***

“Steff, dito yung room nating mga girls. Andun na rin yung mga gamit mo. Dala nung mga princes mo.”

“Aynaku yang mga ngiting yan Jess ha. Wala lang yun, tungeks! Baka trip lang nilang magbuhat!”

“Asus! Halata naman sila eh! O sige, baba muna ako. Maghahanda lang kami ng breakfast.”

“Okay. Babush!”

Pagkaalis ni Jess, pumunta muna ako sa veranda. WOW! As in super wow! Ang ganda ng view. Kitang-kita yung Taal. Tapos andami pang puno. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nasa villa na rin ako. Kahit nakatayo lang ako ng ganito at nakatingin sa paligid eh hindi nakakabagot.

7 AM na nga pala. Halos 3 hours rin pala yung byahe. Nakatulog lang naman ako eh. Bumaba na rin ako after kong magtingin-tingin sa kwarto namin. Naghihimutok na naman yung tiyan ko eh. Gutom na ako!

Pagkababa ko, si Tricia lang ang andoon. Asan kaya yung iba?

“Tricia, nasaan yung iba? Bakit mag-isa ka lang?”

“Ah sila Jess, andoon sa kabilang bahay, dun daw sila gagawa ng breakfast kasi sira ata yung kalan dito. Yung mga boys naman, tumulong sa pagkuha ng mga kahoy, magbobonfire daw kasi mamaya. Nagpaiwan nalang ako para may magbantay dito.”

“Ahh, okay. Di ka ba nabobore? ‘Lika, pasyal muna tayo.”

Tss. Feeling close ako ah? Yaan mo na nga, magkasama naman kami sa vacation na ‘to eh. Why not be friendly, right? Tsaka gusto ko rin ng makakausap. Iniwan nila kami dito eh!

“Sure! Gusto ko nga ring mamasyal eh.”

Lumabas naman kami. Tapos naglakad-lakad dun sa bandang mapuno. Grabe ang ganda talaga dito. Ang cute nung mga puno kasi parang spring season lang. Super bukadkad yung mga bulaklak tapos sobrang greenish ng paligid. Medyo malayo na nga kami sa bahay pero alam naman namin yung daan pauwi.

“Tiffany?”
“Yeah?”
“Pwede ba akong mag-share sa’yo? Kailangan ko lang kasi ng kausap eh.”

Ewan ko pero feeling ko ang laki-laki ng problemang dinadala niya. Halata sa mukha niya. Pasan niya ata mundo eh?

“S..Sure. You can trust me. Marunong naman akong magtago ng mga secrets eh.”

“Thanks talaga.” Sabay ngiti niya ng angelic. Ang ganda niya!

So naglakad ulit kami, pero this time, mas mabagal.

“Alam mo ba, first boyfriend ko si Darryl…”

Eh? Tungkol pala kay bebe bo-- freak?

“We’re schoolmates nung highschool. I’m the top student at siya naman yung 2nd nun. Lagi kaming nagcocompete para sa 1st rank. Dahil dun, mas naging close kami ang we fell in love with each other. Nung naging kami nga, feeling ko ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. Kasi para sa akin, siya na ang ideal guy ko. Yung almost perfect guy? Ewan ko ba, pero masyado akong in-love sa kanya eh.”

Medyo na-shock naman ako sa introduction niya. So sasabihin niya ba talaga lahat sakin? Sabagay, parang interesting namang pag-usapan si freak eh. Malay niyo may makuha akong pang-asar sa kanya. Mwahaha!

“Sa school, sinasabi lagi ng mga students na perfect couple daw kami. Kahit mga teachers namin, yun din ang sabi. Kaya nga sabi ko sa sarili ko dati, hinding-hindi ko na siya papakawalan. I don’t wanna end our relationship. I want it to last forever. Gusto ko siya na yung man of my life. Yung makakasama ko habang buhay. My 4th year high school was the happiest time of my life, dahil kay Darryl. Wala nga atang makapagpahiwalay sa amin nun eh.”

