.

.

Chapter 41

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

*blink blink*

Napadilat naman ako. Shocks. Nakatulog din pala ako. Nahawa ata ako sa kanya. Wow ha? In fairness, tulog pa rin siy--

“OMG! What the hell?!”

Hinatak ko kaagad yung dalawa kong kamay. Eh pano! Yung isa hawak niya tapos yung isa nakapatong sa dibdib niya! Pano nangyari yun?! Whew! Hangin, asan ka na?! Nagulat naman ako nung gumalaw siya. Phew. Pero buti nalang at kami lang ang nandito. Safe. Walang nakakita.

“Ang ingay mo naman Steff! Shhh!” napanganga nalang ako. Oh God. Not her.

“Alice?!”

“Oh, bakit para kang nakakita ng multo? Don’t worry nakita ko naman lahat eh! Hahahaha!”

Takte! Sa lahat naman ng pwedeng makakita, yung pinakamadaldal at pinakahyper pa! Wala na. Durog na durog na ang kahihiyan ko. Hindi na ako magtataka kung makikita ko na naman yan sa underground website. Bwiset!

“Erm. Ingay.” Aba! Siya na nga nakitulog sa lap ng may lap, ako pa sisisihin?! Uumbagan ko na ‘to eh!

“Sorry naman ha! Pwedeng mag-sorry? Pwedeng mag-sorry?” kainis. Isa pa siya! Siya may kasalanan neto eh!

“Of course. Apology accepted. Ikaw pa, malakas ka sa akin eh.”

Bakit ba ganito ang mga taong nakapaligid sa akin? Hay naku. Tumayo nalang ako. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Di pa ako naglulunch.

“Alice, maglulunch muna ako ha?” mukhang busy pa kasi siya magkalikot ng phone niya. Mukhang may katext,

“Sige. Isama mo na rin yang BOYFRIEND mo. Di pa rin ata yan naglulunch.” Makadiin naman sa boyfriend! Pinagtitripan na naman ako ni Alice eh! Paghahandaan ko na ang pang-aasar niya mamaya kapag nasa girls’ room na kami!

“Oo nga bebe girl. Sabay na tayong maglunch. Tapos subuan mo ako.

“HA?!” hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya nung dulo pero parang may masama siyang binabalak eh.

“Wala sabi ko ang cute mo matulog. Sige una na ako dun!” then kinuha niya yung gitara at nauna nang umalis.

Ako naman ay sumunod na rin at iniwan si Alice doon habang nagbubutingting pa rin sa phone niya. Pagbalik ko sa bahay, andaming pagkain sa lamesa! Wow! Lalo akong nagutom! Naupo agad ako sa upuan tapos kumuha na ng pagkain.

“Oh, hinay-hinay lang!” Epal naman ‘tong Darryl na ‘to eh.

“Bakit ba? Eh sa nagugutom ako eh!”

After nun, di ko na siya muna pinansin. Basta gusto ko kumain! Gutom ako! Food war ito! Napatingin naman ako sa pinto kasi dumating na sila Jess, Tricia, Patrick, Roj at Ven. Tapos si Patrick, kumaway sa akin. Naks, ganda ng ngiti ah?

“BEBE GIRL!” Napatingin naman ako kay Darryl at nagulat ako sa ginawa niya.

“Urrmmhfff!”

Walang hiya! Nagulat nalang ako nung hinawakan niya yung jaw ko pero hindi naman masakit, tapos sinubuan niya ako ng kanin. Kaso ang laki kaya nun! Muntik na akong mabilaukan! Buti nanguya ko nang maayos! Ugh. Ano na naman bang trip niya?! Gusto niya ata akong mamatay eh!

Akala niya ha! Kumuha rin ako ng pagkalaki-laking kanin at ulam. My turn.

“Bebe boy! Here comes the airplane, say aaahhh!”

Nanlaki naman yung mata niya nung makita niya yung isusubo ko sa kanya. Nung una ayaw niyang ibuka yung bibig niya. Kaya pinisil ko din yung jaw niya plus isang matalim na hindi-mo-to-isusubo-o-mamamatay-ka-look.

