***

“Huy ate! Sasama ka ba?”

Uhh? Nawawala na naman ako sa sarili ko. Takte. Sobrang antok pa kasi ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Bwisit kasi yung dalawang yun! Kung anu-anong pinagsasabi!

“San ba tayo pupunta?”

“You mean you’re not listening? Ate naman eh! Kanina pa kaya kita kinakausap!” Weh? Ibig sabihin kanina pa ako lutang? Aba eh sa hindi ko na siya naririnig eh!

“Sorry Ven. Anyway, saan ba kasi tayo pupunta?”

After ng mahaba-habang explanation niya, naka-oo naman ako.

Actually, we’re going on a vacation pala. Nagyaya daw si Jess eh. Hindi ko nga alam kung bakit nauna pang nalaman ni Venice kesa sa akin. Hayaan na nga. Well dahil wala naman akong masyadong ginagawa, why not? Syempre nagulat ako dahil pinayagan kami ni Mommy at Daddy, eh mga monsters yan pagdating sa mga ganyang bagay. Marami naman daw kami eh. 

“Ate, bukas na yun ha. Mag-impake ka na.” Ay, ako ang inutusan? Panganay siya?

“Opo ate!” Sabay dila ko sa kanya.

Umakyat na ako sa room ko at sinimulan na ang pag-iimpake. Sa rest house kasi nila kami sa Tagaytay pupunta, ayon kay Venice. Marami-rami rin akong dinala dahil daw buong sembreak eh dun kami. Di kaya magkasawaan kami ng mga mukha? Puro sila lang ang lagi kong nakikita eh! Hanggang sembreak ba naman?

After kong mag-impake, kumain ako ng lunch kahit 5 pm na. Eh pano mga 3 pm na rin kasi ako nagising kanina. Sabi sa inyo eh. Ganito talaga ang regular kong gising kapag walang pasok. Sabi nga ni daddy, buhay prinsesa raw ang peg ko.

*vibrate*

Kinuha ko naman agad yung phone ko then nakita ko na tumatawag pala si Jess. Wow salamat at nagparamdam rin ang bruha! 

“Oh Jess, bakit?”

“Wala lang! Akala ko di ka na naman matino kausap eh.”  Huh? Na naman? Nag-usap ba kami kanina?

“Ha? Bakit?”

“Ay naku, may amnesia ka ata eh! Tinawagan kaya kita kanina kaso puro ‘I like you’ lang sinasabi mo! Ikaw ha? Ayiieee, sino yang like mo? Umamin ka nga!”

OH MY GOD. Weh? Sinabi ko ba talaga yun? Lechugas! Anong pinagsasabi ko kanina? Tsaka kelan siya tumawag? Hala!

“Tumawag ka ba kanina? At may sinabi akong ganun? Hoy Jess wag kang imbentor!” Tawa naman siya nang tawa sa kabilang linya. Sige lang!

“Oo kaya! Mga 10 am yun! Para kang loka-loka at puro I like you pinagsasabi mo! Bwahaha! Sana pala nirecord ko! Ikaw ha! Ayan na ba ang epekto ng love sa’yo?”

“Ewan ko sa’yo! Wala lang ako sa wisyo nun! Wag ka maglagay ng malisya! Hahaha! Teka anong oras ba bukas? Tsaka saan magkikita?”

“Sa bahay namin. 4am. Oh sige, nanggugulo na naman ‘tong kapatid ko eh. Baboo! See you tomorrow!”

At ayun, binabaan ako ng phone. Di naman ako makapaniwala sa pinagsasabi ni Jess at sa pinagsasabi ko raw sa kanya. Shemay! Sabi ko na nga ba masama ang epekto nung nangyari kagabi eh! Waaah nakakahiya! Panigurado alam na rin yan nila Yna at Alice dahil sa kadaldalan ni Jess. Takte. Bakit ba kasi ako nag-“I like you”? Psh.

Bigla namang nag-sink in yung sinabi sa akin ni Jess kanina bago niya ako binabaan. 4 am?! Shet! Ang aga naman! Magising kaya ako nun?! Eh kung wag nalang kaya akong matulog ngayon? Tama. Puro tulog naman ang ginawa ko kanina eh. Siguro naman hindi ako aantukin. Pero para sure, dapat maging busy ako ngayon!

Bigla namang lumitaw si Venice sa sala kaya may naisip akong gawin. Mwahaha idadamay ko nalang siya para may kasama ako! 

“Ven! Movie marathon tayo!” bigla naman siyang tumakbo papunta sa akin with a shocked face. Tapos hinawakan niya pa yung noo ko at talagang feel na feel niya pa ang pagiging shocked.

“Nasisiraan ka na ba ate? Sigurado ka? The eff. Isa ‘tong himala! Oh my God. Kailangan ko ‘tong ibalita kay itay. Daddy! Daddy! Si ate!” saka siya tumakbo papuntang second floor.

Okay. Walanghiyang Venice na yun. Oo na, oo na. O sige na ako na hindi mahilig manood. Kaso ang OA ng reaksyon ng kapatid ko ha! Di lang naman kasi ako mahilig manood ng movies. As in parang sobrang konti palang ng napapanuod ko, bukod sa Barbie movies na pinapanood ko lagi nung bata pa ako. Kapag naman may family outing kami at gusto nilang manood ng movie, natutulog lang ako sa theater kasi ayoko talagang manood. Pero sige, pipilitin kong manood ngayon para pampalipas oras.

