.

.

Chapter 29

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, March 10, 2015


***

“Ate, gising na! Malalate na tayo! Dali, dali, dali! Ayokong ma-late.”
“Fine..fine.” Sabay kamot ko sa ulo. Inaantok pa ako. Tsk.

Bumangon na ako at naligo at nagbihis. Then, I went downstairs to eat. Basta nagmadali na rin ako kasi nagmamadali ‘tong si Venice. Mukhang may agenda sa school nila eh. Kaya ayun, napaaga tuloy ako ng dating sa campus. Oo nga pala, natutuwa ako sa suot ko ngayon kahit na nahatak ko lang siya kanina sa closet sa sobrang pagmamadali. Color orange na dress na long sleeves, tapos stripes yung design. Simple but I find it cute. Oh well.

Teka nga, tatawagan ko sila.

“Hey, Jess san ka?”
“Sa garden. Kasama ko si Alice and Yna. Punta ka na dito.”
“Okay. Bye.”

Naglakad na ako ng mabilis papuntang garden. Magrereview nga pala kami. Yeah, magrereview kami. Exams na next week. Friday na ngayon. OMG! Wala pa talaga akong naaaral!

Pagdating ko dun, nakita ko kaagad sila. Eh pano naglatag na naman ng blanket dun sa damuhan! Himala nga at si Alice eh nagsisimula ng magreview. Yung dalawa nagdadaldalan pa. Ahem, mukhang gustong pumantay sa standards ni Kevin ah!

“Hey girls!”

Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin at nagulat ako kasi gulat rin yung expression nila. Tapos biglang naging evil smile at bigla nalang silang naghampasan. Okay. Ang laki ng problema nila no?

“Anong gingawa niyo? Para kayong baliw.”
“HAHAHAHA! Mababaliw na talaga kami dahil sa suot mo!”
“Sheeeeeeet! Hahahaha! Grabe naman! Nakakakilig!”
“Wuhoo! Destiny attacks!”

Lutang nga sila. Wala akong maintindihan sa sinabi nila. Siguro side-effect ng pagrereview.

“Whatever girls. Mag-review nalang tayo okay?”

Wala nga palang classes ngayon. Kumbaga, REVIEW DAY ito. Ang astig nga eh. Pero, duh? Asa namang lahat ng students eh magrereview? Yung iba nga di na pumasok eh, yung iba naman gumagala lang. Well ako, concerned ako sa grades ko. Lagot ako kay Daddy pag may bagsak ako.

Binuksan ko na yung mga notebooks ko. Nag-review review tapos nagsagot ng mga sample exams. Ugh, sumakit na yung ulo ko. Naghalu-halo na lahat ng pinag-aralan ko. 2 hours na rin kasi kaming nagrereview.

“Break muna!”
“Okay, I think I’m going to have a headache.”
“Ako heartache. Huhuhu.”

Bigla naman kaming napatingin kay Alice dahil sa sinabi niya. Anong heartache?!

“Kasi naman eh! Ayun oh! Si Kevin! Nagfiflirt dun sa girl! Naku, lagot sa akin yang babaitang yan! Hmp! Nag-effort pa akong mag-aral ha!”

Tinignan namin yung tinuro niya. Ayun nga, may kausap si Kevin na babae tapos tumatawa. Ang linaw naman ng mata ni Alice pagdating kay Kevin! Spotted agad eh!

Pumunta muna kami sa malapit na cafeteria para kumain. Nagutom kasi bigla kami eh. Tsaka pang-recharge na rin.

“Hey Tiffany!” uy! Si Patrick pala!
“Hello Patrick!”

May dala siyang tray ng food, mukhang wala siyang maupuan ah?

“Prince Patrick, dito ka na maupo sa table namin!”
“Patrick, dito na lang!”
“Kyaaaa! Dito na lang po! May space pang malaki!”

Napayuko nalang siya. Bwahaha ayos ah? Pinag-aagawan siya ng mga fangirls niya!