“Ang sarap diba bebe boy?!” sabay smile ko sa kanya, sarcastically. Akala niya ha? Hahaha! Halos mabilaukan na nga siya sa laki nun eh! Buti nakainom agad ng tubig. Ilalayo ko nga sana kaso naawa naman ako. Baka mamatay siya.

“Ano ba yan Steff! Kailangan talaga sweet kayo sa harap namin? Hello? Alam mo yung salitang inggit? Nakakainggit kaya!”

Saka ko narealize na nakatingin silang lahat sa amin. Bigla naman akong natabunan ng hiya. Shet! Kasi naman ‘tong Darryl na ‘to eh! Kung anu-anong pinapauso! 

“Sorry. Ganito talaga kami magmahalan.”

Yikes! Ano bang pinagsasabi ng freak na ‘to?! Baliw! Kinilabutan ako sa sinabi niya.

Si Jess naman binigyan ako ng isang nakakalokong look. Mang-aasar na naman yan mamaya! Shemay naman oh! Una si Alice, tapos ngayon naman si Jess. Patay na talaga ako mamaya! Napatingin naman ako kay Patrick, tapos nakita kong magkatinginan si Patrick at saka si Darryl. Ay, so titigan ganun?

OMG. Bromance?

Ay erase! Erase! Masyado silang hot at handsome para maging bakla. Pero kahit inaalis ko yun sa isip ko eh nag-process na siya ng isang nakakasulasok na image. Ugh. Na-imagine ko silang naghahalikan! Bigla tuloy sumama yung tiyan ko.

“Uy bebe girl, ayos ka lang?” naduduwal kasi ako. Shet naman kasi na imagination ‘to! Tama na!

“Oh my gosh! Nagsubuan lang kayo buntis ka na kaagad?!” nagulat naman ako sa sinabi ni Jess.

“Gaga ka!” then tumayo ako at hinabol ko siya. Kaso ampusa! Ang bilis tumakbo!

Nung bandang 5 pm na, pumunta kaming lahat sa swimming pool. Hindi ko na kasi nahanap si Jess kanina kaya sumuko na rin ako. Pagdating ko sa kwarto, aba ang loka, naka-bathing suit na pala! So ayun, nagkayayaan na sa swimming pool nila. Nagpalit na rin ako kaso nahiya naman ako sa katawan ko kaya nagsuot ako ng robe.

Pagdating ko doon sa pool, napanganga nalang ako. Ang hot nilang lahat! Grabe ha? Mga artist ata ‘tong mga kasama ko! Nakabikini kasi kaming mga girls, tapos topless yung mga guys. Ako na nga lang naka-robe eh. Kakahiya kasi. Pero hindi rin ako makatingin ng maayos sa guys kasi hindi naman ako sanay makakita ng nakahubad na lalaki na maganda ang katawan! Ang taba kaya ng tiyan ni daddy! Kaya hindi ako sanay. Nakakahiya silang tignan!

“Hoy Steff tanggalin mo na nga yan! Ang sexy sexy mo tapos nahihiya ka sa katawan mo!”

“Hey, you know you’re the sexiest here! Oh c’mon, show us your beautiful body!”

Ano bang topak ni Jess at Yna?! Shemay sinigaw pa nila! Tapos eto namang iba nakigatong rin! Nagchicheer na rin silang tanggalin yung robe ko! Ihulog ko silang lahat sa pool eh!

“Dali na! Pa-suspense pa eh!” Anak ng tipaklong ‘tong si Alice! Errr!

“Fine! Fine! Tumalikod kayo!”

“Hala? Ano kaya yun? Dali na kasi! Sige ka, ako magtatanggal niyan!” then biglang lumapit sa akin si Alice. Napaatras naman ako dahil alam kong may gagawin siyang di kanais-nais.

“Oo na! Eto na!” ugh. Kainis. Bakit ba kasi ako ang naging center of attention dito? Tss. Dahil wala naman akong magagawa, sinunod ko rin sila. Tinanggal ko na yung robe ko.


***