kanila yung nangyari kanina eh. Wala lang, gusto ko lang ipagkalat dahil feeling ko ako ang nanalo. HAHAHA!

Andito nga pala kami ngayon sa mall. Wala na kasi kaming class eh. Pero exams na naman talaga next week eh. Kung makagala kami, akala mo wala nang balak magsireview.

“Kain muna tayo, nagutom ako kakakwento eh.”

Nag-yes naman sila kaya kumain muna kami sa restaurant. Habang kumakain kami, syempre daldalan to the max pa rin. Teka, may good news nga pala ako kay Alice!

“Alice! Alam mo ba ang type daw na girl ni Kevin eh matalino at mataray? Naku, mag-move on ka na, wala kang pag-asa!”  Nasamid naman siya sa sinabi ko kaya inabutan agad namin siya ng tubig. Walanghiya, ang lakas ng reaction niya pag Kevin ang usapan ha! Samid agad-agad!

“Naku, sabi na nga ba type ako nun eh! HAHAHAHA!” Baliw rin ‘to eh no? Ang taas ng self-esteem!

At dahil dun, crushes na naman ang topic namin. Ugh, dapat pala di ko na inopen. Kinikilig na naman silang tatlo. Naghahampasan pa pag kinikilig. Pati yung katawan ko nadadamay.

“Oi ikaw naman Steff! Kwento ka naman!” Bakit ako?

“Wala akong ikukwento Jess! Boring ang lovelife ko. As in ZERO.”

“Asus! Zero daw! Baka 1 and two zeros! Eh dalawang fafabols pa nga ang interested sa’yo eh!”

“Ha? Pinagsasabi mo dyan Alice? Ni wala nga akong crush eh, paano ako magkakaroon ng lovelife? At sino naman yang 2 hinayupak na yan? Tss.”

Ang kulit din nila eh no? Sinabi ko na ngang ako ang president ng Samahan ng mga Single mula Kapanganakan eh! Duh? Wala pa akong alam sa mga ganyang bagay. Pa-demure demure muna ako sa ngayon no.

“You don’t have any crushes? Come on Steff! Are you still normal?” Aba? At kelan pa naging abnormal ang isang tao kapag wala siyang crush? Mga theories ni Yna, kakaiba!

“Eh wala naman talaga akong crush eh!”
“Kahit isa?” kulit ni Jess!
“Wala.”
“Kahit looks lang?”

Napaisip naman ako. Looks? Tss, siya?

“Uhmm… Wala.”

Nagulat ako nung sabay-sabay nag-evil smile na naman yung tatlo. Bakit ba parang iisa lang ang isip nila? Lagi nalang silang nagkakaintindihan ah! Samantalang ako ni hindi ko mafigure-out kung ano yung iniisip nila!

“What?! Yang mga ngiting yan, lagi nalang akong pinapahamak!”
“AHAHAHA! Naghesitate ka! Ibig sabihin may naisip kang guy!”
“At crush mo siya dahil sa looks? OMG Steff! Dalaga ka na!”
“Ayiiieee! Let’s celebrate! She just became a normal teenager!”

Okay. Ano daw? Alien language alert. Pinagsasabi ng mga babaeng ‘to?

“Ano bang pinagsasabi niyo? Care to explain?”
“Crush mo ba si Darryl?” halos sabay-sabay pa nilang pagkakasabi. Pero ano daw?! Si freak?! Hah?!
“HA?! Si Darryl?!” Ano ba yan! Siya? Crush ko?!
“Dali na Steff! Para namang di mo kami bestfriend niyan.”
“Yeah right, tell us your secrets.”
“Tama, walang secret-secret sa mga kaibigang kinikilig!”

Kinokonsensya ba nila ako? Bakit feeling ko ganun yung nangyayari? Well, ayoko namang pagtaguan sila ng secrets kasi promise namin na maging open sa isa’t isa.

“Okay fine! I’ll tell you something!” bigla silang nagkumpulan sa harap ng pagmumukha ko. Hay naku. Fine fine fine!

“Darryl is my crush. Sa looks lang ha! Wag lagyan ng malisya!”

Pero hindi ko pa natatapos yung pagsasalita ko eh naghiyawan at nagtalunan na sila doon. Grabe! Nahihiya akong kasama ‘tong tatlong ‘to! Nasa restaurant talaga kami eh! Dami tuloy nakatingin sa amin! Mga adik! 

Okay, ina-admit ko na gwapo siya. Kaya nga crush ko diba? Pero looks lang talaga eh. Kung ugali and personality? Heck, that’s a big no! Ang sama kaya niya tapos lagi niya pa akong pinagtitripan! Kung ugali at personality man ang batayan, hindi ko siya magiging crush. As in never! Bagsak siya sa standards ng mga babae! Promise!

Hanggang pag-uwi namin eh inaasar pa rin ako nung tatlo. Gosh! Nagsisisi tuloy akong sinabi ko sa kanila! Feeling ko starting tomorrow, babagyuhin ako ng mga solid na pang-aasar kay Jess, Alice at Yna.

Bago ako nakarating sa bahay, binuksan ko muna yung notes sa bago kong phone. Well, alam niyo naman, diary ko ang phone ko. Nagtype lang ako ng isang sentence and then sinave ko na agad.

The first time I’ve admitted I have a crush on someone. Today, September 16.

Saved.


***