“Dito ka na lang sa table namin. Mukhang mattrouble ka eh!”
“Talaga? Thanks!”

Naupo naman siya sa tabi ko. Pangwaluhan naman ‘tong table so kasya naman kami. By the way, hindi siya yung crush ni Jess na Patrick. Natawa nga ako kanina eh, kasi nakarinig lang ng ‘Patrick’ si Jess eh nag-panic na! HAHAHA! False alarm naman!

Pinakilala ko siya dun sa tatlo. Ayun, masaya na naman daw siya dahil may mga friends na siyang girls. Para talagang bata!

“Tiffany, bakit di pa kayo kumain?”
“Uhm, Patrick, Steff nalang. Ah kasi may hinuhunting pa sila eh.” Then tinuro ko yung tatlo.

OO. May hinahanap sila! Yung girl na kausap ni Kevin! Nakita kasi naming pumasok dito eh. Paparusahan lang daw nila. Baliw talaga mga best friends ko.

“Ay ganun ba Tiff.. I mean Steff?”

“Oo ganun nga. Kaya feeling ko mamaya pa kami makakakain.” Kasi naman eh. Akala ko ba gutom silang tatlo? Bakit inuna pa nila yung paghahanap dun sa babae?

Bigla namang umingay sa loob ng cafeteria. Paano ba naman yung ibang babae biglang nagsigawan.

“Yo Kevin! Dito!” Nagulat ako nung sumigaw si Patrick dun sa direction ng pintuan. Pagtingin ko, si Kevin. Pumasok sa cafeteria. Tss, kaya pala umingay eh! Then napansin niya si Patrick.

“Oh pinsan! Patabi ako dyan ha!” tapos pumila na siya. Tinignan ko naman si Alice na nasa kalapit naming table dahil nga sa paghuhunting na ginagawa nila. At hindi ko mapigilang hindi matawa. Eh pano ba naman! Na-froze na ata! Di na gumagalaw eh! Pero nagulat ako nung bigla siyang tumakbo papunta ditto.

“Pila na tayo Steff! DALI!” then hinatak niya ako bigla. Hindi naman siya masyadong halata no? Akala ko ba mamaya pa sila kakain? Ang gaga lang talaga niya, forever.

Nakapila na nga pala kami. And guess what? Pumwesto lang naman sa likod ni Kevin si Alice. Dumadamoves na ang loka! Naka-order tuloy kami ng wala sa oras. Tss. Pagbalik namin sa table namin, nakapwesto na doon sa Jess at Yna tapos nilagyan nila ng bag yung mga bakanteng seats. So ang result, magkatabi si Alice at si Kevin. Bwahaha! Halos hindi na nga gumagalaw si Alice eh. Pero deep inside, namamatay na talaga yan sa kilig.

Nagsimula na kaming kumain. Ako kausap ko si Patrick. Si Alice tahimik lang. Si Yna at Jess, iniintriga si Kevin. Nakakatawa nga dahil kung anu-ano lang yung pinagtatanong nila sa kanya eh. 

Nagulat naman ako nung umingay na naman sa loob ng cafeteria. Pagtingin ko, may pumasok na girl. Teka, yun yung kausap ni Darryl sa open field nun ah?

“Hey Tricia.”
“Hello Tricia.”

Oh? So close pala si Patrick at Kevin dun sa girl. Teka.. wait. Tricia?! Siya yung Tricia?! I mean.. the Tricia na nacucurious ako?! OMG! Siya pala yun?!

“Hello Patrick! Hi Kevin!”

Bigla siyang lumapit dito sa table namin at napatingin siya sa akin. 

“Uhm, di ba ikaw yung girlfriend ni Darryl?”

HA? Ako? Ay shet, oo nga pala! 

“Ah.. yup.” Then pilit na smile nalang.

“Wag mong intindihin yung nangyari kahapon ha? Wala lang yun. Ako nga pala si Patricia, Campus Princess. Uhm, pwede ba akong makiupo sa inyo?”

