.

.

Chapter 33

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, March 10, 2015


***

“STEFF?!”

Oh shit. What the heck? Anong ginagawa nila dito? OMG. Nakita nila ako! Nakita nila ako! Nakita nila akong kasama siya! Waaaahhh!

I’m dead.

“Ahh kaya pala di ka makakasama sa amin!”

“Haha! Gotcha! Sorry, we saw you!”

“Ayiieee, teka nga pipicturan ko para may solid evidence!” Nagulantang nalang ako nung nag-flash yung camera ni Jess.

“ENOUGH! This is not a date, okay?” mga baliw talaga ‘tong tatlong ‘to! Makadagdag lang ng malisya, wagas.

“Weh?”
“Really? Really?”
“Eh anong tawag mo dyan?”

Ugh. Sana tinutulungan niya akong mag-explain di ba? Eh nakaiwas lang yung tingin niya sa akin eh! Tapos nagpipigil ng tawa! Walanghiyang freak! Ang kapal talaga ng mukha! Ayaw mo akong tulungan ha? Pwes bahala ka!

“Hey, sama na ako sa inyo! Tutal nakita ko na kayo, let’s go shopping!” Palakad na sana ako eh kaso..
“Hep, hep!”

Hooray! Ay nyemas. Nahahawa na ako sa kakornihan niya.

“Ano?!”

“Di ba kakain pa tayo? At magpapalibre ka pa ah? Ayaw mo?” Huh! Wag na uy! Sasama nalang ako sa mga best friends ko!

“Wag na pala! Sila na manlilibre sa akin eh.” then tinuro ko silang tatlo.

“Anong kami?!” at talagang sabay-sabay pa sila. Tapos may gana pa silang ilaglag ako? Ayaw akong ilibre?! Mga walanghiyang ‘to!

“See? Ayaw ka nilang ilibre.” Tinignan ko naman yung tatlo with my nakamamatay na tingin. Kainis! Iwanan daw ba ako sa ere?

“Wala kaming pera Steff! Sa kanya ka nalang sumama! Bye!”

Tapos saka sila tumakbo ng mabilis. Aish! Wala daw pera pero mashoshopping?! Sinong niloko nila?! Lagot talaga sila sa akin kapag nakita ko ulit sila!

“So, kain na tayo?”

Eh ano pa nga bang magagawa ko? Tinakbuhan ako ng best friends ko eh. Ang saya di ba? Iniwan lang ako kasama ng freak na ‘to. Tss. Pero buti nalang at nilibre niya talaga ako. Sa Mang Inasal kami kumain kasi daw unlimited yung rice. Tapos for the first time, nagkamay ako. Oo! First time ko lang! Sorry naman! Lagi kasi akong nags-spoon and pork kahit fried pa yung ulam namin pero bwisit lang ‘tong si Darryl kasi walang kinuhang kutsara’t tinidor. Kapag naman tatayo ako, lagi niya akong hinaharangan. Nakakabwisit di ba? Eh di ayun. No choice. Pero ang freak na ‘to, pinagtawanan ako! Ang liit ko daw kasing sumubo. Pakialam niya ba?! Eh first time ko nga eh!

Pagkatapos naming kumain ay naglibot lang kami sa mall para maghanap ng chocolates. Nagulat naman ako nung biglang nagvibrate yung phone ko. Pagtingin ko, tumatawag pala si Venice. 

“Hello? Bakit?”
“Ate! She’s back! She’ back! Umuwi ka na!” then binabaan niya kaagad ako.

Napatulala nalang ako sa narinig ko. Oh gosh. She’s back. No way!

“Hey Darryl, uwi na ako! Bye!” tapos tumakbo ako sa sobrang pagpapanic. Pababa na sana ako ng escalator kaso may nag-sink in sa utak ko.

Ayoko palang mag-taxi! Huhuhu.

Kaya bumalik ako papunta sa kanya. Para nga akong timang kasi pababa yung escalator pero paakyat ako. Buti nalang at nasa medyo taas pa ako kaya nakaalis ako agad doon sa escalator. Nakita ko naman agad siya doon.

“Hatid mo na ko, please? I really need to go home!” Mukha namang naintindihan niyang seryoso ako. Kaya hinila ko na siya papuntang parking area at pumasok na sa kotse nila.

“Manong pwede po paki-full speed? Please? Please?”

“Ah.. o sige po Ma’am.” Sinabi ko naman sa kanya yung address ko kaya umandar na yung kotse.

“Bakit ka ba nagmamadali?” napatingin ako kay Darryl at mukhang na-curious siya sa sudden change ng personality ko.

“Ah..wala.”
“Sigurado ka? Eh bakit parang natataranta ka?”
“Basta. Wag ka nalang magtanong, okay?”

Siguro after 10 minutes eh nasa tapat na ako ng bahay namin. Phew! Full-speed nga!

“O sige, bye na! Salamat sa paghatid! Ingat!”
“Okay?” nagtataka na siguro siya kung bakit ako napaparanoid.

Tumakbo agad ako papasok sa bahay at napatingin nalang ako sa may living room namin. God. She’s really back. 

“Oh, hi dear!”
“Hi Mom. W..welcome back.”

Then hi-nug niya ako. Ugh. My mom’s really back. Si Daddy tsaka si Ven, andun lang sa may sofa. Mukhang worried sa akin. Ako rin nag-woworry na para sa sarili ko.

“Steff, hija. I’ve already arranged your next appointment, next week yun. I hope you’ll enjoy.” Then nag-smile siya sa akin.

Gosh. I really hate that smile of her. And what?! Another appointment, again?! No way. I don’t want any of it!

Help!


***