***

“I think my seatmate’s in love with me.” Pagkasabi niya nun, nagtawanan yung mga classmates namin. Tapos may mga babae pang nag-side comment.

“Oh my God, may bago na naman tayong kaagaw kay Darryl!”
“Oo nga! Campus Princess pa! Naman!”

Grabe. Over sa kakapalan ang pagmumukha niya. Ako? As in ako? In love sa kanya?! Kadiri!

So eto yung sinasabi niyang revenge? Pwes hindi lang siya ang may kaya niyan. Ako rin. Tumayo ako bigla

“Ahm ma’am? Don’t mind him. Masyado lang siyang conceited at papansin kaya nagkakaganyan. Sabi nya po kasi boring ng klase niyo eh.” Then umupo ako agad. Nag-iba yung itsura ni Ma’am. BWAHAHA! Yari ka ngayon.

“Wow! Ang tapang ni Tiffany!”
“Yes. Yan ang crush ko!”

Nagulat naman ako sa naging division ng klase namin. Bigla kasing naghiyawan yung mga lalaki. Para tuloy ang kinalabasan, eh sa akin kampi yung boys, sa kanya yung girls.

“Okay, both of you. Please sit down, and DON’T EVEN DARE TO SAY  THAT MY CLASS IS BORING. Okay, Mr. Garcia?!”

Katakot. Napalunok ako sa kaba. Bakit parang nag-transform si Ma’am to a deadly beast? Ah ewan. But, the important thing is..

Nakaganti ako! HAHA. Bleh!

“Lalo akong natutuwa sa’yo Tiffany. Let’s see kung hanggang saan ka.” Then a weird cute smile. Huh! Talagang pinagkakatuwaan ako ng lalaking ‘to ha? Kainis.

“Yeah whatever. I said earlier that you don’t have the right to say my name. So, don’t ever call me, okay?!”

Ayun. Kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan. Alam niyo yung nagkakainitan pero sobrang hina na ng boses niyo dahil baka marinig na naman kayo ng prof? Ganun. Ganun ang scene namin ngayon. Nakakaletche lang. Buti na lang at natapos nang magpasyon, este maglecture ‘tong si Ma’am. Kung hindi eh baka nakatulog na ako sa klase niya.

Wuhoo! At least I survived!

Break time na. Great. Di ko makita sila Yna at Alice. Daming tao eh.

**Callingcalling**

“Hello Alice? San na kayo?”
“Garden. Kasama namin si Jess.”

Hala? Close na rin sila? Ayos ah.

“Ok. I’ll be there in 2 minutes.”
“Ok. Bye.”

Sheesh! Naglakad na ako papuntang garden ng nakayuko. Mukhang tanga lang. E kasi naman eh! Sana talaga di ko naririnig mga usapan ng mga tao sa paligid ko. Tapos ako pa yung topic! Buti nalang nakarating agad ako sa garden. Okay. Asan na sila Yna?

Ginala ko yung mata ko. Then nakita ko sila at lumapit ako sa pwesto nila. Ayos ah? Ano ‘to, picnic?

“Anong drama niyo at may palatag-latag pa kayo? Picnic?”

“Isn’t it obvious Steff?” sabi ko nga. Aba’t binabara-bara nalang ako ni Yna ngayon ah?

“Nakakatuwa kaya!HAHA. Nakisali na rin ako.” Napaka-energetic ni Jess! Naka-enervon ata eh!

Dahil nakalatag na nga yung kung ano mang tawag dun, kumot ata? Di ko alam eh. Ah basta yun! Nakisali na rin ako sa kanila. Syempre, inasahan na naming magtitinginan na naman yung mga estudyante. Bukod sa andito kaming dalawang campus princess, eh napaka-unusual pa ng ginagawa namin. Sino ba namang di maweweirduhan kung bigla nalang may naglatag ng kumot sa gitna ng garden, di ba? But it’s fun! Ang sayang makipagkwentuhan sa damuhan!

“Yeah yeah! That guy! He’s so hot! Oh my gosh!”
“See I told you! Ang cute niya pa.”

Napatingin naman ako bigla kay Yna at Jess. Oha! Nagkasundo agad sila basta hot guys ang usapan.

“Oh, by the way Alice, Kevin’s looking this way.” Halatang nang-aasar si Yna. Si Alice eh eto na naman sa kanyang taray effect. Sus! Palibhasa kinikilig lang yan! Usapang Kevin eh!

“Wah! OO NGA! Ang swerte mo Alice! He’s sooooo cute! Kanina rin sa room tinitignan ka niya eh!” isa rin ‘tong si Jess. Nakisali na rin sa asaran. Magkakaklase kasi daw sila sa isang subject. Eh di sila na. Samantalang ako, naging kaklase ko pa yung freak na mayabang na yun. Kainis. Makikisali na rin sana ako sa usapan nila pero nagulat ako nung sabay-sabay na tumingin sa akin ‘tong tatlong ‘to. Okay. Anong meron?

