.

.

Chapter 44

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

Okay, nakatulala lang ako dito. Five minutes na ang nakakalipas. At bakit parang uminit ata dito sa room? Kagagaling ko lang sa tubig ah? Bilis naman magbago ng body temperature ko! What’s happening?!

Ahh.

I therefore conclude, napasukan ng tubig ang ulo ko. Takte. Nababaliw na ata ako! Peste naman kasi yung freak na yun eh! Bigla ba namang pumasok sa kwarto ko?! Ni wala man lang katok-katok? Tapos ano daw sabi niya?

Please. Don’t do that again. You scared me to death.

Whooooh! Hangin! Hangin! Pumunta nalang ako doon sa veranda at nagpahangin. Lechugas. 

Okay, ang nangyari kasi eh nung paahon na nga ako, bigla akong pinulikat. As in super pulikat talaga. Namimilipit na ako sa sakit. Saktong nasa 7ft ako nun. Takte! Lumulubog na ako! Di ko magalaw yung paa ko. Namamanhid na masakit. Tapos maya-maya lang eh nakakalunok na ako ng tubig. Jusko. Feeling ko punung-puno na yung tyan ko nung mga panahong yun! Di na rin ako makahinga nun nang maayos. Ang sakit na rin ng mata ko pati yung ilong ko. Napasukan na lahat ng tubig. Di ako makasigaw since nakalubog na nga ako sa tubig. At ayun, dedo.

Paggising ko, nakahiga na ako sa may sahig at pinagkukumpulan na nila ako.

Pero stiff pa rin ako ngayon dahil niyakap ako ni Darryl. Ano ba yun? Anong nangyayari sakin? Dapat talaga magpa-check up na ako eh. Ang weird ko na these past few weeks. Feeling ko talaga may abnormality sa katawan ko ngayon eh.

"Hoy babae! Tulala ka dyan?"

Napatingin ako sa may pintuan. Si Alice lang pala. Oy! Di ako nag-eexpect ng kung sino ha! At hindi rin ako defensive! Tss.

"Masama bang tumulala?"

"Asus! Eh di ba galing dito si Darryl? Ikaw ha! Umamin ka nga! Napapraning na ako sa inyong dalawa eh!"

"Haaaa? Oh ano naman kung galing sya dito? Nang-asar lang yun."

"Nang-asar? Weh? Teka nga, nag-thank you ka na ba sa kanya?"

"Y..yeah."

"OMG bakit ka namumula? Hahahaha! Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?"

“Ewan ko sa’yo Alice.”

Bigla naman siyang pumwesto sa harap ko. At talagang nagpamewang pa siya with nakakalokong tingin at ngiti.

"Ibang klase kasi! Kasing bilis ni Flash kung umariba eh! Second kiss yun tsang! Wahaha! Nababaliw na ako! Dapat pala pinicturan ko! Kaso nakakahiya naman, nag-aagawbuhay ka na tapos ako kinikilig pa sa inyong dalawa. Nahiya naman akong magpicture. Haaay, sayang walang solid evidence."

“Walanghiya ka! Inuna mo pa yang kalandian mo kesa sa buhay ko!”

“Hahaha! Whatever Steff. Pero ha, nag-iba ang tingin ko sa kanya. Akala ko ba toy ka lang niya? Eh parang prinsesa ka na kung ituring eh.”

“Asa naman! Tumigil ka na nga dyan.” 

Matapos ang pagkukwento at pang-aasar niya na may halo pang malisya eh bumaba na kami. Pagdating namin doon, nanonood silang lahat. Umaga na ah? 2:00AM na kaya. So bampira mode sila ganun? Makikinuod na rin sana ako kaso.. shet naman. Horror yung pinapanood nila! Kainis!

Pumunta nalang akong kusina para dun nalang tumambay. Lahat sila nanonood dun. Oh sige sila na matapang! Hmp! Paranormal Activity ata yun? Ewan. Nandun rin si Venice. Sus! Nagtatapang-tapangan pa ang babaita! Pustahan yan ang unang sisigaw mamaya! 

Kumuha nalang ako ng chips. Nakaramdam ako ng gutom eh. Di pa pala ako kumakain. Haaay, wala man lang strawberries?! Kainis. Naubos ko na ata kahapon lahat ng chocolates.

"Steff?" Lumingon naman ako. Oh. Siya pala.

"Oh Patrick? Bakit?" sabay upo ko dun sa upuan sa dining area. Tapos umupo rin siya sa tabi ko.

"Uhmm ano kasi eh.. Damn! This is not the right time." ano ba yun? Bakit sya bumubulong? Ayaw iparinig sakin?

"Ha? Anong sabi mo?"

"Uhh, gusto ko lang ng assurance."

Ano daw? Insurance? Bakit? Mamamatay na siya? Bakit ba parang ang bingi ko na rin? Epekto rin kaya ng tubig sa pool?

"Can I court you?”

Automatic na nabuga ko yung kinakain kong chips pagkasabing-pagkasabi niya nun. Ack. Nabilaukan ako! 


***