.

.

Chapter 36

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, April 7, 2015


***

“Sige Steff, punta muna ako kila Mommy. Bye.”
“O..okay, bye! Happy birthday ulit!”

Grabe, ang liit talaga ng mundo no? Akalain niyong anak pala siya ng business partner ni Daddy? Kaya pala parang pamilyar yung name niya. Tss, siya pala yung anak ni Mr. Reyes.

Nung nakita ko siya kanina, nagulat talaga ako. Tapos nakita niya rin ako at nagulat rin siya. Astig no? Pareho kami ng reaction. Mukhang ewan lang. Nung natapos na yung intro ek-ek sa kanya, pinuntahan niya agad ako sa table namin.

At ayun nga, nagkaalaman na ng family history! Then after niyang magkwento eh umalis na siya at pupuntahan niya nga daw muna Mommy niya.

“Steff, you know Patrick?”
“Yes Mom, actually schoolmate ko siya.”
“Really?!”

Ewan ko lang ha, pero feeling ko parang naging diamonds yung mata ng nanay ko. Eh ano naman kung schoolmates kami? Big deal? Tss.

Mga 11:00 na ata natapos yung party. Grabe nga eh, si Patrick lang talaga ang nakausap ko buong magdamag! Aba malay ko ba sa mga tao dito, di ko naman sila kilala. Eh etong si Mommy, may mga bagong ‘friends’ na naman daw siya. AH EWAN! Mga socialite lang naman silang lahat! Ganyan naman sa business industry eh, I admit, mga PLASTIC sila. Tss.

Tinawagan rin pala ako nung tatlo kanina. Buti nga tumawag sila eh kung hindi mababaliw na ako sa sobrang boredom. At least may tatlong nangulit sa akin. Kaso sumakit naman yung ulo ko sa sobrang pang-aasar nila.

It’s already 12am. Nasa kwarto na ako at nakahiga. I’m really tired pero di talaga ako makatulog. Ano ba yan, lagi nalang akong madaling-araw natutulog ah?!

*Vibrate*

Kinuha ko kaagad yung phone ko sa table. Di ko na tinignan kung sino yung tumawag at sinagot ko nalang kasi nakapikit na ako at gusto ko na talagang makatulog.

“Hello?” 
“Bebe girl. Steff.”

Holy cow. Na-shock ako sa boses niya. Pang bedroom voice. Ang sexy! Sana boses nalang siya! 

“Uhh,*gulp* ba..bakit ka tu..mawag?” shiz. Why am I stuttering? 

“Hmmm, chinecheck ko lang kung tulog ka na.”

“Ah oo tulog na ako. Actually, nags-sleeptalk lang talaga ako eh. Sino nga ulit ‘to? Parte ka ba ng panaginip ko?” hindi ko alam kung bakit ko siya pinagtitripan pero narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. 

“Wait. I have a proposition. I’ll always call you at night.” Napatigil naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Always call me at night? Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko nawawalan ng effect yung aircon ko sa kwarto. Bakit mainit? At bakit siya ganito? Hindi ako sanay! Hindi niya ako inaasar!

“Do what you want.” Bigla ko nalang nasabi.

“You know what? I think our plan might be successful. My feelings for Tricia are starting to fade away.”

“Ganun ba? Good for you. At least makakapag-move on ka na.”

Teka nga. Ano ba ako dito? Love adviser? Di bagay ha.

“Oo nga eh. Thanks to you.” Naguluhan naman ako bigla. What does he mean? Wala pa nga akong nagagawa eh.

“Thanks for what? Wala pa nga tayong napaplano eh.” Narinig ko ulit siyang tumawa. Hala? Nababaliw na ata talaga siya. Mag-isang tumatawa? Creepy!

“Hmm dami mo na ngang nagawa eh. Salamat talaga.”

“Di ko gets. Labo mo.” Then nakarinig na naman ako ng tawa sa kabilang linya. Grrr. Bakit ba siya natatawa?! 