“Hey, hey. Anong problema niyong tatlo? Parang anytime pwede niyo na akong paghati-hatian ah!” nakakatakot kasi yung mga tingin nila eh!

“Oh come on Steff! We need some story here.” Story? Ano na namang pinagsasabi ng mga ‘to? Nanguna pa ‘tong si Yna.

“Cinderella? Snow White? Mga ganung story ba?”

“Steff, we already know that you and that Darryl guy are classmates.. and seatmates.” What?! Pano nila nalaman?! Mga tsismosa talaga ‘to!

“Oh and so?” sabi ko nalang sa kanila. Ayoko nang maalala ang nakakasulasok na nakaraan.

“We want some details! WAHAHA! Parang kanina inaway mo lang siya eh!” biglang sigaw ni Jess. Lechugas! Ipaalala ko kaya sa kanya na kundi dahil sa kanya eh hindi ko makakasalamuha yung Darryl na yun!

“Talaga? Nag-away sila? Whoa!” sabat naman ni Alice sa usapan. Aba? At wala na ang taray effect niya ngayon, ha?

“When? Where?” Isa pa ‘tong si Yna. Ano ba naman yan!

At nagsimula nang magtanong ang dalawang intrigera ng buhay ko. Si Jess yung nagkwento kung ano yung mga nangyari. Ayos. May reporter na rin ako. Sige lang. Maganda yan. Ako ang topic nila. And that Darryl. Hello? Andito kaya ako sa harapan niyo! Sana naman nahihiya kayo kahit konti?

“So talagang pinagtsismisan niyo ako ha?”

“Okay lang yan Steff, ikaw lang naman eh. Hindi naman kami eh.” sabi sa akin ni Alice. Huh? Ano daw? “At saka feeling ko interested siya sa’yo.”

“TAMA! Pansin ko rin yun. Naks Steff!” sabat na naman netong si Jess. Nasa tamang pag-iisip pa ba ‘tong tatlong kasama ko? Mukhang hindi kasi eh.

“Ewan ko sa inyo. I don’t care about him. He’s a freak.”

“Grabe naman. Freak talaga? Ka-gwapo gwapo nun eh! Di ba, Alice?” si Jess, ganito pala ‘to pag nakilala na. Ang hyper din!

“Oo nga. Hot pa.” so ganun Alice? Taksilan?

“Yun gwapo?! Huh! San banda?” Gwapo nga, ang yabang to the max naman. 

“You’re so mean, Steff. He’s really handsome and hot! Just accept the truth.”

Hala. Sineryoso talaga nila yung usapan? Ang aadik ng mga babaeng ‘to. Tinuloy nalang namin yung pagkain namin. Syempre, pinilit kong ibahin yung topic. Aba! Ayokong ako ang center of attention no! Kaya binalik ko ulit ang Alice-Kevin love team. HAHA. Pinuputakte na ng asar si Alice kay Yna at Jess. Pero in fairness, ang kulit ng dalawang ‘to. Parang bata sila kung mang-asar. Pero nagulat ako nung bigla silang tumigil sa pag-aasaran. Weird? Ang alam ko lang, nakatingin sila sa likuran ko, tapos balik ng tingin sa akin.

Naka-drugs ba sila?

Dahil masyado akong nacurious sa pinaggagawa nila, lumingon ako. At isang di inaasahang lagim ang naramdaman ko.

“What are you doing here, freak?!” Oops. Napatakip agad ako sa bibig ko. Bigla nalang kasi akong napasigaw nun! Tapos nagulat nalang ako nung nagtinginan na yung mga taong nakatambay sa garden sa table namin. Siya naman, nakatingin lang sa akin. Bwiset lang dahil nangawit yug leeg ko kasi nakatingala ako! Nakaupo kasi ako tapos siya nakatayo. Sinong di mangagawit ang leeg pag ganun, di ba?

“Hey, Ms. don’t-dare-to-call-my-name.” Loko ‘to ah! Nang-aasar na naman ba siya?!

“Ano bang sasabihin mo, Mr. my-seatmate-is-in-love-with-me?” Asaran pala ha? Fine. Tapos bigla siyang ngumiti. Ayun na naman ang kanyang evil smile. Parang may nakikita nga akong masamang aura na nakapaligid sa kanya eh.

“I just wanna say that my answer is yes.” Yes? Huh? Nagtanong ba ako sa kanya ng yes-or-no question? Bakit parang di ko maalala? Baliw ba siya?

“Hey freak, what are you saying?” Di ko alam kung saan ko nahuhugot ‘tong katapangan ko ngayon dahil kung maka-freak ako sa kanya, wagas.

“Sabi ko, sinasagot na kita. Di ba nililigawan mo ko? Ayan na. I’m finally your boyfriend.”

Nag-buffer ako at napatingin lang sa kanya. Huh? Nabingi ata ako? Ano daw?

Ballpen?


***