.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014


***

Nakakapeste talaga ng araw! Sirang-sira na first day ko!

“Hey Tiffany, sorry talaga. Nadamay ka pa tuloy.”

“Don’t mind me. Eh nakakairita naman kasi yun eh! Sino ba kasi yun?” napatitig naman siya sa akin. Okay. Anong nangyari sa kanya?

“Hindi mo ba siya kilala?!” Hala. Adik ba ‘tong si Jessica? Magtatanong ba ako kung kilala ko siya?

“Hindi eh.”

“He’s Ian Darryl Garcia. The top 3. The first campus prince. ”

Napatahimik aat nagulantang ang mundo ko sa sinabi niya. Siya? Siya yun?!

Ian Darryl Garcia. Ian Darryl Garcia. Ian Darryl Garcia.

OMG.

Sa lahat naman ng makakasagupa ko eh bakit campus prince pa?! Naman! Issue to the max na naman yan panigurado! Ahhh grabe nakakainis!

“By the way Tiffany, thanks nga pala kanina. I owe you a lot.”

“It’s okay. And just call me Steff. Okay?” sabay ngiti ko sa kanya.

“Steff?” Sabi ko nga. Matinding paliwanagan na naman ito! Kinuwento ko naman sa kanya yung history ng nickname ko, at after nun, Steff na ang tinawag niya sa akin. Well, close friend na ang turing ko sa kanya eh.

“So Jess na lang din ang itawag mo sa akin since friends naman na tayo.”

“Sure! Pero mauna na ako ha? May klase pa talaga ako eh. Bye!”

Shocks! Late na talaga ako. Naman kasi eh! Nakipag-away pa ako. Pagpasok ko sa room, nagtinginan lang yung mga classmates ko.

Sige ako na ang late. Wag na iparamdam sa akin, okay?

“Sorry, ma’am.”

Tapos pumasok na ako sa loob. Nakayuko lang ako dahil nakakahiya.

“Ms. Damian? Sit beside Mr. Garcia. Yun na lang ang bakante.”

Nag-nod nalang ako at tuluy-tuloy lang yung paglakad. Pero bigla akong bumagal nung nagsink-in sa utak ko yung sinabi ni ma’am. Mr. Garcia? Bigla akong kinabahan.

D..don’t tell me?

Napatingala ako bigla.

I’m dead. 

Confirmed. Siya nga. At idagdag niyo pa ang nakakaloko niyang ngiti. Bakit ba sa lahat ng Garcia na pwede kong makatabi eh siya pa?! Karma na ba ‘to? Tsk. Wala naman akong nagawa kundi  umupo sa upuan na in-assign sa akin. Pero inusog ko kaunti para di ko masyadong katabi ‘tong Darryl na ‘to.

Peste.

Nagsimula nang maglecture si Ma’am. Nakinig lang ako at nagsusulat nang kung anumang lumalabas sa powerpoint presentation.

“You’re dead.” Bigla niyang sinabi.

Hindi ko alam pero kinilabutan ako dun. Kahit di siya nakatingin sa akin eh alam kong ako yung pinapatamaan niya. Pero tuloy lang ako sa pagsulat kahit kinakabahan na ako.

“Alam mo bang ikaw pa lang ang unang nagsabi na nakakasulasok yung mukha ko?” Napatingin na ako sa kanya. Siya rin nakatingin sa akin.

“Eh ano naman? Di ba totoo naman?” Tapos nagsulat ulit ako. Shet! Bakit ang tapang ko ngayon?! Utang na loob Steff, tumahimik ka na! Ano bang gulo ‘tong napasok ko?! Ang ayoko pa naman eh magkaroon ng connection sa mga hunghang na campus princesses at princes. Masyado silang conceited.

Well, except Jessica. She’s my friend now.

Pero itong ‘prince’ na katabi ko? Siya na ata ang pinaka-malala sa lahat. Kahit gwapo siya eh napakayabang pa rin! Kabadtrip!

“You’re really dead Tiffany Damian. Get ready for my revenge.”