“Bakit ba tawa ka ng tawa? Pinagtatawanan mo lang ata ako eh! Yoko na nga! Babye--”

“No! Teka, masama bang tumawa? Bebe girl naman!”

Ugh. Why is that every time he calls me ‘bebe girl’ eh kinikilabutan ako? Yikes. Nakakakilabot naman kasi talaga! Tsaka ang feeling close niya ngayon ha! Pansin ko lang!

“Oo masama! Malay ko ba kung pinagtatawanan mo ako?”

“Bakit kita pagtatawanan?”

“Ewan. Malay ko.”

“Bakit ewan mo?”

“Eh kasi hindi mo ewan. Ewan ko nga eh.”

“Kaya nga. Bakit ba kasi hindi ko ewan? Bakit sa’yo?”

“Eh akin yun eh. Alangan namang sa’yo?”

“Bakit sa’yo lang? Pwede namang ewan ko rin yun ah?”

Lechugas. Ayoko na! Ayan na naman sa walang kwentang topic! Napakapilosopo kasi kausap eh! Nabobobo ako dahil sa kanya! Hindi ko alam kung ano na ba yung pinag-uusapan!

“Fine! Suko na ako! Ayoko na! Bye na talag---”

“I think I’m starting to like you. HAHAHA! Bye!”

Bigla niya akong binabaan. Hindi ko naman natanggal agad yung phone sa tabi ng tenga ko. A.. ano daw? Huh? Parang out of nowhere eh bigla niya nalang.. shems. Baka pinagtitripan na naman niya ako! Kainis talaga yun! Pero…

*vibrate*

Napatingin ulit ako sa phone ko. Huh? Unregistered number? Sino naman kaya ‘to?

“Hello? Who’s this?”
“Steff, Patrick ‘to.”

Ngek? Nagbago siya ng number?

“Bakit iba number mo?”
“Ah, di na kasi ako makapagtext gamit yung isa kong number eh. So I have to change it.”
“Ahh, okay. Bakit ka nga pala napatawag?”

Wow ha? Dami kong caller. Ano ako? Call center agent?

“Ahh wala lang. Nagulat talaga kasi ako kanina na magkapartner pala parents natin.”

“Haha, di makapag-move on?” bigla naman siyang tumawa. Okay. Bakit ba lahat ng nakakausap ko sa phone eh tinatawanan ako? Ano bang mali sa akin?!

“Oo di ako makapag-move on eh. Small world.”

“Oo nga eh. Ikamusta mo nalang ako kay Tito Rick ha?”

Daddy niya yun. Siya lang naman kilala ko sa family nila dahil siya lang ang nakakausap ko. Though kilala ko na rin si Patrick, malamang. Yung mom niya, di ko pa nakikita at di ko alam kung may kapatid ba siya o wala.

“Sure. Gulat nga rin siya nung nalaman niyang kilala kita eh. Sobrang ganda mo na daw.” Psh. Si tito Rick talaha, bolero pa rin kahit kalian! 

“Che, mga lalaki talaga bolero.”

“Oy hindi lahat ha! And totoo naman eh, you’re pretty. No, you’re gorgeous.” See? Mga bolero talaga. 

“Sige isa pang bola, sasapukin kita sa 2nd sem! Threat to, matakot ka.”

Hindi ko alam kung bakit ko siya tinatakot, eh halata namang hindi effective kasi tinawanan lang niya ako sa kabilang linya. Walang hiya.

“Haha. You’re really cool. I think I’m starting to like you. Sige, I gotta go. Bye.”

Bigla nalang niya akong binabaan. And for the second time, hindi ko na naman naalis yung phone ko sa tenga ko. Feeling ko nanigas na yung kamay ko. What the heck? Dejavu? Anong nangyayari?

Anong problema nilang dalawa? Anong sabi nila? Shet. Kailangan ko nang magpatingin sa doctor. Feeling ko bingi na talaga ako. Kung anu-ano nang naririnig ko.


***