.

.

Chapter 42

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

“Whoa! You’re so hot Steff! OMG!”
“Ayun oh! Model na model!”
“Witwew! Sexy mo girl!”

“Che! Baliw kayo!”

Tinanggal ko yung robe ko kaso parang ewan yung mga kasama ko. Kung makapang-asar eh! May pa-sipol sipol pa si Jess, kaso fail naman. Sus, eh magkakasingkatawan lang naman kami!

Syempre after kong magtanggal ng robe, lumusong agad ako sa pool. Duh? Ayoko namang i-expose ang body ko sa harap nila no. Kakahiya kaya!

“WAHAHAHAHAHAHAHAHA! AHAHAHAHA! WUHOOO! AHAHA!”

Nagulat naman kami nung biglang tumawa si Jess at halos maglumpasay na doon sa pool. Grabe, para siyang nasisiraan ng bait! Naiiyak-iyak pa siya with matching hampas pa sa sahig. Okay. Anong nangyayari sa kanya?

“Oi Jess, tapos ka na?” tanong sa kanya ni Alice habang papalusong na rin siya sa pool.

“Ahaha..haha..ahaha. O.okay na ako. Haha.. haha..!!! Shet! Omaygad! Hahahaha!”

Eh kung ilublob ko kaya siya sa pool nang bumalik sa katinuan? Anong nangyayari sa babaeng ‘to?
Ang lakas na naman ng topak! 

“Eh kasi si Darryl eh!
Wuhoo! Winner ka! AHAHAHAHA!” sabay hampas niya ulit sa sahig. Huh? Ano daw? Ano namang meron kay freak?

“Eh anong meron kay Darryl?” buti nalang si Alice na ang nagtanong. Nahiya akong itanong eh. Baka sabihin pa nila interesado akong malaman.

“HAHAHA! Oi Steff, di ka pa ba tunaw dyan? Tignan mo nga buong katawan mo! Baka may natunaw! Check mo dali!”

Ako naman si uto-uto, tinignan ko rin yung katawan ko. Tapos nagtawanan na din silang lahat. Psh. Si Darryl nakatingin lang dun sa kabilang side at di umiimik.

“Huh?” ano bang meron?

“Hay naku! Ang slow mo talaga!
Kainis! Hahaha! Eh kasi po! OMG hahaha! Nakatitig lang siya sa’yo kanina pa! Namatay ata nung nakita ang kabuuan mo! Bwahaha! Ikaw na girl!”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun eh lalo akong lumubog sa tubig. Aaahhh nakakainis! Bakit ba lagi nila akong pinagtitripan?! Huhuhu. Nakakahiya! Napatingin naman ako sa side ni Darryl at nakatingin pa rin siya doon sa may gilid. Gagi kasi ‘to si Jess eh! Kung anu-anong pinagsasabi! 

“Ewan ko sa’yo Jessica!”

Tss, nakakahiya talaga. Ano ba yan. Gusto ko na ulit isuot yung robe ko kaso kinuha nila! Huhu. Ayoko namang umahon dito sa pool dahil nga pagpipyestahan na naman ako ng mga loko kong kaibigan. Tss, pinagkaisahan talaga ako ng mga yun!

After ilang minutes eh nagsitalunan na rin silang lahat sa pool.

“Yo.”
“Oy, ikaw pala Patrick.”

Ayun. Tinry ko namang wag ma-awkward. Di ko nalang iniisip yung kung ano man yung sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit sa kanya eh awkward ako samantalang kay Darryl eh hindi. Siguro dahil alam kong loko-loko lang yung kay Darryl. Oh well. Nag-usap kaming dalawa dun sa may gilid ng pool. Ang kulit nya nga din eh, daming kwento sa buhay. Haha!

“Oh? Haha, adik! Eh anong ginawa mo sa kanya?”
“I punched him. Ang kulit--”
“Can I join you, guys?”

Nagulat naman ako nung biglang may sumulpot sa gitna namin. Kabute talaga! Akala ko may sadako na rin sa tubig eh! Dahan-dahan pa talaga yung pag-ahon! Walang hiyang lalaki ‘to!

“Bakit dude? May kailang--”
“Well, I need her. Would you mind if I’ll take her away from you?”

Tapos bigla niya akong hinatak. Hala! Bastos talaga ‘to! Kinakausap ko pa nga si Patrick eh! Kawawa naman yun, naiwan dun sa gilid. Lakas kasi manghatak ni freak eh! And guess what, dinala niya ako dun sa kabilang dulo ng pool! Grabe ha? Ayaw naman nyang maglakbay no?

“So, anong kailangan mo sa akin, aber?” saka pa ako nagpamewang kahit di naman kita sa tubig.

“Ahon ka. Tapos i-massage mo ako.” Aba? At may pataas-taas pa siya ng kilay, ha? At ano siya sinuswerte?! Mukha ba akong masahista?

“Ayoko nga!
Sa iba ka nalang magpa--”

“Please?”

Ayan na naman. Titigan moment. Shocks. Bakit ba hindi ko maiwas yung tingin ko kapag ganito? Takte lang! At ayan na naman yung dugdugdug! Nabubwisit na talaga ako dun ha!