Napaisip naman ako. Ang sarap sigurong ma-inlove. Lalo na kung sa taong in-love rin sa’yo. Ganun kasi yung situation nila eh. Pero bakit kaya nag-end sila ng ganito? Pero higit sa lahat, bakit parang naiirita ako? Hmm. Siguro dahil masyadong perfect. Yun nga siguro.

“Tricia, pwedeng magtanong? Bakit kayo nag-break? I mean, di ba nga sabi mo perfect couple kayo?”

Di ko na talaga maiwasang magtanong eh. Curiosity.

“Yun nga eh. I thought we’ll last forever. Pero hindi pala. Nung sinabi ko sa parents ko yung tungkol sa amin ni Darryl, nagulat sila kasi di nila akalaing magkakaroon ako ng boyfriend. Dun ko nalaman na may fiancé na pala ako. Akala ko hindi na uso yung mga ganun-ganun, pero ayun nga. Parang they decided na i-engage ako sa anak ng best friend ng dad ko. Of course, pinilit ko sila na i-call off yung engagement, pero wala na daw silang magagawa dahil mismong araw ng kasal namin eh napagkasunduan na at meron na ring mga certificates about dun.”

After niya yung sabihin, umiyak siya. And I felt bad for her. Tumigil kami sa paglalakad at umupo muna dun sa ugat ng puno. Gosh, di ako marunong mag-comfort pero pi-nat ko lang yung likod niya para tumahan na siya. Ewan ko pero ang bigat rin ng loob ko. Feeling ko sobrang sakit nun.

“T..tapos, sabi ni Mommy, makipag-break nalang daw ako k..kay Darryl ng maaga p..para walang gulo. At first, di talaga ako pumayag. Pero nung malapit na yung graduation, nakipagkita sa family ko yung fiancé ko daw. Saka ko na-view yung situation namin. Ayoko namang mapahiya yung parents ko. Ayokong masabihan sila ng masama. Besides, nakita ko rin nun si Darryl with Andrea. Ewan ko pero feeling ko, mas lalo pa silang naging close. Dahil dun, napag-isip-isip ko na ayoko namang saktan yung family ko. S..syempre, sila pa rin ang pipiliin ko. A..ayokong madisappoint sila sa akin. S..so I have no choice but to break up with him. Wala akong sinabi sa kanya. I don’t want to involve him anymore. Kaya kahit masakit, ginawa ko. For the sake of my parents, for the sake of my family. I’ll set aside my heart and follow my brain.”

Lalo lang siyang umiyak. And I realized that I’m also crying. Ang tindi pala ng nangyari sa kanya. All this time na nakikita ko siya sa campus na nakangiti, eh sobrang laki pala ng problema niya kay Darryl. Then nacurious ako sa nabanggit na name. Yung Andrea. Third party, perhaps? Gusto ko sanang itanong, pero nahihiya naman ako.

“Simula nun, hindi na ako nagpakita kay Darryl. But I didn’t expect that he would follow me. Kaya nag-aral rin siya sa university. Ang hirap umiwas lalo na kung gustung-gusto mong lapitan yung taong yun. Ang hirap ngumiti sa harap niya lalo na kung gusto mong umiyak kapag nakikita mo siya. Ang hirap niyang kalimutan lalo na kung siya lagi yung iniisip ko. Ang hirap mag-let go kung alam mong mahal nyo pa yung isa’t isa. Gusto kong sabihin sa kanya lahat, pero I’m sure na pag nalaman niyang may fiancé na ako, magugulo lang ang lahat. Kaya hindi ko pinaalam sa kanya. He doesn’t know a thing. A..Ayoko na siyang pahirapan, Steff.” Then bigla niya akong niyakap.

“Ssshh. I..it’s okay. I’m here.”

Sobrang lungkot ng love story nila. Sobra. Sobrang bigat sa pakiramdam. Kung ako siguro ang nasa kalagayan ni Tricia ngayon, malamang gabi-gabi akong umiiyak. Hoping that my destiny will change. That I’ll be marrying the one I really love. Umiiyak na rin ako ngayon. Pati ako nasaktan sa kwento niya. Now I know how strong is she.