Alam niyo yung nakakatakot? Yung parang death threat niya yun? Pero di ko dapat ipakita na natatakot ako. Duh? Hindi rin ako papatalo sa kanya no! He’s just a freak! Akala niya naman kung sino siya! Kung title rin lang naman ang pag-uusapan, pantay lang kami no!

“Really? Just tell me when, okay?”

“Talagang sinusubukan mo ako ha? You’re really interesting.” Interesting mo mukha mo! Kinakabahan na nga ako dahil sa mga sinasabi mo eh! Badtrip ka!

“There’s nothing interesting in me. Marami sa ibang campus princesses. Dun ka maghanap ng mapaglalaruan mo. okay?!”

Ngumiti na naman siya. Takteng ngiti yan. Pang-model! Pero kahit na! Mayabang pa rin siya! Masama ugali! Freak!

“Yan ang gusto ko. Matapang. Sa wakas! I found my new toy.”

He’s really getting into my nerves. Ano daw niya ako? Toy?! Eh kung batuhin  ko kaya siya ng pagkarami-raming bakal na toys ngayon?! Peste talaga ‘tong lalaking ‘to eh! 

“Toy your face! Get away from me.”

Tinignan ko naman yung reaksyon niya. Sa itsura nya ngayon eh parang tuwang-tuwa siya na naaasar ako. Gustung-gusto ko na talagang pilipitin yung leeg niya eh! Pasalamat siya may prof sa harapan! Kung hindi, kanina pa humaba yang leeg niya!

“Pwedeng pwede ka na talaga, Tiffany.”

“Don’t dare to say my name!”

“Bakit? Ano bang meron sa pangalan mo?”

Bakit ko ba siya kinakausap? Nakakainis na talaga ha.

“Just shut up okay?”

Di na ako tumingin sa kanya at nagsulat nalang ulit ako. Bakit ba kasi katabi ko siya?! BADTRIP! BADTRIP! BADTRIIIIIPPP!!

Napatigil naman ako sa pagsusulat nung narinig ko siyang tumatawa mag-isa. Ang creepy. Di kaya nababaliw na ‘tong lalaking to? At bakit ko ba siya pinapansin? Ignore him. Ignore him. Makinig nalang sa prof. Pero kasi naman! Ang boring ni ma’am magturo!

“Tss. Ang boring.” Napatingin naman ako sa kanya. Gaya-gaya! Ako nakaisip nun ah!

“Why are you staring at me, Tiffany? Don’t tell me na-inlove ka na rin sa akin?” What the? Can I kill him, right now?

“Kapal mo. As if may ma-iinlove sa’yo?” Sa ugali niyang yun? Hell, none!

“Of course, ayun oh.” Tapos bigla niyang tinuro yung apat na girls dun sa harapan.

Ako naman, tinignan ko kung anong meron. Pagtingin ko, yung apat na babae eh nakatingin sa side namin. Teka. Bakit sila nakatingin ditto sa likuran?! Nasa harap kaya ang prof! 

“See? In love sila sa akin.” Tss. Nakatingin lang sa kanya in-love na agad? Ang ganda ng konsepto niya ng in love ha?

“So? Di ako katulad nila no. In love with a freak. Yuck.”

Pagtingin ko, ngumiti lang siya. Bakit ganun? Di siya naaasar sa mga sinasabi ko? Samantalang ako eh pikon na pikon na sa pagmumukha niya pa lang. Langya.

“Hey Tiffany.”

“What?!” Nakakairita na ha. Sabing wag niyang sasabihin yung pangalan ko eh!

“Shall I start?”

“Start what?!” kung anu-ano pang pinagsasabi! Kala mo naman close kami!

“My sweet revenge.”

Sweet revenge?! Pinagsasabi niya?! Nagulat ako nung tumayo siya. Anong balak nito?!

“Ma’am, can I switch my seat to that guy over there?” Tinuro niya yung guy sa unahan. Anong drama ng taong ‘to?

“Why, Mr. Garcia? Is there something wrong?” Tumingin siya bigla sa akin. With a teasing smile. Argh. Nakakakilabot.

“I think my seatmate’s in love with me.”

Ohhh yun lang pal—WHAT?! Anong pinagsasabi niya?!


***