WHOA?! You mean, Patricia Dominguez? Yung top student? So.. iisa lang si Tricia at si Patricia?! OMG! Akalain mong siya pala yung topnotcher sa batch namin?! At kamusta naman sa akin, ngayon ko lang siya nakita in personal! Hindi ko na kasi masyadong natandaan yung mukha niya doon sa may announcement board eh. Oh well, at least kilala ko na siya. Naalala ko naman na nagtatanong pala siya kung pwede daw ba siyang makiupo sa amin. At dahil mabait ako..

“S..sure, dito ka nalang kumain. Uhm, by the way, ako si Tiffany Damian, campus princess rin. Ah, pwede bang malaman kung ano ka ni Darryl?”

Nacu-curious talaga ako eh. Parang may something kasi eh. Lalo na dun sa text na supposedly sa kanya isesend.

“Ahhh, I’m his ex. Sige, bili muna ako ng food ha?”

Pagkaalis na pagkaalis niya, pare-pareho kami ng reaksyong lahat. W..what the? Ex? So ex-lovers sila? Gosh.

“Ex niya pala yun? Bakit pag nakikita natin sila dati hindi sila nagbabatian?” napatingin kami kay Kevin. Hindi sila nagbabatian dati?

“Pero kahapon nakita namin sila ni Steff sa open field. Weird.” Oo nga. Nakita namin sila ni Patrick.

Habang wala si Patricia, siya ang topic namin. Well, eh sa na-curious kami eh. Pagbalik niya, naupo siya sa tabi ni Jess. Lahat kami siguro eh may gustong itanong sa kanya. Kaso nakakahiya naman. And isa pa, di naman kami close. Kaya mas nakakahiya.

Tapos bigla na namang umingay. UGH! Cafeteria ba talaga ‘to?! Dahil nakatalikod ako sa pinto, hindi ko nalang pinansin kung sinong pumasok. Kakainis kasi eh! Ang ingay-ingay dito sa loob!

“AHAHAHA! Eto na yun! OMG! BAGAY TALAGA!” nagulat ako nung parang nasapian si Jess ng masamang espiritu at biglang nagsisigaw habang kumakain kami.

“Hello bebe girl!” Ugh. Sabi na nga ba eh. May hinala na talaga ako na either Campus Princess or Prince ang papasok dahil yun lang naman yung time na nag-iingay yung mga estudyante. At sino pa nga ba ang nag-iisang taong tumatawag sa akin ng ganyan kabaduy?

“Bakit bebe b---” humarap ako sa kanya para ipakita ang sarcastic kong face pero biglang nagtransform yun sa super shocked, as in super duper shocked face. 

“What the heck?! Why are you wearing.. like that?!” The hell! Ano ‘to, lokohan?! Eh paano, naka-orange shirt din siya. At ang malala, long sleeves and stripes rin! So eto pala yung  kinababaliwan kanina nung tatlong yun? Ugh.

“Ha? Di ko naman sinasadyang magkapareho tayo ah. Well, it looks like we’re wearing a couple shirt. Right?” aba at kumindat pa! Yuck! Kadiri! 

“Destiny yan! HAHAHA!” hirit ulit ni Jess. Naku isa pa ulit, masisipa ko ‘tong babaeng ‘to!

Nag-uusap-usap na naman yung mga students sa cafeteria. Shet. Panigurado, tsismis na naman ‘to. Kainis naman oh. Bigla naman siyang umupo sa tabi ko. Sige lang. Pag kami sumabog!

“What a cute couple!”
“Quiet Yna! Kumain na nga lang tayo!”

Tapos natahimik si Darryl nung makita niya si Patricia. Wow ha? Ngayon niya lang napansin? Bigla namang naging cold ang atmosphere. Well, I think this is too awkward. Bakit ba kasi nagsama-sama kami sa iisang table?!

So ang seating arrangement namin is like this:

Yna      Patrick     Ako     Darryl
Alice     Kevin      Jess     Tricia

Alam niyo ba ang nararamdaan ko ngayon sa table namin?

TOO MUCH TENSION.


***