.

.

Chapter 45

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

*kriiiing kriiinnggg* 

Pinatay ko yung alarm clock. Ugh. Ingay. Tsk. Anong oras na ba?10:00 palang! Kainis naman! Sino bang nag-alarm neto? Eh halos 5 AM na kami natulog lahat eh! Ugh. Pinikit ko nalang ulit yung mata ko.

5 minutes.
10 minutes.
15 minutes.

Hindi na ako makatulog.

Tumayo na ako. Kainis. Wala na. Sinarhan na ako ng pinto sa dreamland. Yung lechugas na alarm clock kasi eh! Tapos bakit ako lang yung nagising? Samantalang lahat nung babae na kasama ko sa isang kwarto eh ni hindi man lang natinag. Tulog mantika ba sila?

Naglakad nalang ako dun sa likod ng rest house. Dito sa dinaanan namin dati ni Tricia nung nagkwento siya. Speaking of Tricia, bakit ba parang ang tamlay niya kahapon pa? Ano kayang problema nun? Tsaka wala sya kanina sa kwarto ah? Maagang nagising? San kaya yun ngayon? Teka ang dami kong tanong, di ko naman masasagot. Naglakad nalang rin ako. Exercise na rin ‘to. Hay. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi, I mean, kanina pala.

Can I court you?"

Nabuga ko yung chips. Buti gumilid ako at di siya yung natarget. Sabi ko na nga ba eh. Bingi na talaga ako. Ang dami kong defects sa katawan. Mamamatay na ata ako.

"Ha? A..anong sabi mo ulit?" Baka talaga mali lang ako ng rinig eh.

"Sabi ko, pwede bang manligaw?"

"Ahh ano kasi eh.. diba ano, si Darryl. Haha." Okay. Hindi ko alam kung bakit siya napasok sa usapan, pero magandang reason na rin yun para i-turn down siya. Ugh. Bakit ba ganito? Hindi naman ako nahihirapang mag-turn down dati ah?

"Di ba hindi mo naman talaga siya boyfriend?"

“Huh? W..what are you--”

Steff, I know the truth. Di ba nga nadulas ka pa dati at nasabi mong joke lang yun lahat? Besides, halata naman kasing hindi kayo. I mean, sa campus lang kayo sweet at pag maraming tao."

Shet. Stalker ba siya? Bakit andami niyang alam?! Buking na pala ako. Este kami pala.

"So, pwede bang manligaw? Please?" 

Halaaaa! Anong sasabihin ko? Takte! Kelangan ko ng tulong ni superman!

"Uhm, Patrick, I'm not sure. S..sorry. Can you wait... for my answer?" Great escape ito! Di ko talaga alam gagawin ko.

"Sure. I'll be waiting. I'm hoping for a yes Steff. Thanks talaga. Salamat."

Okay. Safe na ba ako? Okay na yun? Phew.

Pero infairness, ang gwapo talaga ni Patrick, with sparkling shimmering eyes. Takte, pero nababaliw na ako dahil sa kanya. Anong gagawin ko? Napagdesisyunan kong magdesisyon within one week. Gosh. Ang bakasyon ko eh mas lalo akong binibigyan ng stress. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip!

Naglakad-lakad lang ako. Kahit medyo tanghali na eh malilim pa rin naman. Sa dami ba naman ng puno eh. Sarap talagang tumira dito. Nakakarelax sa utak. Ang sarap ring mag-internalize. Nilabas ko yung ipod ko. Tapos nakinig na rin ako ng music para mas nakakarelax. Naupo muna ako dun sa ugat nung puno.

Habang namimili ako ng song na ipplay ay nakarinig ako ng ingay. So dahil tsismosa ako, lumapit ako dun sa narinig ko. Nagtago ako sa may likod ng puno. 

"Hey mag-usap tayo. Please?" teka parang kilala ko yung boses na yun ah?

"Wala na tayong pag-uusapan, okay? Na-explain ko na sa'yo so tapos na yun. Kaya please, let go of me."

Napatingin ako dun sa likod ng puno.

Ma.. Ma.. Magkayakap sila.

*Ouch*


***