“F..fine!” maski ako nabigla sa nasabi ko.
What the? Nahypnotize ba ako at pumayag ako? Anong nangyari?

“Yes!”

Wala naman akong nagawa. Umahon ako sa pool tapos may towel pala dun sa tabi. Ayun, pinulupot ko muna sa katawan ko then umupo na ako.
Si Darryl nasa pool pa rin pero nakasandal sa paa ko na nakakababad sa tubig.

“Game na. Massage me.” Tss. Makapag-utos ah?

“Oo na!”

Eh dahil wala naman akong alam sa pagmamasahe, di ko alam kung ano bang pinaggagawa ko. Basta pinisil-pisil ko yung balikat niya. Yun na yun! Masahe na yun!

“Ano ba yan bebe girl, masahe ba yan?”

“Ay sorry naman ha! Di ako marunong eh!” eh sa hindi ako marunong eh! May magagawa ba siya?!

“Sige tama na yan. Wala namang nangyari sa masahe mo eh.” Okay. So kailangan harap-harapang sinasabi sa akin? Ay joke, nakatalikod pala siya sakin. Shet. Ang corny ko na. Sabi na nga ba nahahawaan na niya ako ng traits niya eh.

“Tss, bakit kasi sa akin ka pa nagpamasahe? Eh andami-dami dyang marunong oh! Tsupi! Dun ka sa kanila magpamasahe. Sumakit lang kamay ko sa’yo eh!” Masakit talaga sa kamay, promise! Eh pano ang laki kaya ng balikat ng mga guys! Aba malamang mangangawit kamay ko nyan!

“Syempre, ikaw naman dahilan kung bakit masakit balikat ko.” Then bigla siyang tumingala at nag-grin sa akin. Ano raw? Ano na namang kasalanan ko sa kanya?

“Makasisi ka naman! Wala akong ginagawa sa’yo ha!”

“Let me rephrase that. Ikaw pala magiging dahilan pag sumakit yung mga balikat ko.. ngayon.”

Ha? Ano daw? Ang labo.

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung dalawang binti ko at nilagay sa bandang balikat niya.

“HOY ANO BA DARRYL!”

Kaso mas nagulat ako nung.. nung.. bigla niya akong hinila! Lechugas! Buti hindi ako nauntog doon sa semento nung pagkahila niya! Siraulo ‘to! Kinabahan ako dun ha!

“Game guys! Let’s play a game! Game na kami ni bebe girl.”

“HOY WALANGHIYA KA DARRYL IBABA MO KO!!”

Waaah! Lumalakad siya! Ano ba yaaaaaan! Nakasakay ako ngayon sa balikat niya! Takte naman oh! Lakas mangtrip! At anong game game?!

“Ui mukhang masaya yan ah! Game! Gusto ko rin!”

Nakita ko namang pinilit ni Jess si Patrick na isakay rin siya at ngayon eh nasa harapan na namin sila.

“Ano ba ‘to?! Ayoko! Bababa na ko!”

“Ang KJ mo naman Steff eh! Andito na nga ako oh! Sige na, laban tayo!”

Dahil mapilit si Jess at mukhang di ako makakawala sa freak na ‘to, FINE! Pagbigyan! Sila Yna nagchicheer pa, asus! Eh alam ko namang matatalo ako kay Jess eh! Amasona ata ‘tong babaeng ‘to! Ang lakas! Di ko matulak!

“Kaya mo yan bebe girl! Wag kang papatalo!” Ang loko!
Nagcheer pa! Di nalang ayusin yung pagbuhat sa akin!

“Wag ka magsalita! Pag ako nalaglag ha!”

“Don’t worry!
Di kita hahayaang malaglag. I’ll protect you from here.”

*SPLASH!*

“Yahoooo! Team Jess wins!”

“Hey, okay ka pa ba dyan?”
“O..Oo.”

Hawak pa rin ni Darryl yung mga binti ko pero nakahiga na ako sa tubig. I mean, nakalutang pala. Ewan ko. Bigla nalang akong napatigil kanina sa pagtulak kay Jess. Peste naman kasi! Kung anu-anong pinagsasabi ng Darryl na ‘to! Nawala tuloy ako sa focus. Psh. Tapos mukhang tinopak na naman ‘tong freak na ‘to, kinaladkad ako! Pwe! Napasukan tuloy ng tubig yung tenga ko!

Almost 2 hours kaming nasa pool. Basta kung anu-ano lang nga ginawa namin. Para kaming mga bata, pero super enjoy! Dahil nga dinner time na, eh umahon na silang lahat. Syempre, ayoko pang umahon. Ang lamig kasi eh! Pinakuha ko muna kay Yna yung towel ko sa loob. Yung iba eh nasa garden dahil nagbarbeque yung mga kasambahay.

Kaya ayun. Ako lang tuloy mag-isa sa pool ngayon.  Dahil nga malakas na yung hangin, naisipan kong umahon na kaysa hintayin ko pa yung towel ko. Tagal ni Yna eh! Paahon na sana ako kaya lang..

Urrmmpffff! Ugh! H..help!


***