Pagkatapos niyang magkwento, sobrang naging magaan yung loob ko sa kanya. Naaawa ako sa kanya. I want to help her.

“Thanks Steff, for listening. Naiyakan pa tuloy kita. Haay, atleast gumaan yung pakiramdam ko. Ganito pala pag nasabi mo lahat ng sama ng loob mo.” Tss. Fake smile. Alam ko namang malungkot siya eh.

“It’s okay. You can talk to me anytime.”

After naming mag-usap eh bumalik na kami sa resthouse. Jusme, mugto pa nga yung mga mata namin kaya natatawa kami sa itsura namin. Mukha kaming bampira sa sobrang pula. Hahaha.

Pagdating naming dun, nasa lamesa na silang lahat. Kami nalang palang dalawa yung hinihintay. Syempre shocked sila dahil magkasama kami. Malamang naman, di naman kasi kami close ni Tricia tapos biglang magkasama kami di ba? Tapos mga mukha pa kaming bampira.

“Bakit ang pula ng mata niyo? Umiyak ba kayo?” Kahit kelan talaga, intrigera ‘tong si Jess!

“Hindi no! Nagsukat kasi kami ng contact lenses kanina, masakit pala sa mata kaya namula.”

Hindi ko alam kung saan ko yun nahugot. Pero in fairness to me, lumalabas ang talino ko kapag mga palusot ang usapan. Shocks. Napatingin naman ako kay Darryl at naka-poker face lang siya. Err. Mukhang di effective ang palusot ko sa kanya. Umupo nalang ako sa upuan ko.

“Steff, gusto mo?” bigla namang nilagyan ni Patrick ng ham at egg yung plate ko. Ay, ganun?

“T..Thanks Patrick.”

Kakain na sana ako, kaya lang…

“Bebe girl, kumain ka rin neto. Masarap ‘to.” Then nilagyan nya yung plate ko ng bread tsaka hotdog.

“Ahm, t..thanks din bebe bo—Darryl.” Err. Mukhang nasasanay na akong tawagin siyang bebe boy! Ang sagwa!

Pero buti nalang at nakakain naman ako ng matiwasay. Kaso di ko naubos. Eh kasi naman ‘tong dalawang ‘to eh! Kung anu-anong pinaglalagay sa plato ko! Hello? Isa lang ang tiyan ko at hindi ko naman kayang kainin yun lahat! Sumakit lang ulo ko sa kanila! Pinagtatawanan na nga nila kaming tatlo kasi para kaming timang. Tss. Silang dalawa lang naman yun. Wala naman akong ginagawang katimangan no. Nadamay pa tuloy ako.

After kong kumain eh umakyat na ako sa room namin. Matutulog muna ako. Nahihilo na rin kasi ako sa sobrang antok eh. Mahigit isang oras palang yung tulog ko.

“Ate, matutulog ka?”
“Oo, ang sakit na ng ulo ko eh.”
“Okay. Sweet dreams!”

Ang bait naman ng kapatid ko. Parang ako lang! Pero teka, bakit may bitbit siyang gitara? Akala ko ba hindi siya marunong tumugtog ng kahit ano? Aba niloloko ata ako neto ah!

“Oi Venice!! Tara dito sandali!”

Bumalik naman siya sa room.

“Bakit ate?”
“Akala ko ba hindi ka marunong maggitara? Eh ano yan?”  
“Ah, eto.. ano kasi eh, ahh.. kay Roj ‘to ate.”

Huh? Sa kapatid ni Jess? Close sila? Kelan pa?

“Close kayo?”
“Classmate ko kaya yun! Sige na, bye! Matulog ka na dyan!”

Ay, ganun? Hmm, I smell something fishy. Anong meron sa dalawang yun? Teka nga. Eh bakit ko ba sila iniintindi? Matutulog nga pala ako.

***

Naalimpungatan ako bigla. Tsk. Napadilat nalang ako.

“Bebe girl!” 
“Ay pakshet!”

F..fudge. W..what the..

“Ba—bakit ka nandito?!”


***