.

.

Chapter 46

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

*Ouch*

Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa nagasgas ako sa bark ng puno nung sumilip ako o sa iba pang dahilan. Ang sakit! Basta nakaramdam ako ng sakit. Baka nga dahil dito sa gasgas. Hahaha. Baka yun nga. Haha. Pero feeling ko hindi. Tsk. Ano bang nangyayari sa akin?

Napabalik ako sa pagkakasandal sa puno. Pero what the. Bakit sila magkayakap? Anong meron?

"Darryl, ano ba?! C'mon, just accept the truth!" nanginginig pa yung boses ni Tricia, paraang paiyak na.

"Fine. But in one condition..."

Tapos wala na ulit akong narinig. At kahit gusto kong marinig dahil naiintriga ako, eh ayaw ko ring mapakinggan yung sasabihin niya. Gets niyo? Ang gulo ko no? Sinaksak ko nalang ulit yung earphones sa tenga ko at hinintay ko nalang na mawala sila. After ilang minutes at nung medyo tahimik na, sumilip ulit ako. And, poof. Wala na nga sila. Napasandal nalang ulit ako sa puno. Then pumikit at nag-relax saglit.

Gosh. Bakit ba biglang bumigat yung pakiramdam ko? Takte. Nakakainis. 

Napapikit nalang ulit ako. Nag-internalize at nag-meditate. Naalala ko lahat ng nangyari. Inanalyze ko rin yung behavior ko these past few weeks. Then nag-dugdugdug na naman yung puso ko. Sabi na nga ba eh. Ito talaga yun.

Yeah. Ngayon alam ko na.

May abnormal nga talaga sa katawan ko. And I think, that’s my.. err, heart. I think so? Lagi kasing nagbabago ng speed at intensity ng pagtibok kapag kasama ko siya. Kapag naiisip ko kung ano ‘tong feeling na ‘to, nirerefute agad ng utak ko kung ano man yun. Pero this time, after kong makita yun, I’m sure of it.

May gusto ako sa kanya.

Bakit ba ngayon ko lang natanggap yun sa sarili ko? Tss, eh malay ko ba kung gusto ko na nga ba talaga siya? Di pa naman ako sure dati eh. But that time when I saw him hugging her, there's something na di ko ma-explain. Halu-halo eh.

Una, naiinis ako.
Pangalawa, OUCH.
Pangatlo, parang nakakapanghina.
Pang-apat, OUCH.
Panglima, nagliliquify ata yung gilid ng mata ko.
Pang-anim, isang malaking OUCH.

Nakakairita. 

Tsk. Eh ano naman kung may gusto ako sa kanya? Sus! Like lang naman eh! Lilipas din yan! Mawawala din 'to. Di ba? Di ba? Hindi pa naman ‘to love. I know na hindi pa ‘to sa ganung stage. Nakakainis kasi eh. Di ako expert sa ganito! Ayaw ko ng ganito!  Okay. Steff, pigilan na ang pag-like sa kanya okay? Para wala ng OUCH feeling. Tsaka, like lang naman eh. Mababaw pa yun, right? Siguro comparable ‘to sa puppy love? Ewan.

Naglakad na ulit ako pabalik ng bahay. Gusto ko ulit matulog. Gusto ko itulog 'to. Badtrip pa rin pala pag naaalala ko yun. Bakit ko nga ba inaalala yun?

"Hey Steff, where did you go?" si Yna pala gising na.

"Sa labas." then pumasok na ako sa kwarto namin. Wala talaga ako sa mood. Tss, ang aga ko kasing nagising eh.

Itutulog ko na lang talaga ‘to.

***

"May problema 'to for sure."
"I think so. She's acting weird."
"Oh talaga? Baka meron lang siya."

Tsk. Ang ingay naman. Ano ba yun? Dumilat naman ako para i-check kung ano yung maingay na naririnig ko. Pagdilat ko, napasigaw talaga ako sa sobrang takot. Eh pano ba naman?! Yung pagmumukha nung tatlong ‘to eh halos kadikit na ng mukha ko! Na-shock ako! Akala ko may mali na sa mata ko at nakakakita na ako ng kung anu-ano!

"OA naman, Steff! Di ho kami multo!" pagrereklamo pa sa akin ni Jess. Aba! Sila naman may kasalanan eh!

"Eh pano naman kasi, para niyo na akong ikikiss sa sobrang lapit niyo! Baka magkapalit-palit pa tayo ng mga mukha."

"Oi grabe ka! Tinignan lang namin itsura mo." Sabat naman ni Alice habang umaakyat sa kama ko.

"Eh, bakit?" Tapos nagtinginan silang tatlo. Yung halatang may meaning. Tss. Ayaw pa sabihin eh!

"NOTHING! Hahaha!" then sabay-sabay rin silang nag-exit.

OKAY? What was that? Prank? Baliw na mga best friends ko. Hay naku, pabayaan na nga lang! Uunahin ko muna yung sikmura ko. Nagugutom na naman ako!

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Tapos...

Pumikit ako ulit. Nandun pa rin. Totoo ba 'tong nakikita ko? Strawberries at chocolates na nakaserve sa lamesa? Oh baka nag-iimagine na naman ako? Tinry ko ulit pumikit at pagdilat ko, nandun pa rin sila.

SO TOTOO NGA! OH MY GOD SUGOD STEFF! SUGOD! WALA NANG MUMOG-MUMOG!

Para akong bata na tumakbo sa lamesa. Nagtatalon pa ako dun. Eh kasi naman eh, di ko 'to kayang tanggihan! Umupo ako at inupakan ko muna yung strawberries. Shet, ang sarap talaga! Pwede na akong di kumain ng kanin neto! Gusto ko pa!

"Hahahaha! Ang takaw mo talaga bebe girl! Sabi ko na nga ba kakagat ka sa plano ko eh!"

Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya eh nabulunan ako bigla. Ack! S..shet! Tubig! 

"H..huy! Ano nangyari sayo?" lumapit siya sa akin tapos tinapik-tapik yung likod ko.

"Oh eto tubig. Dahan-dahan kasi sa pagkain." ininom ko naman agad yung tubig. Nung mahimasmasan ako eh huminga ako ng malalim para bumwelo.

"EH BALIW KA PALA EH! PAPATAYIN MO BA AKO? BIGLA-BIGLA KA NALANG SUMUSULPOT SA KUNG SAAN-SAAN TAPOS BIGLANG MAGSASALITA! MALAMANG MAGUGULAT AKO NUN! SAKTO PANG MAY LAMAN YUNG BIBIG KO! MALAMANG RIN MABUBULUNAN AKO! KAINIS!" shocked naman siya sa sinabi ko. Tss. Epal kasi masyado eh. Kumakain yung tao tapos biglang papasok!

"I’m sorry, okay?" ayan na naman yung paawa effect niya. Feeling awkward ako pero ayoko namang mapansin niya na may gusto ako sa kanya.

"Fine! Tsupi na! Kakain pa ako."

Di niya naman ako pinakinggan at tumabi pa sa akin sa pagkain. Tss, naalala ko tuloy yung scene kaninang umaga. Shet. Biglang nagflashback eh. Nakakainis naman oh. Panira ng appetite.

"Steff, " tapos biglang naging sad yung eyes niya. Ewan ko lang ha, pero para kasing nagbago yung mood niya. Then, may binulong siya.

"WHAT?! T..totoo ba yan?!” Oh my gosh. No way.


***