***

So walo kami sa table. Ahem, ang weird talaga ng atmosphere eh.

“Hi Tricia.”
“Hello din Darryl.”

At eto na naman ang shocked face naming anim. Halos napatigil kami sa pagkain nung nagbatian silang dalawa. Akala ko ba mag-ex sila? Pero bakit? Bakit ganun? Di ba pag mag-ex dapat awkward pa kayo sa isa’t isa? Ang gulo!

O baka naman.. Nagkabalikan na sila?

Err. Bakit ko ba yun iniisip? Yaan mo nga sila! Buhay nila yan! Basta ako may chocolates! Nilibre kasi ako ni Patrick ng chocolates after naming kumain kanina.

After that scenario, naghiwa-hiwalay na ulit kaming lahat at nagsimula na ulit akong mag-aral. Nag-aral lang ako ng nag-aral hanggang sa one week na ang nakalipas. Pero nabobother pa rin talaga ako sa nangyari nun. Ewan ko rin kung bakit. Nandito nga pala ulit ako ngayon sa garden. Sumakit yung ulo ko sa exam ko sa Math kanina! Puro derivatives at integration!

“Oy! Steff!” pagtingin ko, papunta pala dito sa garden yung tatlo.
“Oh bakit?”
“Wag ka ngang emo!”
“Oo nga malay mo di sila!”
“I think they’re just friends!”

Ha? Ano daw?

“Ano bang pinagsasabi niyo?”

“Asus! Eh baka kasi nagseselos ka kay Tricia no!” What?! Ako magseselos?!

“Ano ka ba Alice? Bakit ako magseselos?” bigla namang pumunta sa harapan ko si Jess.

“Eh kasi po diba CRUSH mo si Da--” Bago pa matapos ni Jess yung sasabihin niya eh tinakpan ko na yung bibig niya. 

“Shut up Jess! Kung anu-anong pinagsasabi mo.”

“Huh, sorry naman! Para kasing crush lang ayaw pa sabihin!”

Ang kulit neto ah?

“Change topic na nga! Teka ilan pa pala exams niyo ngayon?”

“Dalawa pa.” Dalawa pa kay Jess.
“Last two.” So dalawa rin pala kay Yna.
“Waah! Tatlo pa sakin!” Bwahaha! Malas ni Alice!
“HAHAHAHA! Ako wala na!”

Ininggit ko lang sila dahil katatapos lang kanina ng exam ko sa math. Nagbanana dance pa ako sa kanila kahit di naman ako marunong sumayaw, para lang ma-justify ang pang-iinggit ko. After nun, nagpaalam na rin sila agad sa akin dahil nga may mga exams pa sila. Ako naman, naiwan lang ditto sa garden mag-isa.

“Gusto mo?” nagulat ako nung biglang may nag-abot sa akin ng strawberries. Oh my gosh! 

“Yeah!”

“Wow. You’re really addicted to it, huh?” Binigay niya sa akin yung tupperware na punung-puno ng strawberries! Waaaaahh! Heaven!

“Teka, wala man lang bang thank you, bebe girl?”

Ay oo nga pala. Jeez. Teka, si Darryl pala ‘to?! Masyado akong na-focus doon sa strawberries at di ko na natignan kung sino yung nagbigay. Kung hindi ko pa narinig yung ‘bebe girl’ eh hindi ko pa marerecognize kung sino siya.

“Thank you!”

Syempre sinunggaban ko kaagad yung strawberries. Shemay ang sarap! Heaven! Feeling ko mauubos ko ‘to lahat sa isang kainan! Gusto ko pa namang mag-reserve para mamaya. Bakit kasi ang takaw ko?! 

Napatingin naman ako kay Darryl dahil nasa harapan ko lang siya at nakatingin sa akin na parang ewan. Problema niya?!

“Anong tinitingin-tingin mo?”

“Hmm, wala naman. Ang takaw mo pala. Hahaha!” compliment ba yun? 

“Okay, I’ll take that as an insult. Tss.” At tumawa na naman siya. Ano ba yan? Katawa-tawa ba akong kumain?

“Sorry naman matakaw ako ha! Eh nagbigay ka kasi ng pagkain, yung alam mo pang susunggaban ko!”

“Syempre! May kapalit yan.” Then bigla siyang nag-smirk.

Guh. Gusto ko atang iluwa lahat ng nakain ko. Kapalit? Uh oh. Nararamdaman kong hindi ito magiging maganda. 

“Oh ayoko na pala nito.” Tapos binalik ko sa kanya yung Tupperware na halos kalahati nalang ang laman.

“Tss, nakain mo na nga yung kalahati eh!”

“Eh malay ko bang may kapalit?! Nakakainis ka naman eh!”

“Madali lang naman eh. Please?”

Nagulat ako nung nagbago yung facial expression niya. Naging seryoso kasi bigla. What the? Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko dito ha. Nakakaawa yung pagmumukha niya ngayon eh.

“Ano ba kasi yun?!”
“Steff…”

Goosebumps. Yuck. Di talaga ako sanay na tinatawag niya akong Steff! With feelings pa ha! Di naman kami close! Tss.

“Tulungan mo naman akong mag-move on oh? Please?”

Huh?
MORE GOOSEBUMPS.


***