Nagulat naman ako nung nakita kong tumatakbo rin si daddy, kasama si Ven, papunta sa akin. So talagang binalita niya kay daddy? Gaga talaga nun! Pati si daddy eh tinanong kung ano daw ba ang nakain ko at magmo-movie marathon ako. After ng walang kwenta kong explanation eh tinulungan na nila akong magset-up nung player namin. Tapos, nagpaluto na rin kami ng popcorn para feel na feel ang panonood. Then pinatay rin namin yung ilaw. Oh di ba? Parang sinehan lang.

Si Venice na ang pinapili ko ng movies dahil nga wala naman akong alam dyan. And sabi niya, ang una daw naming papanuorin ay Ghajini. Indian film daw ‘to.

Nagsimula namang mag-play yung movie. Hindi ko nga napansin yung oras eh. Almost three hours kasi yung length niya at hindi naman ako nagsisi sa panonood. Shemay kasi! Super nakakainlove na nakakaiyak na nakakasuspense na nakakabaliw! Grabe lang yung mga scenes! Para nga kaming baliw ni Ven dahil iiyak kami tapos biglang kikiligin.

Nagpahinga muna kami bago manood ng next film. Hindi kasi ako makamove-on sa Ghajini. Huhuhu. Nakakainis lang kasi ang ganda niya!

After naming magpahinga, sinalang na niya yung next film. Tangled daw yung title. This time, Disney animation naman. Since napanood na daw ‘to ni Ven, iniwan niya ako. Doon siya pumwesto sa gilid at nagtext nalang. Aba? At sino naman kaya ang katext ng babaeng ‘to? Hmm. Kakalkalin ko nga yan mamaya kapag naiwan niya o kaya nakatulog siya.

Ay teka, nanonood nga pala ako!

Naging interesado naman ako agad kasi nga animation siya, yung parang Barbie. Hahaha! Pero oh my gosh lang! Nakakakilig! Ang kulit lang ni Rapunzel! Parang ang sarap tuloy magka-lovelife. Ay teka, ano bang pinagsasabi ko!

“Oi Ven, tapos na yung Tangled! Anong next?” 

“Horror naman ate! The Grudge!”  Shiz. H..horror?

“Oh bakit ka namutla dyan? Ahaha! Takot ka nga pala sa mga multo! Weak!” Leche. Nang-asar pa.

“A..Asa! Di ako takot no! Game! Nuod na tayo! Baka ikaw takot dyan?!” Pakshet! Takot nga ako pero di naman ako papatalo sa kapatid ko no! Competitive ako! Alam ko namang medyo matatakutin rin siya eh!

“WAHAHAHA! No way! O sige nood na tayo!”

At pumwesto na kami sa harapan ng tv. Biglang nag-iba yung atmosphere. Pinlay niya yung film at niyakap ko kaagad yung unan na una kong nahawakan. Nung medyo matagal na…

“AAAAHHHHHHHHHHHH!! PATAYIN MO NA!! AYOKO NA!!! SHET! WAAAH LUMALABAS NA SIYA! PATAYIN MO VEN! WAAAAH!!”

“IKAW NA!!! IKAW MALAPIT EH!! WAAAAAHHH!! A..AYAN NA SIYA! ATE PATAYIN MO NA KASI DALIAN MO! ANO BA!!”

“MANANG PATAYIN NYO YUNG T.V!! MANANG!!”

Nawala naman bigla yung sounds. Pagdilat ko, patay na yung TV at nasa harapan ko na si manang.

“Ayos lang po kayo?” tapos napansin kong nagpipigil ng tawa si manang. Huhu. Nakakahiya!

“Uhm, opo. T..thank you.” Then umalis na siya after nun.

Eh sino ba naman kasing hindi matatawa? Napunta ako sa likod ng couch at nagtatago tapos si Venice eh napunta dun sa sa ref! Layo ng nilakbay! Weak pala ha? Eh parehas lang kaming nagtitili eh! Buti di nagising sila Mommy at yung mga maid lang yung nagpunta sa amin.

“Hoy Venice, samahan mo ako dito! Tapusin natin ‘to! Di daw takot pero ilang metro yung tinakbo mo!”

“Oo na! Eh kasi eh! Bakit kasi patay yung ilaw?!”

Sus! Nagdahilan pa ang loka! Ayaw pang aminin na takot rin siya! Psh.

Umupo na ulit kami sa sofa at ayun, natapos naman namin. Puro sigawan at yakapan at taguan nga lang ang nangyari. Mukha kaming baliw dun! Basta ang huli naming pwesto eh ako naman yung tumakbo papuntang kitchen at siya eh nagtago dun sa likod ng couch. Oh di ba? Ang OA lang naming manood.

Di na kami natulog. Nanood pa kami ng isang film. Yung Up. After nun, tumingin ako sa phone ko at nakita kong 3am na. So nagprepare na rin kami nung time na nun. Nagpahatid kami kay kuya Ronald Tten mga 4:10 kami nakarating kila Jess. Pagdating namin dun, napanganga nalang ako dahil ang dami namin. Mga lagpas 20 ata. Ano ba ‘to? Fieldtrip?

“BEBE GIRL!” Lalo naman akong napanganga nung nakita ko siya. 

“K..KASAMA KA?!”

Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan.


***